Inis na tinapon ni Alexander ang jacket sa swivel chair at umupo. Naiinis siya sa inakto ni Antonette na para bang ito lang ang nagloko sa relasyon nila. When in fact, she was the one who cheated first, and he saw it with his own eyes.
"Goddamnit," he whispered. Alalang-alala niya pa ang araw na iyon. It was raining, and he was about to pick up Antonette, but he saw her with another man. They were happily chatting, and he kissed her! Napabilib niya si Alexander sa dalawang taon na pagsasama nila na mahal niya ito, na hindi siya katulad ng ibang babae na pera lang ang habol, pero nagkamali si Alexander. She’s the same as those women.
"We’ll see, Netty, we’ll see," sabi ni Alexander at napangisi.
Nakarating na si Antonette sa bahay at mabilis na bumaba sa sasakyan. Pumasok siya sa bahay at nakita si John Michael at ang katiwala nitong si Andeng na naglalaro. Nakita naman agad siya ng anak at patakbong pumunta ito sa kaniya.
"Mommy!" hiyaw ni John Michael.
"Mikael, my baby," sabi ni Antonette at niyakap ang anak nito. "Andeng, mag-ready ka, punta tayo sa paboritong kainan ni Mikael. Wag mo kalimutan ang tubigan niya, ah?" dagdag ni Antonette. Tumango naman si Andeng na mas bata sa kaniya ng limang taon at inihanda ang gamit ng bata.
"Before we go to the resto, punta muna tayo kay daddy, okay?" sabi ni Antonette at inilagay ang anak sa backseat ng sasakyan. Pumasok naman si Andeng at tumabi sa anak niya at si Antonette ay lumipat sa driver's seat. Pinaandar na ni Antonette ang sasakyan at pumunta sa sementeryo na malapit sa kanila kung saan nakalibing ang kaniyang asawa.
"We’re here," sabi ni Antonette at pinark ang sasakyan sa designated parking space ng sementeryo. Bumaba si Antonette at binuksan ang pintuan sa backseat. Mabilis na nagpakarga sa kaniya ang anak na agad niya rin namang binuhat.
"Hala, ate, ako na po! Mabigat na po si Mikmik," sabi ni Andeng at akmang kukunin si John Michael pero pinigilan ito ni Antonette.
"Okay lang, Andeng. Sinusulit ko ang ganitong paglalambing ni Mikael dahil alam ko kapag nagsimula na itong magbinata, hinding-hindi na ito maglalambing," sabi naman ni Antonette at nalungkot. Parang kailan lang, hawak-hawak niya si Mikael sa ward ng mag-isa matapos niya itong ipanganak; ngayon, nag-aaral na si Mikael at malaki na. "Don’t grow up too fast, love," bulong ni Antonette.
Naglakad si Antonette at Andeng sa loob ng sementeryo habang pinapayungan sila ng katiwala. Nakarating sila sa musoleo ni Jarvis na ipinagawa ng magulang nito. Kinuha ni Antonette ang susi atsaka binuksan ang nakakandadong gate ng musoleo. Ibinaba ni Antonette si John Michael at kaagad na pumunta ito sa harapan kung saan nakalagay ang picture ng yumaong ama.
"Daddy!" sigaw ni John Michael.
"Hi, love," sabi ni Antonette at hinawakan ang picture frame ni Jarvis. "Miss na kita, magpakita ka naman sa akin kahit sa panaginip lang, oh," dagdag ni Antonette at tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kinuha naman ni Andeng si John Michael at dinala sa itaas ng musoleo para maglaro, naiintindihan nito na gustong magpag-isa ng babaeng amo kausap ang namayapang asawa nito.
"Jarvis, anong gagawin ko? He’s here in our city," she whispered. "And he’s the one assigned to handle your case," dagdag niya habang yakap-yakap ang frame. Alam ni Jarvis lahat ng nangyari sa kaniya at lahat ng sakit na dinanas niya dahil sinabi niya ito bago pumayag na magpakasal sa abogado.
Ilang minuto ang nakalipas, parang gumaan ang loob ni Antonette nang makausap si Jarvis. Ibinaba niya ang larawan nang maramdaman niyang may yumakap sa baywang niya. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng anak.
"Mommy, are you alright?" tanong ng bata. Tumango naman si Antonette.
"I am, baby," sagot niya. "Tara na, Andeng, alis na tayo," dagdag ni Antonette.
"Say bye-bye to daddy na, anak. Balik na lang tayo ulit, okay ba 'yon?" sabi ni Antonette. Tumango si John Michael at bumaba. Lumapit ang bata sa litrato ng kaniyang ama pagkatapos ay hinalikan ito.
"Bye-bye, daddy," malungkot na sabi nito.
Umalis na sila sa sementeryo at nagtungo sa paboritong fastfood chain ng bata. Enjoy na enjoy itong maglaro sa playground sa loob ng kainan. Masayang tiningnan niya ito. Hinding-hindi niya hahayaang may mangyari sa anak niya.
"San niyo gusto sunod?" tanong niya sa katiwala at sa anak.
"Mall!" sagot naman ng anak. Alam na alam agad ni Antonette na magpapabili na naman ito ng laruang truck. Ngumiti si Antonette at tumango.
"If you behave, we will go to the mall with Tita Andeng, and we will buy a truck," sabi niya sa anak. Minsan lang naman manghingi ang anak at kung buhay pa si Jarvis, palagi nitong pinagbibigyan ang bata.
"Okay, mommy! I will behave," sagot naman nito. Pinanggigilan ni Antonette ang pisngi ng anak saka bumalik sa pagkain. Umalis naman sila pagkatapos, at tuwang-tuwa si John Michael nang bilhan ito ng ina ng laruang truck.
Sa kabilang banda, nagkayayaan ang mga pulis na lumabas pagkatapos ng trabaho nila. Inimbitahan din nila si Alexander sa inuman at hindi naman ito tumanggi at sumama sa kanila. Nagsiuwian muna ito at nagkita na lang sila sa isang bar pagkatapos.
"Sir, anong iyo?" tanong ni Nebrez, isang SPO2.
"Beer na lang," sagot ni Alexander. Binigyan naman kaagad ito ng kasamahang pulis. Binuksan ito ni Alexander at ininom ng paunti-unti habang nakikisali sa usapan ng mga kabaro.
"Sir, may girlfriend po ba kayo? Lahat ng chicks dito ikaw ang target e," sabi ni Atienza, isang PSSg, at napatawa dahil totoo ito. Kanina pa may mga babaeng lumalapit sa table nila para magpapansin o hingin ang number ni Alexander, pero tinatanggihan niya lahat ito dahil alam niya ang mga pakay ng mga ito. Hindi niya rin alam pero wala siya sa mood para makipagsex. Napailing si Alexander.
"Wala, sakit sa ulo lang 'yan," pabirong sabi nito. Ngunit hindi maalis sa isipan nito si Antonette at ang napakagandang mukha nito. Binabagabag siya nito, at hindi niya iyon nagugustuhan.