Chapter Three

4119 Words
Chapter 3 Ruth Kimkim ang galit, mangha at sakit ay dere-deretso akong naglakad sa lobby ng gusali. Ramdam ko ang ilang lingon at paninitig sa akin habang naglalakad sa mataong lugar na iyon. Padaskol kong hinubad ang ID lace ng kumpanya at nilagay sa counter ng receptionist nang hindi na nagla-logout pa sa kanilang recording book. Para saan pa! Gayong binastos ako ng kanilang chairman! He dared touch me! Nanginginig ako sa galit. Ang luha ko ay nagbabadya na sa mga mata ko. Baka mabunggo nga lang ako ay lalandas na iyon nang walang pasubali. “Miss?” tawag sa akin ng receptionist. Hindi ko na siya pinansin. Ang guard nila ay mapanuri rin akong tiningnan pero hindi naman ako hinarang. I might lash out if they even tried. “Ma’am!” someone shouted. But I didn’t look back. Baka hindi rin ako ang tinatawag no’n. Pagdaan ko sa entrance ay siya namang padaskol kong punas sa luha ko. What went wrong? Was I too provocative a while ago? Did I say against the company? Samu’t-saring katanungan ang lumatag sa isipan ko. Inisip ko rin kung ang kakayahan ko ay hindi naman pala nababagay sa lugar na nito. Na baka nag-assume ako masyado. Naging mapagmataas ako. Pagkalabas ko roon ay humalo ako sa ibang dumaraan. Bigla kong naramdaman ang pagtatanong sa sarili. May mali ba akong nagawa para pagdaanan iyon? Bakit niya ako binastos? Nanginig ang labi ko. Kinagat ko ang labi para hindi mapaiyak dahil sa labis na nararamdaman ko. “Ruth Kamila!!” Tila kulog ang malakas na sigaw na iyon pangalan ko. Lalo kong binilisan ang lakad-takbo na para ba akong may ginawang kasalanan. Pero mahigpit na kamay na tila bakal ang humawak sa siko ko at inikot ako paharap sa taong iyon. I found Dylan’s furious and red face. Halos magpantay ang kanyang mga kilay sa pagsalubong nito. Nagtatagis ang kanyang bagang na halos marinig ko na ang ugong n’yon. “Ano ba?!” galit kong sigaw. “Hindi ka pa ba tapos na hiyain ako, ha!” I shouted back. There was no way he could stop me from doing it right on his hardened face. Hindi ako natatakot ngayon sa ganyang itsura niya na animoy kayang makapatay ng tao. Umigting ang panga niya. Kung nakakasunog ang mga mata niya ay malamang na natusta na niya ako. Isang beses pa niyang hinila ang siko kong gusto yata niyang durugin. “Were you selling yourself to that asshole!” sigaw din niya. Namilog ang mga mata ko. I was right. He could never give me a normal conversation without downgrading me. “You were willing to give yourself even in the day and on his f*****g table!” walang hiya niyang salita ulit. Gumapang ang sobrang init sa mukha ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ang ilang pares ng mga mata na malamang na nakarinig ng sinabi niya. I glared back at him. “Damn you!!” pilit kong hinila ang siko ko pero mas hinigpitan niya ang kanyang hawak dito. Tinaas ko ang libreng kamay na may hawak ng bag ko at iyon ang hinampas ko sa kanyang dibdib. I didn’t know then if it was enough. But I was mad. I was angry. I was humiliated in front of strangers. Hindi pa ba tapos ang kahalayang ginawa ni David Domingo sa akin kanina? Damn him! Paulit-ulit kong hinampas sa kanya ang bag ko habang humikhikbi ako. It was a bad day. First, I was sexually harassed. Second, I saw him. Third, he humiliated me. Iniwas niya ang mukha para hindi matamaan ng bag ko. Pero hindi siya tuminag o kahit ang pakawalan ang siko ko. It remained as hard as steel. He was staring at me. He didn’t say anything other than staring at me. Nakakagawa na kami ng circle na pwesto dahil pinalibutan din kami ng mga taong dumaraan lang. Some were curious. Some were just an audience. Nang mapagod ako sa kakahampas sa kanya ay yumuko ako at pinunasan ang dumudungis ko na yatang mga pisngi. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang magtago sa bahay at doon ibuhos ang natitira ko pang luha mula sa sakit. Pero itong hayup na si Dylan ay ayaw akong pakawalan. He was probably enjoying this. He was the devil. “Bitawan mo na ako.” I asked in between my silent sobs. I kept on pulling out my elbow from his grip. Tinaas ko ang forearm at sinubukang iikot para makawala sa kanyang hawak. “Were you selling yourself just to be a princess again?” mababang boses na niyang tanong. Napakawalan ko ang siko ko. Hinaplos ko iyon. Naramdaman ko ulit ang pagbaba ng tube ko kaya sinikop ko ang harapan ng coat ko para maitago ang dapat na itago. Dylan’s eyes went on my chest. Uminit pa rin ang mukha ko sa kabila ng galit at hiyang nararamdaman. He looked on it like as if he could see my skin under my coat. Taas-noo ko siyang tiningala. “So, what? Are you interested? Ha? Are you?” I asked, mocking him. Tumaas ang mga mata niya sa mukha ko. Kung kanina ay madilim na ang mukha niya, ngayon ay mala-demonyo na itsura niya. “Anong sabi mo . . .” sabi niya na tila naghahamon. I gulped immediately when I heard his low and raspy voice. He even stepped forward like as if he couldn’t see me properly. Gayong sobra na kaming magkadikit. Napalingon ako sa paligid. Ang mga tao ay dumami. Kumapal sila at mas nagiging interesido sa nakikita. Matalim kong tiningnan iyong babaeng nagtaas pa ng kanyang cellphone at tinutok ang camera sa amin. Agad niya iyong binaba nang makita akong natingin sa kanya. “Ano bang pakielam mo! Hindi ba, nagbigay ka pa ng suhestyon sa kanyang mag-lock ng pinto para magkaroon kami ng privacy? O, ano ngayon sa ‘yo kung ialok ko ang sarili ko sa kanya? Chairman naman ‘yon!” Sandali kong nakita ang galit na panginginig ng labi niya. Madiin ang pagkakalapat na para bang may gustong sabihin pero mas piniling isarado iyon. Alam ko, mumurahin na niya ako. Napahilamos siya ng mukha at saka nilingon ang mga tao sa paligid namin na para bang ngayon lang niya napansin. May sinabi siya sa mga ito. Patalikod na sana ako para iwan na siya roon, pero hinila niya naman ako at halos kaladkarin sa sementadong sahig. “Bitawan mo ‘ko, Dylan! Ano ba!” pinagpapalo ko ang kamay niya sa braso ko habang napapasunod ako sa kanya. I kept on shouting but he never looked back at me. Ang bawat taong nadaraanan namin ay pinapanood kami na parang isang eksena sa pelikula. Iyong iba ay napapangiti at sabay bulong sa katabi. Some even paid a look at Dylan then secretly giggled. Napaawang ang labi ko. This should be halted. He was forcing me! Nagpalingon-lingon ako para makahanap ng tulong. But there was none. Curious people were everywhere. Saka ko nakita ang sasakyan niyang nakaparada sa tabi ng gutter. Lumabas ang personal driver niya mula sa harapan at tinanaw siya. Mas lalong bumilis ang lakad ni Dylan. Sa laki ng hakbang niya ay tumatakbo na yata ako para masabayan siya. Sinubukan kong hilahin ang braso ko. Binuksan niya ang pinto sa likod at pagalit akong hinila para mapasok doon. But I stopped in front of him and glared at him. He didn’t say anything. Nilagay niya pa ang kamay sa ibabaw ng ulo ko at pilit akong pinayuyuko. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong sumigaw. “This is kidnapping!” histerya ko. “Sa labas ka muna, Vin.” Sabi niya sa personal driver. “Yes, Sir.” Magalang namang sagot nito sa kanya. Sinarado na niya ang pinto sa driver’s seat at naglakad palayo. Pumasok si Dylan at tumabi sa akin. Nilingon niya ako at pinasadahan ako ng tingin. Bukas naman ang makina ang sasakyan kaya nalalamigan ako. Mas lalo ko ngang naramdaman ang lamig sa chest ko. Tinaas ko ang tube. He cursed. Nilingon ko siya. Kinuha niya iyong naka-hanger sa gilid ng bintana. Isang putting longsleeves polo at hinagis sa kandungan ko. “Magpalit ka.” Utos niya. Matalim ko siyang tiningnan. Binato ko sa mukha niya iyong damit. “Ayoko!” He glared at me. “Magpalit ka.” Mas madiin niyang utos. “Ayoko nga, bingi ka ba?” I sarcastically said. Kinuha iyong damit at nilikot sa kanyang kamao. “Edi gusto mong ako ang maghubad sa ‘yo para makapagpalit ka lang?” banta na niya. My lips parted. Sumabog ang inis sa buong mukha ko. “Ano bang pakielam mo?” “Magpalit ka!” his voice roared in the car. Napaawang ang labi ko. Mangha ko siyang tinitigan at hindi gumalaw. Nabitawan ko na rin ang coat ko na siyang nagtatakip sa tube kong kanina pa bumababa. Nagmura siya. Walang pasubali niyang inabot ang butones ng coat ko sa bandang tiyan at siyang nagbukas no’n. Malakas ko siyang tinulak sa takot na madikit ang mga kamay niya sa akin. I was trembling. Not because I was afraid but because of nervous and new harbored feelings! Binalik niya ulit ang mga kamay at pinagbubukas ang mga natitirang butones. “A-ako na!” sabi ko dahil ramdam kong wala siyang balak na tantanan iyon. Binuksan na niya ang coat at lumantad ang white tube ko na nangalahati na pala sa dibdib ko! He moved back. Dumikit ang likod siya sa sandalan pero ang mga mata ay naiwan doon na para bang namatanda sa nakita. Agad akong tumalikod para kahit papaano ay maitago ang sarili at kahihiyan. “Akin na,” medyo kalmado ko nang hingi roon sa damit. I had no choice. He gave me no choices. Walang-kibo niyang inabot sa akin iyong damit. Na malamang ay kanya dahil short sleeves ang uniporme ng personal driver niya. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang damit. But first, I had to take off my black coat and my tube. Natigilan ako roon. Hindi naman ito kumikilos kung lalabas ba siya. Nilingon ko. Naabutan kong nakatitig ito sa likod ko. Paglingon ko ay saka lang siya nagtaas ng tingin sa mukha ko. “Baka gusto mong lumabas muna?” patuya kong paalala sa kanya. He sighed calmly now. “This is my car.” Ako naman ang bumuntong hininga at inirapan siya. “Don’t act like as if I haven’t seen you in bikinis.” Tinalikuran ko na siya at hinubad ang black coat ko. Wala na naman akong pupuntahang ibang lugar kaya okay lang na magpalit ako. I tilted my head. Kung ganoon nga, dapat pala ay umuwi na lang ako. I looked back at him over bared shoulder. “Uuwi na lang ako. Sa bahay na ako magbibihis,” suhestyon ko. He was still looking at my back. He looked up at me. “Do it now.” Matigas niyang utos. Tumalikod ulit ako. Mas lalo akong nilamig dahil sa pagkakahubad ko ng coat. Hinila ko iyon sa bawat braso para makawala. Tumingin ako sa labas ng bintana. His windows were heavily tinted. Kaya malakas ang loob niyang pagbihisin ako. Nang tinaas ko na ang hem ng tube ko ay natigilan ako. I was on my strapless bra. And yes, he only seen me in bikinis. But we were in his secluded car. We. Just him and I. There was still a thin difference. Pero sa tigas ng boses niya kanina ay ramdam kong wala siyang balak na umalis para makapagbihis ako. I was tempted to look at him again. But I chose to take off my tube instead. Nang mahubad ko ang tube ay tanging itim na strapless bra na lang ang tumatakip sa pangtaas ko. I unconsciously glanced on the rear view mirror. Nakatalikod ako sa kanya at siya ay maayos na nakaupo sa likuran ko. He was looking. His eyes were on my bared back. Maybe on the snap of my bra. Nakita niya akong nakatingin sa kanya sa salamin. Napalunok ako. Why am I feeling like this? Sinuksok ko ang braso sa butas ng sleeves. Yumuko ako para maisarado ang mga butones nito. Umayos lang ako ng upo nang nasa dibdib ko na ang nasasarang butones. Pagkatapos ay tinipon ko ang mga pinaghubaran at maayos na tiniklop sa kandungan ko. For last two minutes, I felt the unknown heat and thick air. I gulped multiple times. While his eyes remained on me. “Bakit mo ginawa ‘yon?” tahimik niyang tanong. Nag-iwan ako ng tatlong butones na bukas sa bandang dibdib. Tiniklop ko rin ang manggas hanggang sa mga siko ko. Sobrang laki para sa akin ng damit. Malambot ito at sobrang bango. I knew that all his clothes were branded. Kaya naman kahit marami siyang pambili ay ibabalik ko rin ito agad sa kanya. Bumuntong hininga ako nang magtanong siya. “It’s none of your business.” Sagot ko. “You already humiliated me in front of strangers,” Mabagsik siyang humarap sa gilid ko. He was been watching me. He never took off his eyes from me. Kahit na nakaupo lang naman ako rito malapit sa kanya. “Don’t you think I couldn’t stop that from spreading the gossip all over the country? Answer my damn question!” Binaba ko ang mga braso mula sa pagtitiklop ng manggas at tumingan lang sa harapan ng sasakyan. “I was applying for my OJT. He-“ napalunok ako nang bumalik ang ugat nang nangyari sa opisina ni David Domingo. “He what?” galit pa rin niyang dugtong. I sighed heavily. Ano bang patutunguhan nito? Ano bang pakielam niya roon? Humalukipkip ako at binagsak na lang ang likod sa leather na sandalan. “He . . . he tried to get information from me about . . . y-your family. I didn’t give any.” tila may bumukol sa lalamunan ko kaya pumikit-pikit ako at sabay-lingon sa labas ng bintana sa gilid ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay para akong sinasaksak sa dibdib. “H-he said something I didn’t like so I cursed his company. He got angry and-“ “He forced you.” halos hindi umabot sa pandinig. Hirap akong napalunok at siyang paglandas ng luha sa pisngi ko. Agad ko iyong pinunasan nang nakatingin pa rin sa labas. I saw some people who were still looking at his car. Siguro ay gumagawa na sila ng haka-haka sa isipan kung anong nangyayari sa loob. Tapos ay pinaalis pa niya ang personal driver niya. At kung lalabas ako ritong iba na ang suot, mas lalong dadagsa ang dumi sa isipan nila. Nakadagdag pa iyon sa init ng ulo ko! “I could fight back, you know! Daddy taught me well!” Hindi ko napigilan pang sabihin iyon. Kahit noong nasa mansyon pa ako ay alaga kami sa ganoong paalala nina Daddy at Mommy. To fight for our rights and dignity. Lalo na ako na siyang nag-iisa nilang anak na babae. Kahit na napaligiran ako ng mga bodyguard ay kaya ko pa ring lumaban. But . . . there was a time--that was the first time when I was so shocked to even move and said something to scare him. I was thankful that help came before he could even touch me. Since then, I promised myself I would never be intimidated by anyone and anything. I will allow myself to be shocked but not shaken. He cursed heavily. Lumandas ulit ang luha sa pisngi ko at pinunasan ko iyon. Naramdaman kong umusod siya palapit sa akin. Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa gilid ko. “Ruth . . . babe, I’m sorry.” he whispered. Dala ng pagkamangha ay nilingon ko siya. Our distance was so short. Nakapatong na ang braso niya sa ibabaw ng sinasandalan ko. At ang mga mata niya . . . nababakasan pa rin ng galit pero naroon din ang pag-amo ng kanyang mukha. He moved a little bit closer. And closer . . . I couldn’t breathe properly. “I’m going to do everything to turn his company down. I promise,” Umiling ako. “There’s no need for that. Nakaligtas naman ako at kahit hindi ka dumating ay lalaban pa rin ako,” “He’s a maniac.” “If you closed his company, what about his employees? Mawawalan sila ng trabaho.” Kumunot ang noo niya. “Iyan pa rin ang inaalala mo pagkatapos ng nangyari sa ‘yo?” umaagos na naman ang galit sa tono niya. Inirapan ko siya at lumingon ulit sa labas ng bintana. “Mahirap maghanap ng trabaho, Dylan. Maraming nagugutom ngayon. Ikaw, may privilege ka kasi mayaman ka. Pero hindi lahat katulad mo.” At natatakot ako kapag lumalapit ka ng ganyan. Hindi siya nakapagsalita kaagad. Sa kabila no’n, alam kong matiim pa rin siyang nakatitig sa akin. Ang binti niya dinikit na rin sa binti ko. “So, what do you want me to do?” he quietly asked. Napalunok ako. Nilagay niya ang isang kamay sa headrest ng driver’s seat na tila nahihirapan siya sa kung ano. I saw his hand gripped on there. “I can find better company for your OJT.” He added. Tempting. But . . . “You can even choose where you want to.” Kinagat ko ang ibabang labi sa mga suhestyong narinig ko sa kanya. “Bakit mo gagawin? Hindi ba, ayaw mo sa akin? Bakit bigla gusto mong tumulong?” nanghihina kong tanong. Mabigat itong bumuntong hininga. Tumama pa ang kanyang mainit na hininga sa gilid ng ulo. He tilted his head like as if he was searching for my eyes. “Babe,” bulong niya. Pumikit ako. “Don’t call me like that! You were my cousin!” tinaas ko ang kanang kamay para maitulak siya sa dibdib ko. Nadidiliman na ako sa lapit niya at para akong nahihirapang huminga sa presensya niya. But he caught my hand and held it. Inagaw ko iyon pero hindi niya pinakawalan. Sa taranta ko ay nilingon ko siya para sigawan. Paglingon ko ay agad naman niyang nilapit ang mukha niya. “I hate it when someone’s touching you, Ruth.” “But you chose to humiliate me in front of him!” “I was angry. I wanted to kill him right away.” Namilog ang mga mata ko. “K-kill? You’re funny.” I even faked a chuckled. Wala siyang sinagot at naiwang ingay lang ang pagtawa ko. “Stop this. You’re making yourself weird.” Alu ko sa natatarantang puso. Tinitigan niya ako. Pagkatapos ng ilang segundo ay bigla itong umayos ng upo palayo sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang lumayo siya. Pero naramdaman ko agad ang kakulangan. Kakulangang hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman. Dahil ba sa wala akong boyfriend? Then, maybe, I will tell Geneva about the guy who wanted to court me. Padaskol siyang sumandal sa inuupuan. Hinaplos niya ang kanyang chin at lumingon sa labas ng bintana. “I’m just testing you.” Pumikit-pikit ako bago sila nilingon. “Ano?” He changed his reaction. Kung kanina ay nakikita ko pa ang amo sa mukha niya, ngayon ay burado na iyon. He was back to his cold and annoying face he always has when he was talking to me. The face of the man who wanted my name to be erased in his clan. Tumaas ang isang kilay niya at nilingon ako. Guni-guni ko lang ba iyong nakita ko kanina? “I’m testing you if you’re willing to use your body in exchange of your ambition, Ruth.” My lips parted. Naisip ko, wala na sigurong mas iitim pa sa dugo niya. But then, I remember his words in the mansion. When we were on the recliner chair. When he shamelessly touched my lips against his. Possibly, this was also part of his avenge for me. He tilted his head. Mocking me. “You are willing because he’s a chairman, huh?” Diniin ko ang labi. I stared at him with disgust. “What? Do you have better offer for me? Huh?” I sarcastically asked too. Nakita ko ang pagguhit ng galit sa mga mata niya. Halos mapangiti ako pero pinigilan ko ang sarili at naging ngisi na lamang. Nagtagis ang kanyang bagang. I used the opportunity to lash out my anger at him. “Kung wala ka rin lang magandang mao-offer, ‘wag ka na lang mangielam! At ano bang ginagawa mo rito, ha? Are you stalking me? Bakit? Do you want me to go to you so I can have a relationship with you?” I moved a little closer. “Do . . . you want me, Dylan?” I asked in a sexy tone. Not to seduce him but to annoy him. Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig lang sa akin. Ako pa ang napalunok nang magtagal ang titigan naming dalawa. Nagbaba na ako ng tingin at sinimulang sikupin ang mga damit ko at bag. “I can get you if I only want to.” He murmured. Natigilan ako pero hindi ko na siya nilingon pa. “Isosoli ko rin itong damit mo.” Binuksan ko ang pinto. He didn’t answer me. Kaya tuluyan na akong bumaba at padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan niya. Agad kong napansin ang mga mapanuring matang hindi na yata nilayuan ang sasakyan. Nang makita ako ay pinasadahan ako ng tingin. Hindi ko na lang pinansin pa ang kani-kanilang malalim na reaksyon na agad na lamang na pumara ng taxi. Sa loob ng taxi ay hindi ko maiwasang maiyak sa mga nangyari sa akin ngayong umaga. I had my interview but it turned out to be a personal motive. Then I was harassed. And humiliated by Dylan de Silva. What a f*****g day, huh? Napansin kong patingin-tingin din sa akin ang taxi driver sa salamin pero hindi naman na nagtanong. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag nang marinig kong tumunog iyon. Esther: Kumusta ang interview? Pasok ka na ba? Blowout naman d’yan! Haha! Pagak akong ngumiti. Hindi na ako sumagot at umiling na lang ng bigo sa sarili. Mukhang, marami pa akong pagdadaanan sa buhay bilang dating de Silva o bilang namumuhay na mag-isa. Pero bakit naman ang ibang ampon ay nakakaraos sa buhay? Bakit ako, palaging hinahabol ng demonyo sa katauhan ni Dylan? Madali sa kanyang husgahan ako. Sa tingin ko, ang turing niya sa akin ay babaeng nanghuhuthot sa wallet sa mga mayayamang katulad niya. Malamang ay ganoon ang pananaw niya sa akin. Well, when I was still a child, I was pampered by my parents. They showered me things I asked and I didn’t. They showered me gifts. Kahit ang dalawang kapatid ko ay bini-baby rin ako paminsan-minsan. Ngayon, masama na iyon? Siguro ay masama para sa kanya dahil hindi naman nila ako kadugo. Bagsak ang mga balikat kong nilakad ang kanto pauwi sa apartment. Katanghalian tapat ay gutom na gutom na rin ako. May iilang tambay sa labas pero hindi naman sa akin nakatanaw kaya nagdere-deretso ako sa paglalakad. Sukbit ang bag sa balikat ko at ang damit ko ay nakasampay sa forearm ko. May mga batang excited na nagtatakbuhan. I got curious. Pagod ko iyong sinundan ng tingin. Nakita kong pinagkakaguluhan nila ang isang malaki at itim na sasakyan. Nakaparada sa tapat ng apartment ko! My lips parted and my heart beat faster. Excitement washed through me when I noticed the familiar car. “M-mommy!” naiiyak kong sambit at patakbo nang lumapit doon. Nang nakita ako ay kinawayan ako at nginitian ng kanyang driver. Si Manong ay matagal nang nagtatrabaho sa pamilya kaya naman kilala niya pa rin ako. Tinuro niya sa akin ang maliit na bakuran ng bahay. Tila akong bata na matagal na hinintay ang kanyang sundo sa eskwelahan. “O, ayan na pala si Ruth, Madam,” Mula sa pakikipag-usap sa landlady ko ay hinanap ako ni Mommy Jahcia. Pareho silang nakatayo sa tapat ng nakasarado kong pintuan. She was wearing an old rose plain body hugging dress. Turtle neck at sleeveless. Maliit pa rin ang kanyang baywang at hindi mo aakalaing may mga binata ng anak. Her high heels gave her so much elegance. Nakalugay ang kanyang mahaba at malambot na buhok na lumagpas lang sa kanyang balikat. She didn’t need a stockings. Her skin was still smooth and looking young. And her coral lipstick made her small face so serene. She wasn’t wearing heavy makeups. She never did that. Ang kanyang itim na bag na nakasampay sa kanyang forearm ay bahagyang gumalaw nang kawayan niya ako. “Ruth.” She called me with a beautiful smile on her calmed face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD