NAHAHATI sa pitong leader ang Dark Lords. Ang Kent ang pinakamataas kung saan nabibilang si Cally.
Ang pamilya ng Jackson, Smith, Peters, Byrne, Park at ang huli ang Matsui. Bawat pamilya ay may kanya-kanyang responsibilidad na kailangang gampanan at namumuno sa magkakaibang siyudad.
Naiinis si Prin nang makabalik sa kanyang silid. Gusto niyang sipain sa mukha ang lalaki na nakita niya sa training area sa kabilang wing ng mansyon.
I forgot to ask his name.
Sigurado siya na hindi isang simple lang ang taong iyon. Naalala niya kung paano kumilos ang lalaki. Kung paano nito suriin ang katana. Para bang aral ang kilos at galaw nito.
Hmp! Feeling pogi.
Pinilit niyang pumikit at matulog. Dahil sa pagod sa pag-ensayo, niyakap siya ng antok.
Kinabukasan, napag-alaman niya na may mag-eensayo sa mansion. Isang daan katao na nagmula pa sa iba't ibang bansa.
Pili ang lahat ng trainees; ang iba ay nag-iisa na lang sa buhay, ang iba ay kusang nag-rehistro para sa binubuo ni Rob Matsui, ang ama ni Prin, na Dark Guards. Literal na guards ang mga magte-training, ngunit susuweldo ng isang daan libo kada-buwan. Matapos ang isang taon ay madadagdagan iyon muli ng singkuwenta mil kada-taon. Iyon ay kung makakaya ag training na inihanda sa mga guards.
Hindi kasi biro ang pagsasanay na magaganap. Hindi pipigilan ang sino man sa mga pumasok na trainee ang sumuko dahil ibig sabihin lang din noon ay hindi karapat-dapat na maging dark guard ang aalis.
Sa loob ng tatlong taon magkakaroon ng assessment, pero sisiguraduhin ni Rob na makakapasa ang lahat sa training na gagawin nya.
***
HINANAP ni Prin ang daddy niya dahil gusto niyang sumubok sa training. Natagpuan niya ito sa opisina.
"Dad, gusto kong mag-train sa Dark Guards," iyon kaagad ang kanyang sinabi. May mga babae rin kasi na nagrehistro kaya alam niya na pwede siyang sumali roon.
Ibinaba ni Rob ang diyaryong binabasa. "Hindi pwede."
"Bakit?" malungkot na tanong niya.
"Prin, delikado ang training na ibibigay ko sa trainees bilang Dark Guards. Isa pa, siguradong magagalit sa akin ang mommy at ang lola mo kapag nalaman nila na pinayagan kitang pumasok sa training," paliwanag nito.
Napayuko si Prin. "Gusto kong sumali at mag-training. Dad, payagan mo na ako."
Malaki sa kanyang kalooban ang kagustuhan sa bagay na iyon. Pakiramdam niya ay nakatakda siya bilang maging assassin o Dark Guards. Sa sinabi nito ay para bang nawawalan na siya ng pag-asa.
Nalungkot si Rob. Sa palagay nito, namana ni Prin ang pagkahilig sa madilim na mundo dahil sa lalaki. Pero katorse pa lang si Prin at sigurado si Rob na mabigat ang mga pagsubok. Nagdududa ang kanyang daddy sa plano niya. Malaking sampal sa mga Matsui kung sa kalagitnaan ay bigla siyang susuko.
"Come here," tawag ni Rob sa kanya. Lumapit si Prin, kumandong at niyakap si Rob.
"Dad… gusto ko talaga na sumali sa training. Hindi ako mahilig sa manika, sa mga bag na maraming burloloy at kung anu-ano pa. Noon pa man, gusto ko na ang ginagawa mo. Mas interesado ako ro’n."
Humugot ng malalim na hininga si Rob. Naisip nito na mukhang malaki ang impluwensya na naibigay nito sa kanya. "Kung gano’n, pababantayan kita. Hindi pwedeng magreklamo."
Nasa ganoong posisyon sila nang magbukas ang sliding door na gawa sa kahoy at bumungad si Cally.
"Uncle, tapos na ko sa online course." Kumukuha kasi si Cally ng online course sa International University. Kailangan mataas ang marka bago payagan na 'no-show' sa aktuwal na klase.
Kahit tuwing exam lang siya pwedeng pumunta sa mismong lugar. Tulad ng Mommy niya na si Ginny Lopez, lahat silang magkakapatid ay pare-parehas na matatalino kaya siya ang nakakuha ng pinakamataas na grado at score sa exam.
Nakakita naman ng liwanag si Rob nang pumasok si Cally.
"Cally, may misyon ako na ipagagawa sa iyo sa loob ng ilang buwan."
Hindi sumagot si Cally at hinintay lang ang sasabihin ni Rob.
"Tutulungan mo si Prin at kailangan na masiguro na ligtas siya sa training."
***
INILIPAT lang ni Cally ang paningin niya sa babaeng mukhang uhugin na nakakandong pa sa kanyang Uncle Rob. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito pero hindi mahahalata sa kanyang mukha.
Nanigas ang kanyang panga at walang impresyon. Ganoon din naman ang mga ito sa kanya.
Hindi rin siya sumagot para ibigay ang opinyon. Hindi rin naman kasi talaga isang trainee si Cally bilang Dark Guards. Naroon lang siya para magsanay kasama ng mga iyon. Kailangan din niyang patunayan na siya ang magiging lider sa pagdating ng panahon.
Nagliwanag naman ang mukha ni Prin. Kahit pa pabantayan siya sa lalaki ay ayos lang. Ang mahalaga ay napayagan siya sa wakas. Isa pa, may plano si Prin na makaganti rito sa lalaki.
"You can go ahead. Training will start at ten. Pwede ka nang magpalit ng damit," ani Rob.
"Yes! Thank you, Dad! I love you so much!"
Lalong hindi nagustuhan ni Cally ang ginawa nito. Isang uhugin na bata talaga ang tingin niya rito na parang ang kapatid niyang kambal.
"By the way, he is Cally. Ito naman ang anak ko na si Prin," pakilala ni Rob sa kanila.
“Nice meeting you...” anang binata na halatang hindi totoo. Sumimangot si Prin.
“Aasahan ko na makapapasa kayong dalawa. You are the honor of our group,” ang huling bilin ni Rob Matsui.
Lumabas si Cally nang walang reaksyon at sumunod naman sa kanya si Prin. Isa lang naman ang mahihiling niya, huwag sanang gumawa ng hindi niya magugustuhan ang babae.
"Hey!" sabi ni Prin na sumusunod kay Cally sa likod. Kinalabit siya nito. Lalo namang nakadagdag sa pagkairita niya ang sinabi at ginawa ng babae.
Nilingon niya si Prin. "Marami pa akong planong gagawin. Pero dahil pinabantayan ka sa ‘kin ni Uncle Rob, wala rin akong magagawa kung ‘di ang sundin siya. Kaya naman isa lang ang mahihiling ko; h'wag ka sana maging pabigat."
Hindi makahanap si Prin ng isasagot dito. Umawang ang kanyang labi at nag-iwan ito sa kanya ng impresyon. Mukha ba siyang pabigat? Sumimangot siya. Hahanap talaga siya ng paraan para makaganti rito sa lalaki. Nagpunta sila sa training area kung saan naroon ang lahat. Unang beses ni Prin na makita ang mga trainees.
Karamihan sa kanila ay nag-eensayo na. Ang iba ay nagk-kuwentuhan at kinikilala ang isa’t isa. Ayon sa nakalap niyang balita katorse hanggang beinte ang bilang ng mga taong naroon.
"Hi, Cally! Who is this little girl?" tanong ng isang babae na may kasama na matangkad din na lalaki.
"Si Prin," simpleng sagot ni Cally. Tumuloy lang sila sa paglakad hanggang sa makarating sa shower area. Kumuha si Cally ng damit sa mga nakasalansan sa isang kabinet.
"Choose your size here. Pagkatapos ay magbihis ka na. Malapit nang magsimula ang training," utos ni Cally.
Pare-parehas kasi ang suot ng lahat ng trainees. Isang active wear na pinasadya para makakilos silang pare-parehas nang aktibo.
"I know what to do!" Inirapan ni Prin ang lalaki. Pumili siya ng damit at saka tumuloy sa ladies’ area para magpalit ng kasuotan.
Doon lang napansin ni Cally na nakasunod pala ang dalawang kaibigan; Sina Donna at Lorenz.
Si Donna ay kaklase niya noong high school. Si Lorenz naman ay masasabi na ampon nila sa bahay sa loob ng ilang taon.
"Who was that girl?" tanong ni Donna.
"Prin Matsui, anak siya ni Uncle Rob. But don't tell anyone. Huwag mo rin sabihin sa kanya ang apelyido ko." Naniniwala kasi si Cally na baka ang anak ni Rob pa ang maging dahilan ng ikapa-pahamak niya doon sa training.
Bukod kasi sa uhugin, clumsy ang tingin niya rito. Tahimik naman si Lorenz; normal na anyo nito na hindi ngumingiti.
Lumabas si Prin mula sa loob ng ladies’ room nang bagong bihis. Hindi ito sinilip ni Cally, basta sa isip niya ay nakabihis na ang babae at sapat na iyon.
Humalo sila sa ibang trainees na nasa isang hall. Nag-Indian sit lang si Cally sa isang gilid at saka pumikit.
Nagsimula naman na mag-ensayo si Donna at Lorenz. Nanatili si Prin na nagmamasid at hindi alam ang gagawin. Sa hindi niya malaman na dahilan, bigla siyang nagmukhang aanga-anga sa lugar. Napili niyang kalabitin muli si Cally.
"Hey! Anong gagawin ko?"
Hindi naman ito natinag sa kinauupuan. Inilapit ni Prin ang mukha niya sa tainga ni Cally at saka nagsalita.
"Hey! Anong gagawin ko?!"
Dumaloy ang mainit na hininga ni Prin mula roon patungo sa bawat ugat ni Cally. Para siyang nakuryente sa ginawa nito. Halata ang pagkainis niya. Lumayo kaagad siya agad sa babae dahil unang beses niya iyong maranasan.
"As you could see, I am meditating! Pero sinira mo agad ang mood ko!" inis na sabi niya dito.
"Why do you have to do that?" hindi maintindihan na tanong ni Prin sa kanyang ginawa.
Hindi sumagot si Cally. "Just sit there!" Pinagpag ni Cally ang katabing pwesto.
"I don't like it! We have to practice before the training!" galit rin na sabi ni Prin.
Lalong nainis si Cally sa inakto ng dalaga. Pumikit muli siya at hinayaan ito sa plano nitong gawin.
Hindi naman talaga siya nagme-meditate na tulad ng sabi niya rito. He was just trying to sleep and clear his thoughts. Ganoon ang gawain niya tuwing magpapalit ng gawain. Katulad na lang sa araw na iyon.
Isang madugong aralin ang kailangan niyang review-hin, at pagkatapos ay sasabak siya sa training na pisikalan. Kailangan niyang iwaksi sa isip ang ginawa nitong umaga para makapag-ensayo nang mabuti.
Lumapit si Prin kay Cally at humarap sa lalaki. Nakapangalumbaba pa siya habang sinusuring mabuti ang mukha ng lalaki.
"Go away!" mahinang sabi ni Cally kahit nakapikit.
"Hmp! Could you please at least be kind to me? I am still a girl," reklamo ng tipikal na katorse anyos na babae.
Nagdilat muli ng mata si Cally. "Am I not kind? Binitin ba kita patiwarik? Pina-squat? Did I ask you to eat a cockroach?"
Napaatras naman ang dalaga sa mga sinabi nito sa kanya. Napalunok siya. Gusto niyang itanong kung napagawa na ba nito ang mga iyon. Pero hindi pa man siya nagsasalita, sinagot na nito ang tanong niya.
"Don't you dare ever question kung nagawa ko na, dahil yes. I did all of them to teach someone a lesson. So behave yourself!" inis na sabi nito sa kanya.
Sa buong buhay ni Cally, ngayon lang may nangungulit sa kanya bukod kay Christen. Ang pagkakaiba nga lang, bukod sa wala siyang choice dahil kapatid niya si Christen, bata pa ito nang ginawa nito ang ganoon sa kanya. Hindi tulad ni Prin Matsui na halatang papansin.
Humalukipkip lang si Prin. Nasa isip nito na makakahanap din ito ng ibang paraan para makaganti kay Cally.
Ilang minuto pa, pumasok si Rob na may bitbit na box at may kasamang tatlo pang guro na pare-parehas expert sa magkakaibang field. Umayos naman ang mga trainees.
"Sa box na ito, nilalaman ang magiging code ninyo. Every one of you would be getting a code—MB for the boys, GW for the girls. Bukod pa ro’n, mahahati rin kayo sa apat na grupo."
"Lahat ng bilang ng trainees ay isang daan at dalawa. Dalawang grupo ay mabubuo ng twenty five trainees at ang dalawang grupo pa ay mabubuo ng twenty six trainees."
"You have to stick with your group whatever reasons you may have in the training. Big rule, kailangan n’yong magtulungan. Naiintindihan ba?" mahabang paliwanag ni Rob.
"Yes!" sabay-sabay na bigkas ng lahat.
"Group names are... Arcadia, Blade, Cobra and Dragoon. We have chosen your group according to your assessment... Remember, you have to stay in your group and help your team."
"You would stay in your group until your next assessment. Bawal ang magreklamo! Naiintindihan ba?" paliwanag muli ni Rob.
"Yes!" sagot ng trainees.
Tinawag isa-isa ang mga pangalan ng trainees. Sa Blade Group napunta si Cally, MB8 ang code niya at siyempre bilang tagapag-alaga ni Prin, napunta rin ang babae sa Blade Group. GW8 ang kanyang numero.
Si Donna at Lorenz ay parehas na napunta sa Cobra group.
"Next is choose your group leader! We will meet again after two hours to start the actual training," ani Rob saka lumabas ng malawak na hall.
Nagmamasid lang si Cally. Lihim niyang pinupuna ang bawat kasama base sa ekspresyon at personalidad ng mga ito para maging lider ng Blade.
"Who wants to be a group leader?" tanong ng isang kasama nila.
"Me! Me! I want to be the group leader!" boluntaryo ni Prin sa sarili. Ibinaba ni Cally ang kamay niyang nakataas.
Para naman siyang nakuryente sa paghawak ng binata sa braso niya.
"You are not qualified to be the group leader," sabi ni Cally. Sa pagka-clumsy lang ng babae, hindi na ito papasa na group leader.
Bahagyang napatigil si Prin sa sinabi at ginawa ni Cally dahil bahagyang nakuryente ang braso niya sa pagdikit ng balat nila ng binata. Ilang saglit lang, nakabawi rin naman siya at saka inis na nagsabi, "Everyone is qualified!"
"Do you really think we will vote for you?" seryoso na tanong nito.
Lahat ng parte ng mukha ng lalaki ay seryoso at hindi nagbibiro na para bang kinukutya siya nito. Pero iba ang totoong saloobin ni Cally. Dapat may patunayan muna si Prin bago ang lahat.
Pinagmasdan ni Prin ang mga kasama niya sa grupo na lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa. Malakas kasi ang pagboluntaryo niya sa sarili at lahat ng mga ito ay narinig siya. Namula ang kanyang pisngi dahil sa paraan ng pagtingin ng mag ito, halatang kinukuwestiyon din ang kanyang kakayahan.
Binulungan siya ni Cally. "Remember na saling-pusa ka lang dito. You have to show your ability in order to gain our trust."
Natahimik si Prin kahit pa naiinis siya. Pero may punto ang lalaki na lalong nakadadagdag sa kanyang pagkaasar.
"You are so cute to be our leader," nakangisi at komento ng isa.
"Yeah!" sang-ayon ng isa pa.
Agad naman na kinalimutan siya ng mga ito at bumalik ang grupo sa usapan sa kung sino ang mamumuno sa kanila.
"I would like to nominate MB5, Kai," komento agad ni Cally. Normal sa tao na kapag ganoong seryoso ang usapan, mababaling sa taong iyon ang atensyon ng makaririnig at iyon ang gusto ni Cally.
Simula nang makilala niya ang mga trainees noong nagdaang gabi, nagawa niya nang pag-aralan ang mga kasama niya. Kakaiba ang awra na ibinibigay sa kanya ni Kai. Alam niya na mapagkakatiwalaan ang lalaki, at iyon ang hanap ni Cally. Hindi basta magaling lang, kung hindi marunong sa estratehiya at mapagkakatiwalaan ng buong team.
Halatang nabigla ito sa pagboto niya. Sinang-ayunan naman ng ibang kasama niya ang nais ni Cally.
Pero tulad ng normal na botohan, hindi lahat ay sang-ayon.
"I also wanted to be the leader in our group," sabi ni Levan Hung na may code na MB16. Matikas ang katawan nito at masasabi na hasa rin sa pisikal na aktibidad. Pero may problema rito si Cally. Sa palagay niya kasi ay gagamitin ng lalaki ang posisyon nito para makapam-bully ng miyembro.
Hindi mahahalata sa mukha ni Cally na hindi niya magugustuhan kung ito ang mamumuno sa Blade Team pero nanatili lang siyang tahimik.
"Let's vote," sabi ng isang kasama nila.
Sinimulan nila ang pagboto base sa pagkakasunud-sunod ng code name nila.
Hindi na nagsalita pa si Cally bilang siya ang nag-nominate kay Kai. Si Prin ang sunod na pipili dahil parehas silang 8.
"I really wanted to nominate myself."
Nagtawanan ang mga kasama niya.
Sumimangot si Prin bago nagpatuloy. "But then, it's obvious that you don't like me, so I choose Kai."
Medyo naiinis pa rin si Prin lalo na kay Cally na feeling-pogi sa kanyang impresyon. Pinili niya si Kai na maging lider dahil ayaw niya kay Levan. Isa pa, kahit naiinis siya kay Cally naimpluwensyahan siya nito sa pagdedesisyon.
Matapos makaboto ng lahat, nagwagi rin naman si Kai na pamunuan ang team nila.
Lumingon sa kanya si Cally.
"Bakit si Kai ang binoto mo?" tanong nito sa kanya.
"I like him better than you. He’s good-looking. Hindi tulad ng iba d’yan," sagot niya.
"Pinariringgan mo ‘ko?" tanong ni Cally. Hindi sarkastiko ang pagtatanong nito at walang bahid ng pagkainis o pagyayabang.
Like seriously? This guy! Are you human?
Noon lang napansin ni Prin na simula nang magkita sila nito, walang ibang emosyon na ibinigay sa kanya ang lalaki na para bang kinulam ito ng bata pa ito o kaya ay napaglaruan ng duwende kaya lahat ng muscle sa mukha ay nakatigil sa kung nasaan ang mga iyon, daig pa ang bloke ng yelo.
Hmp! Baka nanuno dahil sa sobrang sungit!
"You are choosing a leader because he's good-looking?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Cally.
Napakamot na lang sa ulo si Prin.
Napapa-iling naman si Cally. Tama ang hula niya sa anak ni Rob, clumsy talaga at walang decision making.