Chapter 3

1007 Words
Hapon na ng mapag utusan naman ako ng matandang babae si Aling Vilma na mag linis ng mga tuyong dahon sa labas ng mansion. Mapapansin mong tuyong tuyo ang mga halaman pati narin ang mga rosas na lanta na. Buti na lamang at may dala na ako na gunting at akmang gugupitin ko na ng mapasigaw ang matanda. "Laarni anong ginagawa mo!" Hindi ko ito natuloy dahil sa labis na pagkagulat ko bagkus ay nagupit ko kaunti ang aking balat at ito'y nag dugo ng sobra. Pumatak ang pulang pulang dugo ko mismo sa patay na rosas. "Aray!" Pag hikbi ko sa sobrang sakit. Napatakbo ang matanda papunta sakin at kaagad akong inalalayang tumayo. "Magmadali ka hugasan mo agad yang sugat mo bago magising ang Lord." Tarantang taranta ito. Hindi ko siya maintindihan pero kaagad ko itong sinunod. May ibinigay din siya saakin na likido para isaboy lahat sa aking sugat upang hindi na daw ito umalingasaw sa hangin. Hindi ko maintindihan yon pero ginawa ko. Nilagyan ko na ng malinis na tela ang aking sugat at mahigpit itong itinali. Lumabas na ako ng aking silid at lumabas muli ng mansion. Malinis na ang hardin at maayos na. Mukhang tinapos na ito ni Aling Vilma. Pumasok na muli ako sa loob para tignan kung ano ang pwedeng lutuin mamaya para sa gabihan. Nakita ko din na busy na ang ilan pang mga kasambahay at nag sisimula na mag ayos ng lulutuin. Pagsapit ng ala sais ay mas maaga kaming natapos. Ala syete pa lamang ay kakain na dapat ang Lord. Nakahilera na kami sa tabi ng mahabang hapagkainan. Sinindihan na ang bawat sulok ng kandila upang magkaron ng ilaw sa loob. Tila malamig ang mansion kahit pa palaging kulob. Hindi ko alam kung bakit malamig talaga dito. Ultimong sahig kapag natapakan mo ay mararamdaman mo ang lamig. Bumaba na ang Mafia Lord at nakayuko na kami. Hindi na ako ang naatasan ni Aling Vilma na kumuha ng sinasabi nitong red wine. Sa Zarina na ito ang matagal ng naninilbihan dito. Tahimik muli kaming lahat ng siya ay nagsimula ng kumain. Nakayuko lamang kami at walang gustong umimik. Nailagay naman ng maayos ni Zarina ang red wine. Kumakain lamang ang Mafia Lord ng maya maya ay natapos na ito. Nakaupo padin siya mismo sa kanyang kinauupuan habang kami lahat ay nakayuko padin. Sumasakit na ang batok ko sa pagkakangalay hindi ko alam kung kelan balak nito tumayo. Napapikit nalang ako. Iginalaw ko ng kaunti ang leeg ko sobra nangangalay na kasi ito. Pero hindi ko na ito kaya pang pigilan. Napataas ako sandali ng tingin upang ipahinga ang leeg ko. Nagulat ako ng magtama nanaman ang aming mata. Nakatitig nanaman ito sakin. Inilihis ko sa ibang direksyon ang aking tingin. Baka naman namamalikmata lang ako. Baka naman hindi talaga sakin ito nakatingin. Maya maya pa nito ay napatingin muli ako sa direksyon niya hindi ko alam bat ako nakaramdam bigla ng pag ka curious. Nagulat ako dahil nakatingin padin ito sakin at malalim ang iniisip. Naka salubong ang kilay at matatapang na mga mata. Nagkukulay silver talaga ito lalo pa at naiilawan ng apoy na nang gagaling sa kandila. Para bang may anong sinulid na lamang ang nag konekta saming dalawa. Bakit ko yon nararamdaman? Hindi ko alam kung bakit ako nahuhulog sa kanyang mga titig sakin. Siya naman ay seryoso lamang habang umiinom ng wine. Maya maya pa ay dumating si Aling Vilma na may dalang dessert para kay Lord Griffin. Hindi lamang nito pinansin ang pagkain sa halip ay nagsalita. "I'm done." Sabi at tumayo na ito at tuluyan ng lumisan. Sa kanyang pag alis ay nakahinga ako ng maluwag kanina pa kasi mabilis ang t***k ng puso ko para bang kinakabahan ako. Naglinis na kami mismo ng hapag kainan. At mahabang mesa. Pinatawag kami ni Aling Vilma lahat at may hawak hawak na itong sobre. Para saan naman kaya ito? Tinawag tawag na nito isa isa ang mga pangalang nasa sobre. Nagtataka ako kung bakit hindi ako nakatanggap? Masaya ang lahat ng pagbukas nila ay salapi ang nilalaman nito. Dumating pa ang mga tauhan ni Sister Fernina na nasa labas lamang. "Salamat makakaalis na kayo." Sabi ni Aling Vilma. Nagulat ang lahat dahil duon. Ayaw umalis ng iba ngunit wala silang magagawa. Naririnig ko kasi lagi ang mga ito na pinag nanasaan mismo si Lord Griffin. Hindi ko lang alam kung dahil ba roon. Labag man sa loob ay umalis na silang lahat. Susunod na sana ako ng tawagin ako ni Aling Vilma. "Hindi ka aalis Laarni. Pag sisilbihan mo ang Lord." Sabi nito at ibinigay saakin ang pamalit na damit. Uniform ulit ito ngunit iba na ng disenyo. Kulay itim lahat ito. "Sa taas na ang magiging kwarto mo." Sabi nito sakin. Naiwan lamang akong tulala. Hindi alam kung tama ba ang nadinig ko? Sa taas? Ngunit sa taas ay ang silid ni Lord Griffin. Hindi kaya duon ako sa katabing kwarto nito? Gulong gulo ang isip ko. Hindi ako pinatulog ng maayos dahil duon. Kinaumagahan ay hindi nga ako nagkakamali. Sa katabing kwarto na ako nito at nasa third floor na. Mas malaki ang aking kwarto kumpara sa ibaba. May malaking kama at talaga namang komportable. Sariling banyo at cabinet para sa mga damit ko. Napangiti ako sa ganda ng kwarto. Pinutol ko din iyon at bumaba na. Nagiwan muli ng liham si Aling Vilma na aalis muna siya sandali. Huwag na huwag daw akong papasok sa kwarto mismo ni Lord lalo na kapag natutulog ito. Ayaw na ayaw daw nito ang nagagamabala sa umaga. Napaisip lang ako. Bakit ba palagi nalang itong natutulog sa umaga? Ano naman ang tinatrabaho niya sa gabi? Naisip ko naman ang sinabi mismo ni Sister Fernina na huwag na huwag daw namin pakikialaman ang mga nangyayare sa mansion na ito kundi malalagot at tiyak na buhay ang kapalit. Napailing ako ayokong mapahamak ako dahil lang sa mga katanungan ko. Pabayaan mo na Laarni buhay ng ibang tao yan. Hindi ka pwedeng manghimasok sa buhay ni Lord Griffin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD