Chapter 5

1116 Words
Laarni: 1 buwan na ang nakalilipas. Unti unti na akong nasasanay sa pagtira ko mismo dito sa mansion. Si Aling Vilma ay nasa rest house dahil dinalhan niya ang mga tauhan ni Lord Griffin ng makakain. Narito naman ako sa labas mismo ng mansion habang winawalis ang mga tuyong dahon. Mahigpit kasing binilin ni Aling Vilma na kailangang malinis ang hardin. Ayaw daw ng Mafia Lord na nakikitang puno ng tuyong dahon ang labas mismo ng mansion. Pasado alas dose na ng tanghali ng matapos ako. Mabuti na lamang ay nakapah luto na si Aling Vilma ng makakain. Ihahatid ko mismo ito sa kwarto ni Lord Griffin dahil hindi naman pala labas ito. Sa katunayan ay napapaisip ako dahil ngayon lamang ito kakain ng tanghalian. Madalas nga kasing tulog ito sa umaga. Magulo lang talaga kung iisipin ko pa kung bakit. Gulay at isda ang ulam. Kumalam ang sikmura ko dahil sa gutom hindi kasi ako nakapag almusal kanina dahil sa halos late na ako nagising. Nahiya naman ako kay Aling Vilma kaya hindi na ako kumain pa. Naihanda ko na sa magandang tray ang makakain ni Lord Griffin. Inayos ko na ang sarili dahil ayoko ng magkamali pa. Hindi na pwede at baka patalsikin na ako dito sa mansion ay mas mayari pa ako kay Sister Fernina. Umakyat na ako dahan dahan sa hagdan papuntang third floor para dalhan ito ng makakain. Nakasarado ang kanyang pinto. Nagdalawang isip tuloy ako kung tutuloy paba o hindi. Baka kasi natutulog pa ito. Sumagi kasi sa isip ko ang sinabi ni Aling Vilma. Ayaw na ayaw daw ni Lord Griffin na nagagambala ang kanyang pagpapahinga. Naalala ko rin ang sinabi ng matanda na dalhan ko mismo mg makakain si Lord Griffin dahil utos mismo ito. Hindi ko nga lang talaga alam kung ano ang gagawin baka naman kasi natutulog pa ito. Hindi naman siguro masamang mag try? Dahil ito naman ang utos niya ang dalhan siya mismo ng pagkain. Kumatok na ako sa pinto. Mga dalawang beses pa lamang at nagulat ako ng bigla itong bumukas mag isa. Baka binuksan ni Lord Griffin. Dahan dahan ko ng binuksan ito ng tuluyan at kinuha ang tray na nakalapag sa mesa. "Narito na po ang pagkain niyo." Sabi ko sa malumanay na tono at yumuko ako. Nakita ko itong nakaupo mismo sa kanyang malaking kama. Gising siya at walang pang itaas na damit. Nakatakip naman ang silk na kumot sa pang ibaba nito. Napatingin ako sakanya at seryoso lang talaga itong nakatitig sakin. Sumenyas lamang siya. Iniangat niya ang daliri at sumenyas na tinatawag niya ako. Kaagad naman akong lumapit dala ang tray at inilapag sa counter mismo sa may gilid niya. Nakayuko na ulit ako habang nanginginig ang tuhod. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito? Ang lakas ng impact niya saakin at nanghihina ako kapag malapit ako sakanya. Hindi ko rin kayang salubungin ang kanyang titig. Ang magaganda niyang kulay silver na mga mata. Kumunot noo nanaman siya sakin. Para bang ang init ng dugo nito sakin. "Leave" Sabi niya. Para naman akong ewan dahil nga sa nanghihina na ang mga tuhod ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "I said leave!" Sobrang lakas ng pag sigaw niya sakin na para bang ayaw na ayaw niya akong makita. Labis ang takot ko at akmang aalis na ako ng bigla namang bumigay ang aking mga tuhod. Nawalan ako ng balance at muntikan akong madapa mismo ngunit kaagad siyang nakatayo at naalalayan niya ako bago pa ako masubsob sa sahig. Iniharang niya ang kanyang matikas na braso sakin at inalalayan akong makatayo. Napatingin ako sakanya dahil duon. Hindi ko alam ang timpla ng ugali nito dahil madalas mainit ang ulo at ngayon ay iba. Iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam pero para itong nangungusap o ano man. Nakakaakit ito at mas lalong tumingkad ang kulay silver na mga mata nito na parang lalong nagpa init sa katawan naming dalawa. Nagigting nanaman ang kanyang panga at labis ang pag titimpi nito. Huminga siya ng malalim. Sobrang lalim tulad noong una kaming nag kita. Ako naman ay parang tambol ang puso ko sa sobrang bilis. "What did you do to me? Bakit ganito ang epekto mo sakin?" Sabi nito at isinandal ako ng malakas sa pader. Napapikit ako sa sakit. Sobrang lakas niya. Isinandal niya ako at naglapit ang aming mga mukha sa isa't isa. Nagiinit ang balat ko maging sakanya at nagpipigil lamang ito. Hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng ganito. Bakit parang iisa lang kami? Bakit parang iisa lang kami ng nararamdaman sa isa't isa. Dahil hindi ko maikakaila na ang lakas din ng epekto sakin ni Lord Griffin. Ang lakas ng epekto ng mga titig niya. Lahat sakanya ay gusto ko. Lahat ng kilos niya ay gusto ko. Nababaliw na ba ako? Sino ba siya? Bakit parang uhaw kami sa isa't isa. Nararamdaman kong iisa ang sinasabi ng spiritual namin. Kahibangan ba ito? Dahil ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito buhong buhay ko. Inamoy niya ang hibla ng buhok ko. Ramdam ko ang pag hinga niya ng sobrang lalim. Idinikit niya din ang kanyang mukha sa pisnge ko at inamoy ako pababa sa leeg ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan sa ginagawa niya. Mas lalo akong umangat sa pagkakahawak niya sa mga braso ko. Oo masakit iyon ngunit nakatapak naman ako mismo sa paa niya. Idinikit pa niya ako sa pader. Tila magkakapasa na ang dalawang braso ko sa labis na pagkakahawak niya. Pero hindi ko ininda iyon. Mas nanaig yung pakiramdam niya, namin sa isa't isa. Dinikit niya ang kanyang mainit na labi sa leeg ko at binigyan ako ng damping halik. Mas lalong humigpit pa muli ang pagkakahawak niya sa mga braso ko at hinihingal ito na tila init na init. Pinipigilan lamang niya iyon at narinig ko ang gigil na boses niya na umuungol na sadyang nag pipigil lamang. Kaagad din niya akong binitawan ng matauhan siya. Napalayo siya sakin at napakunot muli ang kanyang noo. "Get out. Ayokong makita ka." Sabi nito sa malamig na boses. Hinihingal pa ako ng magpasiya akong tumakbo palabas ng silid niya. Bakit ko hinayaan yon? Bakit hinayaan ko na may mamagitan saamin ni Sebastian Griffin? Patakbo akong pumasok ng kwarto habang hawak hawak ang dibdib ko at hinihingal. Inilock ko agad ang pinto at napasandal ako dito. Diyos ko Laarni ano bang kahibangan to? Hindi tama ito. Nagtungo agad ako sa banyo at naghilamos ng mukha. Napatingin ako sa salamin at hindi padin tumitigil ang pag tambol ng puso ko. Ano bang ginawa mo sakin? Bakit ganito? Hay ang lakas ng impact mo sakin. Sabi ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD