Laarni:
Ilang linggo narin ang itinaggal ko mismo sa mansion na to. At sa bawat araw na tumatagal ay mas lalong nababalutan ng katanungan ang aking isipan kung ano ba ang pag katao ni Lord Griffin. Tulad nalang yung nangyare noong nakaraang gabi.
Nag hahanda na ako sa aking pag tulog ng gabing iyon. Hindi ko naman sinasadya na makarinig ako mismo ng kung ano. Nakarinig ako ng may isinusuka. Napaisip ako kung ano yon? Para bang sumusuka ito o may pilit na inilalabas sa lalamunan.
Sinundan ko lamang to. Hindi ko alam kung guni guni lang ba yon pero sobrang naiintriga ako. Nanggagaling ito mismo sa kuwarto ni Lord. Nagtuloy ako pero naalala ko ang mahigpit na paalala ni Aling Vilma, wag na wag daw akong papasok sa silid ni Lord.
Tumalikod nalang ako at napag desisyunan na wag ng makialam pero makulit ang mga paa ko. Gusto kong matuklasan kung ano ang meron sa mansion na to. Sobrang kakaiba kasi. Binabalot ng misteryo.
Saktong nakabukas ang pintuan ng silid ni Lord Griffin kaya naman nag lakas loob na akong pumasok. Tanging mga kandila lamang ang nag sisilbing ilaw. Natatakot man ako ay hindi mapanatag ang isipan ko. Gusto kong matuklasan ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Sa totoo lang ay hindi lamang ito ang unang beses na nakadinig ako na parang may nagsusuka.
Talagang binabalewala ko lamang ito gaya ng sabi ni Aling Vilma ng magsimula na akong magtanong sakanya. Pero hindi ngayon. Hindi ako makakapayag na hindi ko malaman ang katotohanang bumabalot mismo sa Mafia Lord.
Nangangatog ang aking mga tuhod sabayan mo pa ng lamig ng sahig at lamig ng buong kapaligiran na babalot sa buo mong katawan. Wala ito sa silid niya pero may isa pa akong pintuang nakita at nakahawi ito. Nakabukas ng kakaunti.
Naririnig ko parin ang pagsusuka nito. May sakit ba siya? Parang halos gabi gabi kasi nagsusuka siya madalas pagkatapos ng gabihan. Hindi ba niya gusto ang pagkain? Madaming katanungan sa isipan ko.
Sinikap kong hindi makagawa ng anumang ingay sa bawat hakbang ko sa malamig na sahig patungo sa nakaawang na pintuan.
Pinagpapawisan na ako ng malamig at halos mapalunok ako sa sobrang nerbyos. Ngayon paba ako aatras kung kailan nakapasok na ako sa silid nito? Diyos ko sana po ay gabayan niyo ako sa gagawin ko. Dahil hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang kaganapan sa mansion na ito.
Malapit na ako sa pintuan at mas malakas na ang ingay na nadidinig ko. Para bang dumadaing ito habang nagsusuka. Para bang sobrang sakit ng kanyang tiyan at inilalabas niya ang kanyang kinain.
Naglakas loob na akong sumilip at nagulat ako sa aking nasaksihan. Nasa lababo ito at nakatapat sakanya ang salamin habang nakahubad ang pang itaas na damit. Hindi mo maiiwasan na mapahanga sa kanyang magandang pangangatawan ngunit napakarami nitong pilat sa kanyang likod. Para bang nakaranas ng matinding hirap.
Hindi nga ako nag kamali dahil nakayuko ito habang sumusuka. Isinusuka niya ang kanyang mga nakain. Nanlaki ang aking mga mata nang matapos ito at nag hugas na ng mukha. May kinuha naman itong isang bagay sa loob ng maliit na ref.
Tinitigan ko kung ano ang bagay na kinuha niya. Bumaliktad ang sikmura ko nang makitang dugo ito. Dugo, 'Yung mismong dugo na iniipon sa hospital. Napatakip ako ng aking bibig nang inumin niya ito at para bang bumalik ang kanyang lakas.
Napapikit ito at nilalasap ang bawat pagsipsip niya sa dugo na nakapack. Hindi ko alam kung tama bang dugo ang nakikita ko o baka naman juice lamang na kulay maroon sa sobrang pagkared nito.
Napasandal ako sa wall ng makitang napatigil ito sa pag inom at tila may inaamoy. Umaamoy amoy siya sa hangin na parang may hinahanap.
Hindi ko na nakayanan ang nakita ko kaya naman ng tumalikod ito ay dali dali akong lumabas ng kanyang silid ng biglang naipit ang mahaba kong buhok sa kanto ng picture frame na nakasabit malapit sa kanyang silid.
"Aray!" Daing ko at alam kong nabunot ang ilang hibla ng aking buhok ngunit hindi ko na ito ininda at nag tuloy na sa silid ko.
Kaagad kong inilock ang pinto habang hawak hawak ko pa ang anit ko dahil sa sakit ng pagsabit ng buhok ko. Ang sakit talaga pero wala ng mas nakakaloka sa nakita ko. Hingal na hingal ako. Sinigurado kong nakalock din ang bintana.
Nahiga na ako sa aking kama at napatulala. Sana'y mali ang hinala ko. Wala pa naman akong proweba. Sana lang ay may sakit lamang ang Mafia Lord.
Hay kung ano ano ng naiisip ko. Ngayon ay nag sisisi na ako dahil sa sobrang katigasan ng ulo ko. Dapat ay nakinig na lamang ako kay Aling Vilma at hindi na nakialam pa.
Ngayon ay hindi na ako makatulog. Ano kaba talaga Sebastian Griffin? Ano kaba talaga?
Mas lalong gumulo lang ang isip ko dahil malinaw kong nakitang sinusuka nito ang kanyang kinakain at parang nasasaktan ito. Pero nung ininom na niya ang likido na yon parang nanumbalik lang siya sa normal. Parang lumalakas ito.
....
Nakaupo ako ngayon sa labas ng veranda ng malaking mansion. Katabi nito ang veranda mismo ni Lord Griffin. Tanghaling tapat na at alam kong tulog nanaman ito. Saradong sarado ang bintana niya at natatakpan nanaman ng makakapal na kurtina.
Ni isang beses ay hindi ko to nakitang lumabas ng mansion o kahit masikatan man lang ng araw ang kanyang balat. Kaya sobrang puti nito na tila wala ng dugo. Pero hindi ko rin maikakaila na sobrang gwapo niya. Ang kakaiba niya kulay silver na mata at matatapang na titig napakagandang titigan non. Ang manipis niyang labi, matangos na ilong at beard sa gilid ng kanyang pisnge.
Lahat ng katangian na inaasam ng mga kababaihan. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit panay ang pagpapaganda ng mga nakasama ko noong mga babae. Nakakalungkot na nga lang isipin na kaming tatlo na lamang ang natira sa mansion. Ako si Aling Vilma at ang Mafia Lord. May sarili kasing rest house malapit dito ang mga kalalakihang tauhan ni Lord.
Ang lalim lang ng mga iniisip ko ng mga oras na yon. Hindi ko namalayan na pinagpapantasiyahan ko na pala ang Lord Griffin. Nako Laarni hindi pupwede yan. Nako nako napasabunot pa ako sa buhok ko at tuluyan na akong pumasok sa silid ko.