Chapter 5
Ruth
Okay. I gave up. He could take my resume from the company itself. Sa kanilang Email.
Kaya naman imbes na ubusin ko ang oras sa kakaisip kung paano niya iyon nagawa, isinintabi ko na. Tutal, hindi naman ako pupunta sa interview. That David Domingo wouldn’t expect me to come back after whet he did to me. Isa pa, sinabi ko sa kanya ang ginawa ng lalaking iyon. Bakit niya ibibigay ulit ang resume ko? May plano ba siyang maitim sa akin?
I received another text message from a HR personnel. Medyo nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na magri-reply sila. Alam kong medyo bago ang kanilang kumpanya pero tanyag na rin ang kanilang pangalan sa larangan ng pagbabalita.
Unknown:
Hi! We’re from Bangon Pilipinas. We received your resume. We’d like to see you for an interview. If you’re still interested, please reply with your full name and preferred date for your interview. We hope to have you here. Thanks!
I didn’t have time to think twice. I needed this for school.
Nilapag ni Esther ang mug ng kape sa harapan ko habang ang paningin ko ay nasa monitor ng computer. In-upload ko sa aking Youtube Channel ang documentary video ko. Pagkatapos ay ise-send ko pa sa Professor namin ang link para mapanood niya.
I have my own camera and some equipment na required para makagawa no’n. Isa iyon sa malaking investment ko kahit na pwedeng sa cellphone muna ang gamitin. Kahit na naglaway ako sa mga bag na nakita kong naka-display sa mall, I still chose to invest on things I needed for a long time. Kahit magkatrabaho na ako ay magagamit ko rin iyon.
“Buti hindi mo naisip na magpatulong sa daddy mo? Tiyak na ipapasok ka no’n sa mga malalaking kumpanya,” untag sa akin ni Esther matapos umupo sa gilid ko.
It would take long hours before I could finally watch my video on this website. Pumangalumbaba ako at nilipat muna sa f*******: ang screen.
“Kung gagawin ko ‘yon, bubulabugin lang ako ni Dylan.” He’s a pest in my life. I’m sure of that.
“E, sa school naman ‘yun. Siguro naman, hahayaan ka na no’n,”
Nag-scroll ako sa aming page. May nakita akong bagong cleaning service na sponsored as Ad.
“Hindi pa nga ako tapos sa pag-aaral noong palayasin niya ako sa party. Sa tingin mo, naawa ‘yon sa akin?”
Nakita kong maraming comment at like iyong Advertisement. Napanguso ako. It was an effective marketing sa dami ba namang may social media accounts ngayon.
But then, aware rin ako na hindi lahat ng sumasabak sa ganitong marketing strategy ay napapansin. So, I clicked their page to see why they were so effective.
Napangiwi si Esther at niyakap ang sarili na parang nilalamig.
“E, bakit noong nahuli ko kayo sa mansyon niyo, nagtutukaan na nga kayong dalawa roon. Sa tingin ko, may gusto lang sa ‘yo ‘yun kaya nagpapapansin!”
Nanliit ang mga mata ko sa screen. Hindi ko muna inintindi ang sinabi ni Esther at tsinek ang bagong page na ito.
Kumpara sa amin, mas mura ang rate nila. Mayroon ding banner ng kanilang mga empleyado at mas marami rin ang bilang. Mayroon pa silang package na higit kaysa sa amin. Nakaka-tense basahin at tila ako kinakain ng upuan sa mga comment at review ng mga tao.
“The best cleaning service in the metro!”
“Ang galing! Ang mura na, ang ganda pa ng service! I will book again next time!”
“Daebak! Super linis at magagalang ang mga staff nila! Two thumbs up!”
Kaya siguro kumunti ang mga nagpapalinis sa amin. Dahil sa bagong kalaban. They are also catering Metro Manila and outside the metro.
Napanguso ako. “Ano kayang magandang strategy? Magbaba kaya tayo ng rate?”
“Ha? Bakit? Ano ba ‘yan?”
Tinuro ko iyong screen. Umusod si Esther para makita ang binabasa ko.
“Bakit naman tayo magbababa? Mahirap kayang maglinis,”
I sighed. Humalukipkip ako. “Talagang ganito kapag may kakumpitensya. Dapat ilaban din natin ang atin.” I bit my lower lip. Wala na ngang kliyente ay magbababa pa kami ng rate.
Napakamot ng batok si Esther. “Ikaw? Ikaw ‘tong namuhunan at nag-train pa sa mga empleyado natin. Nasa iyo pa rin ang utak nitong negosyo mo, Ruth.”
Kumurap-kurap ako. Nag-isip. Ayoko namang sumuko. Dahil may investment din dito ang dalawa kong dating pinsan. Ayoko silang biguin. Gusto ko pa ngang bayaran iyong nilabas nilang pera para mabuhay akong mag-isa.
I declined Red and Cam’s condo unit. I declined my mommy’s help. Why would I think too much now?
This business is still profitable. I can make it! I can!
**
“Come in, Miss Ruth,”
I attended my interview from Bangon Pilipinas. Nasa Pasay City ang kanilang opisina at nasa matayog ding gusali. Namangha ako nang makapasok sa loob. Sa gitna ng opisina ay mayroong pabilog na counter. Sa taas no’n ay ang apat na flatscreen TV. Naka-display doon ang kanilang company logo. At siguro ay nagpapalabas din ng news program kung mayroon.
Sa paligid ay mayroong mga mahahabang lamesa at nakapalibot ang mga computer chair. There were no partition o cubicle for their employees. Wala ring uniform. May kanya-kanya silang laptop, tumbler at mga busy sa trabaho.
Mayroon ding malaking glasswall. Na siyang namamagitan para sa opisina ng kanilang CEO.
I was escorted to a small room with round table and swivel chair. Kinabahan ako. Hindi ko maiwasang ikumpara sa naranasan ko kay David Domingo. Though, babae ang kanilang CEO. Pero paano kung alam din nila kung sino ako dati? Media would always be interested with the de Silvas.
“When do you want to start?”
Namilog ang mga mata ko. Bumuka ang labi ko pero nanigas naman ang lalamunan ko.
“I’d just want to remind you again that we don’t pay our OJTs. But we provide transportation and food allowance. If that’s all fine with you, you can start anytime.” Nakangiti at informative niyang ulit sa akin.
“Ah, Uh, don’t worry, ma’am! I’m fine with that! Thank you po!” masaya kong sagot sa kanya.
Tumayo siya kaya’t sumunod ako. Inabot niya ang kamay na agad ko ring tinanggap.
“See you around, Miss Hilario.” Bati niya sa akin.
In this company, I will dedicate my hours of training in completion of my course. I couldn’t believe it. I didn’t even need to use my former name. Hindi iyon nabanggit sa duration ng interview. Like as if, I was an ordinary person in the Philippines.
Or maybe, they practiced being professional. Kung gayon nga, ang swerte ko!
My schedule was flexible. Pwede akong pumasok pagkatapos ng klase, kapag walang pasok o kahit weekends para matapos ang kailangang oras na training. In two months, I guess, tapos na ako rito.
Pagkatapos ko sa interview ay bumalik ako agad sa office. Ililibre ko ng hamburger sina Esther bilang blowout sa tagumpay ng interview ko.
Pagbalik ko roon ay tila ako namatanda. Nasa labas na ang mga ilang gamit namin. Naroon din ang ilang mga staff ko at nakatanaw na lang sa loob. May mga tao ring nakikiusyosyo at nanonood ng komosyon mula sa loob.
“Anong nangyari?” hindi nila akong nakitang parating. Kaya’t nang marinig nila ang boses ko ay napatingin silang lahat sa akin at. . . may bigo sa kanilang mga mata.
“Ma’am Ruth!”
“Pinapaalis na po tayo ng may-ari,” sumbong ni Marites.
Napaawang ang labi ko. I calmed myself. Hindi ako makakapag-isip nang mabuti kung pati ako ay matataranta gayong wala akong dapat na ikataranta.
Nakabukas na naman ang pinto at kitang-kita ang nangyayari sa loob. Pumasok ako. Nakikipagtalo pa sa matandang babaeng may-ari ng pwesto si Esther. Nakakalas na ang computer mula sa mesa. All of my equipment was stripped out and thrown outside. May ilang papel, mga pamphlet namin ang nagkalat sa sahig.
Kumakalabog ang dibdib ko. Pinaraanan ko ng tingin ang loob. Pero naramdaman ko rin iyong sakit at lamig sa mukha ko. “Bakit . . . po?” tanging natanong ko.
Esther looked at me. Binaba nito ang monitor sa mesa.
“Hindi ko nga rin maintindihan, Ruth, e! Bigla-bigla ay gusto tayong paalisin sa pwesto. Nagbabayad naman tayo sa oras,” naiiyak pero matapang pa rin niyang sagot sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa matanda. Nag-iwas ito at winalis ang mga papel sa sahig.
“Nakakuha na ako ng bagong uupa rito, Ruth. Tinanggap ko dahil malaki ang bayad.”
“Grabe naman kayo, Aling Babes! Alam niyo namang may umuupa pa rito, tumaggap pa kayo ng ibang tenant. Papaano naman po kami? Ni hindi niyo nagawang sabihan kami ng mas maaga. Ni hindi ho kami handa,”
Huminto ito sa ginagawa at binalibag pa ang walis. Napaigtad ako roon dahil sa bigla nitong paglabas ng galit.
“Pwede ba, Esther! Hindi ko na problema ‘yan! Ako ang may-ari kaya ako masusunod ng sa tingin ko ay maganda sa negosyo ko!”
Humakbang palapit si Esther.
“Esther!” tawag ko sa kanya. Inilang hakbang ko siya at hinawakan sa balikat.
“Wala ho kayong malasakit, Aling Babes! Ang ganda-ganda ng usapan natin pagdating sa renta at maayos po kami magbayad sa inyo,”
Umismid ang ginang. “Nangangailangan din ako. Intindihin niyo na lang ang desisyon ko.” she looked at me. “Pasensya na, Ruth. Kailangan niyong alisin na ang mga gamit niyo rito.”
“Bakit naman po biglaan?” sinulyapan ko ang mga empleyado ko at gamit sa labas. “Wala pa po kaming malilipatan. Hindi po ba pwedeng iiwan muna rito ang mga gamit-“
“Naku, hindi na pwede! Bayad na iyong kumuha nito. Pinagmamadali na nga ang pagpapaalis sa inyo. Sige na. Ang susi kukunin ko,” sabay-lahad ng palad sa akin.
“Mga walang puso!” hinanakit ni Esther.
Para matapos na rin ang gulo at pagtatalo ay ibinigay ko na sa kanya ang susi ng office. Dati naming office. Sa itsura ni Aling Babes ay desidido na itong mapaalis kami.
Ipinasakay ko sa service van na naiwan pa sa labas. Ginamit iyong isa dahil may lilinisin na bahay.
Pinulot ko ang mga pamphlet na sumabog sa sahig. Hindi rin aalis ang babae hangga’t naroon pa rin kami. Para sa aming nagsisimula pa lang ay malaking dagok din ito.
Pinagpasyahan kong sa apartment na muna dalhin ang van. Hindi ko na iaakyat sa loob ng bahay at masikip na roon. Pero pwedeng sa loob ng muna ng sasakyan. Ang computer ay i-set up muna sa bahay para magamit. Kakausapin ko rin ang landlady ko para hindi na siya magulat pa.
I still bought burgers for all of us. Sa loob ng apartment at tahimik kaming nagmeryenda. But Esther and I knew that we had a hard time swallowing the food. Bigla na nga lang itong tumayo at lumabas ng bahay. Sinundan ko siya. I found her silently crying. Panay ang punas sa mga pisngi.
Bumuntong hininga ako. Marahan akong humakbang. Maingay pa sa labas dahil sa nagtatakbuhang mga bata sa kalsada. May nagbi-videoke pa sa hindi kalayuan at hiyaw ng mura ng mga nag-iinuman. Someone’s celebrating an occasion.
Nakatayo si Esther sa gilid ng van. Nakahalukipkip at tumitingala para pigilin ang paglandas ng luha sa mata.
Tinabihan ko siya. Hindi ko alam kung paano ko mapapalakas ng loob niya. Gayong hindi ko magawa sa sarili. Kapag mag-isa na ako mamaya, saka ko pa lang mailalabas ang nasa loobin. If I’m going to breakdown today, what will happen to all of us? Lugmok na lugmok na nga ang itsura nila. Para kaming pulubi na pinalayas at sininghalan.
I looked back at my employees. Most of them are mothers. Some even the breadwinner of the family. I needed to go forward. Lahat naman ng negosyo ay dumadaan sa pagsubok. Isa lang ito roon.
I stood up straight and sighed. “Sorry. Wala akong backup plan.” I said to her.
Suminghap siya. Mabilis akong nilingon.
“Hindi mo kasalanan ‘yon, Ruth!”
Hilaw akong ngumiti. Humalukipkip na rin. “Ako ang nagpapatakbo. Responsibilidad ko pa rin kayong lahat,”
“Sa tingin mo, sisisihin kita sa nangyari? Obvious namang nasilaw sa malaking halaga si Aling Babes kaya pinaalis niya tayo. Hindi ko lang akalaing, may ibang magkakainterisado sa pwesto natin.” may hinanakit pa niyang sabi sa huli.
“Maganda kasi ang pwesto. Matao pa. Kung magbubukas ka ng negosyo at may pera para sa magandang location, kayang-kaya naman.” Sagot ko na parang walang kumurot sa puso ko.
“Tangina naman. Anong klaseng negosyante ang mang-aagaw ng pwesto ng may pwesto?! Sakim din, e.”
I knew then, that my words couldn’t soothe her. I sighed again.
“Kailangan nating mag-move forward. Ang sabi ng landlady ko ay pwede namang sa loob ang computer tutal ay naka-submeter ako. Iyong mga van . . .”
“Iuuwi ko iyong isa. May garahe naman kami.” Sabi niya.
Nakabawas iyon ng bigat sa iniisip ko. Sa labas kasi ng office ay pinapayagan kaming gumarahe sa tapat. Mas malawak kasi ang kalsada roon. Pero rito sa labas ng apartment, kung nandito ang van at may dadaan na isa pang sasakyan, halos magdikit na iyon. May magrereklamo nang kapitbahay.
“Alam kong mahalaga rin sa ‘yo itong cleaning service mo, Ruth. Hanapbuhay mo ‘yon bilang namumuhay kang mag-isa. Pasensya na at hindi ko nagawang ipagtanggol ka-“
“Mahalaga para sa ating lahat, Esther. Sa iyo lang din umaasa ang parents mo. And I’m thankful to you for staying by my side even after this storm. And storm don’t stay longer. They will disappear.” I smiled at her.
Nangiti na rin siya tinuyo ang gilid ng mga mata.
“Ruth Kamila Hilario para konsehal,” tinaas pa niya ang mga kamay na tila may imaginary tarpaulin sa harapan.
I chuckled and bumped her shoulder. “Sira!”
Nagawa na rin naming magtawanan na dalawa. Napangiti ko na siya kaya naman gumaan rin ang nararamdaman ko. Kung minsan talaga, ang problema ay bumibigat lang kapag bini-baby. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang araw. Choice nating magpaagos sa hirap o saya.
Okay lang maging malungkot. Tao lang tayo kaya natural iyon. Pero nagiging extra ordinary tayo kapag nagagawa nating tumawa sa kabila ng dagok sa buhay.
Pinanood namin ang mga batang naghahabulan sa labas. Kahit ang mga kumakanta sa videoke ay pinakinggan pa namin at sumabay sa lyrics. Naglabas pa ng upuan at tumambay muna sa labas hanggang sa abutin kami roon ng dilim at pinapak na ng mga lamok.
I totally forgot about my interview. Tila ako hinatak sa ibang dimension at isinantabi maging nangyari sa pwesto kanina.
Nagsiuwian na rin ang empleyado ko. Wala silang kinita ngayong araw kaya naman nag-abot ako kahit maliit na halaga lang para may maiuwi sila sa kanilang pamilya.
Kami na lang ni Esther ang naiwan nang dumating ang isa pang service van. But I was astonished when I learn about what happened to them. Tatlo ang cleaners at isang driver. Pare-pareho silang malungkot ang mga mukha.
Pinapasok ko muna sila sa bahay at pinakain bago kausapin sa nangyari. Nakapamaywang naman sa gilid ko si Esther. Nagpupuyos na naman ito sa galit.
Pinatong ko ang mga siko sa mesa at inipit ang mukha sa mga palad. Gusto kong pigain ang ulo sa pagbalik ng hirap na naramdaman.
“Kaya po tumanggi silang magbayad.” Malungkot na kwento ni Ate Rosa. Siya ang pinakamatanda sa lahat ng employees ko.
Bumuntong hininga ako. May kasalanan din ako. Dahil niluwagan ko ang p*****t system namin bilang dagdag atraksyon din sa service. Now, I even doubted myself.
Binaba ni Esther ang notebook sa mesa at naupo na rin. Alam kong hinahanap niya ang contact details no’ng nag-book.
“Galing pa silang Cavite. Pagkatapos ng mahabang byahe ay papauwiin lang sila na parang-naku nakakagigil!”
Pinakita niya sa akin ang ni-record niyang booking. Hindi nagkakamali sa ganito sa Esther.
“Sa f*******: sila nag-book. Malinaw na malinaw ang usapan namin dito,” she searched on their conversation and showed it to me. “Pina-confirm ko pa ‘yan bago sila umalis,”
Kinuha ko ang cellphone niya. Dinayal ko sa phone ko ang numero at tinawagan.
Tatlong beses iyong nag-ring bago sinagot.
“Good evening. This is Ruth Hilario, owner of the cleaning service you booked yesterday,”
Naghintay akong sumagot ang sa kabilang linya pero isang buntong hininga lang ang narinig ko.
I cleared my throat. “Hello, Sir? Naririnig niyo po ba ako?”
Walang tugon. Napapikit ako. May hinala akong nanloloko lang ito at peke ang booking na kinuha.
“Okay, alam kong naririnig mo naman ako. Hindi po kayo nakakatuwa. Nakakaperwisyo pa kayo sa oras, pagod at gasolina. Hindi ho biro iyong byahe ng mga staff ko at pagkatapos ay sasabihin niyong hindi kayo nagpa-book. ‘Wag naman po gano’n. Maayos po kaming nagtatrabaho. Because of that, I will block your name, address and this number in our list. I’m sure, wala lang sa inyo iyon, ano? Palalagpasin ko ito ngayon. But if you ever tried again, I will formally file a complaint against you, Sir. Sana ay nagkaliwanagan tayo-“
Natigil ako sa pagsasalita ng makarinig ng mahinang pagtawa sa linya. Talagang nanloko lang!
Napailing ako sa disappointment. “Kung laro lang para sa iyo ito, sana ‘wag ka nang mandamay ng ibang tao! Marami kang napaperwisyo!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tiningnan ako nina Esther at lahat ay tahimik habang kausap ko pa itong lokong manloloko!
“Isa pa-“
“Damn. I always knew this. Your voice is so sexy over the phone, babe.”
My breathing hitched. Namilog ang mga mata ko.
“What the hell?” gulat kong sambit. Mukhang hindi lang basta manloloko ito.
I heard his low chuckle.
“Who are you?”
Bakit pakiramdam ko ngumisi ito sa kabilang linya gayong hindi ko naman nakikita?
“I see. You’re very passionate even in your business, Ruth. I can’t wait to turn it down,”
Napatayo ako. Natumba pa ang inuupan ko dahil doon.
His voice was so familiar. Its huskiness. Its tone. Its words. Damn it! This is him?
Napatingin ako kay Esther nang tumayo ito.
“Ruth bakit?” nag-aalala niyang untag sa akin.
Napaawang ang labi ko. Napapikit ako at tumalikod. Pumunta ako sa kusina pero alam kong nakasunod ang mga mata nila sa akin. Hinilot ko ang noo ko. Nanginig ang mga kamay ko. Bakit nangyayari ito? Bakit?!
Tumigas ang lalamunan ko. My teeth gritted in anger. I murmured, “f**k you, Dylan.”
I guess, I already poured all my anger and loathe for him in two ugly words.
He stopped from breathing. Wild guess. Dahil natahimik ang kabilang linya.
“What are you doing this, huh? Nakakapeste ka na!” alam kong ito pa lang naman ang unang beses na pestihin niya ang negosyo ko. Hindi pa naman pamemeste iyong nagpalinis siya ng mansyon dahil totoong trabaho pa rin iyon. Though, magpapa-renovate pala siya.
“I will still send my p*****t to your account.”
“’Wag na! Isaksak mo sa baga mo ‘yang pera mo!” singhal ko sa kanya.
“O? That’s not a good entrepreneur attitude, Ruth.”
He talked like as if he was murmuring his words.
“f**k you, Dylan. You’re pestering my business!”
“You said it twice. Do you want me to come over there so we can talk about it, mm?”
“If you’re bored, leave me alone.”
“But I’m not bored.”
“Ano bang mahihita mo sa akin kung mapabagsak mo ako? Ano bang gusto mo? Gumapang ako sa lupa para sumaya ka na?! Hindi ka pa ba masaya ngayon? I’m all alone, Dylan! Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin ‘yan!”
“I’ll make sure, if you started to crawl, you will crawling to me. I will stop pestering you if that happens.”
Napikit ako nang manubig ang mga mata ko. This tears were from angry. Not because I was defeated.
“If you ever feel alone, you can come to me.” he almost whispered. Like as if he was seducing his phone.
Mabigat akong bumuntong hininga. Namaywang.
“Ano bang gusto mo?”
Naisip kong, dahil sina Ate Deanne at Kuya Nick ang namuhunan sa tinayo kong negosyo, kaya mas humahaba ang mga sungay niya. Maybe, I would return the money. Kahit ikasaid pa no’n ng savings ko. Kung makakakuha naman kami ng mga kliyente ay mababawi rin ang nawala. Kaya dapat ay hindi ko bitawan ang cleaning service. Maliit lang ang laman ng account ko. Iyon ang perang iniwan sa akin nina daddy at mommy para magamit ko ngayong hiwalay na ako sa kanila.
Ayokong mapahiya sila. Dahil alam ko ring kapag nalaman nila ito ay agad nila akong tutulungan.
Then Dylan would come back to me and would claim I’m not entitled to their money.
I believe, I wasn’t really entitled. But I also strongly believe, that I am entitled to live my life in my way.
“Ikaw.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. Ako nga ang gusto niyang pahirapan.
“You’re small business will get smaller. I can turn it down for good, Ruth. Why didn’t you show up in interview, mm?”
“I will fight you, Dylan!”
“Fight all you want, babe. Why didn’t you show up?”
“Hinding-hindi na ako babalik do’n! Pagkatapos akong . . .” hinilot ko ang batok. “Wala ka nang pakielam doon. May inaplayan na akong iba.”
“Where?”
“You don’t need to know.” Matigas kong sagot.
“Hmm. Okay. I can find it.”
I silently growled in anger. He could. He has the connection or whatever.
“I’m not done with you. Never.”
“Stop this, Dylan. You’re just making your way to hell.”
He didn’t say anything for like half a minute. Akala ko ay binaba na niya ang linya. Pero umaandar pa rin ang oras. He was still listening to my breathing.
He then heaved out sigh.
“Kung anumang tumatakbo sa isipan ko para pabagsakin ako, tigil-tigilan mo na,”
He sighed again.
“May mga empleyado akong nadadamay dito. Mag-isip ka naman ng matino.”
“Then let me have you.”
Tumabingi ang ulo ko. “Have I? As what? Your maid?”
“I don’t think like that but okay. Yes.”
Umirap ako sa hangin. “Then it’s enough for you?”
“Ofcourse not.”
“Edi nagsasayang tayo ng oras dito. Leave me alone!”
“Work with me. Clean my condo. I’ll pay you.”
I scoffed. “So, I’m going to work with the devil.”
“Do it. If you wanted to save your business.”
I shifed on my feet. “P-pag-iisipan ko pa.”
“Wow. I didn’t expect that.”
“Dealing with you is like dealing with hell. I have a lot of responsibility, Dylan. I have my studies, my training and my business. Kung isasama pa kita, sa tingin mo, hindi ako made-drain?”
“I can help you with that.”
“Hindi mo ba ramdam na hindi ka naman nakakatulong? Magpakalalaki ka, Dylan. Fighting with woman didn’t make you a man at all!”
He sighed. “I’m fighting to have you, Ruth. Against all odd.”
Kumunot ang noo ko at napaawang ang labi ko. Hindi ko iyon maintindihan o ayoko lang tanggapin ang kumakatok sa isipan ko. Kung anuman iyon, ayokong lagyan pa ng mas malalim na kahulugan.
I didn’t say ‘yes’ to his offer. I knew, it wouldn’t help our situation.
Nagpaalam ng uuwi sina Ate Rosa pagkatapos ng tawag na iyon. Nakita nila ang galit at sigaw ko. Nahiya ako roon. Sa tingin ko naman ay naintindihan nila ang paglabas ko ng galit sa kausap.
I still paid them. Wala silang kasalanan sa nangyari.
**
Kinabukasan ay maagang bumalik si Esther. Pinagtimpla ko siya ng kape. May dala pa siyang pandesal na pinasaluhan namin. Hindi na naiwasang maungkat iyong nangyari kagabi.
“Hindi ko akalaing aabot sa ganyan, Ruth.” Bagsak ang mga balikat niya.
Sumimsim ako sa tasa ng kape ko. Ang isipan ko ay punong-puno na ngayon. Kung minsan ay naririndi na ako sa kakaisip sa boses ni Dylan. Akala ko ay babangungutin pa ako.
“He’s a de Silva. He can have everything or do anything,”
Nakapamot siya ng leeg. “He’s a prank.”
Napangisi ako at tumango. Sabay kaming napalingon sa bukas na pinto nang kumatok doon.
“Ruth!”
Si Geneva. Nakapalaki ng ngiti sa labi. Tumayo ako at pinuntahan siya. Hindi na kasi pumasok.
“Bakit?”
May tinuro siya sa labas. Nakatingin ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ng itim na slacks at blue na longsleeves polo. Nakangiti at may hawak na bulaklak sa mga kamay.
“Puntahan mo dali! Si Walter ‘yan,”
Kamuntik na akong mapangiwi pero nahiya ako sa huli. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanyang ayoko nang magpaligaw. Hindi lang dahil sa gusto ni Mommy kundi sariling desisyon ko na rin. Unfair sa kanya kung papayag akong magpaligaw gayong wala naman akong gusto o balak pa sa ngayong makipagrelasyon.
Naramdaman ko ang presensya ni Esther sa likuran ko. Sinilip din ang taong tinuro ni Geneva.
“Nahihiya kasi kaya sinamahan ko.” sabi pa ni Geneva.
“Manlilgaw mo, Ruth?” bulong ni Esther.
Napakamot ako sa batok. Napalunok ako. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Esther dahil sa porma pa lang ni Walter ay halata na. Nililingon pa nga siya ng ilang nakakakita.
Imbes na lumapit ako ay siya na unang lumapit sa akin. Namula ng husto ang buong mukha niya. Nanginig din pati ang mga kamay na may hawak ng bulaklak.
“Good morning, Ruth,” nahihiya pa niyang bati sa akin.
Siniko ito ni Geneva.
“Ikaw na bahala, Walter? Nailakad na kita,”
Napakamot ito ng ulo. Hilaw akong ngumiti. Nakakabaka at nakakahiya pala ito. Inabot niya sa akin ang bulaklak.
“Thank you.”
“You’re welcome. Basta para sa ‘yo, Ruth.”
Napalunok ako. Narinig ko ang malakas na tikhim ni Esther sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon.
“Ruth. Ruth!” tawag ni Esther.
“Ah, kumain ka na ba?”
Napakamot na naman sa ulo si Walter. “Oo. Tapos na-“
“Hindi pa!” singit ni Geneva. “Hindi ka pa kumakain, ‘di ba?”
“Ha? O-oo pala. Hindi pa,”
Bumuntong hininga ako. Kamuntik pa akong umusad paabante nang bigla kong tulakin ni Esther sa likod ko. Nilingon ko siya. Nginuso naman niya sa akin ang kalsada. “Bakit ba?”
Mas lalong humaba ang nguso niya.
“Ayun! Tingnan mo, gurl,”
Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya. Ganoon na ba ako ka-occupied kaya hindi ko iyon napansin? It was impossible not to notice him.
Nakalapit na sa labas ng bakuran si Dylan. He was on his devil face in a brand new day.
What is he doing here? Dedicated talaga siyang puksain ako, ano?
“Sino ‘yun, Ruth? Kung makatingin parang kakain ng tao.” bulong ni Geneva.
Mula sa mga bulaklak na hawak ko ay lumipat ang masamang titig ni Dylan kay Walter. Those piercing stares were like a murder weapon. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya para sa sawayin o hayaan na lang doon at papasukin sa loob ng bahay si Walter.
“Nakakaamoy ako ng gulo, Ruth. Naku,” sabi ni Esther. “Lapitan mo muna.”
Nilingon ko siya. “Ikaw na lang,”
Agad siyang umiling. Napalingon sa kanya si Walter.
“Eww! Ayoko nga. Nakakatakot yarn!”
“Sino ba kasi ‘yan? Parang nanghahamon ng away,” dagdag ni Geneva.
Ayoko ring lapitan si Dylan. Dahil tiyak na masasamang salita lang ang bubungad sa akin. Nagmumukha na nga siyang tanga roon na nakatayo at masamang titig ang pinupukol sa amin. Mukha namang hindi apektado si Walter.
Bilang pagpapakitang tao sa kanya, nilapitan ko siya roon. Para paalisin na rin kung away o pang aasar lang din ang hanap nito.
“What’s up, Dylan? Napaaga yata ang lagim mo,”
Pagkalapit ko ay bumagsak ang tingin niya sa mga bulaklak sa kamay ko. Mabilis niya iyong hinablot at hinagis sa malayo. Napasinghap sina Geneva at Esther sa ginawa niya.
“Ano ka ba?!” galit kong sigaw sa kanya.
Akma kong pupulutin iyon pero hinaklit niya ako sa siko. Pinulupot niya ang isang braso sa baywang ko. Pag-angat ko ng mukha ay sinalubong niya iyon at siniil ako ng mariing halik sa labi!