Chapter Two

4306 Words
Chapter 2 Ruth “Aww!” napatalon ako at sabay layo sa harap ng kawali nang matalsikan ng mainit na mantika. Tiningnan ko nang masama itong hita ng manok sa kawali na napapaligiran ng kumukulong mantika. Pinunasan ko ang kamay na nasaktan. Pritong manok ang ulam ko ngayong gabi. Pero dahil hindi ako nakabili ng harina at itlog, magtitiis akong makipagbakbakan dito sa mantika para maluto lang ang ulam ko. Sinubukan ko ulit ilapit ang sandok sa hita ng manok. Nilalapit ko pa lang ang ulo no’n ay nagugulat pa ako kapag bumubulwak pataas ang mantika. Damn. Why is it too hard to pry this chicken? Inis akong napalingon sa sarado kong pinto nang may kumatok. Tatlong beses at malalakas pa. “Sandali!” sigaw ko at saka hininaan ang apoy. Tinakpan ko na rin ang niluluto. Hindi ko pa man din tuluyang nabubuksan ang pinto ay siyang tulak nito sa pinto para makapasok silang mag-iina. “Pasok dali. Pasok!” aya ni Geneva sa kanyang dalawang anak na babae. Binitawan ko ang door knob ng pinto at hinayaan na silang mag-iina. May dalang plastic si Geneva. Madali kong nakilala ang laman no’n na kanin. Siya na rin ang nagsara ng pinto at saka ako tiningnan. Bahagya siyang nahiya. Nilingon niya ang maingay sa mantika sa kusina ko. “Nagluluto ka na pala,” Tumango ako at nilingon ang dalawang bata na nakaupo na sa plastic na mahabang upuan. Wala akong masyadong gamit sa bahay kaya medyo maluwang tingnan ang loob. “Paupuin mo na sila sa mesa. Magdadagdag ako ng manok.” Sabi ko at saka bumalik sa kusina. Agad akong hinawakan ni Geneva sa siko at hininto sa paghakbang. “Ako na ang magpiprito, Ruth. Alam kong takot ka sa mantika.” Agad ding tumalima si Geneva. Hindi niya tinawag ang mga bata at dumeretso ng kusina. Binaba niya ang plastic ng kanin sa ibaba ng kalan at tinanggal ang takip ng kawali. Walang hirap niyang napabaliktad ang manok na nandoon. Ako pa nga ang napapangiwi kapag nahuli kong tumalsik ang mantika pero ni hindi nito ininda at sanay na sanay na talaga. Naglabas ako ng hilaw na manok mula sa maliit kong refrigerator. Second hand ko na ito nabili pero okay pa rin. Kaunti lang naman ang stock ko ng pagkain. Nakalagay sa microwaveble ware ang sliced chicken. Nilagay ko iyon sa tabi ng lababo. Alam na niya ang gagawin doon kaya inabot ko na lang ang plastic niya ng kanin para isalin sa plato. “Iyong Papa mo, umuwing lasing na naman. Maghapon akong naghintay sa kanya dahil magdedelehensya raw siya ng pera pangkain pero pinang-inom lang! Hindi man lang niya naisip na may mga batang sa kanya umaasa!” Nilapag ko ang apat na plastic na plato sa maliit kong mesa. Ilang hakbang lang ang layo ng kusina ko sa mesa kaya dinig na dinig ko ang sinabi niya. “Hindi ka na nasanay.” Mahinang boses na sagot ko. Sinira ko ang pang isang kilong plastic na lalagyan ng kanin. May rice cooker naman ako pero isang gatang lang ang sinaing ko. Kaya siguro may dalang kanin na si Geneva dahil alam niyang kulang ang sinaing ko para sa kanilang tatlo. Humina ang ingay ng kumukulong mantika. Tinakpan niya. Lumapit sa mesa si Geneva at umupo sa monoblock chair ko. Mabigat siyang bumuntong hininga habang pinapanood ang ginagawa ko. Kumuha na rin ako ng mga kubyertos at baso. May mga sobra naman akong utensils dahil minsan ay dumadalaw din dito sina Red at Cam para makikain o para magdala ng pagkain. They knew about my simple and old apartment. Minsan na nila akong sinabihan na kaya nila akong itira sa condo nila. Tinanggihan ko iyon at hinding-hindi ko kukunin. Naintindihan naman nila akong dalawa kahit nagtinginan lang ang mga ito. Napansin kong natulala na si Geneva sa mesa. Hindi na ako pinapanood kaya ako na ang lumapit sa kalan para silipin ang piniprito. “Hindi ko na alam ang gagawin sa Papa mo, Ruth. Nakakasawa na,” Bahagya ko siyang nilingon. Nagpaka-mature ako at binaligtad na ang mga manok sa kabila ng pangangalit ng mainit na mantika. Dalawa lang ang dinagdag ni Geneva kaya naglagay pa ako ng isa. “Dapat ay matagal mo na ‘yang naisip.” “Sana pala ay sumama na ako sa ‘yo noong bumukod ka. Mas matino kang mag-isip kaysa sa akin.” sinabayan niya pa iyon ng hilaw na tawa. Tumayo ito at pinalitan ako sa pagluluto. Umusod lang ako at sinandal ang puwitan sa gilid ng lababo. Naririnig kong nalalaro ng cellphone ang dalawa niyang anak sa sala. Bumuntong hininga ako at humalukipkip. “You love him. I . . . don’t.” That was true. He might be my biological father and that was the end of it. He never treated me like his own daughter. He never did. Si Denise Melaflor ang nakikita niya sa akin. Kamukhang-kamukha ko raw ang Mama ko. Habang tinititigan niya ako ay kilabot at takot ang nararamdaman ko sa kanya. My Daddy Matteo never looked at me like what he did to me. Kaya naman baon ang dala kong pera ay umalis agad ako sa bahay na iyon ilang araw matapos kong tumira. Nagalit si Papa pero wala rin siyang nagawa. Hindi naman niya kaya ang isa pang pakainin. Kumuha ako ng apartment. Up and down na at mura pa. Luma nga lang ang bahay ay baka bumagsak kapag humangin nang malakas. Iyon ang komento ni Red nang unang beses makarating dito. Pinapalitan ko ang ilang bubong na sobrang marupok na. Pumayag naman ang land lady sa kaunting enhancement na pinagawa ko. Kaunti lang din ang ginalaw ko dahil tight ang budget. What I needed was a home for myself. Malayo sa takot at kaba sa bahay ni Papa. “Lintek na pagmamahal ‘yan! Ano ang gagawin ko ro’n kung kumakalam naman ang sikmura ng mga anak ko. Ibang-iba kasi ang pinangako niya sa akin noon.” Hinango na niya ang mga manok at sinalin sa plato. Pagkaalis niya sa harap ng kalan ay naglabas na ako ng pitsel ng juice sa ref at dinala sa mesa. Tinawag na niya ang kanyang dalawang anak para makakain. Natahimik kami at tinuon muna ang atensyon sa pagkain. Lihim ko silang pinapanood. Nagkamay si Geneva at siyang nag-aasikaso sa mga anak. Pinaghimay niya ito ng manok at paminsan-minsang sinusubuan, pinapagalitan kapag natatapon ang kanin at pupunasan ang bibig na puro mantika. Tumayo ako saglit para kunin ang binili kong hinog na mangga sa ref. Tatlong malalaking mangga ang hiniwa ko at nilagay sa pinggan. Namilog ang mga mata ng dalawang bata nang makita iyon. Nangiti ako. Pero ang dibdib ko ay tila kinurot din. Napakaswerte ko na minahal ako at inalagaan ng mag-asawang de Silva kaya’t kahit wala na akong ina ay hindi naman ako nakaranas ng sobrang gutom at kakulangan sa buhay. Kaya ngayon ay pinipiga ang puso ko kapag nakikita ko sina Geneva. Maganda siya at makinis ang balat. Mabilog na ang kanyang balakang dahil siguro pagkatapos makapanganak. May tantya akong noong kabataan niya ay ligawin ito. My four years as a Journalism student thought me a lot of things. I wrote an article about poverty in Metro Manila. Nangalap ako ng mga impormasyon. I conducted an interviews with homeless families and their insights about living without certainties. May mga grupo namang tumutulong sa kanila pero hindi iyon pang long-term. They needed jobs and a home. My documentaries were published in the campus and gained critics. Hindi na raw bago ang ganoong topic. Bakit ko pa raw sinusulat? Why not? Dahil iyon naman ay walang hanggang problema ng mundo. I wrote about famous and low-key people too. I wanted to know about the Melaflors. Iyon ang on-going ko pang sinusulat. And my interest brought me to the de Silvas. “Wala ka pa bang boyfriend?” bigla ay untag sa akin ni Geneva. Sinisipsip na niya ang buto ng mangga. Nangingiti na rin ito. Uminom ako ng tubig at umiling. “I’m busy in school.” Kaunti na lang ay ga-graduate na rin ako. “Tinatanong ka no’ng anak ni Aling Lena, iyong may malaking tindahan? Nagtatrabaho sa banko ang anak no’n. Gwapo ‘yon at de-kotse. Si Walter.” Diga niya sa akin. Kumunot ang noo ko at iniisip ang tindahang iyon. Bumibili rin ako roon. Napansin ko na rin ang itim na sasakyang nakaparada sa tapat ng tindahan. Nakita ko na rin yata ang sinasabi niyang Walter pero hindi ko kabatian. “Bakit daw?” “Crush ka! Gusto kang maging girlfriend!” nakangisi na niyang sabi. Napakamot ako ng ulo. “Giginhawa ka na kapag naging kayo. Biro mo, hatid-sundo ka pa no’n sa school mo,” Umiling ako. Hindi naman ako interisado. “Ayaw mo?” gulat pa niyang tanong. Inubos ko na ang kanin at tumayo para hugasan na rin. “Wala pa sa isipan ko.” “Sayang naman! Kung magkaka-boyfriend ka, edi maganda nang kay Walter ka mapunta. Nakapagtapos na ‘yon at nagtatrabaho sa opisina. Tutal e, ayaw mo na namang bumalik doon sa mga umampon sa ‘yong mayaman. Kapag kinasal kayo, aangat din ang buhay mo na parang buhay mo dati.” She said like as if she already calculated my whole life. I looked at her over my shoulder while rinsing the plate. “Kasal agad? Maayos naman ang buhay ko ngayon, Geneva. Saka may negosyo rin ako. Kayang-kaya kong buhayin ang sarili ko. Kapag nakapagtapos na ako ay mag-a-apply din ako sa mga kumpanya. I don’t need a man.” Parang kidlat na bumalik sa alaala ko si Dylan de Silva. Pati ang eksenang ginawa namin sa mansyon. Doon sa recliner chair na nasa master bedroom. Natigilan ako sa ginagawa ng tila muli kong naramdaman ang kanyang p*********i sa harapan ko at ang haplos ng kanyang mainit na hininga. Napalunok ako. Agad kong pinatay ang gripo at tinaob ang plato. Winagwag ko ang mga kamay pero hindi pa rin ako umalis sa tapat ng lababo. I could hear the children’s laughter but my head was already summomed by my own . . . desire. Desire? No! Ang ginawa niya ay pang-aasar sa akin. He never liked me. He never wanted me. All he wanted to do was to see me weeping and crawling until I surrender myself. Napaigtad ako nang tila may kumiliting salita sa isipan ko. What the hell, Ruth? Napasinghap pa ako nang pagharap ko ay nakita ko agad si Geneva. Bitbit ang magkakapatong nilang mga plato. Pati siya ay nagulat sa naging reaksyon ko. “Okay ka lang? Bakit parang namatanda ka r’yan?” “W-wala. Wala.” Umalis ako roon para makapagpunas ng mga kamay. “Ano? Paligawin mo na si Walter, Ruth. Ligaw lang naman. Maganda ka at gwapo ‘yon.” sabi niya habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan. Lumapit ako sa mesa at sinamsam ang balat ng mangga. Naupo ako nang may isa pang pisngi ng mangga at kinain ko. Matamis at masarap. Ganito rin kaya ang labi ni Dylan? Napapikit ako sa inis. “Shit.” Bulong ko. He wouldn’t taste sweet. He would taste hell! Napangisi ako nang maisip iyon. Bagay na bagay sa ugali niya. Bago umuwi sina Geneva ay muli niyang diniga sa akin iyong Walter. “Pag-iisipan ko.” “Asus. Pag-isipan mo habang nanliligaw. Mukhang mabait naman ‘yong batang ‘yon.” Tumingala ako sa madilim na langit at niyakap ang sarili. I was all alone for four years. What change it could make if I let myself to have a boyfriend? Noong nasa mga de Silva pa ako ay maraming nagpapahiwatig na manligaw. May ilang nakakapuslit noong high school. Mga anak ng mga businessman o politiko. But they were all gone when Dylan announced my real identity. Dahil doon ay nalaman kong apelyido lang pala ang habol nila sa akin at hindi ako. Hindi ko naman iyon pinagdamdam dahil wala rin akong gusto sa kanila. Those were playboys and brats. There were no good to me. Nalaman ko lang ang totoo nilang ugali. I am Ruth Kamila Hilario now. Who would like me this way? Walter? I smirked. “Huy, ano? Payag ka na?” untag ulit sa akin ni Geneva. I sighed. “Baka wala siyang asahan sa akin.” pauna ko. “Malalaman naman din niya ‘yan.” Bumuntong hininga ako ulit. “Okay na?” Nagkibit-balikat ako at tinalikuran na siya. “Sabihan ko na siya, ha? Ruth!” sigaw pa niya. “Bahala ka.” Walang-buhay kong sagot sa pangungulit niya. ** Binalita ko agad kay Esther na may natanggap na akong sagot mula sa Media Company na gusto kong pasukan para sa on-the-job training. May schedule na rin ako ng interview roon kaya naman sinabi ko sa kanyang siya na muna ang bahala sa office. My small business was a good picture on my resume too. Kaya kahit nahihirapan ako ay sulit pa rin dahil alam kong may magandang kapupuntahan ang mga desisyon ko sa buhay. I wore my best suit for the interview. Kung minsan ay hindi ko maiwasang ma-insecure kapag nakakasabayan ang ilang mas batang estudyante. Para akong late na nag-college dahil sa pag-shift ko ng course. But then, at twenty-two, I was still young and equipped with my background. I remember Dylan. He already finished two courses. He was handsome, rich and a devil. He must be very contented with his life now. Napairap ako sa harap ng salamin nang maalala na naman siya. Sinasayang niya ang space ng utak ko. I wore my gray pencil cut skirt na humuhulma sa balakang ko. I partnered with my black three-forth sleeves coat and white tube inside. I still have with me my black high heels. Hindi na ako nag-stockings dahil makinis naman ang mga binti ko. My signature bag was old but it was still fine to use. I put thud earrings and thin gold necklace. Naibalik naman ang singsing na kinuha sa akin noon ni Geneva. Sinoli niya noong sumugod sa bahay si Red. The office was located in Taguig. Inagahan ko ang pagpunta at baka maipit pa ako sa traffic. Pagpasok ko sa mataas na building ng Philippine Daily Corporation ay may ilang taong nilingon ako. Since my departure from my family, some people knew me by my face and the news about me. The form of my body matured but the stain in me never leave them. Para bang kaakibat na ng pagkatao ko habangbuhay ang scandal na nangyari four years ago. “Uh, yes, Ma’am. Tuloy na po kayo sa loob.” Nagpasalamat ako sa receptionist matapos niyang tanggapin ang pakay ko sa kumpanya niya. Binigyan ako ng temporary ID. She led me to their HR office. Pinagsulat nila ako ng form at kinausap sa isang cubicle. Pagkatapos ay umalis ang nag-interview sa akin. I waited until she came back. “Miss Hilario,” “Yes, Ma’am?” tumayo na rin ako dahil hindi na siya umupo sa computer chair niya. “Pinapaakyat ka sa opisina ni Chairman.” “Po?” Chairman? Bakit? Kailangan ba iyon para makapasok as trainee? “Akyat ka na lang sa next floor and tell them your name, okay?” sabi niya at sabay alis ulit. Nakita ko siyang may kinausap sa loob ng isang opisina. Naglakad ako at nadaanan ko iyon. Glass wall ang dingding kaya sabay pa silang napalingon sa akin pagdaan ko. I just nodded at them and turned towards the lift. Nang nasa loob na ako ng elevator ay bumuntong hininga ako. Naninibago ako pero baka ganito sila sa trabaho o patakaran. Depende sa pamamalakad ng may-ari kung paano sila mag-hire. Kahit sa isang estudyante pa. Pagyapak ko sa floor na iyon at agad akong nilingon ng isang babaeng nakaupo sa labas ng nakasaradong brown na pinto. The floor was carpeted. May mga paso ng halaman sa sulok at mga cubicle ulit. Tahimik ang palapag kaya dinalaw ako ng kaba. “Miss Hilario?” Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos ay tumayo na siya at binuksan ang pinto. Minuwestra niyang tumuloy na ako sa loob. “T-thank you, Miss.” I said. Halos lumubog ang heels ko sa lambot ng carpet sa loob ng opisina. There was a ceiling to floor glasswall. Na tumatanaw sa ilan pang building ng lugar. On my right side, naroon ang malaking working table ng kanilang chairman. Napahawak ako nang mahigpit sa aking bag at tumuwid ng tayo. Nakatungkod ang kanyang siko sa mesa habang may hawak ang isang papel at may binabasa. He looked at my direction and lowered down the paper. “Hello, Miss Ruth.” Inikot niya ang upuan at saka tumayo para lapitan ako. He offered his hand. Kinabakahan ko iyong tinanggap. “Good morning po, Sir.” He was still young. Siguro ay nasa trenta mahigit. He was wearing a white longsleeves and black pants. His shiny black shoes were so obvious too. “Have a seat, Ruth.” Nilapitan ko ang putting couch na tinuro niya. Nasa gilid iyon malapit sa pintuan. Binuksan niya ang pinto. “Gusto mo ba ng kape o juice?” Nilingon ko siya at umiling. “I’m okay, Sir.” May sinabi na lang siya sa kanyang sekretarya bago sinarado ulit ang pinto. He went to his table. May kinuhang mga papel na nasa loob ng folder bago naupo sa harapan ko. “So, you are a graduating student?” tanong niya matapos magde-kuatro at nasa kanyang kandungan ang ilang papel. May binasa siya roon at malamang na resume ko. Tumango ako. “Yes, Sir.” Mas lalo akong kinabahan. Niyuko niya ulit ang papel. Ngumuso at tiningnan ako. I could see his growing stubble, hooded eyes and pointed nose. He got clean cut hair pero parang may problema siya at medyo nagulo ang ayos. His attire was perfectly fitted on his broad shoulders and flat abdomen. And his voice could break glasses if he could get angry. But then his eyes were telling me that he was a keen observant too. He looked at my legs, once. Then on my chest. Mabilis akong pinasadahan ng tingin. “May cleaning business ka rin. Impressive. At the young age you know how to manage well your inherited money.” Pangiti na sana ako pero kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Nakita niya ang reaksyon ko. Binaba niya ang papel sa mesang nasa pagitan namin. He smiled. “I know who you were, Miss Hilario. You’re the dethroned princess of Matteo de Silva.” Sumandal ito at pinatong ang isang braso sa upuan. “We published your story too years ago.” Sandali akong natigilan sa kanyang sinabi. Ofcourse. They would. It was a scandal. “I-I see.” Hirap akong lumunok. This interview seems personal. To him. And to me. “I will be very happy to accept you as one of our trainees, Miss Hilario. Lalo na’t nanggaling ka sa angkang malimit na laman ng dyaryo, online at telebisyon.” Oh, so, mali kaya ako ng iniisip? “But . . . as our trainee and a journalist, are you willing to tell me something about the de Silvas? Kung paano ba sila magpalakad ng negosyo, ano sila bilang asawa at mga ama? You can tell me about your father, Matteo de Silva.” Buong-buong ang kanyang boses habang sinasabi iyon. Na para bang, okay lang agad sa akin. Na papayag ako sa gusto niya. And this interview was just all about my previous family. Nahuli ko siyang nakatitig sa mga binti ko. Malakas akong tumikhim. Nag-akyat naman ito ng tingin sa akin. “I’m sorry, Mister . . .” Oh! I didn’t even know his name! Nakalimutan ko na. “Mr. David Domingo.” He finished. I nodded, “Mr. Domingo, I came here to apply as part of my curriculum and to gain experience for my course. But I don’t want to use my family background for personal motive.” He smirked and then gulped. Tumaas ang isang kilay ko. Hindi niya ba inaasahan ang magiging sagot ko? “Personal motive? Miss Hilario, kilala naman ng lahat ang dati mong pamilya. Hirap lang ang media na makakuha ng balita tungkol doon. It will be a big scoop kung ang kumpanyang ina-apply-an mo ang makakapaglabas ng buhay ng mga de Silva. Like, how did they manage to marry such beautiful women like your mother, Jahcia de Silva?” Kumuyom ang mga kamao ko pagkabanggit pa lang niya sa pangalan ni Mommy. My lips were firmly closed as I stopped myself to curse at him. “I have little knowledge about her, actually, that she came from an ordinary family. At eighteen she got married with Matteo de Silva. They adopted you. She gave birth to two sons. Women are dying to be their girls. So, tell me, Ruth, how was it to be one of them for many years? Do you have any secrets about them too?” “I don’t have anything to tell you.” “What about the details that circulating in several mouths that Matteo de Silva was your biological mother’s f**k buddy?” Namilog ang mga mata ko. “Alam mo ba ang tungkol doon? I knew your mother is Denise Hilario-Melaflor, is that right?” Bumaba pa ang mga mata niya sa dibdib ko. I could feel that my tube moved a little bit lower. I could feel the coldness touching on my cleavage. I saw his lips smirked. Agad akong tumayo. Ginaya niya rin ako at namaywang pa. “This is a nonsense interview, Mr. Domingo.” Matiim kong sabi sa kanya. Matalim ko siyang tinitigan. “But I’ll be happy to work with you, Ruth. I’m eyeing you to be, “like mother, like daughter” attitude trait, you know. I can be your f**k buddy too. I have money.” Halos mandiri ako sa pagpasada niya ng tingin muli sa katawan ko. Bumilis ang aking paghinga. Anong klaseng tao ito na mag-aalok ng ganoon? May halong pansariling motibo pala ang pagtawag nila sa akin para “interview” na ang gusto lang ay makakuha ng maisusulat sa kanilang balita. They only wanted the dirty and dark sides of the de Silvas. They only wanted to stain the family. For what? For money! For fame! Humakbang ako isang beses. Nagtaas ako ng noo, “Thanks but no thanks, Mr. Domingo. I wish your company to suffer in hell!” dere-deretso ko ng sabi at saka tumalikod. “What a dirty mouth!” Nagulat ako at natigilan nang bigla niya akong hinila sa siko. Mabilis ang pangyayari at halos matumba ako sa sahig. Tinulak niya ako sa harapan ng kanyang mesa. Napatungkod ang dalawang kamay ko roon para kumuha nang suporta. Marahas akong suminghap nang maramdaman kong nasa likod ko siya at pilit tinaas ang aking palda! My tube moved lower and I couldn’t act so fastly! The door swung open. I gaped and terror swum in my veins when I found Dylan’s devilish eyes. “Dylan!” halos magbunyi ang dibdib ko nang makita ko siya at agad akong tumakbo sa kanyang tabi. Mabilis na mabilis ang t***k ng puso ko na halos kumapit na ako sa braso niya. He watched me. He looked down at my chest and saw how it darkened his already mad face. Mabilis ang paghinga ko dala ng takot at gulat sa ginawa ni Mr. Domingo. Nanginig ang mga kamay ko noong tinaas ang tube na suot. “Dylan de Silva? Wow! What a guest!” Matalim at madilim ang mukhang humarap dito si Dylan. Tiningnan ko rin ito. Magaling umarte ang lalaking ito! Para bang wala siyang masamang pakay na ginawa sa akin! “Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Mr de Silva?” Matalim ko siyang tinitigan. Paano niya nagagawa ang ganyan? Binalik ko kay Dylan ang paningin ko. Hindi ito nagsalita at madilim pa rin ang tingin sa kanya. When his silence stretch, saka pa lang yata naramdaman ni Mr Domingo ang talim at apoy ng titig ni Dylan. Dylan was angry. I could see it. I could see the fire of his anger. Napalunok si Mr. Domingo at nilingon ang kanyang opisina. Hindi malaman kung anong gagawin. Namulsa si Dylan. Ngumisi ng madilim ang mukha. “Don’t you have the decency to lock the door, David? Maybe, this woman could entertain you well in private.” Halos bumagsak ang mga balikat ko sa narinig ko sa kanya. My lips parted and was shocked. He looked down at me. But all I could see was his anger, disappointment, disgust and . . . what was it? I couldn’t name it. “H-ha?” nasundan din iyon ng malutong na tawa ni Mr. Domingo. My lips trembled. Matiim ko iyong sinara na tila may gustong lumabas na salita pero pinigilan ko lang. My throat felt so tight. Then my eyes watered. I glared at him. Inalis niya ang titig sa akin. “I’m so sorry for that, Mr. de Silva. In-interview ko kasi ang pinsan mo-“ “Hindi ko siya kadugo. There’s no need to address her as my cousin. She’s not a de Silva.” “Oh. Yes, yes. Pinamalita mo nga pala ‘yan. My bad. Ruth?” Dahan-dahan na bumaba ang mga mata ko. What am I going to do? Gumapang na lang ako palabas ng kwarto para hindi na niya makita? I scoffed bitterly. I felt the pang of pain right in my chest. Kinuha ko ang resume ko sa lamesita. Huminto ako sa gitna nilang dalawa pero si Dylan ang tiningnan ko. “f**k you both in hell!” I angrily said to him. Hindi siya tuminag. Then I marched myself out withoung looking at any body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD