Chapter Four

3458 Words
Chapter 4 Ruth Mahinahon na nagpasalamat si Mommy sa landlady nang makalapit na ako sa kanya. Ngiting-ngiti naman ang landlady sa kanya at parang ayaw pang pakawalan si Mommy sa pakikipagkwentuhan. May sinenyas siya kay Manong. Tumango naman ito at binuksan ang pinto sa backseat ng sasakyan. Hinawakan ako sa braso ni Mommy pero hindi ko maalis ang tingin sa sasakyan. Tama nga ang hinala ko. Binaba ni Manong ang maraming plastic bag at paper bag ng groceries mula roon at dinala sa akin. “Mommy . . .” nanghihina kong tawag sa kanya. Agad akong humawak sa kanyang malambot na kamay at yumakap sa kanyang gilid. Nilubog ko ang mukha ko sa kanyang balikat sa labis na pagka-miss ko sa kanya. “I wish Daddy is here too. Thank you for coming.” sabi ko. Oh, I missed them so much! Mahinhin siyang tumawa. Magaan niyang sinuklay ko ang buhok ko. “We missed you so much, Ruth. Hindi ko lang mahatak ang Daddy mo dahil busy pa sa opisina. But I will call him later,” Umayos ako ng tayo at nahiyang ngumiti. Hindi ko inalis ang kapit sa kanyang braso. Umiling ako. “’Wag na po, Mommy. Okay lang.” “Saan ko po ito ilalagay, Ma’am Jahcia?” tanong ni Manong. “Sa loob po, Manong.” Sabay-turo niya sa apartment na tinutuluyan ko. My hands were still trembling. Nilabas ko ang susi ng pinto para makaupo na si Mommy sa loob. Ang init-init pa naman dito sa labas. “Kumain ka na ba, Ruth? I can cook for you, hija.” Tanong niya sa akin habang sinususian ang pinto. Nangiti ako. Pagkapasok namin ay agad kong binuhay ang ilaw at ang stand fan. Pinaikot ko iyon para para malamigan na siya. Pinasok naman ni Manong ang mga grocery at nilagay sa ibabaw ng platic kong mesa. Lumabas siya ulit at may binalikan pa. Binaba ni Mommy ang bag niya sa upuan. Tahimik akong pinasadahan ng tingin pagkatapos ay ang loob ng apartment naman. “Juice, Mommy?” binuksan ko na agad ang ref at tiningnan ang laman no’n. Mayroon pa akong isang sachet ng orange juice na nasa ibabaw lang din ng ref. Nilabas ko ang pitsel ng tubig. “Sige, hija.” Binaba ko iyon sa mesa. Katabi ng ilang grocery bags. Pero kinailangan kong magbaba ng isa para makaespasyo. Ganoon karami ang dala ni Mommy. “Ang dami naman po nito. Ilang buwan ko na pong stock dito,” sinundan ko iyon ng tawa. Nang tingnan ko siya ay nahuli kong nakahalukipkip ito at nakatunghay sa puting polo na suot ko. It was so out of my style. I know. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. “Saan ka nanggaling, Ruth?” Tumikhim ako. Sinalin ko sa pitsel ang powder juice. “Sa interview ko po, Mommy. Pang-OJT ko.” Tumalikod ako para makakuha ng kutsara panghalo. Ginamit ko rin ang oras na iyon para kagatin ang labi sa kaba. “Nang gan’yan ang itsura mo, anak? Hindi kaya, masyadong malaki sa ‘yo ang suot mo?” may pag-aalala niyang boses. Pagharap ko ay nakalapit na sa mesa si Mommy at mas pinagmasdan ako sa malapit. Umiling ako. Hindi ko naman kailangang magsinungaling. “Bumababa po kasi ang suot kong tube kanina. Kaya, nagpalit po ako ng damit.” Nagsalin ako ng juice sa baso at inabot sa kanya. “Baon mo ‘yan?” “Hindi po. Pinahiram lang.” Tumaas ang mga kilay niya. “Sinong lalaki ‘yan, Ruth?” She knew by just checking the size of this polo. “Kay Dylan po, Mommy.” Amin ko. Naiwan sa ere ang pag-inom ni Mommy sa juice. Mula sa rim ng baso ay tinitigan niya ako at tila may ibang laman ang tinging iyon. Dumadagundong ang dibdib ko na sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Natahimik kaming pareho. “Ito na po lahat, Ma’am,” “Thank you.” mahinahong sagot ni Mommy kay Manong. Tumango na lamang ito at lumabas na ng bahay. He closed the door. Kaya mas lalong nadepina ang katahimikan sa aming dalawa. “Maliligo lang po muna ako, Mommy,” paalam ko para makaiwas na sa mapanuri niyang titig sa akin. Tumango siya. “Go ahead. Ipagluluto na rin kita, anak.” Tiningnan niya ang mga pinamili at marahil ay doon na rin kukuha ng mga rekado. But I knew her. She already bought her ingredients. ** She cooked my favorite dishes kaya naman napalakas ang kain ko ng tanghalian. Sumalo na rin sa amin si Manong at pagkatapos ay lumabas na ulit. Mula sa mansyon ay dinalhan din niya ako ng empanada. This was her specialty as well as my Daddy’s most favorite. Hindi yata kami nawawalan nito sa mansyon dati. Kahit sina Red at Cam ay naging paborito na ring pagkain ito. Basta si Mommy Jahcia ang may gawa, lahat ay kumakain. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin samantalang sinimulan naman ni Mommy na itabi ang mga pinamili sa estante sa kusina. Nakita kong mayroong mga corned beef na imported, spam, sausages, cereals, gatas at ilan pang snacks na alam niyang paborito ko. Mayroon ding bigas, mga tinapay, asukal, kape at creamer. May nilagay pa siyang chocolates sa ref at juices kaya naman halos mapuno ang loob nito. I couldn’t wait to share all of this with Geneva’s children. Alam kong bibihirang makatikim ang mga iyon ng imported chocolates. Kinukwento niya sa akin ang ilang na-miss ko sa mansyon. Si Red ay mukha raw matinik na sa chiqs. Mommy was a little bit worried. Pero si Daddy daw ay hinahayaan lang muna ito. I smiled everytime she was telling me about the family. She was making me feel that I was still belonged to them. Nakakagalak sa puso. Maayos na tiniklop ni Mommy ang mga plastic bag habang nakaupo sa mesa. Nagpupunas na naman ako ng lababo at malapit na ring matapos. “Kumusta ang interview mo?” she asked in a motherly tone. Umiling ako. “H-hindi po ako natanggap, Mommy. Baka mag-apply po ako ulit sa iba.” She eyed me. “You can ask you father about it.” Binanlawan ko ang basahan at saka sinampay muna sa edge ng sink. “Don’t hesitate to ask, Ruth. We’re still your parents no matter what happened.” Nilapitan ko siya at naupo na rin doon. I could ask them. Si Dylan nga ay nag-alok pa. Pero totoo naman kaya iyon? He was weird a while ago. Hindi niya ako sinagot kung anong ginagawa niya sa building na pinuntahan ko. “Mommy kasi-“ “You’re still our daughter. Magbago man ang apelyido mo, mananatil ka pa ring anak ko, Ruth.” Matiim niyang sabi sa akin. Napangiti ako. This was the love I’ve been thinking about. Her unconditional love she has for everyone. Pantay-pantay ang pagmamahal nilang mag-asawa para sa aming tatlo. Sobrang sarap sa pakiramdam na minahal nila akong tunay. But then . . . how did she cope up with the truth about daddy and my real mother? Marahil ay matagal nang tapos iyon o nauna pang nagkakilala ang daddy at si Mama Denise. Pero sa kabila no’n, ay tinuring pa niya akong tunay na anak at pilit pinorotektahan. Kahit noong pinapaalis na ako ni Dylan sa party. I’m the daughter of her husband’s ex. Why did she choose to love me so much? Kumikirot ang puso ko habang pinagmamasdan si Mommy. Mahal na mahal siya ng Daddy at halos sambahin nga sa tuwing nasasaksihan ko silang dalawa na magkasama. Kung nakaya niya akong mahalin kahit anak ako ni Mama Denise, sobrang linis pala ng kanyang puso. Hindi siya namimili ng minamahal. Kundi minamahal niya ang malalapit sa kanya. That love was so pure, so clean and immaculate. She smiled at me like as if I’ve been day dreaming in front of her. “Don’t think too much, hija.” Pinasadahan niya ng tingin ang bahay. “Ang sabi ko nga sa daddy mo ay pwede kang tumira sa Laguna. Sa mga Lola at Tita Jenelet mo. Kung papayag ka naman ay walang problema,” Yumuko ako at kinurot ang mga daliri. “Nakakahiya po sa Lola, Mommy. Hindi naman nila ako kaanu-ano.” She gasped. “Ruth!” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Okay na po ako rito. Mababait naman po ang mga kapitbahay ko saka . . . sanay na rin po ako.” “You should have accepted your brother’s condo unit. Mas kumportable ka roon, anak.” Tipid ko siyang nginitian. “Dito rin po, Mommy. Actually, pinagawa ko nga po ‘yung bubong kasi no’ng umulan ng malakas, umulan din dito sa loob!” tumawa ako para maibsan ang seryoso naming pag-uusap. But she didn’t even smile. Natahimik ako at yumuko na lang ulit. “Ginugulo ka ba ni Dylan?” Napaangat ako ng tingin sa kanya. “Po?” She sighed. Sumandal sa upuan at humalukipkip habang pinanliliitan ako ng mga mata. “Is he . . . advancing towards you?” Napaawang ang labi ko. Uminit din ang mga pisngi ko. Ang mahinhin at napakagaan niyang boses ay mas lalo lang yata akong pinapakaba. She tilted her head and watched me like as if she was examining my soul. Napalunok ako. “Ayaw niya po sa akin,” “What about you?” “I . . . eventually hate him po.” She giggled. “Dylan’s been collecting hates from everyone. You know, since he took charge of their company, bumibilang na rin ang mga nakakabangga niya sa negosyo. He’s ruthless than Kuya Johann. And Ate Aaliyah’s started to get worried about him.” Nagkibit ako ng balikat. O, tama ako. Iba talaga ang lapot ng dugo niya. Hindi lang pala sa akin siya masama. Maybe, the way he talked and his attitude problems were his missile kaya nagkaroon na siya ngayon ng mga kaaway. Kung matagpuan man niya ang nababagay sa kanyang katunggali, my pity would ricochet. “Baka po talent talaga ni Dylan ang magpainit ng ulo ng tao.” wala sa sariling sabi ko. Muling tumawa si Mommy. Nangiti lang ako. Pero ilang sandali pa ay inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil. “Ruth, I don’t want you to be entangled with Dylan. As much as possible, don’t let him come near you or . . . touch you. Promise me that you’ll avoid him, hmm?” Napaawang ang labi ko sa gulat. “Pero Mommy, wala naman pong gano’n sa aming dalawa ni Dylan,” Wala nga ba?? “You’re still young and beautiful. Dylan is a handsome man but ruthless. Your daddy is worried.” Napalunok ako. “Mommy-“ “’Wag ka muna makipagrelasyon ngayon. Let say, you have to finish you studies first, build you career, your life. But don’t get into serious relationship. Lalo na at independent kang namumuhay. I only want the best for you, hija. Please?” I really didn’t know why she had to say that to me. Maybe, she was worried because I was living alone? That I didn’t have any companions to talk to. “I got married early at eighteen because I was so in love with your daddy Matteo. But, I knew then, that he is the one for me. That I could never love any man aside from him. Magpalipat-lipat man ako ng lugar. He waited for me. Because that was true love. It can wait no matter what the circumstances are.” I listened to her words carefully and attentively. Unti-unti ay naa-absorb ng isipan ko ang ibig niyang sabihin. Not all of love was the same as her love story. Love could wait. If it was really true. She didn’t want me to be in a relationship. She wanted me to stand on my own without complications that I may get from a serious relationship. I could understand that. Hindi rin naman ako nagmamadali. So, “no” na agad sa nirereto ni Geneva. My Mommy wouldn’t like that. I was asked before, sa school, kung anong klase ba ng lalaki ang gusto kong maging boyfriend. Ang sagot ko ay, “Iyong gusto kong nakikita pagkagising ko pa lang sa umaga. Iyon tipong, pagdilat mo ng mga mata ay siya ang gusto mong tanawin.” Kasi, kung hindi naman ganoon ang gusto mo sa isang lalaki, bakit mo pa ibo-boyfriend? Walang saysay kung hindi mo naman pala siya gustong makasama panghabambuhay. At saka, kapag daw ang lalaki ay totoong in-love, hirap na hirap daw silang magtapat sa babaeng gusto nila. Marami ang hindi nakaintindi sa akin noon dahil wala naman daw masama kung magpalit-palit sila ang boyfriend. But then, I also didn’t get them. And also, what they wanted was too shallow for me. Umuwi si Mommy na nag-iwan ng maraming bilin. Isarado ang pinto, i-double check ang mga bintana, gas at pinto. Mag-text kung may problema, etc. I kissed her goodbye and told her, “I love you, Mommy!” Independent living was hard especially when you were forced to be in here. All I wanted to be was maturity. That I could live this life alone. If I had the willpower. ** Nang maghalughog ako para sa isusuot ay nakita ko ang puting polo sa hamper. Nakalaylay ang sleeves na tila nagmamakaawa. Ni hindi ko naman iyon matagal na sinuot. Baka napagpawisan din. Paano ko isosoli? Ipa-deliver ko? Sa bahay nila o sa office? Kung ipaabot ko na lang kay Red? Baka magtanong naman iyon at manghinala pa. Napanguso ako. Ang sabi ko ay isosoli ko agad, e. Namuroblema pa ako. Then I remember my Mommy’s advice last night. “Avoid Dylan.” Marami naman siguro siyang damit. Okay lang kahit mawala ang isa. Marami rin akong gagawin ngayon. Kailangan kong mag-hunting ng pag-o-OJT-han. Tapos ay sa cleaning service—shoot! Hindi ko pa pala nari-replyan si Esther! Kinuha ko ang cellphone at agad na dinayal ang numero nito. Dalawang ring ay sinagot niya ang tawag ko. I continued rummaging my closet. “Oh, Ruth? Anuney?” pang-aasar niya agad sa tawag ko. I sighed. “Dumating ang Mommy ko kagabi kaya ‘di kita nasagot. Nakalimutan ko na. Hindi rin naman ako natanggap.” I still need to forget what happened yesterday. “Awts! Hindi ka tinanggap? Hindi ba nila alam kung sino ka? Ipakita mo ID mo noong high school!” I chuckled. “They didn’t want me. They wanted something from me.” binigyang-diin ko ang ‘something’ sa pananalita. “Ohh. Parang nage-gets ko na! Kaseksihan mo ba o legs mong walang dugo? Alin do’n?” Kahit papaano ay natawa ako roon. Pampawala ba ito ng lungkot o ano? “Maniac din ‘yong chairman nila. Muntik pa ‘ko--basta! Dumating din si Dylan kaya . . . nag-away lang kami.” “Ayy teka, teka! Gusto kong marinig ‘yan ng buo. Punta ka na rito dali!” “May pasok pa ako. Pag-uwi ko na lang.” “O sige, babush na muna!” I smiled. “Bye.” Sinunod ko ang schedule ko para sa araw na iyon. Kaya pagdating sa munting office namin ay pagod na pagod na ako. Nakapagpasa na rin ako ulit sa ibang Media Companies at sana ay may sumagot. Si Esther ang nag-aasikaso ng booking sa buong araw. May website kami na pinagawa pa ni Ate Deanne para sa akin. Mayroon din kaming mga social media accounts para mai-market ang aming munting negosyo. Sa ganitong oras ay papauwi na rin ang ilang nagbyahe galing sa nilinisang bahay. Maliit na espasyo lang ang inuupuhan naming opisina. Narito na rin ang mga kagamitan para sa paglilinis at pati working table na may isang set ng computer. Tabing kalsada rin kaya madaling makita. Nagsisilbi na rin itong tambayan kapag wala pang booking sa paglilinis. Ang katabi naming tindahan ay burger store kaya kung minsan ay doon na lang din kumakain sina Esther. Si Esther ay parang bulateng binudburan ng asin nang makita akong dumating. She even scanned my body. “Paano kayo mag-away ni Sir?” kinikilig pa niyang tanong. Ang dalawang mga kamay ay nakatungkod pa sa kanyang mga pisngi at panay ang kurap ng mga mata. Napailing ako. “Nagsigawan kami,” Napa-O shape ang labi niya. “Sinong unang sumigaw?” Kumunot ang noo ko bago sinandal ang likod sa computer chair. “Ako yata. Minura ko siya, e.” Napalakpak siya. “Napapamura ka talaga?! O, tapos?” “Nagalit siya syempre. Hinawakan ako sa siko at sininghalan pa,” “Paano magalit? As in galit na galit at gustong manaket?” “Kung makikita mo lang ang mukha niya, talagang maiiyak ka sa buwisit,” Napatakip siya ng bibig. “Sinaktan ka ba niya? Nagkapisikalan ba kayo?!” Hinaplos ko ang siko ko. “Mahigpit siyang humawak dito. Hirap na hirap nga akong kumalas, e. Tapos hinila pa niya ako at pinapasok sa loob ng sasakyan niya.” Nagulat ako nang tumili pa siya. “Huy!” “Kung gano’n, sa sasakyan niyo ginawa?! Edi, mauga ‘yon sa labas! Wala bang nakapansin? Umaga niyo pa yata ginawa,” Napaawang ang labi ko na agad ko ring sinara. Luka-luka ito! Uminit ang mga pisngi ko. “Ang dumi-dumi ng utak mo, Esther.” Tumigil siya sa pangingisay at umupo nang maayos. “Ito naman, ‘di na mabiro. Joke lang!” Inirapan ko siya at tiningnan na lamang notebook namin. Naroon ang mga schedule ng booking. Napansin kong pabawas yata ang mga kliyente namin ngayon. Tiningnan ko iyong nasa computer, ganoon din ang nakasulat. “Marami na bang ibang cleaning services ngayon?” tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa monitor. I also checked our f*******: page. Sa inbox ay wala ring booking. “Wala namang bago. Pero bumagal nga ang pumapasok na booking.” Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman inaasahan na palaging marami o puno ang schedule namin. Pero dapat kong ipag-alala kapag matengga ang mga tauhan namin. This business is my supporting income. Kailangan ko ring alagaan ito para may maipambayad ako sa upa rito, kuryente, tubig, sa apartment, pang gasolina ng sasakyan, pang sweldo at pangkain. Kung sakaling kulangin naman, I can use my own savings. Kapag nakapagtrabaho naman ako ay maaaring mabawi ko rin. Kaya lang ay matagal-tagal pa iyon. Napanguso ako at nangalumbaba. Masyado yata ako naging busy sa eskwela kaya nagkaganito. Iyong huling malaki ang pumasok na pera ay ang bayad ni Dylan sa pagpapalinis ng mansyon. “Hayaan mo na. Baka next week ay makabawi rin. Gagawa ako bagong post mamaya sa facebook.” Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung sasapat iyon. Siguro ay kailangan kong personal na kumausap sa mga dating kakilala para magpalinis din. Sinarado ko ang notebook at nag-minimize ng screen. “Nagugutom na ‘ko.” “Libre na lang kita ng burger sa kabila,” aya ni Esther. Nag-early dinner na rin kami ni Esther sa labas pagkauwi ng mga tauhan galing sa paglilinis. Nagtulong din kami sa pag-promote ng aming negosyo online para makapag-attract ng ibang kliyente. Pagkabalik ko sa bahay ay saka ko lang naharap ang cellphone ko. May natanggap pala akong text mula sa hindi kilalang number. Unknown: Greetings! I’m Karen from Philippines Daily Corp. HR department. You’re invited for an initial interview as one of our trainee. If you’re still interested, you can text back your full name to confirm. Thank you! Kumunot ang noo ko. Nanggaling na ako rito. Hindi na rin naman ako nagpasa pa ulit ng resume sa kanila. At first, gusto kong huwag na lang na pansinin ang text. Baka . . . wait! Inuwi ko nga pala ang resume ko kahapon. Paano niya ako na-text? Agad kong ni-lock ang pintuan at naupo sa silya bago nagtipa ng sagot. Ako: Good evening, Miss Karen. I already withdrew my application to your company. May I know where did you get my number? Sumandal ako sa inuupuan at nag-isip. Baka naman may xerox copy sila? Humalukipkip ako at kumurap-kurap. Unknown: Hello, Miss Hilario. I have a copy of your resume given by Mr. Dylan de Silva. Tumaas ang mga kilay ko. Ito na naman ang kakaibang kalabog ng puso ko. Dylan gave my resume? He has a copy of my resume? Nangingielam pa rin siya maging sa mga ganitong bagay. Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa maliit kong sala. Napapaisip sa mga ginagawa niya sa buhay ko. “He’s really weird!” and it making my heart beat faster. Dahil kaya sa takot sa kanya? Avoid him. Avoid Dylan. Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone. Ako: I’m sorry, Miss. I’m not interested. Thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD