Six

1031 Words
Napatingin sa pintuan si Antonette nang pumasok ang isang babae, bitbit nito ang carrier bag na may lamang isang purong puting pusa. Ngumiti ito kay Antonette at nginitian niya ito pabalik. “Hi, Doc!” bati nito kay Antonette. “Hi, Lucille! Hi, Snow,” sabi ni Antonette at hinimas ang carrier bag. “Dinala ko po si Snow dahil sa text n’yo kahapon na schedule na niya ng deworming,” sabi ni Lucille. Tumayo naman kaagad si Antonette at tinawag si Kristine. “Ah, oo. Kailangan na niyang madeworm ngayon,” sabi nito at binuksan ang carrier bag. “Hi, poging Snow, wag kang mag-alala, mabilis lang ’to,” sabi niya sa pusa at hinimas ang ulo nito. Tanging meow lang ang sagot ng pusa sa kaniya. Ibinigay niya kay Kristine ang pusa at kumuha ng deworming tablet, pagkatapos ay ipinainom ito. “Ayan, good boy!” sabi ni Antonette at ibinalik sa carrier ang pusa. “Naisulat ko na ang next deworming schedule ni Snow, Lucille. Wag mo muna siyang papaliguan, ha?” sabi ni Antonette. Tumango naman si Lucille at ngumiti kay Antonette. “Thank you po, Doc,” sabi nito at lumabas na ng clinic matapos makapagbayad. Nagpasalamat naman si Antonette kay Kristine at bumalik ito sa pagkakaupo. Habang nagrereview ng mga files ng kaniyang mga pasyente, hindi niya namalayan ang pagpark ng isang police car sa harapan ng clinic niya. Unang bumaba si PSSg. Halili at sinundan ni Lopez. “Sir?” tawag ni PSSg. Lopez. “Mauna na kayo, may tatawagan lang ako,” sabi ni Alexander, pero ang totoo ay wala siyang tatawagan. Hinintay niyang makapasok ang dalawa saka bumaba sa sasakyan. Itinulak ni Alexander ang pintuan at nasilayan agad ang mukha ni Antonette. Napamura si Alexander sa isipan. Mahigit anim na taon na rin nang huli silang magkita pero napakaganda pa rin nito. “Doc, ito nga po pala si Police Lieutenant Alexander Chavez, ang bagong hahawak sa kaso ng asawa n’yo po,” sabi ni PSSg. Lopez. Parang nagliliyab sa galit si Antonette nang sambitin ng police ang pangalang kinamumuhian niya at biglang lumitaw si Alexander na may nakakalokong ngiti. “Nice to meet you, Mrs. Castromayor,” sabi ni Alexander. Sinadya niyang diinan ang pagkakasabi ng Mrs. Castromayor at inabot ang kamay nito. Parang matutunaw naman sa mga titig ni Alexander si Antonette. Napipilitan man, nakipagkamay siya kay Alexander at pilit na ngumiti. “Nice to meet you, Sir Alexander,” sabi niya at mabilis na binawi ang kamay. “Salamat sa pagpunta. May bagong update na ba?” tanong niya kay PSSg. Lopez. “We’re still investigating about your husband’s case, Mrs. Castromayor,” sagot ni Alexander. Parang gustong umirap ni Antonette sa lalaki. Naiinis siya rito at sa inaasta nito dahil alam niyang nang-aasar ito at hindi niya ito nagugustuhan. “Okay,” maikling sagot ni Antonette. “We will give you updates about the case regularly. We want your full cooperation in this matter, Mrs. Castromayor,” sabi ni Alexander. “Of course, Lieutenant Alexander,” sabat ni Antonette at tiningnan sa mga mata si Alexander nang nanghahamon. Nagkatinginan naman si Lopez at Halili na nagtataka dahil sa pamumuong tensyon sa dalawa. Mahinang umubo si PSSg. Halili para kunin ang atensyon ng dalawa. Napatingin naman si Antonette sa pulis. “Gaya po ng sabi ni PLt. Alexander, mag-uupdate na lang po kami sa kaso,” sabi nito. Ngumiti ito nang matamis sa police na siyang ikinainis ni Alexander. “Maraming salamat. Aasahan ko ’yan,” sabi ni Antonette. “Paano po, alis na po kami,” sabi ni PSSg. Lopez. Nauna nang lumabas ang dalawang pulis at naiwan si Alexander. Lumapit siya kay Antonette at hinawakan ang buhok nito. Naikuyom ni Antonette ang kaniyang kamao at sinamaan si Alexander ng tingin. “I didn’t expect to find you here after what you did to me, Antonette,” sabi nito. “Baka nakakalimutan mo na sa ating dalawa, ikaw ang nagloko, Alexander. You cheated on me,” galit na sabi ni Antonette at hinampas palayo ang kamay nito. Bumalik sa kaniya ang araw na nakita niya ang lalaking pinakamamahal niya na may kasamang ibang babae. “Get out. I don’t want to see you unless it’s about my husband’s case,” sabi niya habang pilit na pinapakalma ang sarili. “Then we’ll see each other every day, Netty,” sabi ni Alexander gamit ang palayaw niya kay Antonette at tumalikod na para lumabas ng clinic. Nang makaalis na ang police car, napaupo si Antonette sa swivel chair. “Oh god, si Mikael,” sabi niya at nagmamadaling kinuha ang cellphone at tinawagan ang katiwala. Kagat ang kuko sa daliri habang naghihintay sa sagot ng katiwala, palakad-lakad si Antonette sa kaniyang klinika at malakas ang kabog ng kaniyang puso. Hindi pwedeng malaman ni Alexander na may anak silang dalawa, na anak niya si Mikael dahil alam niya ang kakayahan ng mga Chavez. Mamamatay muna siya bago nila makuha si John Michael sa kaniya. “Hello, Ate?” bati ng katiwala matapos sagutin ang tawag ni Antonette. “Andeng! Mabuti at sumagot ka,” sabi ni Antonette. “Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Pakisundo naman si Mikael sa eskwelahan niya,” dagdag nito. “Tapos na po, Ate. Pero di ba po may pasok pa si Mikmik sa hapon?” sagot ni Andeng. “Sabihin mo na lang sa guro niya may emergency. Please, Andeng,” sabi ni Antonette. Umuo naman ang katiwala nito at pinatay ang tawag. Kinuha ni Antonette ang bag at pumunta sa likod kung saan tumatambay si Kristine kasama ang dalawang groomer nila na sina Dalton at Arnold. “Kristine, ikaw na muna ang bahala rito, uuwi muna ako. Tawagan mo na lang ako kapag may emergency, ha?” sabi ni Antonette at inabutan ng isang libo si Kristine. “Pang-meryenda n’yo mamaya nila Dalton. Maraming salamat, Tin,” dagdag niya. “Kami na po ang bahala rito, Doc! Napainom naman na po sina Whiskey at Gin ng gamot nila,” sabi ni Dalton at ngumiti kay Antonette. Nagpasalamat ulit si Antonette at lumabas ng clinic, sumakay sa kaniyang sasakyan, at nagmaneho pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD