"My deepest condolences, Nette." Ngumiti ng malungkot si Antonette at niyakap ang Tita Isabelle niya. Pangatlong araw na ng burol ni Jarvis at parang pinipiga ang puso niya na makita ang walang buhay na katawan ng kanyang asawa sa kabaong. Her husband had been murdered coldly.
Tiningnan niya ang kanyang natutulog na anak. Napakaaga pa para maulila si Mikael sa kanyang ama. Hinaplos niya ang mukha nito at pinahid ang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Nagsimula nang magsidagsaan ang mga tao sa burol ni Jarvis. Isa-isa niya itong binati.
"Nette, kami na rito. Take Mikael to your room and have a rest," sabi ng kanyang biyenang si Cynthia Castromayor.
"Sige, Ma. Babalik na lang ako mamaya," tugon niya. Tumayo siya at binuhat ang natutulog na anak. Pagkarating sa kwarto, inilapag niya ang anak sa kama at umupo sa tabi nito. Kinuha niya ang larawan sa bedside table – larawan nilang tatlo.
Nagsimula na namang tumulo ang kanyang mga luha. Si Antonette Dela Cruz Castromayor, kilala sa pangalang Nette, ay isang lokal na beterinaryo sa kanilang bayan. A mother, and a wife to the late respected attorney.
"Jarvis, how am I going to live now that you're gone?" malungkot na sabi niya habang haplos-haplos ang larawan ng yumaong asawa. Jarvis may not have been a perfect husband, but he was there when Antonette suffered, he was there to help her, and he was there for Mikael. "I'll definitely find justice for you, Jarvis," dagdag nito.
Dahil hindi siya makatulog, she started folding Jarvis' clothes and put them in a bag. Malulungkot lang kasi siya pag nakikita niya ang gamit ng asawa. A sudden knock interrupted her.
"Nette, the police want to ask you something," her mother-in-law said through the open door.
"I’ll be there, Ma, tatapusin ko lang ito," sagot niya at ipinasok na ang bag sa cabinet. She kissed her son's forehead and went down the stairs. Pagkababa niya, she saw the two police officers sitting.
"Magandang umaga po, Misis Castromayor. PSSg. Lopez po at ito naman si PSSg. Halili," pakilala niya at inilahad ang kamay na agad naman kinuha ni Antonette. Ngumiti siya sa mga pulis at umupo. "May mga itatanong lang po kami, Misis," sabi ni PSSg. Lopez na may hawak na notebook. Her in-laws smiled at her and left her with the police. They had already been interviewed by the police, so they returned to attending to the visitors paying their respects.
"May mga kilala ba kayong mga naka-away ni Atty. Castromayor?" tanong ni PSSg. Halili. Kaagad na umiling si Antonette. Jarvis was a good man and a man of principle. He was a great lawyer in the small town of San Jose, and never had Nette heard of anyone having a serious conflict with him.
"Wala po ba kayong nakitang pag-iiba sa ugali ni Atty. Castromayor bago siya patayin?" tanong ni PSSg. Lopez. Natahimik si Nette at nag-isip. Bago patayin si Jarvis, ilang beses niya itong nakitang tulala na may hawak na papel. Napaka-moody din nito at iwas lumabas. Kung hindi nga lang importante ang pupuntahan niya nung araw na 'yon, hindi siguro ito lalabas ng bahay.
"Yes, palagi siyang tulala at may hawak-hawak siyang maliit na piraso ng papel na hindi ko alam kung saan nakalagay," tugon niya sa pulis. Kaagad na isinulat ito ni PSSg. Lopez. "Actually, he's handling a case. It's about Hernato Capingping, tauhan ni Mayor na nakulong dahil sa pagpatay," pahayag niya pa. Tumango naman ang dalawang pulis.
"Maraming salamat sa pagsagot sa mga tanong namin, Misis. Sa susunod na araw darating ang Insp. na hahawak ng kaso ng inyong asawa. Nakikiramay po kami," sabi ni PSSg. Lopez at tumayo, sinundan din ni PSSg. Halili.
"Maraming salamat din sa inyo," sagot niya sa dalawa at matamlay na ngumiti. Inihatid niya ang mga ito sa labas ng kanilang bahay.
"Napakabata pa ni Nette para mawalan ng asawa." She heard her Titas talking pagkapasok niya sa loob ng bahay. She sighed. She has to be strong para sa kanilang dalawa ng anak niya.
Magkakasunod na tunog na nagmumula sa cellphone ang gumising sa mahimbing na tulog ni Alexander. He tried reaching for his phone when the girl beside him moaned. He then remembered what had happened last night. Nagpapakalasing siya sa bar because of his failed operation then this girl approached him and they had s*x on his condo. Kinuha niya ang kamay ng babae sa kanyang tiyan at umupo para sagutin ang tawag.
"Alexander Deo, where the hell have you been?! Are you okay?" bungad ng kanyang ina matapos niyang sagutin ang tawag. Napakamot siya ng ulo at isinuot ang kanyang pantalon.
"I'm in my condo, Mom, and yes, I'm okay," he answered and yawned.
"Your father saw what happened, and he wants to talk to you, so you better be here now," his mother said. He sighed, alam na alam niya na kapag ganito ang sinasabi ng kanyang ina, malamang papagalitan na naman siya ng kanyang magaling na ama.
"I'll be there in a while," tugon niya pabalik.
"And please, talk to your brother! Ayon at sangkot na naman sa isang gulo," mungkahi ng kanyang ina. He pinched the bridge of his nose. His younger brother, Gabriel Eisen, is a bit of a troublemaker – palagi itong nasasangkot sa mga gulo. Well, he can't blame his brother though, dahil kahit noong binata pa lamang siya, pasaway din naman siya at nagbago lang nang maisipan niyang pumasok sa pagkapulis. Gabriel is just twenty years old; he'll realize soon enough what he really wants in life.
"Ma, leave him be. He'll come to his own senses," sagot niya sa kanyang ina. He heard his mother sigh.
"Okay, now come here. I'll wait for you," sabi ng kanyang ina at ibinaba na ang tawag. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa kanyang cabinet at pumasok na sa banyo para maligo. Pagkalabas niya ng banyo, wala na ang babae sa kama niya pero may iniwan itong papel sa lamesa. Kaagad niya itong kinuha at binasa.
Call me xxxxxxxxxx, I'll be waiting for you. – Chassy
Nilukumos niya ang papel at itinapon ito sa basurahan na malapit sa kanya. He never slept with the same woman twice because it would just complicate things. At marami pa siyang dapat asikasuhin. He put his clothes on and picked up the key to his baby, the Audi R8. He drove to where their mansion was and readied himself. Pagkarating na pagkarating niya sa kanilang bahay ay kaagad na sinalubong siya ng kanyang ina na si Mercidita Thalia Chavez – a prominent designer and also a well-known businesswoman.
"Hijo! Welcome home," bati ng kaniyang ina at mahigpit siyang niyakap. Niyakap niya ito pabalik at hinagkan sa pisngi.
"Ma, two weeks lang ako hindi umuwi sa bahay, para namang taon yung pagkamiss mo," pabiro niyang sabi, dahilan para makurot siya ng ina sa tagiliran.
"Let's go, your father is waiting," ani ng ina. Sabay na naglakad sila patungo sa hapag kainan kung saan nakaupo na ang kanyang magaling na ama. He pulled the chair out for his mother at ganon din ang ginawa niya para sa sarili.
"Where's Eisen?" tanong ng kanyang ina sa isang kasambahay.
"Ma'am, umalis na po, hindi na raw po siya sasabay," sagot ng kanilang kasambahay. He chuckled, 'That was a nice move, brother,' sabi niya sa kanyang isipan. His mother tapped his shoulder, kaya naman umayos siya sa pagkakaupo.
"I heard your operation failed," sabi ng kaniyang ama habang kinukuha ang kubyertos sa lamesa. "What happened is a disgrace to our name," seryosong dagdag nito.
Napaismid si Alexander. Wala nang ibang mahalaga sa ama niya kundi ang kanilang inaalagaang pangalan, ni hindi nga ito nagtanong kung ayos lang ba siya. All he cares about is his name.
"You better make up for it," he seriously said, making eye contact with Alexander. Nawalan na ng gana si Alexander, but he couldn't just leave because he promised his mother. Natahimik ang lahat sa hapag kainan, ni isa walang nagtangkang magsalita ulit. Matapos maubos ang pagkain na nakahain sa kanyang plato, agad siyang nagpaalam sa kanyang ina at ganoon na rin sa kanyang ama. He drove back to his condo to put his uniform on at kinuha ang susi ng isa niyang sasakyan.
He parked his car in front of the precinct. Binati agad siya ng mga kasamahan sa presinto. He entered his office and started working. Mamaya ay plano niyang bisitahin ang mga kasamahan na nasugatan sa nangyari kagabi sa kanilang operation. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang envelope na may nakaimprentang 'confidential' sa labas. Ito ang dala-dala ni Chief Romualdo kagabi, ang bagong kaso na hahawakan niya.
Binuksan niya ang envelope at tumambad sa kanya ang mukha ni Atty. Jarvis Castromayor. It is stated in the paper that Atty. Castromayor was killed on Tuesday by an unknown perpetrator in San Jose. Nilabas niya ang mga litrato at ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang litrato ni Antonette Dela Cruz, his ex-girlfriend and his first love. Ang kauna-unahang babaeng minahal niya. Antonette was the only woman that he bedded not just once, pero ginamit lang siya nito.
"So, you are Jarvis' wife? Interesting," nakangiti niyang sabi habang hawak ang litrato ni Antonette.