Chapter Seven Part 2

1397 Words
Chapter 7 Part 2 ** Maaga akong gumising kinabukasan. Hinatiran ako ng almusal. Dulce called me na may makeup artist at stylist daw siyang pinapunta para ayusan ako. Hindi nga nagtagal ay dumating ang mga tinutukoy niya. Halos hindi ako nakakain. Iniisip ko pa rin iyong nangyari kagabi sa restaurant. Ang saya na naramdaman ko ay natabunan nang sanggain iyon ni Dylan. I even felt the guilt and anxiousness when I remember Red’s face. Handa niya akong ipagtanggol sa totoo niyang pinsan. “Hayan. Ma’am Ruth! Ow gosh, iilan lang ang ginamit ko sa ‘yo pero super pretty mo na!” Napangiti ako sa sinabi ni Lilibeth. Tumayo ako at sinipat ang sarili sa malaking salamin. Bahagyang mababa ang harapan. At dahil na rin siguro sa shape kaya lumabas ng kaunti ang cleavage ko. Hindi naman malaswa tingnan kundi kaayusan lang. And it’s a private event too. Nang matapos kami ay naghihintay na rin ang butler sa labas. Siya na ang nag-drive ng golf cart papunta sa wedding hall. Habang nakasakay sa cart ay nilingon ko ang katabing villa. Ito raw ang kay Dylan. Himala at hindi ko yata halos naramdaman ang kadiliman sa villa ko. Lasing kaya siya kagabi? Pinagkibit-balikat ko na lang. I was a bit surprised when I finally saw the wedding place. Invited ang ilang pulitiko at kilalang negosyante sa Pilipinas at Asya. Hindi gaanong karami ang tao pero bigatin naman. Who are the Montevista? “Miss Ruth!” Tinawag ako ng wedding organizer at pinapila sa aking pwesto. Naroon na si Leonard. Nakaitim na suit at ngiti sa akin. “Hi,” “Hi.” Bati ko. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang daddy at mommy. Nakita ko silang busy sa pakikipag-usap sa mga bisita. “Hi, I’m Leonard Montevista.” He offered his hand. I smiled, “Ruth.” “Ruth Kamila Hilario, right?” I nodded. “Yes. How did you . . .” He boyishly smirked. “Nakasulat sa invitation card.” “Ahh,” Oo nga naman. We didn’t talk much dahil nagsimula na rin ang seremonya. Maghiwalay din kami ng pew. Ate Deanne walked down the aisle calmly. With her parents beside her until Kuya Yale got her hand and walked to the altar. She was so beautiful. But I knew in my heart there was something wrong too. Gayunpaman ay nairaos ang kasal. I just didn’t know what went wrong. Dahil ang buong atensyon at mga mata naman ni Kuya Yale ay palaging nasa kapareha. Kay Ate kaya ang may mali? Bagay na bagay din silang dalawa. They were in love. Mas mahaba ang oras sa reception. Siguro dahil solo namin ang isla kaya sobrang masaya rin at nag-e-enjoy ang mga bisita. Pabilog ang mga mesa na sampung upuan. Nakikisama rin ang langit. Hindi masyadong mainit at hindi rin maulan. Ilang sandali pa ay nagsimula ang mas maingay na kasiyahan. Nakita kong may inihahandang stage at mga instrumento. Napalingon kaming lahat doon nang may magsalita sa microphone. I gasped. Si Kuya Grey! “Good evening, everyone,” Napaawang ang labi ko. Natahimik ang lahat dahil sa agaw-atensyong iyon. It was Kuya Grey and his band! Mangha kong tiningnan si Ate Deanne. Like me, she was shocked to see him too. Si Kuya Yale naman ay walang reaksyon. Nagsalin pa ito ng alak sa iniinom na baso. What? “We’d like to greet . . . the n-newlyweds! Mr and Mrs . . . Yale Montevista,” gumagaralgal pa ang boses niya at halatang hindi galing sa puso ang pagbati. Kuya Grey was wearing an all black outfit. May stubble ang panga. Magulo ang buhok na tila nakalimutang may suklay naman sa mundo. Napalunok ako ng wala sa oras. Ang mga katabi kong sina Dulce at Yandrei ay namimilog ang mga matang nilingon ako. “Oh. My. Golly.” Napatakip ng bibig si Dulce. “Kuya Grey is here. And he’s going to sing to-to Ate Deanne’s wedding day!” “Oh, no. Look at Kuya Yale, parang dumidilim ang mukha,” Tiningnan ko iyon. Yandrei was right. Nilapitan pa ni Rock ang kapatid pero hindi ito pinansin. I could see na parang may sinasabi si Rock at ang pagpayag lang ni Kuya Yale ang hinihintay nito. “Sinong kumuha sa kanila? Pumayag talaga si Kuya Grey dito?” tanong ko. Pati ako ay kinakabahan din. Yandrei looked at me. “I don’t know, Ate. Hindi rin naman sinabi ni Ate Dawn sa amin,” Tumango ako. Si Ate Dawn ay ang bestfriend ni Ate Deanne. “This song is for you,” Kuya Grey started to strum his own guitar. I saw him looked at her. Isang tingin ng taong nangungulila. Shit. Unang haplos pa lang ng kanyang guitara’y malakas nang napasinghap sina Dulce at Yandrei. They knew the song. Pamilyar din sa akin. Nang magsimula na siyang kumanta ay parang namatanda rin ang dalawa habang nanonood. Kuya Grey has a raspy and cool voice. Iyong bihirang sumabit sa pagkanta at pangharana ang boses. Marami ngang kinikilig dito na palagi ring kwento sa amin ni Ate Deanne. “Ginawa ko naman ang lahat. Bakit bigla na lang naghanap . . .” May isang tumili sa katabi naming mesa. “That’s “Magbalik” ng Calallily! It’s not a wedding song!” Pinakinggan ko nga ang lyrics ng kanta. Habang tumatagal nga ay tumatayo na ang mga balahibo ko sa braso. Ang lahat ay parang na-mesmerize sa boses niya at natutong makinig sa tugtog at lyrics ng kanta. “Ang dating walang hanggan, nagkaroon ng katapusan . . .” I bit my lower lip. Kuya Grey was heartbroken! It shown from his raspy voice. His face was impassive. Hindi na siya tumitingin sa mag-asawa pero nababakas ang sakit sa pagkanta niya. “Sino kaya ang kumuha sa kanya rito? This is an exclusive island, ‘di ba?” “Matagal na naging boyfriend ‘yan ni Deanne. Pero syempre, she’s a de Silva,” “And so?” “Ordinaryong tao lang si Grey. Pagbabanda lang din ang alam. Kaya, langgam lang siya kumpara kay Yale Montevista,” “Siguro mas nauna rin ‘yan kay Deanne, ‘no?” Matalim kong nilingon ang katabing mesa. Tumawa ang isa. Hindi ba nila alam na bulgar sila kung mag-usap? “Malamang! Sa tagal nila, malamang na nalaspag na niya ang de Silva na ‘yan! Duh? Kumbaga, tira-tira na lang ang kay Yale. Kawawa nga siya, e. Nadaan sa negosyo ang pag-aasawa!” Inabot ko ang baso ng tubig ko at tumayo. Dumaan ako sa harap ng mesa nila at nagkunwaring natisod at nabuhos sa kanilang tatlo ang laman ng baso ko. “Oops! Sorry?” maarte kong sabi at dere-deretso akong pumunta ng banyo. Hindi naman sila nakapagsalita at mangha lang akong tiningnan. Kung tutuusin ay kulang pa nga iyong laman na tubig. Dapat isang balde ang dinala ko para ibuhos sa mga mukha nila! “Ang kakapal ng mukhang magtsismisan! Akala mo ay hindi nila kaibigan si Ate Deanne!” himutok ko pagkapasok ng banyo. I went to one of the cubicle. Dito ay dinig na dinig ko pa rin ang swabeng boses ni Kuya Grey. “Pag-ibig ‘di matatapos . . .” Umihi ako. Pagkatapos ko roon ay binuksan ko ang pinto. Natigilan ako at nagulat nang makita sa labas si Dylan! “A-anong ginagawa mo rito?!” sumbat na patanong ko. Tinulak ko ang pinto ng cubicle. Pero imbes na makalabas ay tinulak niya ako papasok at sabay pasok niya rin sa loob! “Anong-“ He put his finger on my lips. “Sssh. May papasok,” bulong niya sa akin. Tumahimik ako. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagdating ng mga babae. “Bwisit na babae ‘yon! Aanga-anga!” “I know her,” Dylan looked at me. Lumapit. Kaya tinapat ko ang mga palad sa dibdib niya para itulak ito palayo sa akin. Pero hinuli niya ang mga kamay ko at binaba. He tilted his head. Mas nilapit pa ang mukha sa akin na tila nang-iinis pa. Dikit na dikit na ako sa pader at halos hirap huminga. He bit his lower lip. Hindi ako makapagsalita sa takot na mahuli kami rito. Sinasamantala naman ni Dylan. He then landed his lips on my lips! *** “Puso mo’y ingatan.” – Mga Kawikaan 4:23
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD