Dahil wala ang katiwala nila at mamayang hapon pa makakabalik, maagang nagising si Antonette para maghanda ng almusal ng kaniyang anak dahil may pasok ito. Nagluto siya ng simpleng almusal at pumunta sa kwarto ng anak. Nang buksan niya ang pintuan, nakita niya itong yakap-yakap ang teddy bear na regalo ng yumaong ama niya. Para bang pinisil ang puso ni Antonette sa nakita. Dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa kama.
“Mikael, wake up, baby,” mahinahong sabi ni Antonette at hinaplos ang buhok ng anak, pero hindi ito nagising. Napangiti si Antonette at niyakap ang anak. “Mikael, it’s breakfast time. I cooked your favorite adobo,” sabi pa niya. Nagmulat ng mata ang bata at hinawakan sa mukha si Antonette.
“Good morning, mommy,” sabi ni John Michael at hinalikan sa pisngi ang kaniyang ina.
“Good morning, my sweet boy,” sabi ni Antonette.
“Mommy, where’s daddy?” tanong ni John Michael na ikinabigla ni Antonette.
“Oh, he’s not here anymore,” malungkot na saad ng kaniyang anak.
“Mikael,” pagtawag ni Antonette, “But he’s always here… with you,” dagdag niya sabay turo sa dibdib ni John Michael.
“Okay, mommy,” sagot ng bata at nagpakarga kay Antonette. Walang pag-aalinlangan na binuhat ni Antonette ang anak at bumaba ng hagdan. Inilagay niya si John Michael sa isang upuan at ipinaghain. Ganadong kumain naman ang bata habang si Antonette ay masayang tinitingnan ito. Kung nandito pa si Jarvis, magkasabay siguro silang tatlong nag-aagahan ngayon.
Sa kabilang banda, nagising si Alexander sa tunog na nanggagaling sa cellphone niya. Inunat niya ang katawan at umupo, tanging jogging pants at walang damit pang-itaas. Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana ng kaniyang kwarto. Hinawi niya ang kurtina at tumama sa mga mata niya ang liwanag galing sa araw.
Nagsimula nang mag-ayos si Alexander at pagkatapos niyang maligo at magpalit sa kaniyang uniporme, lumabas siya ng kwarto at ini-lock ito. Pumunta siya sa lobby at binigay ang susi sa receptionist.
“Sir, hindi na po ba kayo kakain? Kasali po ang breakfast meal sa binayaran niyong kwarto,” sabi ng receptionist. Tiningnan ni Alexander ang kaniyang relo at ngumiti sa babae.
“Dito na lang din, may oras pa naman ako,” sagot nito. Ngumiti pabalik ang babaeng receptionist at nagpa-cute, pero malas nito, wala sa mood si Alexander para dito. His sole focus is on the case he’s currently handling and meeting his ex-girlfriend. Gusto niyang makita ang reaksyon ni Antonette kapag nakita siya nito.
Pagkatapos kumain, lumabas si Alexander sa hotel at sumakay na sa kotse niya para magtungo sa istasyon. Nang makarating si Alexander sa istasyon, agad sumaludo ang kaniyang mga junior.
“Sir, good morning,” sabi ni PSSg. Lopez.
“Good morning,” bati naman ni Alexander.
“Sir, pupunta nga pala tayo ngayon sa opisina ni Atty. Jarvis,” sabi ni PSSg. Lopez.
“Sige, nasaan na ba si PSSg. Halili?” tanong ni Alexander.
“Nasa labas na po, sir,” sagot naman ni PSSg. Lopez. Lumabas ang dalawa at nakita si PSSg. Halili na nakatambay sa police car. Kaagad naman nitong binati si Alexander at sumaludo nang makita ito. Si PSSg. Halili ang naatasang magmaneho habang nasa likod naman si Alexander at katabi ni Halili si Lopez.
“Gaano niyo kakilala si Atty. Jarvis?” tanong ni Alexander.
“Medyo kilala po, pero hindi masyado malalim. Parati ko po siyang nakikita sa presinto lalo na kapag may kaso siyang hawak. Mabait at palakaibigan po si Atty. Kaya nagulat po ang karamihan nang patayin siya,” sagot ni PSSg. Halili.
“Mabait rin po ‘yong asawa niyang beterinaryo,” sagot naman ni PSSg. Lopez. Naikuyom ni Alexander ang kaniyang kamao.
“That’s her long-time dream, to become a vet,” bulong nito at napaismid.
“Hinala nga po ng karamihan ay ipinatumba siya ng mga mayayamang negosyanteng napaalis niya sa lungsod,” sabi pa ni PSSg. Lopez. Tumango si Alexander at tiningnan ang hawak niyang folder. Ang mga laman nito ay record ng previous cases na hawak ng namatay na abogado.
“Itong bagong hawak niya na kaso, kay Hernato Capingping, anong balita rito?” tanong ni Alexander.
“Ang sabi po, ililipat daw po sa isang abogado na kasamahan ni Atty. Jarvis,” sagot ni PSSg. Halili. “Nandito na po tayo, sir,” sabi niya at pinark ang sasakyan sa parking area ng law firm. Nagpasalamat si Alexander at bumaba ng kotse. Tiningnan niya ang building at pumasok.
“Thank you for your cooperation, Atty.,” sabi ni Alexander.
“The pleasure is mine, Lieutenant,” sagot ni Atty. Monte, na isa sa kasamahan ni Atty. Jarvis, at siya na ngayon ang may hawak sa kaso ni Hernato Capingping.
Natapos ang interbyu nila sa mga kasamahan ni Atty. Jarvis ng mahigit dalawang oras. Nagkamayan ang mga pulis at mga abogado bago umalis. Naunang lumabas si PSSg. Halili kasabay si PSSg. Lopez, habang kasunod naman nila si PLt. Alexander na tinitingnan ng karamihan dahil bago ang mukha nito, at idagdag mo na na gwapo ito, matangkad, maputi at maganda ang pangangatawan. Aakalain mong modelo ito sa unang tingin kung hindi lang ito nakasuot ng uniporme ng pulis. Sumakay si Alexander sa likod at isinarado ang pintuan.
“Saan tayo sunod?” tanong ni Alexander. “Tumabi ka muna diyan at bibili ako ng pagkain kay manong,” sabi ni Alexander nang makita ang matandang tumulong sa kaniya kahapon.
“Manong!” tawag ni Alexander matapos maibaba ang salamin ng sasakyan. “Bibili po ako ng mais,” dagdag niya.
“Kayo po pala, sir! Papunta pa lang ako sa istasyon, buti nakasalubong ko kayo rito,” masayang sabi ng matanda. “Ilang piraso po ba, sir?” tanong niya at binuksan ang basket niya.
“Tatlo, manong,” sagot nito. Binigyan naman siya kaagad ng matanda at ibinigay niya ang dalawa sa kaniyang mga kasamahan. Binayaran ni Alexander ang matanda at nagpasalamat ito sa kaniya bago tuluyang umalis para maglibot at magbenta.
Marami silang nakuhang detalye sa mga kasamahan ni Atty. na magsisilbing dagdag sa report nila. Tunay ngang mabait na tao si Atty. Jarvis Castromayor, na binansagang tagapagtanggol ng mahihirap. Hindi rin makapaniwala ang mga kasamahan nito sa nangyari sa abogado at maging sila’y humihingi ng hustisya sa pagkamatay nito.
“Sa asawa niya po, sir. Kay Misis Antonette,” sabi ni PSSg. Lopez. “Ipapakilala po namin kayo sa kaniya,” sabi pa nito. Gustong sumagot ni Alexander na hindi na kailangan dahil kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, pero hinayaan niya na ito. Napangisi si Alexander dahil hindi na talaga mapipigilan ang pagkikita nilang dalawa.