Chapter Twelve

3352 Words
"Pride leads to destruction, and arrogance to downfall." -- Proverbs 16:18 ** Chapter 12 Ruth Pinatay ko ang gripo at piniga ang bimpo. Tinungkod ko ang kamay sa gilid ng lababo at nanginginig ang kamay na dinampi iyon sa sugat sa labi ko. Dinaluhan ako ni Geneva pagkaalis ni Papa. Tinulungan niya rin akong ayusin ang ilang kagamitang nagulo. Pero alam ko ring nanginginig pa rin ito sa takot. Kilala ko ang sarili at katawan ko. I could still function even with these bruises. But I will never back down by his words. Even when he left the mark of his palm on my cheek. Even when he cursed me. Even when he looked at me with despise. I could tell, he could still see me with the face of my own mother. He could think worse of her then, but I can still conclude that he wasn’t good for her all along. Kung hindi niya nagawang ayusin ang sariling buhay at asawa, malamang na hindi niya rin kayang mamalakad ng mga pinamana sa kanya. There was something wrong with him. He needed help. But he also needed to help himself. “Upo ka rito, Ruth. G-gamutin natin ang sugat mo,” nanginginig pa ring salita ni Geneva. I looked back at her. Nasa mga kamay na niya ang maliit na plastic at gamot sa sugat. Nakita niya marahil sa cabinet ko. Siguro ay nahihiya ito at nagi-guilty sa nangyari. Pero wala siyang kasalanan. Kumuha ako ng baso at naglabas ng pitsel ng tubig. Uminom ako at saka naupo. Bumuntong hininga ako. “Dito na kayo magpalipas na mag-iina. Lasing pa si Papa at baka kung ano ang gawin sa inyo kapag bumalik kayo ro’n sa kanya,” mahinahon akong nagsalita. Ayokong makaramdam ito ng konsensya na alam kong pinipigilan lang niyang ipakita sa akin. Kumurot ito ng bulak at dinampi-dampi ang nguso ng gamot doon. She looked at my wound and tended it. “Talagang hindi na kami babalik sa kanya. Pagkatapos ng pambabastos na ginawa niya at pananakit sa ‘yo.” Pinagmasdan ko ang may pasa sa kanyang pisngi. I sighed. “Mas malala ang sa ‘yo, Geneva.” Kinuha ko sa kanya ang bulak at binaba. Tiningala ko siya. “Hindi mo isusumbong sa barangay o sa pulis?” Bumagsak ang mga balikat niya. Napaupo. “Lasing lang siya ngayon, Ruth. Pero kapag nakatulog na ‘yon at nahimasmasan, babalik na naman sa paglalambing at tila walang nangyari ngayong gabi. Ganoon ang ugali ng Papa mo. Parang nagiging demonyo kapag nakakainom o kapag walang pera.” “Paulit-ulit niya na ‘yang ginagawa sa ‘yo. Hindi ka ba nagsasawa?” Her lips curled. Trembled. Bumalong ulit ang luha sa mga mata niya. “Kahit naman kasi papaano ay naaabutan din niya ako ng panggastos. Kapag nakabyahe at malaki ang kita niya, nakakaranas din naman kami ng ginhawa.” agad niyang pinunasan ang gilid ng mata. Ang dalawang bata ay nasa taas pa rin. “H’wag mong hayaang gawin ka niyang punching bag at parausan lang, Geneva. Alalahanin mong may dalawa ka pang anak. Nato-trauma rin sila. Gusto mo bang kalakhan nila ang tulad ni Papa?” “Hindi kami katulad mo, Ruth. Ikaw, malakas ka at lumaking may kaya. Kaya mong magtrabaho. Kaya mong mag-aral at mabuhay mag-isa. Mahihirapan na akong magsimula ulit.” “Tutulungan kita. Ilalapit kita sa mga kakilala ko. Para sa mga bata na rin,” “H’wag na, Ruth. Ang laki-laki ng kasalanan ko sa ‘yo noon.” “Nakalimutan ko na ‘yon, Geneva. Hihingi ako ng tulong sa inyong mag-iina. Sigurado akong babalikan tayo ni Papa rito. Dahil alam niyang dito lang kayo pwede tumakbo,” Namilog ang mga mata niya. “Paano, Ruth? Ilalapit mo kami sa gobyerno? Ayoko. Makakaisip pa naman ako ng ibang paraan.” I looked at her with anger and sympathy. Pero kahit papaano ay naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya. At her age, kanino pa ba siya makakahingi ng tulong? Kung tulad niyang isang kahid, isang tuka rin ang iba pa niyang pamilya. Natatakot siya. Kinakabahan. At maaaring pagsimulan pa ng kanyang problemang mentalidad. Kapag mahina ang isip, pwedeng makapasok ang hindi dapat paunlakan sa isipan. And it wasn’t good for someone like her. Hinawakan ko ang kamay niya. She looked at me with faint face. She was started to get anxious. “Hindi. I can ask my cousins. Though, ayokong magsalita ng tapos. Titingnan ko pa.” “E, sigurado ka ba? Alam mo namang mainit ang dugo sa akin ng mga pinsan mo. Lalo na ‘yung si Red. Kulang na lang ay sapakin ako nang malaman niyang minaltrato kita noon.” Pagod akong pumikit at umiling. “He will understand. I’m sure of it. Mabait ang kapatid kong ‘yon. But for now, dumito na muna kayo. I will call them tomorrow.” Nakita kong gusto pa ring tumutol ni Geneva. Para siyang nahihiya. Nginitian ko na lang siya bago tumayo para tingnan ang mukha ko sa salamin. Pumasok ako sa banyo. I examined my face. May sugat ang ibabang labi ko. Namumula ang pisngi ko. I sighed and stared at myself. I fought back. That matters to me. Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Lumabas ako ng banyo at hinagilap ang phone ko. It appeared my Daddy’s phone number and name. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Sandali akong hindi nakapagsalita. I wanted to ignore the call and just pretend I was already asleep. Lalo na ngayon na katatapos ng komosyon sa apartment. Ni hindi ko pa nga alam kung narinig kami ng mga kapitbahay. But then I cleared my throat and answered. Hindi ko kayang balewalain ang daddy. “D-Dad?” I bit my inner lip when I stammered. “Hi, princess. Did you get home safe?” Napalunok ako. Okay. Hindi ko kailangang mag-panic. Alam kong matinik sa impormasyon ang daddy. But hearing his calm voice, mukhang wala namang nakarating sa kanya ngayon. I cleared my throat. “Uhm, Yes, dad. Hinatid po ako hanggang sa apartment ni Leonard.” I refused to tell him about Dylan’s did towards me. “I see. Hmm, napatawag din ako kasi nalaman ko sa Tito Dale mo na nakita niya kayo sa hotel niya. Am I right? You and Leonard in a hotel, Ruth?” I gasped. Napahawak ako sa dibdib ko. “Yes, dad. Nag-o-OJT po kasi ako sa Bangon.” I faked a chuckle. “Nakita ko po roon si Leonard. He invited me for dinner, dad. It was just a friendly dinner po. Parte rin po pala siya ng company.” He laughed lightly and then he cleared his throat. “Small world, huh? Well, gusto ko lang naman marinig mula sa ‘yo ang chinismis sa ‘kin ni Dale. Nanliligaw na ba?” “No, dad! Hindi po. Magkaibigan lang kami nu’n.” He barked a laughter. Napailing ako at ngisi rin sa huli. “Relax, Ruth. Parang guilty ba ‘yan?” I sighed. “No, dad.” “Uh, okay. No boys muna?” Napakamot ako sa lalamunan ko. Unang pumasok sa utak ko si Dylan. Damn. Pakiramdam ko ay sinusukol ako sa pagkakatayo. I cleared my throat once again and shook my head. “No boys, dad. Isa pa, iba ang priority ko. I’m not into something romance. At least not at the moment.” Hindi naman ako ang lumalapit kay Dylan, ‘di ba? Siya ang namemeste sa akin at sa negosyo ko. Gusto ko na ngang isipin na pinanganak siya para bigyan ako ng challenge sa buhay. Galit na galit siya sa akin dahil nakikinabang ako sa pera ng mga de Silva. Plus, he was probably lusting over me. That meant, wala siyang magandang hatid sa buhay ko. “You don’t have a boyfriend at the moment?” Mabilis akong umiling kahit na parang may bumubulong sa isipan ko. “I don’t have, dad.” Narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni daddy sa phone. “Good, then. You’re still my little princess, Ruth. Maha heartbroken yata ako kapag nalaman kong nag boyfriend ka na. Will you please let me know kung may nakakarelasyon ka na, anak? Don’t surprise me.” I smirked. “Kayo ni mommy ang unang makakaalam kapag meron na, dad. Don’t stress yourself about it. I love you both.” He sighed again. “Thank you, Ruth. You know how much I love you too, princess. Take care.” Sometimes, whenever I was with my adopted parents, I felt sated. Kapag kinukumusta nila ako, ramdam kong naroon pa rin ang pagiging de Silva ko. Na para bang wala sa patak ng dugo ‘yon. Kundi sa puso talaga ang maging parte ng kanilang pamilya. Kaya mahal na mahal ko ang pamilyang de Silva. Lalo na ang parents ko. I never questioned their love for me. Only that I wanted to find who I am. Saan ako galing? Sinu sino ang kamag anakan ko? Pero hindi sa Melaflor side. Kundi kay Denise Hilario. Pinili kong matulog sa baba at taas na sina Geneva. I made sure na naka lock nang mabuti ang pinto sa bahay. Siguro naman, dahil sa lango ‘yon ay walang gagawing masama sa madaling araw si papa. Hindi na niya iisiping balikan kami sa madaling araw. Though, kung oo, nag ready ako ng dos por dos sa ilalim ng upuan. Just in case he went back. First thing in the morning, nag text ako kay kuya Nick. Ako: Good morning, kuya! Just wanna ask, may alam ka bang mapapasukan na trabaho? Para kay Geneva sana. Bumangon ako at tiningala ang taas. Alas seis na ng umaga. Sa tingin ko ay tulog pa rin sina Geneva. Tumayo ako at nag init ng tubig. Kumuha ako ng baso at nilapag sa mesa. Mula sa cabinet ay pumilas ako ng isang pakete ng kape. Binuksan ko iyon at tinaktak sa baso. Pagkabukas ko ng gripo para sana maghilamos ay tumunog ang phone ko. Nilingon ko ‘yon at pinihit ang gripo ulit. Kuya Nick: Good morning! Why texting me? Did you already ask your boyfriend? :P Natigilan ako. Kasabay no’n ay ang malakas na kalabog sa dibdib ko. Buti na lang at mag isa pa ako rito. Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko! Ako: I don’t have a boyfriend, kuya. Gusto ko sanang i-text na sagutin na lang ang tanong ko, kaso parang ang bastos basahin. Kuya Nick: Wala? E, ano kayo ni Dylan? Sabi niya sa akin kagabi kayo na raw. Napatitig na lang ako sa text niya. “He’s so evil.” I whispered. Nagmadali agad ako sa pag type. Hindi na maarok ng utak ko kung anong klaseng dugo mayroon ang Dylan na ‘yan. Ako: That’s not true. He just made it up. Binagsak ko ang phone sa mesa. Tumingala ako at namaywang. I let out the anger out of my nose. Then, I typed a new text. Ako: I just want to ask kung mayroon kang alam na mapapasukang trabaho si Geneva. She needs a job, kuya. Kuya Nick: I just texted him. About work, I’ll look for it. I’ll message you back once makahanap ako. You’re too kind, Ruth. Like Auntie Jahcia. Ako: Thanks, kuya. Binaba ko na ang phone ko. Natapos na ang pinapakulo kong tubig at nagsalin na baso ng kape. Nang maging sapat na ang tubig, binaba ko ang pitsel at hinalu ang kape. I was absentmindedly doing it when my phone rang. Dinampot ko ang phone ko. Mula sa hagdanan ay narinig ko ang mahihinang yabag ni Geneva. I already saw her feet when I answered the call. Huli na nang makita kong unknown number ang tumatawag. “Yes, hello?” “Ano ‘tong nalaman kong nakipag date ka raw kagabi kay Leonard Montevista? Did I tell you not to see him ever again?” Nilingon ko si Geneva. Sinisikop nito ang buhok habang lumalapit sa mesa. She smiled at me shyly. I almost didn’t answer her. Dahil ang galit na boses ni Dylan ang bumungad sa linya. Kagabi ay si daddy ang nagtanong. Hindi na ako magtataka kung kay daddy din niya ‘yon malaman. “Hi, good morning. Iba ka talaga mag umpisa ng umaga ko. Delubyo agad?” mapait akong ngumisi. Sumimsim ako sa kape at kamuntik pa akong mapamura dahil hindi ko nahipan bago dinikit sa labi ko. I heard his exasperation. “I just heard that my girlfriend had a date last night! You ruined my day first.” I scoffed. Pakiramdam ko’y may kalembang na pinatunog sa tainga ko at pabalang kong naibaba ang baso ng kape ko sa mesa. Si Geneva na pakuha na sana ng baso ay natigilan at napatingin sa akin. Inilangan ko na lang siya at bahagyang tumalikod sa kanya. My teeth gritted. “I am not your girlfriend. At ‘wag mong ipagkalat na girlfriend mo ‘ko. Nakakahiya.” May narinig akong bumagsak sa background. Hindi ko alam kung anong bagay pero malakas at para bang sadya. “Oh well. Yes! I am not your boyfriend. Dahil fiancé mo nga pala ako.” Mapakla akong tumawa. “What? Did you normally drink muriatic acid in the morning kaya ka ganyan mag isip? Natutunaw na yata ang utak mo. Nahihibang ka na.” He laughed fakely. “Don’t start with me again, Ruth. Gusto mo ng kasunduan, ‘di ba? Ginagawa ko na. Ipapadala ko sa ‘yo para pirmahan mo. And stop dating that Montevista. Hindi ka pwedeng makipag date sa kahit kanino. Sa akin lang.” “Huh? At sino ka? Si daddy nga hindi ako pinagbabawalan. Ikaw pa kaya? Leave me alone, Dylan. Just leave me alone!” “I won’t leave you not until you agreed to marry me.” Pakiramdam ko’y may pumintig na ugat sa ulo ko. Pumikit ako at napahilot ng sintido. “Stop this, Dylan de Silva. Please. Just f*****g stop this!” Sa tingin ko ay mauubos ni Dylan ang pasensya ko sa buhay. Sasaidin niya ako hanggang sa manghina o mawalan ako ng pag asa. Makulit pa siya sa bata. Mabuti pa nga ang musmos na bata, napagsasabihan. Pero siya, matigas pa sa pader ang bungo niya. Marami akong gustong gawin sa buhay. At siya naman, taga peste rito. Ang hirap ding mamuhay ng payapa kapag may isang taong tulad niya. Kailangan ko na bang magpakalayo layo? What about my parents? My brothers? I would surely miss them. But if I can find my grandmother quickly, maybe I can find a way to be away from him. I just hope that my grandmother Socorro is still open to get to know me when the time comes that we see each other. “You know the deal, babe. Marry me.” “I said no!” His voice was raspy now. Para bang hininaan o nanghina bigla. “Okay. I’ll wait. Let’s have our engagement party.” Bumagsak ang panga ko. Talagang . . . walang space ang brain niya sa sagot ko? “No party. No engagement. And no to marriage. Dylan, ang simple lang naman ng sagot ko, layuan mo ako. Leave me alone. Ano’ng lengwahe pa ang gusto para mas maintindihan mo ‘ko? Ano’ng klaseng pagpapahirap ba ang gusto mo sa akin? Huh? Ano?” “I’m not going to let you go. That’s my point.” “So, bakit mo ‘ko pinaalis? Bakit mo ‘ko tinanggalang maging magulang sina Matteo at Jahcia?” Tila may sumaksak ang dibdib ko. Ngayon, hindi ko siya maintindihan. He sighed. “Nasa bahay ka pa ba? Pupuntahan kita.” “N-no!” No! Ngayon pang may sugat ako sa mukha. Ayokong makita niya akong ganito ang itsura ko. Napalingon ako kay Geneva. Alam kong tila nabuhusan ng yelo ang mukha ko. Nilapitan niya ako pero hindi nagsalita. She looked concerned. “Umalis ka na?” Napalunok ako. Wala sa sariling hinaplos ko ang pisngi na nasaktan kagabi ni papa. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ang kaba na baka pumunta nga rito si Dylan at makita ang sugat sa mukha ko. Siguro dahil, ayaw ko rin namang makita ito ng ibang tao. I could make up stories and lied about this. Or just cover it with make up and a lipstick. “Uh, o-oo. Nakaalis na ‘ko.” “It’s too early, huh? May kasama ka ba?” Halos mapairap naman ako nang matunugan ang ibig niyang sabihin. “I am busy with my career. ‘Wag ka nang dumagdag.” Hindi siya nakasagot agad. Lumakad ang ilang segundong walang kumibo sa aming dalawa. Tinapik ako sa balikat ni Geneva kaya napalingon din ako sa kanya. Tinuro niya ang pinto at bumulong. “Bili lang ako pandesal.” Napaawang ang labi ko. Tiningnan ko ulit ang pinto. Umiling ako. “Ako na lang. Baka makita ka.” Nahihiya siyang ngumiti. “Tulog pa ‘yon. Baka nga gabi pa ang gising no’n.” Kumuha ako ng pera sa ibabaw ng ref. Mula sa lumang plastic na baso ay naglabas ako ng baryang tiglilimang piso at sampung piso. “Ako na lang para sigurado tayo.” Binilang ko ang barya. Umabot naman ng higit trenta. Kakasya na siguro ito pambili ng pandesal para sa aming apat. “Sinong kausap mo?” Singhal ni Dylan sa linya. “Nasa bahay ka pa?” Hindi ko siya pinansin. Inagaw naman sa akin ni Geneva ang pera. “Ako na lang. Sige na.” and then she walked out of the house immediately. Sinundan ko siya hanggang sa pinto. Well, I can wait here. “Ruth Kamila.” May diin niyang sambit sa pangalan ko. I shifted on my feet. “Let’s end this here. Ayokong magkaroon ng ugnayan sa ‘yo, Dylan. I’m not your girlfriend or fiancée or whatever you wanted to call me. Mag iipon ako para makabayad kay daddy. Kung dahil sa perang binalik kina ate Deanne at kuya Nick, kung ‘yon ang pinagpuputok ng butchi mo, ‘wag kang mag alala, magbabayad ako. Maghintay ka lang. After that, sisiguruduhin kong hindi na ako maaambunan kahit isang kusing ng pamilya mo. Understand?” I heard him groaned. He was frustrated. And I almost smirk. “You are really avoiding to marry me, huh? Is it because of that Montevista?” Ramdam ko ang pait at galit sa boses niya. Pero hindi ako nagpataob. “No. It’s because I don’t want myself to be tangled with you. You are after revenge. You want a perfect clan? Okay. I’m out. Hinahanap ko na ngayon ang Lola Socorro ko. Balang araw, aalis din ako. Malay mo, hindi na tayo magkita. Mas sasaya ka no’n, ‘di ba?” He didn’t answer. I scoffed the vile in my throat. “Hindi ko alam kung bakit gusto mong makasal sa akin. Wala ka namang mahihita sa akin dahil mahirap pa sa daga ang papa ko. Kung sa tingin mo ay hinuhuthutan ko ang parents ko, well, calm down, hinding hindi ko ‘yon gagawin. Pero sinira mo ang negosyo ko. Sinabotahe mo. Pero sige lang, palalampasin ko. Tutal, malapit na akong gum-graduate. Magkakapera akong sarili. ‘Yung pinaghirapan ko. if you can just tone down your fangs and thorns, I will be out of your sight. Just wait and see, Dylan.” Hindi pa rin siya kumibo. But I knew he was listening. Naririnig ko pa ang hininga niya. Nakita kong pabalik na si Geneva. Nakangiti at kumaway pa sa akin. “Sige na. ‘Wag ka nang tumawag ulit, ha?” “Babe.” Natigilan ako nang marinig ang sagot niya. I heard his endearment once again. Or maybe, for the last time. Nag iba na rin ang tono niya. Mas bumaba ang kanyang boses na tila naging boses na bagong gising. Though, I knew it was insane to answer him, I still did. “Ano?” naiinip kong boses. I heard his shallow gasp. “You’re refusing to be wife. Maybe, you want to be my mistress?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD