Three

1370 Words
Makulimlim ang panahon at nagbabadyang uulan. Tila nakikiramay din sa kanila ang langit. "Mommy, I don't like what they're doing to Daddy. Give my Daddy back!" palahaw na iyak ng kaniyang anim na taong gulang na anak habang tinuturo ang mga tauhan ng magulang ni Jarvis, dala-dala nila ang kabaong nito. Ngayong araw napagdesisyunan nilang ilibing na si Jarvis. She squatted down and held her son's hand. "Mikael," simula niya habang hinahagod ang likod ng kaniyang anak para mapatahan ito. "Daddy's gone now. He'll be with Papa God, but remember, he'll always be beside you." Pigil ang luhang tugon niya sa anak. Mikael just nodded his head while crying, trying to understand his mother. Antonette hugged her son and brushed away the lone tear that escaped her eyes. The priest uttered a prayer at dahan-dahan nang ibinaba ng mga ito ang kabaong ni Jarvis sa lupa. Numerous people started throwing their flowers on Jarvis' casket. Mga katrabaho, mga kaibigan, at pati na rin mga ninang at ninong nila ay naroon para makiramay. Nakita rin niya ang magulang ni Jarvis sa isang tabi, tahimik na umiiyak ang mga ito. Hindi niya na napigilan at napahagulgol na rin siya, pati na rin si Mikael na nasa tabi niya. Hawak ang kamay ni Mikael, lumapit sila at sabay na itinapon ang bulaklak sa kabaong ni Jarvis. "Till we meet again, Jarvis," she sadly said. She can't thank Jarvis enough sa mga nagawa nito at araw-araw siyang magpapasalamat dahil doon. Isa-isa nang nagsi-alisan ang mga tao at tanging sila na lang ng magulang ni Jarvis ang naiwan. "So what's your plan now, Nette?" tanong ni Alberto Castromayor, Jarvis' father. "Ipagpapatuloy ko po yung vet clinic, Pa," sagot niya habang nakatingin sa kaniyang anak na nasa piling ng mga tiyahin ni Jarvis. "You know, you can live with us, right?" sabi pa nito. Pero hindi na niya iyon matatanggap pa. They've already done everything they can to help her, and that's already enough. Ngumiti siya at dahan-dahan na umiling. "I'm okay with our house, Pa. Maraming salamat," sagot niya. The two sighed. For them, Nette is like their own child. Naalala pa nila noong una nilang makita ang dalaga. Awang-awa sila rito—the girl suffered so much. Dumped in the orphanage when she was just a baby, Nette did all she could to succeed in her life, at doon bilib ang matandang mag-asawa. "Bring Mikael to our house if you have time, okay? I will miss that kid," sabi pa ni Papa Alberto niya. She loved the fact na kahit hindi nila totoong apo si Mikael, mahal na mahal pa rin nila ito. Naging maswerte siya sa pamilya ng asawa at tanggap siya nito. Nagsimula na silang mag-ayos ng mga gamit. Nette bid her goodbye and held Mikael's hand papunta sa kanyang sasakyan. She's planning on working today para umiwas sa lungkot at para na rin makalimot kahit panandalian lamang. She drove the car back to their house. Naligo siya at nagpalit ng damit. She saw her son eating his snack while watching cartoons, nilapitan niya ito at hinagkan. "Mama will go to the clinic to take care of the pets, are you coming?" masiglang tanong niya sa anak. Mikael looked at her and nodded his little head, his eyes still swollen from crying. She softly pinched her son's cheek. Si Mikael na lang ngayon ang nagpapagaan sa loob niya. Pinalitan niya ito ng damit at sabay silang bumaba. Hindi madali maging ina, but Nette will do everything for Mikael. Pumunta silang dalawa sa clinic, naabutan niya roon ang helper niyang si Kristine na nag-aayos ng mga gamit at pagkain ng mga aso at pusa. Binati siya nito at binati niya rin ito pabalik. Mahigit isang taon na si Kristine na nagtatrabaho sa kanya. Inilagay niya ang bag sa mesa at pinaupo si Mikael sa upuan. "Mom, can I play with Coco?" tanong ni Mikael. Si Coco ay isang asong pasyente nila. "Okay, punta ka kay Ate Kristine mo, so you can play with Coco," sagot niya at tiningnan ang anak na patakbong pumunta sa helper nila. "Hoy bruha! Tulala ka naman diyan!" sigaw ni Zahra Therese Manuel, her best friend, pagkarating niya. Umupo ito sa upuan na nasa harapan niya. Nginitian niya ito nang malungkot. "Hindi mo ako napansin na pumasok, ano?" tanong nito sa kanya kaya naman umiling siya. Sa dami kasi ng iniisip niya, hindi na niya napapansin ang mga nangyayari sa paligid niya. "Heto, dinalhan ko kayo ng meryenda ni Mikael. Kumain ka muna," sabi ni Zahra sabay lapag ng plastic bag na may lamang turon at hamburger para kay Mikael. Kinuha niya ito at napangiti; ito ang paboritong pagkain niya. "Salamat, Zahra, ah," sinserong sabi niya sa kaibigan. "Ano ka ba! Wala iyon. Pasensya nga pala at di ako nakaabot sa libing kanina. Alam mo na, enrollment na naman. Hindi ako agad makaalis sa eskwelahan," sabi ni Zahra. "Wala iyon. Alam ko naman na busy ka. Saan nga pala si Hannah?" tanong niya. Hannah Lucille Madrigal, isa rin itong kaibigan ni Nette. Umismid si Zahra. "Ang gaga, nasa isang isla raw ngayon," sagot niya. Napatawa si Nette. Hannah is an adventurous type of woman. Minsan, mababalitaan na lang nila ito kung saan-saan na nakakarating. She likes to travel a lot. Si Zahra naman ay isang propesor sa kolehiyo. She's teaching a minor English subject at mahal na mahal niya ang pagtuturo. These were her friends, and they've been together since their college days. "Siya nga pala, nabalitaan mo na ba?" tanong niya kay Nette. Kumunot ang noo nito. She's been busy sa pag-aasikaso sa burol ni Jarvis kaya wala siyang panahon sa balita. "Ang ano?" tanong ni Nette kay Zahra. "Yung ex mong mayamang pulis. Naibalita kasi yung palyadong operasyon nila," sagot nito. Tumaas ang kilay ni Nette. "Wala akong pakialam sa kanya," matigas na pahayag ni Nette. Humalukipkip si Zahra. Magsasalita pa sana siya pero pinili na lang niyang manahimik at wag nang magkomento pa. Knowing her best friend, iwas na iwas ito kapag si Alexander ang pinag-uusapan. "Kamusta ang kaso ni Jarvis? May update ba?" tanong ni Zahra sa kaibigan. "Wala pang bagong update galing sa pulis. Last time, they said there's a new inspector assigned to Jarvis' case," sagot naman ni Nette at kumagat sa turon na hawak niya. "Kailan daw ba pupunta?" tanong pa ni Zahra. Nette shrugged her shoulders. Kahit siya ay walang alam kung kailan pupunta ang bagong inspector. Matapos bumili ng mga pagkain, kaagad na bumalik si Alexander sa kanyang sasakyan para ilagay ang mga pinabalot na pagkain at prutas. He drove to the hospital kung saan naka-confine ang kanyang mga kasamahan. Balak niyang dalawin sila. Nang makarating, isa-isa niyang pinuntahan ang mga kwarto nila at binigay ang pagkain at prutas na dala niya. "Balita ko, sir, lilipat ka ng kaso?" tanong ni PSSg. Beltran. "Oo. Pupunta akong San Jose. Wala eh, hindi tayo nakahanap ng solidong ebidensya tapos napahamak pa kayo," sabi nito. Nalungkot naman ang pulis sa sinabi ni Alexander. Hindi lang magaling na pulis si PLt. Alexander Chavez, mabait rin siya kaya't marami siyang kaibigan. "Mag-iingat ka roon, sir," dagdag ni PSSg. Beltran at sumaludo kay Alexander. Nagpasalamat naman si Alexander rito at lumabas na ng kwarto. He pulled his cellphone out and dialed his mother's phone number. After three rings, she finally answered. "Bakit napatawag ka, hijo?" tanong ng kanyang ina. "Ma, mawawala ako ng ilang linggo o siguro isang buwan. I'll be going to San Jose for the new case," paliwanag niya sa ina. He heard his mother sigh. Ilang beses na siyang binalak pahintuin ng ina sa pagpupulis pero palagi itong hindi nagtatagumpay. He loves this job so much at kahit na ano pang pilit ng ina, hindi siya hihinto sa pagkapulis. "Do you want me to arrange a house for you?" tanong ng ina. "No, Ma. I can handle that. I just want to inform you in case hanapin mo ako," sagot niya sa ina. "Please be careful, hijo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag napahamak ka," seryosong sabi ng kanyang ina. He smiled. In-end call na niya ito at bumalik sa kanyang sasakyan. Kailangan pa niyang mag-ayos ng mga dadalhin papunta sa probinsya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD