Chapter Thirteen

4266 Words
"Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay." -- Mga Kawikaan 13:6 ** Chapter 13 Ruth Sa wakas ay may bumili na rin ng mga vacuum ko. Though, half prices na lang, pwede na rin kaysa zero. Nilagay ko sa savings ang pinagbilhan. Pagka check ko nga sa account ko, napapailing na lang ako. Dahil kailangan ko nang magtipid. Mukhang kailangan ko pang bumaluktot sa paiksing paiksing kumot. I have bills to pay. Wala namang sweldo ang training ko at patapos pa ng pag aaral. I was hoping na makakuha agad ng work after graduation. Pinag isipan ko pang ibenta ang computer. Kaso, kailangan ko ‘yon sa pag aaral at work. Saka na lang siguro kapag may ipon na. Tiis tiis muna ako ngayon. When life was uncertain, I should just enjoy the hidden mystery of it. Napaangat ako ng tingin nang magtilian ang mga kaklase kong babae. Kakaunti lang naman kami sa room kaya dinig na dinig ko ang kwentuhan at tawanan nila. But this time, may halong tili na para bang may kinikiligang artista or what. I was busy reading my notes when they disturbed me with their noises. I saw Nina and her friends. Siya lang nakaupo sa bandang hulihan ng upuan at nakapaikot sa kanya ang kanyang mga barkada. They were five girls. Lahat sila ay nakayuko sa phone ni Nina. Nina has this big smile on her thin pink lips. Bigla siyang napatingin sa akin. Nakangiti pa rin siya. Hindi naman ako umimik at binalik ulit ang atensyon sa notes ko. I heard, sa Philippine Daily siya nagte training ngayon. “Malaking scoop, ‘to. The young and superhot business tycoon Dylan de Silva was photograph having a date with the international model Mica Larrazabal. Imagine girls, isang notorious businessman at isang supermodel na in demand abroad nagde date!” Natigilan ako. Hindi naman ako kinabahan pero alam kong sinasadya nilang laksan ang boses para marinig ng iba. Kilala nila ako. Pero wala naman akong paki. Gusto ko lang mag aral at magkaroon ng career. But for what I heard, pinagmamalaki nila ang scoop na nalaman. Napailing ako. I smirked. Dylan and Mica. Again? They reunited? Kaya niya ako inalok na maging mistress niya dahil bumalik si Mica? Hayup ‘yon. Pinamumukha talagang gusto niya akong kagaguhin. And so? Nakita silang nagde date. Ngayong narinig ko, wala akong balak na harangin ang balitang ‘yon. Bahala si Nina d’yan. Ibigay niya sa Philippine Daily. Wala akong paki. Problema niya ‘yan. “On and off ang relationship nila malamang. Naku, nakaka enjoy talaga ang assignment ko. Kung ganito katindi ang dala ko, baka i-absorb ako ni Mr Domingo.” Masayang sunod na sabi ni Nina. I scoffed and wrote something on my notes. “T’yak ikakasal din ‘yang dalawa sa huli. ‘Di ba, nauna nga si Yale Montenvista at Deanne de Silva? Grabe, kailangan yata magkaka level para magkatuluyan.” “Sinabi mo pa.” Nagtawanan sila ulit. Tapos ay tumahimik sandali. I felt the heat behind my back. Then, I heard them talk about the title of her scoop. Pagkatapos ng pang umagang klase ko ay agad akong lumabas ng room para makabyahe papuntang Bangon. Tumunog ang phone ko pagkalabas na pagkalabas ko ng gate. Gumilid ako at huminto para mabasa ang natanggap na text. Dulce: Hi, Ate Ruth! May gagawin ka ba later? May kaunting party for ate Mica. She is inviting you. Kumunot ang noo ko. But as if on cue, may text din na dumating from Yandrei. Yandrei: Mica is back, ate! Punta ka raw sa bahay ni ate Mica mamaya. Napailing ako. “Magkasama siguro ang dalawang ‘to.” “Uy, Ruth saan ka?” Nag angat ako ng tingin kay Nina. Tulad ko ay paalis na rin ‘to at wala nang kasunod na klase. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang malaking ngiti niya sa akin. Nina was taller than me. Payat din pero mas makurba ang kanyang katawan. Maputi at mapula ang lips. Ang mahaba niyang buhok ay kulay brown at tingin ko ay natural coloring niya ‘yon. “Papasok sa training.” Kaswal kong tugon. Binaba ko rin ang tingin sa phone ko. Sometimes, kinakausap niya ako. Minsan din, hindi. Malakas ang pakiramdam kong pina-plastic ako nito, e. Pero okay lang. Choice niya ‘yon. “Gano’n? Mm, alam mo ba ‘yung tungkol sa balikan nina Dylan de Silva at Mica? Hindi ba, bata ka pa lang mag on na ang dalawa ‘yun? Ano? Ikakasal na ba sila? I-chika mo naman.” Hindi ko matuloy tuloy ang reply ko kina Dulce at Yandrei. Bukod sa baka mabasa ni Nina, nag uumpisa na akong mairita sa presensya at mga tanong niya. Literal na lumabas ang pagkachismosa ang babaeng ‘to. May hidden agenda pala ang pagkausap sa akin ngayon. Huh? Anong akala niya, may makukuha siya sa akin? Nag angat ako ulit ng tingin sa mukha niya. I immediately caught her grinning when I looked up at her. I grinned mockingly. Binaba ko ang phone ko at humalukipkip. Good thing, nasa loob ng back pack ko ang lahat ng gamit ko. “Hindi ko alam. At kung alam ko man, ‘di ko ipagsasabi.” Agad siyang sumimangot at inirapan ako. “Eto naman, pare pareho tayong journalist. Dapat nagtutulungan tayo. Ano ba naman ‘yung kaunting balita, ‘di ba?” I tilted my head. “Sa iba ka na lang magtanong dahil wala ka talagang makukuha sa akin.” Right. We were still students. But then, kahit maging tanyag akong mamamahayag, hindi ko pa rin ilalabas ang ilang pribadong detalye ng dati kong pamilya. I mean, may mga balitang nararapat malaman ng tao. Pero may balita ring hindi na kailangang isawalat pa. May pakielam ba ang tao sa love life ni Dylan? He was a businessman not a celebrity. Though, his image was needed in business world, iyong talino at expertise niya ang nakalabas at hindi personal na impormasyon. Okay, given na gwapo siya. May itsura. Maraming babaeng nababaliw sa panganay ni Johann de Silva. Susme, kahit nga dating litrato ni Uncle Johann ay tulo laway pa ang iba. Still, ang personal info ay hindi nila b-ni-broadcast. Wala namang kinalaman doon ang madla. Kaya nga lamang, ang balita ay may entertainment din. At ito ang gusto ni Nina. Inirapan niya ako ulit. “Ang arte naman. Buti nga, nilapitan pa kita. De Silva pa rin ang tingin ko sa ‘yo.” Bubulong bulong niyang sabi. Bumuntong hininga na lang ako. “Laksan mo pa kaya ang boses mo para marinig ka pa ng iba.” Inirapan ko rin siya bago muling tiningnan ang phone ko. Ako: May training ako later. What time ba? Then, another text for Yandrei. Ako: Dulce texted me. I asked kung what time. Basta na lang na umalis si Nina. Pinanood ko siya habang naglalakad na ito papunta sa kotse niya. My phone’s message alert beeped again. Dulce: Sunduin ka raw nina kuya Nick at Red. I-text mo raw sila kung what time ang out mo. Ako: Okay. I’ll text them later. Dulce: See you later alligator :D Natawa ako sa text niya. Pagkapatay ko sa phone ay sinuksok ko na ‘yon sa bulsa ng pantalon ko. Naglakad ako sa sakayan ng jeep, pero bago pa ako makalapit ay may biglang magarang sasakyan ang huminto sa harapan ko. Dinig na dinig ang pag screech ng gulong nito sa sementadong sahig. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kabang kamuntik pa akong mabundol! Bumaba ang bintana sa passenger seat. Yumuko ako. I immediately noticed Dylan’s clenching jaw. Tumitingkad ang kagwapuhan nito sa suot na puting longsleeves polo, silver watch at shades sa mata. Napansin kong bagong gupit din ‘to at ahit ng panga. “Hop in. ‘Wag kang tumunganga d’yan.” Pagalit niyang utos sa akin. Kumurap kurap ako. “Bakit nandito ka?” pasigaw kong tanong. Naagaw ang atensyon ko nang may isang itim na SUV ang malakas na bumisina at lumagpas sa amin. Halos lahat ng tao sa kalsada ay napatingin doon na tila haragang dumaan lamang. “Ano ba ‘yun . . .” Nakita ko pang may ilang jeep at pribadong sasakyan ang napatigil at napatabi para hindi masalubong ang SUV na ‘yon. “Tangna mo!” sigaw pa ng isang driver na bumaba at dinuro ang buntot na lang ng SUV. Hindi na bago sa akin ang makasaksi ng away sa kalsada kaya naman agad na naagaw ni Dylan ang atensyon ko. Hindi ako nakagalaw nang bumaba ito ng sasakyan niya. I literally felt my heart beat a little faster when he walked towards to me. Hindi nakatakas sa mata ko ang lapad ng kanyang balikat. Kumikinang sa puti ang suot niya. Itim na itim naman ang pants niya. Even his black expensive shoes were shining. He combed his hair backwards. He smirked and opened the door for me. Pinatong niya ang braso sa ibabaw ng pinto bago papormang humarap sa akin. Tinuro niya ang loob ng kanyang sasakyan. “Sumakay ka na. Sa loob mo na ako papakin sa titig mo.” Napaatras ang mukha ko at kunot ng noo. “Asyumero ka.” He sighed and held me on my back. Tinulak niya ako sa loob. Sunod niyang pinatong ang kamay sa ulo ko. “Edi ako na lang ang papapak sa ‘yo. Gano’n pala ang gusto mo.” sabay ngising aso nito sa akin. Wala akong balak na makipagbulyawan sa kanya sa labas. Pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan niya. Malakas niyang sinarado ang pinto kaya napaigtad ako. Matalim ko siyang sinundan ng tingin habang umiikot ito sa harapan. Pagkapasok niya ay agad ko siyang hinampas sa braso. He caught off guard. Tiningnan niya ako nang may pagtataka. “Problem?” “Siraulo.” Bulong ko. Umirap ako bago nagsuot ng seat belt. I heard him chuckled. “Na miss mo lang ako, e.” tudyo niya. I scoffed and just looked at the window. Pinaandar na niya ang sasakyan. “Sa Bangon ako, ha.” Sabi ko nang hindi tumitingin dito. “Alam ko. “ Habang umaandar kami, bigla kong naramdaman ang kalabog sa dibdib ko. Magaling na naman ang sampal sa pisngi ko. Natakpan ko ng foundation. Iyong lips ko, mabilis lang din gumaling. Pero para sigurado, binuksan ko ang bag at naglabas ng salamin. Sinipat ko ang mukha sa maliit ba compact face powder ko. Kinuha ko ang bilog na sponge at d-nip sa powder bago ko ni retouch ang mukha. My lips were fine. “Tsk. C’mon, Ruth. Hindi mo na kailangang magpaganda sa boyfriend mo. Mas gusto ko nga, ‘wag ka nang makeup makeup nang ganyan. I-bare mo na lang ‘yang mukha mo. Para hindi madagdagan ang asungot na suitor mo.” I rolled my eyes. Grabe, ang kapag ng mukha. Imbes na sabunin siya, napailing na lang ako at tinakpan ng face powder ko. “For the nth time, wala akong boyfriend.” Malamig kong sagot. “For the nth time, girlfriend kita.” Hindi ako nakapalag nang bigla niyang kunin ang kamay ko. Pinasalikop pa ang mga daliri namin at dinala niya sa kanyang labi. My eyes witnessed how he put his lips on the back of my palm. Dalawang beses na lumapat ang labi niya roon at gumawa ng maingay tunog pagkahalik. My jaw dropped. Ngumisi siya pagkakita sa reaksyon ko. Ang isang kamay niya ay relax na nakahawak sa manibela. My heart beat rapidly. To the point, na parang kakalas na ito sa loob ng katawan ko. Binaba niya ang magkahugpong naming kamay sa kanyang kanang hita. His thighs were madly apart. I licked my lips and closed my mouth. Inalis ko ang tingin sa kanya. Wala sa sariling pinanood ko ang mga nadaraan namin. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko, pero hindi siya pumayag. Binalingan ko siya ulit. “Hindi tayo. ‘Wag mong pangunahan ang buhay ko.” Tumingin siya sa labas ng bintana niya. Panandalian. Sumulyap din sa kanyang side mirror bago binalik sa harapan ang kanyang paningin. “Hindi ako namimilit.” “E, anong tawag mo sa ginagawa mo ngayon? Choice ko?” He smirked. “Alam mo, kung pinilit kita, kasal na tayo ngayon.” Isang beses niya akong sinulyapan. “Pero ang sabi ko, hihintayin ko muna ang graduation mo bago tayo magpakasal. Gumawa na ako ng kasunduan. Nand’yan na.” sabay nguso niya sa compartment ng sasakyan. Hindi ko ‘yon nilabas. Wala akong interest sa kung anong nakalagay doon. “Walang bisa ang kasal kung walang consent ko.” may diin kong salita. Pagkasabi ko no’n ay nag iba ang timpla ng mukha niya. Nalusaw ang kanyang ngisi. Napalitan ng pag igting ng panga. He didn’t say anything. Para bang nasaid ko na ang pasensya niya. He looked like the famous but notorious businessman Dylan de Silva at that moment. Malamig ang loob ng kanyang sasakyan kaya ‘di ko makuhang pagpawisahan sa kaba. Kapag naglalabas ng galit si Dylan, masasabi kong kabisado ko na ang ugali niya. Dati, sumisigaw ‘yan tapos ay magdadabog. Pero kapag pinili niyang manahimik, nakakakaba ‘yon. Dahil hindi ko alam kung kailan siya aabante. He reminded me of Uncle Johann. Matalim siyang tumingin sa kausap kapag hindi niya gusto ang narinig. Malakas na malakas ang kalabog ng dibdib ko. Ang mukha niya ay nakapirme sa harap. Pero hindi ko makita ang mata. Kaya tinaas ko ang libre kong kamay. Inalis ko ang suot niyang shades. He didn’t protest. But when I found the situation of his eyes, I only gulped. Napayuko ako. Pinaglaruan ko ang shades niya sa kandungan ko. My hand was still intertwined with his. Bababa na ba ako? Takbuhan ko na lang ang sabog ng galit niya? Teka, may point naman ang sinabi ko. Walang bisa ang kasal kung labag sa loob ko. Then, I heard his exasperation sigh. “What if I told you-“ “Bumalik na raw si ate Mica.” Putol ko sa kanya. Natigilan siya sandali. Kalaunan ay tumango. “Nakita kayong nag dinner sa labas.” He sighed like as if he was tired of hearing about that date. “Pang sampu ka na yatang nagtanong niyan sa akin.” inis niyang sagot. “So, it’s true?” “Yes.” Walang kabuhay buhay niyang sagot. Binalingan ko siya at pinanliitan ng mata. “May ate Mica ka na, gusto mo pang habulin ako?” Sinubukan kong bawiin ulit ang kamay kong tila humimlay na sa init ng palad niya. Pero hinatak niya ako nang gawin ko ‘yon. “Ano ba!” Padarag niyang ginilid ang sasakyan. Nabigla ako. Namilog ang mata ko at mangha ko siyang tiningnan. “Wala ka talagang modo, ano?” Hinala niya ulit ang kamay ko at ngayon ay dinala na niya sa kanyang dibdib. “Nagseselos ka?” Bumagsak ang panga ko. “Hindi. Bakit ako magseselos?” Tinaas niya ang kamay at nilapit sa nakatakas kong buhok. Marahan niya iyong inipit sa likod ng tainga ko. Titig na titig ako sa kanya habang ginagawa niya ‘yon sa akin. He then, tilted his head. His deep eyes narrowed. “Then don’t. Hindi kami nagkabalikan ni Mica. Wala na akong balak na makipagbalikan sa kanya. Not now that I started to court you.” I gulped. “May sarili ka bang mundo? Sabi mo, boyfriend kita. Tapos magpapakasal. Tapos ngayon, courting pa lang? Paurong yata ang plano mo sa ‘kin, ha?” He barked a laughter. Sumandal siya sa upuan at malaking guhit ng ngiti sa labi ang nakita ko sa mukha niya. “Paurong? Pabaliktad ba? So, pwede tayong magkaanak muna bago magpakasal?” sabay tanaw niya sa akin. Kinabahan naman ako. s**t. “Hindi! Hinding hindi mangyayari ‘yan!” He grinned. Kinalas niya ang seatbelt niya at mas lalong lumapit sa akin. Umusod ako sa upuan. Pero sa lapit niya ay madali niya akong nasukol. He licked his lips while rudely staring at me. “You just gave me an idea, Ruth. Kapag nabuntis kita, agad ka nilang ipapakasal sa akin. Hindi na tututol sina Uncle Matt at Auntie Jahcia. Wala na ring magagawa ang parents ko. Then after that, you are gonna be mine. Wala ka nang kawala.” Panandalian akong naduling dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Titig na titig siya sa akin. Mas lalo kong nasamyo ang amoy ng katawan niya. He is expensive. Dylan is on the top of his game. Ngayong halos ilang inches na lang ang layo niya sa akin, para akong mawawalan ng malay dahil sa lakas ng kanyang dating. He got his high bridge and pointed nose from his father. I stared at his hooded eyes that looked so mysterious sometimes. He could have everything. I mean, sa uri ng pamumuhay niya ngayon, marami siyang kayang maabot at tulad ng pinagmamayabang niya, utak ang ginagamit niya sa lahat ng ‘yon. Utak pa rin ba ang ginagamit ngayon habang nakatitig sa akin? Maiisahan ba niya ako? Napalunok ako. Nakawala ang kamay ko sa kanya at agad ko ‘yong nilapat sa dibdib niya. Tinulak ko siya at mabuti naman—nagpatulak siya at lumayo sa akin. Nang umayos siya ng upo, para bang nakaligtas ako sa bingit ng pagkabitay. Napapikit ako at hilot ng noo. I heard him set his seatbelt again. Pinaandar niya ang sasakyan. It was so obvious. Wala siyang balak na palayain ako. Hindi naman kami pero para sa kanya ay mayroon kaming relasyon. Anong rason niya? Anong gusto niya sa akin? My body? Ang babaw. Mayroon naman siyang ibang babae. Marami pa nga! For me, what he felt was lust. And I am jailed in his fences. Anong dapat kong gawin? Ano?! Natulala ako sa labas ng bintana kakaisip sa dapat kong gawin. This is Dylan de Silva. Paano ako makakawala sa lalaking ‘to? “Kumain muna tayo.” Bigla niyang announce. Saka ko lang napansin ang lugar na hinintuan niya. Nasa isang restaurant kami malapit sa Bangon. Kung kakain kami, baka may makakita. “’Wag na. Male late ako.” He stopped. His possessive eyes bore at me. “Kumain ka muna.” Matigas niyang sabi. Halos mapapikit ako sa pautos niyang salita. “Alam ko. Pero sa office na ako kakain.” Angal kong sagot. “Bakit ‘di pa ngayon?” “Ayokong kasabay ka.” Malakas niyang pinalo ang manibela. Napakapit ako sa hawakan ng pinto. “Kapag si Leonard pwede mong kasabay? Gano’n ang gusto mo?” “Hindi ako pinipilit ni Leonard.” “Gusto ko lang kumain tayo nang sabay!” Inalis niya ang tingin sa akin at bumulong ng mura. Pinagmasdan ko siyang nakatingin sa labas ng pinto ng restaurant. Kita ko ang bigat ng kanyang paghinga. Hindi ako makaalis. Pakiramdam ko ay magsisisigaw ‘to o ano. Tumikhim ako. “Busog pa ako.” Binalingan niya ako. Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. Pinasadahan niya ako tingin. “Para ka ng ting ting d’yan. Ano bang kinakain mo sa apartment mo? Imaginary food? Pwede ka na ngang magtago sa likod ng lapis sa kapayatan mo.” Mapait ko siyang tiningnan. “Alam mo, ang tumal ng magagandang salita sa bibig mo. Kaya ka maraming nakakaaway.” I saw him stunned. No. I didn’t see it on his face but on his body movement. Para siyang nasemento sa upuan. Binalingan niya ako at seryosong tiningnan ako. “Kanino mo nalaman ‘yan?” I sighed. Bumitaw ako sa handle ng pinto. “Kilala kang notorious pagdating sa business. May ibang maganda ang tingin sa ‘yo, pero marami ring may galit sa ‘yo. Pinag aalala mo pa si Auntie Aaliyah. Ikaw ‘tong panganay pero pasakit sa ulo.” Hindi siya nakasagot sa akin kaagad. Natahimik din ako. Akala ko ay hindi siya magsasalita. “Mom is fine. You don’t have to worry about her.” Nagdesisyon akong ‘wag nang dugtungan ang sinabi ko. In silence, binalik niya sa kalsada ang sasakyan. Hindi na kami natuloy sa pagkain. Tahimik niya akong hinatid sa building ng Bangon. Pagkababa ko, walang kibo rin niyang pinaandar paalis ang kanyang sasakyan. Naiwan ko roon sa labas. Pinagmasdan ko ang likuran ng sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Even up until now, hindi ko pa rin magawang lagyan ng tuldok ang ginagawa ni Dylan sa akin. He is unstoppable. Tila ako kinukuryente nang maalala ang sinabi niya kanina. * Ang aming entertainment journalist ay sina Dylan at Mica rin ang pinagpipyestahan. Kapareho ng subject ng kay Nina. Pero ang tunog lang dito ay walang malisya. Masaya at makabuluhan ang training ko sa Bangon Pilipinas. Hindi ko nakita ngayon si Leonard. Though, hindi ko naman i-ni-expect na palagi siyang makikita. Malapit na akong umuwi nang makatanggap ako ng text from Esther. Esther: Ruth! May plano akong magbukas ang coffee shop sa atin. May ka-business partner na ako. Ang exciting! Gusto ko na agad maumpisahan. I combed my hair. Nilagay kong lahat ng buhok sa likod ko para maginhawaan ang leeg ko. Nang dumapo ang malamig na hangin ay nasiyahan ako. Nakangiti akong nag reply. Ako: Congrats! Pwede bang humabol? Kahit industrial partner lang haha. Ang kapal ko, 'no? Esther: Oo naman. Loka. Ako ang pang industrial partner, ‘no. Wala naman akong masyadong pera. Usap tayo pag uwi mo. Ako: Okay. Sa bahay na lang. Nakalimutan kong sabihin na aalis din ako mamaya. Pero feeling ko, hindi ko magtatagal sa party ni ate Mica. Mangungumusta lang siguro ako sa kanya. Pagdating ko sa bahay, naghihintay na roon si Esther. Magkausap sila ni Geneva at nagtatawanan pa. Napansin kong may isang lalaki pang tahimik na nakaupo sa maliit kong sala. Mabilis siyang tumayo pagkakita sa akin. He looked nervous and shy. Ngumiti ako. “Walter.” Bati ko sa kanya. Nilingon ko sina Esther at Geneva. Halatang halata ang pamumula ng mukha ng kaibigan ko. Napalunok pa ito bago lumapit sa akin. “Uh, Ruth. Si Walter. ‘Yung nabanggit ko sa text na ka-business parter ko. Natin pala.” kabang kaba niyang sabi. I bit my lip to suppress my smile. Ang cute nilang dalawa. Lalo na ni Esther. Nangangamatis ang mukha! Tumango ako at nagkamot kunwari ng leeg. “Ahh. Oh? Pag uusapan na ba natin ang tungkol sa coffee shop?” Tiningnan ko siya at si Walter. “Uh-“ “Ate Ruth.” Naputol ang sasabihin ni Walter nang marinig ko sa labas ang boses ni Red. Red stepped in. Nakangisi sa akin. “Red? Anong . . .?” Pinasadahan muna ni Red ang mga taong kasama ko sa bahay. Kumunot ang noo niya. Then, he looked back at me. “I’m with kuya Nick. Pupunta tayo kina ate Mica, ‘di ba?” “Ahh.” Nakaawang pa ang labi ko nang maalala at nang balingan ko ulit sina Esther. “May lakad kayo?” nagtatakang tanong ni Esther. Pumasok pa sa loob ng bahay ko sa Red. Tinungo ang maliit kong fridge at tila sinipat ang laman nito. He then took a pitcher of water. Pagbaling nito kay Geneva, na tila naestatwa pagkakita kay Red, nag excuse si Red at humingi ng baso. Dali daling kumilos si Geneva. “Oo. Nakalimutan ko. Pero sandali lang ‘to. Uuwi rin ako agad.” “Text ka na lang.” Napansin kong nahiya na ring magsalita ulit si Walter. Nag sorry ako sa kanya at nangakong uuwi na lang nang maaga. Mabilisan akong naligo at nagpalit ng damit. Sa banyo na ako nagbihis dahil naaalangan akong dumaan sa sala. Dahil party ang dadaluhan, ay nagsuot ako ng bestida. It was an off shouldered red dress. Ang simple lang. Hanggang taas ng tuhod ko ang haba at humahapit naman sa baywang ko ang tela. Pinareha ko ng itim na stiletto at itim na sling bag. Hindi ko na blow dry ang buhok ko. Kaya basa pa ‘yon nang umalis kami. Sa likod ako sumakay. Si kuya Nick ang driver. Si Red ay passenger seat din umupo. Nahuli ko ang pangising tingin sa akin ni kuya Nick. Tinaasan ko siya ng kilay pero natatawang umiling lang ‘to sa akin. Kinabahan ako. Walang alam si Red tungkol sa amin ni Dylan. ‘Wag naman sanag biglang kumanta itong si kuya Nick ngayon. Nakahinga naman ako nang maayos nang makarating kami sa bahay ni ate Mica nang hindi kumakanta si kuya Nick. Okay na ‘yon. Mukhang nasa garden ang handaan at may music na nakakaindayog. It was in an exclusive village. May ilang bisita akong nakita at tila nagtatawanan pa. “Nag start na.” untag ni Red at siyang nauna pa sa paglalakad. Sinundan ko siya ng tingin. May pakiramdam akong may girl itong lalapitan. “Damn.” Bahagya akong natigilan sa sinambit ni kuya Nick. Paglapit namin sa gitna ng kasiyahan, ay biglang naging high ang mga tao. Nagsigawan at tuksuhan. “Kiss! Kiss! Kiss!” Naririnig kong sigaw ng iba. Nang makapasok pa ako, madali kong nahagilap ang nakabukas na French door ng bahay. Ang harapan ay ang malaking swimming pool na may naglulutangang kandila at iba’t ibang kulay ng lobo. Nakatayo sa nakabukas na French door sina Dylan at ate Mica. Ang mga kamay ng babae ay nakapaikot sa leeg ni Dylan. Naghahalikan silang dalawa. Napako ang paa ko sa sahig nang makita ko ang dila ni Dylan sa labi ni ate Mica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD