Eight

1090 Words
Inabot ni Antonette ang flip sign sa pinto ng kaniyang klinika para baguhin ito mula sa “Closed” patungong “Open.” Nagsimula siyang mag-rounds at sinuri ang mga alagang hayop na naka-confine sa klinika niya. Sa tulong ni Kristine, napakain at napainom na nila ng gamot ang mga hayop. “Thanks, Tin,” sabi ni Antonette. “Paki na lang ako sa mga owners ha? Si Cloudy pwedeng nang lumabas bukas,” dagdag niya pa. “Okay, doc. Tawagan ko po sila,” sabi ni Kristine at nagsimula nang magtrabaho. Umupo si Antonette sa kaniyang upuan at narinig niya ang door chime na tumunog nang may pumasok sa klinika. “Good morning…” Pagkataas na pagkataas niya ng kaniyang ulo, nawala agad ang mga ngiti sa labi ni Antonette nang makita si Alexander na may dalang pusa. Tiningnan niya si Alexander nang masama. “Anong ginagawa mo dito?” pagtataray niya. “Good morning to you too, doc,” sabi ni Alexander. “Ang aga-aga nakasimangot ka, ganyan ka ba sa iba mong kliyente?” tanong niya na siyang kinainis ni Antonette. “Wala ka bang trabaho?” balik na tanong ni Antonette. Nasira na ang araw niya nang makita ang lalaking kinamumuhian niya. “I have, Netty, but you see this ‘lil fella here?” sagot ni Alexander at itinaas ang pusang hawak niya. “I found him outside of my hotel at dinala ko rito to get him or her treated,” dagdag niya. Kinagat ni Antonette ang ibabang labi at kinuha ang pusa kay Alexander. “Okay,” matipid na sabi ni Antonette. Ipagpapaliban niya muna ang galit niya kay Alexander nang ilang minuto. She’s a doctor at may dalang injured animal ang pulis. Hindi niya naman ito mahindian dahil parang kinukurot ang puso niya kapag may nakitang hayop na nahihirapan. If only she could take care of them all. “Just leave a number I can update with,” dagdag niya. “Here’s my number,” sabi ni Alexander at ibinigay kay Antonette ang card niya. Kinuha ito ni Antonette at hindi na kumibo pa. “I’ll be back later,” sabi niya pa. “Kahit ‘wag na,” bulong ni Antonette. Napangisi si Alexander dahil narinig niya iyon. Tumalikod ito at lumabas na ng klinika. Napabuntong-hininga si Antonette at umupo sa swivel chair. “Doc, ‘yun iyong bagong pulis, ‘di ba?” tanong ni Kristine na parang nagde-dreamy eyes. “Ang pogi po,” dagdag niya. Napairap si Antonette. “Saan banda? Hindi naman!” sabi ni Antonette. “Mahangin kamo!” dagdag niya. “Si Doc naman, e. Ang bait nga ni sir, dinala rito ‘yong pusa. Bihira lang ‘yong gano’n,” sabi ni Kristine. Hindi na lang sumabat pa si Antonette. “Doc, may lagnat po ‘yong pusa,” sabi ni Kristine. Nagsimula naman si Antonette na i-examine ang hayop at piniling ‘wag nang alalahanin ang pagmumukha ni Alexander. Nakarating si Alexander sa istasyon at bumaba ng sasakyan na pasipol-sipol. Binati naman siya ng mga kasamahan niya. “Parang good mood kayo, sir, ah?” sabi ni PSSg. Nebrez. “Maganda lang ang gising,” sagot naman ni Alexander at pumasok na sa opisina niya. Naupo siya sa kaniyang swivel chair at napangiti. Naalala niya na naman ang reaksiyon ni Antonette nang nakita siya. The look on her face was hilarious, and it’s Alexander’s goal to annoy the hell out of her. Kung magtatagal rin naman siya sa lugar na ito, might as well make her his entertainment. Alexander knows it was wrong, but who cares? He’s still doing his work as a team leader in Jarvis’ case. “At parang magkakapusa pa ata ako ngayon,” naiiling niyang sabi. Nakita niya talaga ang pusa sa labas ng hotel na tinutuluyan niya and he remembered Antonette. He immediately picked the poor cat, and without hesitation, he put it in his car and went to Antonette’s clinic. Nagising lang sa pagde-daydream si Alexander nang buksan ni PSSg. Lopez ang pintuan ng opisina niya. “Sir, may problema po tayo. Patay na po si Hernato Capingping,” sabi ni PSSg. Lopez. Napamura si Alexander at napatayo. “What?! Anong nangyari?!” tanong ni Alexander. “Natagpuang patay sa selda, sir. Humingi na kami ng copy ng autopsy report sa forensic pathologist. Maibibigay daw po nila mamayang hapon,” sagot ni PSSg. Lopez. “Maghanda kayo, pupunta tayo ng kulungan,” sabi ni Alexander, sumaludo naman ang binatang pulis at lumabas ng opisina. Kinuha ni Alexander ang jacket niya at lumabas na rin ng kaniyang opisina. They were planning on interviewing Hernato Capingping about Atty. Jarvis because he was the last person Atty. Jarvis talked with, at ganito pa ang nangyari. Maingat na ipinark ni PSSg. Halili sa parking lot ng San Jose Correctional Facility ang sasakyan at bumaba silang tatlo. Nakipag-coordinate sila sa warden at jail guards ng facility. “Dito, sir. Dito sa seldang ito natagpuang patay si Capingping,” sabi ni Dominic, isa sa jail guards. “Sinong kasama niya sa seldang ito?” tanong ni Alexander. “Si Roldan Abril po, sir,” sagot ni Dominic. “Inihiwalay na po namin siya at inilagay sa isolation cell,” dagdag nito. Tumango-tango naman si Alexander. “Kamusta ba si Hernato dito, may mga nakakaaway ba siya nitong mga nakaraang araw?” tanong ni Alexander sa jail guard. “Ang alam ko po ay may nakasagutan siyang preso dahil sa pagkain pero agad na naawat naman iyon ng kasamahan ko,” sagot ni Dominic. Sinenyasan ni Alexander si PSSg. Lopez at pumunta ito sa crime scene kung saan naroon rin ang ilang miyembro ng forensic investigators. “Sino ito?” tanong ni Alexander habang naglalakad patungong crime scene. “Bienvinido Cruz,” sagot ni Dominic. “Convicted of robbery,” dagdag niya pa. Nakita ni Alexander na tumayo si PSSg. Lopez at lumapit sa kaniya. “May mga bakas ng kuko sa sahig, sir. Nagpapahiwatig na sinubukan ng biktima na makawala bago ito namatay, tanda ng desperadong pakikipaglaban para sa kanyang buhay,” sabi ni PSSg. Lopez at itinuro ang sahig. Kumunot ang noo ni Alexander. “Gusto kong makausap si Bienvinido,” sabi nito. Tumango naman si Dominic at nagpaalam na kukunin lang si Bienvinido at ilalagay sa isa pang isolation cell para sa interbyu. Tiningnang mabuti ni Alexander ang crime scene reconstruction at napaisip. Maliban sa pagiging abogado ng suspect na si Hernato Capingping, ano pa ang koneksyon ni Atty. Jarvis dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD