Four

1023 Words
Alas singko ng umaga nang umalis si Alexander patungong San Jose. Tanging duffel bag na may lamang iilang damit at medicine kit ang dala-dala niya. Napagpasyahan niyang doon na lamang bumili ng ibang gamit na kakailanganin sa araw-araw. Medyo may kalayuan ang San Jose, aabutin ng mahigit sampung oras ang biyahe. Isang liko pa sa kanan bago niya nakita ang katagang "Maligayang Pagdating sa Lungsod ng San Jose." Napangiti siya sa sarili dahil sa hinaba-haba ng oras ng kanyang pagmamaneho, nakarating rin siya nang ligtas. "Excuse me po, malapit na po ba rito ang istasyon ng pulis?" tanong niya sa isang matandang lalaki na nasalubong niya pagkatapos ibaba ang salamin ng kaniyang sasakyan. "Ay, opo ser, sa gilid lang po ng city hall. Pwede ko po kayong samahan roon," alok nito kay Alexander. Ngumiti si Alexander sa matanda. "Talaga ho? Maraming salamat, sakay po kayo," tugon nito at binuksan ang pintuan ng kotse. Sumakay naman ang matandang lalaki sa front seat ng sasakyan. “Hindi po ba ako nakakaabala sa inyo?” tanong nito. “Hindi naman po, ser. Tapos na ho ako sa pagtitinda,” sabi ng matanda. Inabutan siya ng tubig na nasa plastic ni Alexander. “Salamat po, ser,” sabi nito at inabot ang tubig. “Ano pong tinda ninyo, manong?” tanong ni Alexander habang nagmamaneho. “Nilagang mais ho, ser,” sagot ng matanda. “Liko ho kayo rito, ser, sa unahan niyan ay city hall na. Tapos sa likod nito ang istasyon ng pulis,” sabi ng matanda. Sinunod ito ni Alexander, at tama nga ang matanda. Pinark niya ang sasakyan at kinuha ang wallet. “Manong, ito five hundred, kunin niyo po. Pasasalamat ko sa tulong niyo,” sabi ni Alexander at inabot ang pera sa matanda. “Naku, ser, kahit hindi na po. Masaya po akong natulungan kayo,” sagot nito pero ipinilit pa rin ni Alexander. “Kunin niyo na po, atsaka dumaan po kayo rito sa istasyon bukas, at bibili ako ng paninda niyong mais,” sabi ni Alexander. Nagpasalamat muli ang matanda at bumaba na ito sa kotse ni Alexander. Tiningnan muna ni Alexander ang sarili sa salamin bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa istasyon. “Good afternoon, saan ang office ni Chief Salazar?” tanong niya sa isang SPO2. “Good afternoon, sir,” sabi ng isang SPO2 at sumaludo kay Alexander. “Ihahatid ko na po kayo sa opisina ni chief,” sagot nito. Nagpasalamat si Alexander at sinundan ang kapwa pulis. Kumatok ito sa pintuan ng opisina ng chief of police ng San Jose at pumasok. “Good afternoon, chief,” bati ni Alexander sabay saludo. “Ikaw ba si PLt. Alexander Deo Chavez?” tanong ni Chief Salazar. “Yes, chief,” sagot ni Alexander. “Okay, let’s go outside,” sabi ng chief. Lumabas silang dalawa at tinawag ang mga pulis. “Everyone, I would like to introduce PLt. Alexander Deo Chavez. Siya ang magiging team leader sa kasong pagpatay kay Atty. Jarvis,” sabi ni Chief Salazar. “Si PSSg. Lopez at Halili ang mga makakasama mo sa kasong ito. Atty. Jarvis is a great loss to this city. This is different from your previous case. I want your sole focus on this one. Mahalaga ang mabilis na pag-usad ng kaniyang kaso kaya bibigyan kita ng mga updated na ulat mula sa ating intelligence unit. I believe in your ability to manage this case well,” dagdag pa ng chief. “Makakaasa po kayo, chief. I will do my best,” sabi ni Alexander. Tumango ang chief of police at bumalik na rin sa kaniyang opisina. Si Alexander naman ay sinamahan nina PSSg. Lopez at Halili sa kaniyang bagong opisina. “Sir, iiwan na po namin kayo. Ang lahat ng files ay nasa lamesa niyo na. Tawagin niyo na lamang po kami ni Lopez pag may ipag-uutos kayo,” sabi ni PSSg. Halili. Tumango si Alexander bilang sagot at nagpasalamat. Umupo siya sa swivel chair at binuksan ang folder. Napatiim-bagang si Alexander nang makita ang mukha ni Antonette sa folder kasama ang namayapang attorney at anak nito. “Why are you f***ing happy after you cheated on me?” inis na bulong nito habang hawak ang litrato. Napapikit si Alexander at inilapag ang litrato. He’s here to work and to redeem himself because of the failed operation. Hindi siya nandito para sa isang babae. Nagtapos ang araw at hindi namalayan ni Alexander ang oras habang binabasa ang laman ng folder. He understood why Atty. Jarvis Castromayor was a loss to this city. Ilang kaso lang ng mahihirap ang naipanalo nito laban sa mga ganid at mapang-aping mayayaman. Pero bakit ito pinatay? Who would be bold enough to do it? “Sir,” tawag ni PSSg. Lopez sa atensyon ni Alexander. “Mag-aalas-siete na po ng gabi, di po ba kayo kakain? Lalabas kami ni PSSg. Halili, baka gusto niyo pong sumama?” tanong nito. “Sige, ituro niyo na rin sa akin ang pinakamalapit na hotel para makapag-check-in na rin ako,” sagot ni Alexander. Isinara niya ang folder at pinasok ito sa drawer. Kinuha niya ang jacket niya at lumabas na ng opisina. Nakita niya ang dalawang PSSg. na naghihintay sa kanya. “Sir,” bati ni PSSg. Halili at sumaludo. “Saan tayo kakain?” tanong ni Alexander. “May malapit na karinderya sa unahan, sir. Diyan kadalasan kumakain ang mga kasamahan natin,” sagot ni PSSg. Lopez. “Sige, tara, ako na ang bahala sa gastos,” sabi ni Alexander. Nagpresinta na rin siya sa sasakyan at nagtungo sila sa karinderya. Kumain sila at itinuro na rin ng dalawa kung saan ang pinakamalapit na hotel. Pagkatapos, bumalik na sa estasyon si Halili at Lopez habang si Alexander naman ay pumunta sa hotel. Bitbit ang duffel bag, binuksan niya ang pintuan ng kaniyang kwarto at inilapag ang bag sa isang upuan. Ni-lock ni Alexander ang pintuan at humiga sa kama. Napabuntong-hininga siya at nakaramdam ng antok at pagod sa mahabang oras ng biyahe. Pumikit si Alexander at bago makatulog, pumasok pa sa kaniyang isipan ang imahe ng inosenteng mukha ni Antonette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD