Chapter 2

1222 Words
Hindi ako mapalagay ng mga oras na yon lalo na sa nangyari kanina. Paano nalang kung ipapatay ako ng Lord? Ano ng gagawin ko? Napaupo ako sa katre na malapit sa malaking bintana at napabaluktot ako. Hawak hawak ko nag mga binti ko at iniyuko ang ulo ko. Pag pikit ng mga mata ko ay nakita ko nanaman ang mukha ni Lord Griffin. Ang mukha niyang matapang at galit sakin. Idinilat ko ng muli ang mata ko at shinake ko ang ulo ko. Hindi pwede to hay sana naman mapatawad niya ako. Napatingin ako sa aking relo. Pasado alas nuwebe na pala. Kumakalam na ang sikmura ko sa pagkagutom. Yan ang napapala ng katangahan ko. Unang araw palang ay palpak agad. Hay nakakainis ka Laarni kahit kelan talaga napaka aligaga mo. Nagulat ako ng biglang humangin sa labas at gumagalaw ang kurtina sa tapat ng bintana ko dahilan para mapatayo ako at akmang isasara ko sana ang bintana ng may kumatok naman sa pinto. Hindi ko na tuloy ito nasara. Napalingon ako sa kumatok at binuksan ko na ito. Nakita ko ang matandang babae. "Tulog na ang Lord. Tulog narin ang mga tao dito sa mansion. Maaari ka ng kumain. Wag na wag ka lamang gagawa ng anumang ingay maliwanag ba?" Sabi ng matanda. Kaagad naman akong sumang-ayon at umalis na ito. Tanging lampara lamang ang kanyang ilaw. Pagkapunta ko ng kusina ay sobrang dilim. Sumisilip lamang ang sinag ng buwan sa loob ng mansion. Sinikap kong wag makagawa ng ano mang ingay. Dahan dahan akong naglakad papuntang ref para makakuha ng makakain. Gutom na talaga ako dahil nalipasan nako. Hindi pa ako nakakakain simula ng bumyahe kami papunta dito. Dahan dahan akong nag sandok ng kanin at ulam. Kumuha din ako ng tubig panulak sa ref. Hiwalay mismo ang ref naming mga katulong. Kain lang ako ng kain ng biglang humangin nanaman sa labas. May bagyo ba? Parang ang lakas ng hangin dahil nahawi nito ng kaunti ang kurtina. Napalunok at tumayo para isarado na ang nakabukas na bintana. Nakaramdam ako ng kakaiba. Kakaiba dahil para bang may matang nakatitig sakin. Lumingon lingon pa ako sa kapaligiran ngunit wala naman. Napatingin na muli ako sa bintana at akmang isasara ko na ng humangin pa ng malakas at tuluyan akong napapikit. Pag dilat ko ay may boses akong nadinig sa likuran ko na siyang ikinagulat ko. Halos maihi na ako sa panty ko dahil sa pagkagulat. "What are you doing here?" Paos ang boses nito ngunit kalmado. Napalingon at labis na talaga ang pagkagulat ko ng ang Mafia Lord pala ang naroon. Nakapamulsa ito at naka simangot. Kunot noo lamang itong nag obserba saakin. Habang ako naman ay nakayuko dahil sa labis na kahihiyan. Inayos ko pa ang manipis na telang nakatapis sa aking katawan 'pantulog ko' dahil nakakahiya namang makita ako nito sa ganitong anyo. "Paumanhin po nagugutom po kasi ako." Nakapikit kong sabi. Diyos ko baka lalong magalit sa sinabi ko dahil hindi ito nagsasalita. Sumilip ako at nakita kong makatayo parin to sa harapan ko. Naririnig ko nanaman ang malalim niyang pag hinga habang nag pipigil. Naaasar ba siya? Baka bigla nalang akong bugbugin nito. Tanging malalalalim na pag hinga lamang niya ang nadidinig ko. Maya maya pa ay dumilat ako. Asan siya? Bigla na lamang itong nawala sa harapan ko. Marahil ay hindi ko namalayan dahil sa mga iniisip ko. Naupo na muli ako sa silya at kumain na parang daga dahil baka marinig ng lahat. Mabuti na lamang at hindi nagalit ang Lord Griffin dahil sa mga kapalpakan ko. Sinikap kong linisin ang lahat ng ako ay tapos na. Isinara ko narin ang nakabukas na bintana at nawala narin ang malakas na hangin kanina ng dumating ang Mafia Lord. Dala dala ko pa ang maliit na kandila. Sinigurado kong malinis ang lahat bago ako nag tungo muli sa aking silid. Pagpasok ko ay ibinaba ko na ang hawak kong kandila. Nawala na bigla ang malakas na hangin dahil hindi na sumasayaw ang kurtina ko dito sa silid. Naghilamos at nag sipilyo na ako ng aking ngipin sa maliit na banyo doon sa silid. Napaupo na ako pag tapos sa katre at nag alarm na ako para hindi ako mahuli bukas. Hindi kana dapat magkamali pa bukas Laarni. Sabi ko sa sarili ko. Pag higa ko ay bumigat na ang aking mga talukap at nakatulog na pala ako ng mahimbing. .... Nagising ako sa araw nakasilip ito sa nakahawing kurtina. Tumatama ang sinag nito saking mga mata. Nataranta ako. Araw? Inabutan na ako ng liwanag! Kaagad akong napabangon at napaligo ng mabilisan. Nag sipilyo at nag bihis. Basa pa ang aking buhok ng akoy lumabas at itinali ko nalang ito. Naabutan ko ang iba na naglilinis na. Nakita ako ng matandang babae at nakasimangot itong lumapit sakin. Patay bakit ba kasi hindi ako nagising sa alarm? Ang sarap kasi ng tulog ko tila may humahaplos sa mukha ko na malamig na hangin. Lumapit ito sakin. "Anong oras na Ms. Castillo?" "S-sorry po." Nakayukong sabi ko. Ibinigay naman niya sakin ang walis at pamunas. "Maglinis ka sa 3rd floor." Sabi nito. Kaagad naman akong sumunod at nag tungo na sa 3rd floor. Napakaganda ng 3rd floor. Malayong malayo ito sa ibaba ng mansion. Napakaraming painting ang nakasabit mismo sa wall. At may mahabang red carpet pa ang nakalatad sa sahig. Naumpisa na akong mag walis at punas ng mapansin kong may nakabukas na pintuan sa may pinaka dulo nito. Madilim iyon kaya tinapos ko muna ang lilinisin ko tsaka ako kumuha ng kandila. Maglilinis din ako roon pabigurado. Naakad na ako dahan dahan sa nakabukas na pinto. Napaka lamig sa loob nito. Napayakap ako sa sarili ko. Itinabi ko muna saglit ang hawak kong pang linis at iginala ang mga mata ko hawak ang kandilang masa kanan ko. Napakaganda. Yari sa ginto ang lahat ng bagay ng makikita mo at napaka laki pa nito. Sobrang laki ng silid na to. Naglakad lakad pa ako. May makakapal itong pulang kurtina. Hindi ko pwedeng buksan ito tiyak na magagalit ang Mafia Lord. Napansin kong may malaking kama at nag tungo ako doon. Dinala ang kandila pang gabay sakin sa kadiliman. Laking gulat ako sa aking pag lapit. Napahawak ako sa akong bibig sa labis na gulat. Ang Mafia Lord na si Sebastian Griffin na himbing na himbing sa pagkatulog. Napaka seryoso ng maamo niyang mukha. Mas inilapit ko pa ang sarili ko para matitigan ko ito. Napaka kinis ng kanyang balat at maputla ito halatang hindi nasisikatan ng araw. Napaka gwapo niya talaga. Nagulat ako ng may kamay sa likuran ko na humablot sa braso ko. "Bawal gambalain ang Lord sa kanyang pag tulog." Madiing sabi sakin ng matandang babae at pinalabas ako ng kwarto. Isinara nito dahan dahan ang kwarto at humarap sakin. Huminga muna ito ng malalim bago nag salita. "Mabuti na lamang at nakita kita kundi baka katapusan mo na. Huling beses mo nalang tatapak sa kwartong iyon naiintindihan mo ba?" Sabi sakin ng matanda. Naguluhan man ako ay tumango tango nalang ako bilang pag sang-ayon. Bumaba na ako at naatasang mag linis naman sa labas mismo ng mansion. Tahimik talaga dito. Magdidilig sana ako ng halaman ng makitang puro patay naman pala ang mga halaman dito. Nalungkot ako napaka lungkot ng mansion na ito walang kakulay kulay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD