Chapter 1
Ruth
Umupo siya sa brown recliner chair at pinanood akong maglinis. Una kong pinuntahan ang pinakamalaking kwarto sa mansyon. Ito ang dating kwarto ng Lolo at Lola. Nandito pa rin ang queen size bed, antique na night stand, bed frame at ilan pa nilang gamit na mag-asawa bago namatay ang Lola Angeles a long time ago.
Namaywang pa ako at pinasadahan ng tingin ang malaking kwarto. I used to hide here. At ang kalaro ko noon na palagi akong nakikita ay . . . itong lalaking nakaupo sa likuran ko. Ang tanda ko, sa ilalim pa ako ng kama nagtago no’n. He called my name slowly. Pagkatapos at ginulat ako sa pagsilip sa ilalim.
I remember, umiyak pa ako noon dahil sa pagkatalo. But he calm me down and dried my cheeks. Akala ko noon ay okay na. Pero bigla niyang hinila ang buhok ko at sinabayan ng takbo palabas ng kwarto.
Bata pa lang siya ay talagang kahindik-hindik na ang sama ng ugali niya.
Kumuha ako ng basahan at sinimulan munang punasan ang mga naalikabukang mga gamit. Inisip ko na lang na may estatwang nakaupo malapit sa akin para hindi ako ma-distract.
Pinunasan ko ang bintana, drawers at maging ang headboard ng kama. Mataas ang ceiling kaya hindi ko maabot ng walis.
“Kailangan ko ng ladder.” Sabi ko sa kanya nang hindi lumilingon dito.
“Why?”
“Hindi ko abot ang kisame.”
In my peripheral view, I saw him looked up at the ceiling. Then he chuckled.
“That’s not my problem.”
Natigil ako sa pagpupunas. Pinigilan ko ang sariling lingunin siya.
“Kung wala no’n, hindi ko malilinis ang kisame.” May diin kong sabi at bahagyang iritado na.
“So? r****d my payment.” He said coolly.
Umirap ako sa hangin at pinagpatuloy ang pagpupunas.
“Sana kumuha ka na lang ng ibang cleaning service. Alam mo namang fully book na ang mga staff ko. Nagbayad ka pa rin.”
Hindi naman sa ayaw ko ng kita. Syempre, malaking income at tuloy-tuloy ang booking sa negosyo. Pero dahil siya ang nag-book, iba ang amoy ko sa pakay niya.
He was quietly and broodingly sitting on the recliner chair.
“I had no plans, actually. But Deanne insisted your cleaning service. I don’t want to disappoint her knowing you’re in need of money. I knew, she and Nick invested in you. Aside from the money you collected from my family.”
Kusang tumigil ang kamay ko sa pagpupunas at dahan-dahang tumayo nang tuwid. I breathed in . . . and out. Nanigas ang lalamunan na para bang binuhusan iyon ng graba at nanakit iyon. Nag-init ang mga mata ko.
Anong gusto niyang palabasin? Nilingon ko siya. Nakita kong nakapatong ang mga siko niya armrest. Magkasalikop ang mga daliri. Mga mata ay matiim ang pagkakatitig sa akin. He got flat but muscled abdomen. I could see it through the hard planes that molded in his shirt.
Naalala ko isang beses, nahuli ko siyang may kahalikan sa loob ng sasakyan niya sa cartport ng mansyon. Habang magkahugpong ang mga labi nila ng girlfriend niya ay lumalandas din ang kamay nu’ng babae niya sa tiyan niya. Bahagyang nakataas ang T-shirt na itim niya at malayang humahaplos.
I knew he grew up now. And those abdomen were now the improved version.
Tila ako tinuklaw nang maalala iyon. I was young then and innocent. Iyon din ang unang beses na makanood ako ng naghahalikan na live action. I hated him for bringing his girls in the mansion when it was supposed to be our den. But then, something in me changed. Those kisses marked my innocence.
Was there any man would kiss me the way he kissed her girlfriends?
Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya. All I knew, he was determined to crush me into pieces.
Yumuko na lang ulit ako at kinuha ang mop para makapag-concentrate sa trabaho. Deep house cleaning ang package na kinuha niya. Pagpupunas at pag-vacuum lang naman ang gagawin ko. Malaki ang mansyon kaya malaki rin ang binayad niya. Tatapusin ko lang ito. Makakalanghap din ako ng malinis na hangin kapag nakaalis na ako rito.
Natuwa ako nang hindi na siya nagsalita ulit. Mas maigi na iyon. Mababawasan ang sumpa ko sa kanya.
Ang pagiging ampon ko ang pinakaayaw niya sa akin. He was the powerful De Silva in their generation and clearly, he doesn’t like an orphan in the family tree. Pero ang hindi ko maintindihan ay kahit wala na ako sa pamilya ay pinamamalupitan niya pa rin ako.
Dahil ba naranasan kong maging De Silva? Dahil ba naranasan ko ang karangyaan ng pamilya niya? Ikinasasama niya iyon ng loob? I didn’t expect he would treat me well. But at least, I’d like him to treat me fair.
Hindi ko naman pinilit na ampunin ako nina Daddy Matteo at Mommy Jahcia. They loved me and I loved them. I didn’t intrude in their businesses. I just followed what I thought my parents would love me to do. Because I worshipped them. They were my parents.
I didn’t envy anyone in my cousins too. They were my family and now are my friends.
Kaya, anong pinagpuputok ng buchi ng lalaking ito? He can have their empire the hell I care!
Dala siguro ng inis at kabwisitan ay napalakas ang pagpag ko sa puti at maalikabok na sapin ng kama. Tumigil ako at tiningnan siya. Nakasambakol ang mukha niya at mukhang mapipikon ko pa yata.
Malakas akong tumikhim. “Sorry.”
Pumikit ito at mukhang napuwing. He tilted his head a bit. His one eye closed and the other was glaring at me. Tinuro ko ang nakabukas na pinto.
“Sa labas ka na lang muna kung ayaw mong maalikabukan,” sabi ko.
Nakita kong hindi niya maidilat ang isang mata. Sinusubukan niyang buksan iyon pero mabilis ding napapapikit. He used his finger to touch his eye but he muttered a curse.
“’Wag mo kasing kalikutin ‘yan. Baka ma-impeksyon.”
Binitawan ko ang sapin sa kama at nilapitan siya. I bent my waist and looked at his eye. Pinunasan ko muna ang mga kamay sa suot kong apron. Nilapit ko ang mukha at sinilip ang namumula na niyang mata.
“Patingin nga,” sabi ko nang harangan niya ng daliri ang mata niyang napuwing. “’Wag mo sabing hawakan!”
“Sinadya mo ‘yon.” Bintang niya agad sa akin at saka sinandal ang ulo sa upuan.
I tilted my head. “Busy ako sa paglilinis kaya nakalimutan kong nandito ka pa pala. Akin na, hihipanin ko,”
Ofcourse, hindi siya sumunod sa inutos. Nilapit ko na lang ang labi ko sa tapat ng mata niya. I was aware, na nakabantay sa akin ang isa pa niyang mata habang nilalapit ko ang mukha.
Dinantay ko ang hintuturo sa taas ng makapal niyang kilay at thumb naman sa ilalim ng mata niya para maibuka ko ang mata niya. Nilapit ko roon ang labi ko at mahinang hinipan.
He closed his eye again. Binuka ko ulit at hinipan.
“Okay na ba?”
Pinikit-pikit niya ang mga mata.
Inulit ko ang paghipan.
Natakot ako at nagulat nang hawakan niya ang kwelyo ng t-shirt ko at hinila palapit sa kanya. Agad kong tinungkod ang mga kamay sa armrest ng upuan niya at pinigilan ang katawan na bumagsak sa dibdib niya.
“Ano ba!” hasik ko sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon.
Malakas ang dagundong sa dibdib ko. His long legs were parted and I was in between his thighs!
Iyong kaba ko ay parang ilalabas na ang puso ko mula sa bibig ko.
“Anong problema mo?” tiningnan ko ang kwelyo kong hila ng dalawang mga kamay niya.
I didn’t see any problem in his eye now.
He looked down at my mouth. I could clearly watch his pointed nose, hooded eyes and the smooth of his skin. While his stubble made him rougher, his eyes . . . it made him more mysterious and . . . I gulped, broodingly sexy.
Hindi ko tiningnan ng matagal ang mapupula niyang labi. He used that to his numerous girlfriends. Iyon ba ang kinababaliwan nila sa kanya? It looked soft and surely, very experienced.
I smelled his breath. It was warm and has the hint of whisky.
Did he drink before he came here?
“I want you out.” Bulong niya.
Tiningnan niya ako ng masama. I could even felt the seething of anger from his eyes. I gritted my teeth. Dumiin din ang hawak ko sa malambot na armrest.
“Nagawa mo na nga, ‘di ba? Pinalayas mo na ako. Ano pang kinagagalit mo sa akin?”
Kung maaaring umiyak sa galit ay ginawa ko na. Pero pipigilan ko ang sarili ko. Hinding-hindi na ako iiyak habang malamig niya akong pinapanood. He looked at me that way at the night of his father’s birthday party.
Tinaas ko ang isang kamay para tanggalin ang mga kamay niya sa kwelyo ng damit ko. Pero hinila niya ako ulit. Nawalan na ako ng balanse. I gasped when I landed my body over his. My breast was squeezed over his hardened chest. My tummy over his abdomen. My closed thighs in between his. And my face over his face.
Tinabingi niya ang mukha niya para hindi tumama ang labi ko sa kanya. I could literally hear our heart beats. Wild and loud.
“Dylan!” hasik ko. He was making my heart beat rapidly. And our position . . . was too intimate to the point na nararamdaman ko ang isang matigas sa harapan ko! “Get off me! Now!”
Nagpumiglas ako para makabangon. But he immediately closed his thighs and clamped me in his between.
Namilog ang mga mata ko at tumingala sa kanya. “Dylan, ano ba? Wala ka na bang kahihiyan na natitira sa balat mo?”
Kung meron man, sana gamitin niya nang matino bilang nakakatandang De Silva sa henerasyon nila.
He looked down at me. Nahihirapan ako sa kinabagsakan kong posisyon. Ang mukha ko ay nasa gilid lang ng pisngi niya. At ang mga labi namin ay halos magdikit na. Natatakot akong . . . dumikit iyon sa kanya.
Tinitigan niya ako. “Ikaw, hindi ka ba nahihiyang maging tagapaglinis ka na lang ng mansyon namin, huh? Do you ever want to climb a little bit higher?” hinila ulit ang kwelyo ko kaya’t nagpapalitan na kami ng hininga sa sobrang lapit ng mga mukha namin.
Our lips were just half an inch away before it could lock at each other.
Nanatili ang titig niya sa akin habang abala ako sa pagbangon mula sa katawan niya. Binitawan niya ang kwelyo ko at binaba sa likod ko para pigilan akong bumangon.
“Hindi ka na nakakatuwa.” Warning kong salita at titig sa kanya.
His hands . . . I never felt his hands on my body before. This was different. The heat was different. And climb higher? Bakit ko iyon gagawin?
Marahan niyang tinaas-baba ang isang kamay sa likod ko. Halos mapaigtad ako nang tila dumaloy din ang kuryente sa katawan ko kasunod ng palad niya. What was that?
“I made fun of you since the first time I met you, Ruth. You were clumsy, noisy and unbelievably adorable. You cried a lot I couldn’t count how many. I always wanted you to weep-“
I smelled his breath. And I could sense trouble in my head. So, I glared at him.
“You never liked me! You enjoyed when I felt outcast in the family. You always make me feel I don’t belong to you. That your blood was different from me. Pero nanalo ka na, hindi ba? Bakit mo pa ako palaging pinapahirapan nang ganito?” naiiyak kong tanong sa huli.
He gulped. But he wasn’t nervous.
“But you never liked me too-“
“Dahil palagi mo akong inaasar! Idiot!”
Sinubukan kong bumangon pero naroon pa rin ang mga kamay niya sa baywang ko. Nagbabantay sa pagtayo ko mula kanya.
I bit my lower lip and suppressed my tears.
“Pakawalan mo na ako please, Dylan. Tigilan mo na ito, please,”
I immediately hated myself when I recognized ‘begging’ from my voice.
“Paano kung ayoko? Ayokong tigilan ito,” bulong niya at sinabayan ng mainit na haplos at daloy ng kuryente sa likod ko.
He wanted to go lower. He teased the upper part of my butt with his finger.
Pinandilatan ko siya ng mga mata. “Are you crazy? You’re my cousin!”
“We were. We’re not blood related, always remember that.”
“I said-“
“Don’t lie to yourself, Ruth. Don’t fool yourself.”
Hirap akong umiling sa kanya. “No, Dylan. No,”
“But it looks like yes in your eyes.” Marahan niyang bulong.
Agad akong pumikit. Hindi ko maintindihan at biglaan itong nararamdaman ko. Ano ang gusto niya? Ako? Pero pinalaki kaming magpinsan! Hindi man kami magkadugo ay nagturingan kaming magkadugo.
O ganoon nga ba ang turing niya sa akin?
“Stop this. Please.” Bulong ko. I couldn’t move my body. If I did, I would only be buried in him.
“You can’t stop this, babe. You just can’t,” he murmured over my lips.
Naramdaman ko ang mababaw na pagdikit ng labi niya sa akin. Na para bang nanunukso o nang-iinis. I firmly closed my lips so he couldn’t take what he wanted from me.
But he was soft. He was warm. He was real. This De Silva with me was a real and big man.
Gumagasgas din ang stubble niya sa balat ko. That was rough and I felt the reaction in my chest. He lowered his hand at my back as well as his face on my face.
I could fight. I could stop him. But I couldn’t move. All I could do for now was not to kiss him back.
Even the thought was still a grudge for me.
“You can scream all you want. I won’t stop you.” he teased me.
Dumilat ako at masama siyang tinitigan. Sumigaw? Para ano, mas lalo siyang matuwa dahil pinaglalaruan na niya ako?
Dumiin ang pagkakalapat pa ng labi ko. “You’re a monster! I so much hate you!”
Tumaas ang mga kilay niya. “That lips are genuine and true.”
I was already panting. Alam kong ramdam na ramdam niya iyon. Tinaas ko ang isang kamay para sana sabunutan siya nang biglang may tumikhim sa pintuan. Sabay pa kaming nilingon kung sino iyon.
“He-hello po. Cleaning service?”
Namilog ang mga mata ko nang makita si Esther. Agad akong tumayo. Mabilis kong tinungkod ang mga kamay sa dibdib ni Dylan na siyang naging dahilan para mapaubo ito.
Dumoble sa bilis ang t***k ng puso ko at halos hindi ko na matingnan nang maayos si Esther. Nakita niya ang pagbangon ko mula sa pagkakadagan ko kay Dylan. Damn. Ako ang nakadagan sa kanya! Ano ang iisipin nito sa akin?
Inayos ko ang kwelyo ko at apron. Mabilis akong tumikhim at napapasong lumayo sa recliner chair. Inayos ko rin ang mga tumakas na hibla ng buhok ko.
“Sorry. Bukas na kasi ang gate at pinto kaya pumasok na ako,” humakbang papasok sa loob ng kwarto ni Esther. Bahagyang nakayuko dahil nahihiya kay Dylan.
Napahaplos ako sa dibdib ko dahil sa paghuhumerantado ng puso ko.
Mabilis kong pinulot ang mop sa sahig. Nag-mop ako kahit na hindi naman iyon ang huli kong ginawa bago nilapitan si Dylan. Malakas akong tumikhim. Abut-abot ang kabang nararamdaman ko dahil tagpong naabutan ni Esther!
“Good morning. You can start.”
Tumayo si Dylan at namulsa. Hinarap nito ang kaibigan ko at mas maayos itong kinausap kaysa sa una naming pagkikita kanina. Pinaratangan pa niya akong late.
“Pasensya na po, Sir,”
“It’s okay.”
Binitawan ko ang mop at sumandal ito sa gilid ng kama. Inabot ko ang sapin at winagwag para hindi ko siya makita. Pero sa bawat baba ko nito ay nahahapyawan ko ng tingin ang bulto niyang nakatanaw sa akin.
I refused to look at him again after what happened between us.
Tahimik namang nagsuot ng apron niya si Esther at ang mga mata ay parang bolang nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Dylan.
Tinupi ko ang sapin at isang beses na sinulyapan si Dylan. Nahuli ko pa rin ang titig niya sa akin.
Tumikhim si Esther. “Uh, sa kabilang kwarto naman ako, Ruth, Sir. Sige po.” Magalang niyang excuse.
Naalarma ako nang tumalikod siya at tinungo ang pintuan.
“Esther!” sigaw kong tawag sa kanya. “Di-dito ka muna. Hindi ko kayang mag-isa, malaki itong kwarto.”
Napaawang ang labi niya at nilingon si Dylan. Para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Sigurado ka, Ruth?” nagtataka pa niyang tanong.
Mabilis akong tumango. “Mamaya na tayo roon. Tapusin na natin ito.”
“Eh, paano si Sir?”
Napatingin ako kay Dylan na ngayon ay nagkakamot ng kilay niya.
“Go ahead. I’ll just make a call. Excuse me.” then he left us in the master’s bedroom.
Pinanood ko lang ang likuran niya hanggang sa mawala ito sa frame. Napapikit ako at malalim na buntong hininga nang umalis si Dylan. Para bang nakakasikip siya sa paghinga ko habang narito si Esther. O si Esther ang nakakasikip. Hindi ko na alam sa dalawa.
Speaking of her, hinarap ko siya at humalukipkip. “Kasalanan mo ‘to.”
Akma niyang ilalabas ang basahan pero tumaas ang kamay niya sa dibdib at manghang napaawang ang labi.
“Ang alin?” kunwari niyang walang alam.
Tinuro ko ang pinto. “Hindi mo na dapat kinuha ang booking na ito. Ang laki-laki ng mansyon!” sisi ko pa sa kanya.
I was hoping she would dismiss what she witnessed a while ago.
Painosente niyang tinaas ang mga kamay. “Kaya nga kinuha ko kasi malaki rin ang bayad. Ano ka ba, income rin ‘yon.”
“Hindi ganoon ang nakikita ko. Sinadya niya ‘to.”
“Ang alin?”
“Na pahirapan ako.”
Bumilog pa ang butas ng ilong niya. “Parang hindi naman. Iyon si Dylan de Silva, ‘di ba?”
Tumango ako.
“s**t ang gwapo pala! Ang pula-pula ng lips, Ruth! Anu, masarap ba?” pabulong tanong.
Naeeskandalo ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Okay lang ba siya? She knew a bit of my history.
“Tumigil ka nga. We were family.”
“Were. We were. Ibig sabihin, dati kayong magkapamilya. Ngayon, hindi na. Ruth, ilublob mo man ang sarili mo sa tubig o magpahigop ka man sa vacuum na ‘to, iisa lang ang mananatiling totoo, hindi kayo magkadugo. At . . . hot kayong tingnan na dalawa!”
“Esther! Hindi ka ba nandidiri?”
Umiling siya. “Ikaw?”
Minuwestra ko ang recliner chair na inuupuan ni Dylan kanina.
“You’re, uh! Unbelievable! I will never like him! He’s angry with me!”
“Paano ba ‘yung angry niya, nangangagat? Crocodile, gano’n?”
Napailing na ako nang makitang pinaglalaruan niya lang ang mga sinasabi ko.
“Hindi nakakatawa.”
“Whatever. Basta ang alam ko, may something kayo.”
Padabog kong kinuha ang nguso ng vacuum. “Wala!” lihim ko siyang inirapan at saka tinuhod ang kama.
**
Inikot namin ang mansyon mula taas hanggang sa baba. Sobrang nakakapagod. Inabot kami ng ilang oras bago natapos.
He was everywhere I go. Nakapamulsa o kaya’y nakahalukipkip habang pinapanood kami sa paglilinis. I expected some cruel words or reactions from him but I didn’t hear any.
I heard him did some calls. Pero hindi ako nagka-interest na pakinggan pa iyon. After this, I would make sure we will never make transaction with him again.
“Natapos din. Ang laki ng mansyon niyo, Ruth. Nagkakakitaan ba kayo rito?”
Nagsimula na akong magkarga ng mga gamit namin sa sasakyan. Bayad na naman si Dylan kaya magpapaalam na lang kami.
“Hala, ano kaya ‘yon?”
Napalingon ako kay Esther. Nagpunas ako ng pawis sa noo. Nginuso niya sa akin ang direksyon na tinitingnan niya. Sa gate ay naroon si Dylan. Binuksan nito ng malaki ang gate at may pinapasok na truck.
Kumunot ang noo ko. Truck ng magde-deliver ng buhangin?
Tumabi sa akin si Esther. Sinarado ang pinto ng sasakyan at sinundan ng tingin ang truck. Kasunod nito ay isang sasakyan at pumarada rin sa harap ng mansyon.
Nagkaroon ng ingay ang kaninang tahimik na bahay. Hindi naman dapat ako nandito pa dahil tapos na naman ang trabaho ko. pero hindi ko mapigilan ang tingnan at panoorin ang mga bagong dating.
Mula sa puting kotse ay bumaba ang isang lalaki. Nagtanggal ito ng salamin at tumango kay Dylan. Nagkamayan pa silang dalawa at may kaunting tawanan. Tinuro ni Dylan ang bahay at pinasunod ang lalaki. I overheard the man’s voice.
“Ang ganda pa rin ng design nitong mansyon, Mr de Silva. Kapag pina-renovate mo ito, mas lalong i-improve ang bahay at pwede nang matirhan,”
Nagsalubong ang mga kilay ko.
“That’s exactly what I want. I want a renovation. I want to change the paint and some parts of the house,” Dylan answered. Nilingon pa niya ako at ngising-aso ang binigay sa akin.
Matalim ko siyang sinundan ng titig hanggang sa makapasok sila sa loob. napamaywang ako at pinadaanan ng tingin ang truck at ang pagpapala nila ng buhangin.
Para saan iyon? Anong ipapalagay niya?
“Magpapa-renovate pala pero nagpalinis muna? Ano ‘yon? Linis muna bago kalat?”
Mainis man ako, bayad naman siya. It was his money so I wouldn’t care that much.
But then . . . he really wanted to piss me! And he won again.
“Tara na.” aya ko kay Esther.
Umikot na ako sa driver’s seat at sumakay. Dala ang inis, mangha at bagong nararamdaman ay nilisan ko na ang mansyon.