CHAPTER 2: His Shogun

1271 Words
SINALUBONG ni Lorenz, isang shogun at head ng Dark Guards si Cally pagdating sa airport. Ang lalaki ang kasa-kasama niya at naging matalik na kaibigan simula pa noong nagte-training siya sa Amerika. He knew him since he was ten. Kung palaging seryoso ang mukha ni Cally, mas seryoso ang unang impresyon ng kay Lorenz. Bibihira siyang ngumiti dahil sa kanyang posisyon sa grupo. Kasama niya ang lalaki simula pa nang magkakilala sila nito sa daan. He was Cally’s right-hand man. Isang palaboy ang kaibigan niya na madalas magnakaw noon para makakain. Sa una ay madalas niya lang makita ang lalaki mula sa sinasakyan tuwing uuwi siya mula sa eskwelahan. Grade six siya noon. Palaging tumatakbo ito sa gilid ng eskenita na may bitbit na kung ano-ano kada araw. Hanggang sa makita niya na sinasaktan ito ng isang lalaki na napag-alaman niyang tatay nito. Binubugbog nito si Lorenz at inuutusan na magnakaw ng magkaroon ito ng pakinabang sa lalaki. Isang lasinggero at sugarol. Inutusan niya ang kanyang chauffeur na tulungan si Lorenz. Pinagmasdan ng lalaki ang una. "Hmp! Tutal naman ay gusto mo siyang tulungan, kung gusto mo ay kunin mo na itong anak ko kapalit ng singkwenta mil!" Napataas lang ng kilay ang chauffeur. Lumabas si Cally ng sasakyan. Naglabas siya ng dalawang cash card na naglalaman ng tig-singkwenta mil. "Here are the cards, the pin is 1234. Isang daang libo ang kabuuan na laman niyan. I don't want to see you ever again," matapang na sabi niya sa lalaki. Halatang nagising ito sa katinuan at napangisi. Umalis ang lalaki na bitbit ang pera na maaari nitong withdraw-hin sa kahit saang bangko. "Get him in!" utos niya sa chauffeur. Doon nga nagsimula ang pagkakilala nila ng lalaki. Malalim ang respeto nito sa kanya dahil hindi ito magiging head ng dark guards o shogun kung hindi sila nagkakilala. Si Madam Lira ang tuluyan an umampon dito. Malamang ay tumulad ito sa tatay nito na lasenggero kung hindi niya ito iniligtas. Ang Dark Guards ay binuo ng uncle niya na si Rob Matsui na siya ring biyenan niya. Nagsimula ang samahan sa henerasyon nila para mas mapagtibay ang samahan ng Dark Lords. Hindi tulad ng Dark Lords na sinasang-ayunan lang ng mga nakatatanda at head of the families kung karapat-dapat ang Headmaster na magmumula sa Kent Family. Sa Dark Guards, lakas ang labanan. Kada ika-dalawang taon maglalaban-laban ang mga guards sa Matsui Mansion sa Japan. Kung sino ang mananalo sa buong match, ito ang magiging Shogun o ang pinuno. Kasabay niya na nag-train si Lorenz. At dahil sa determinasyon nito na tulungan siya, sa loob ng sampung taon, ito ang nananatili na Shogun. Sa susunod na buwan ay magsisimula muli ang match kaya kailangan nito na magsanay. Sa mata lang sila nag-usap ng kaibigan. Hindi na kailangan pang magtanong ni Cally na naabisuhan na ito ni Madam Lira kaya ito naroon. Binigay lang niya lang ang bitbit na gamit sa isang attendant. Umupo sila sa komportableng couch na nasa magkabilang side ng private plane. "Sa susunod na buwan ang simula muli ng match," sabi nito. "Kung ganoon, kailangan mo nang magsanay muli." "Sisiw," mayabang lang na usal nito. Pinikit ni Cally ang mata niya dahil mahaba-haba ang biyahe at binalikan ang nakaraan sa kanila ni Prin. *** MANY YEARS AGO... (Their Youth) HINDI isang simpleng babae si Prin. Nabuhay siya sa mundo ng martial arts. Bata pa lang ay mahilig na siyang manood ng mga nagpa-praktis na assassin sa bahay nila. Naiinis siya kapag binibihisan siya ng bulaklakin na kimono o yukata, isang japanese traditional clothing. Katorse anyos si Prin at alam niya na ang gusto niyang gawin sa buhay nang unang magkita sila ni Cally. Lihim siyang nagsasanay sa training room dahil dis-oras na ng gabi. Ayaw ng daddy niya na matulad siya rito. Pumili siya ng katana sa gilid. Isang matalim at mahabang espada at saka nagsimula na kumilos. Ilang minuto na siya sa pag-aral ng maramdaman niya na may nanonood sa kanya sa paligid. Nabitawan niya bigla ang bagay na iyon. "Hindi ganyan ang tamang paghawak at pagbagsak ng isang delikadong armas," ani Cally. Kaunting-kaunti na lang ay mapuputol na ang paa niya ng katana nang mahulog iyon sa lapag. Napalingon siya sa binata na sa palagay niya ay iilang taon lang ang tanda sa kanya. Mestiso ang lalaki, baby face at matikas ang katawan. Nakasando lang kasi ito kaya kita niya ang hubog at mga laman sa katawan ng lalaki. Idagdag pa roon na makinis ang pisngi at balat nito, kaya bigla siyang nakaramdam ng hiya. Hindi pa niya naranasan na ma-conscious sa kanyang anyo. Nagkataon lang siguro na para itong anak ng Diyos na hinulog mula sa langit. "S-sino ka?" tanong niya sa lalaki. Kilala niya kasi ang mga bantay sa buong mansyon at alam niyang hindi ito basta guwardiya lang. Hindi siya nito sinagot. Lumapit ang lalaki at dinampot ang katana. Sinuring mabuti. "I'm a trainee. I was here almost every year, pero hindi kita nakikita. I think, ikaw ang anak ni Uncle Rob," sabi nito sa kanya. "This Katana was nice. But as a lady, you should be using a bokken instead." Tukoy ng lalaki sa isang wooden sword. Humalukipkip si Prin. "I'm not a lady anyway!" Ayos 'tong lalaking ito para manduhan ako! Seryoso lang ang mukha ng binatilyo na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at ibinalik muli nito ang tingin sa inosente niyang mukha. "Yeah, you’re right! So, why and what are you doing here?" tanong nito. "Where am I supposed to be?" balik na tanong niya. Nainis siya dito lalo na nang kumpirmahin nito na hindi nga siya mukhang babae. "In your room," simple lang na anito habang sinusuri pa rin ang katana. "Well, this entire mansion is my home. Kahit saan pa ‘ko magpunta ay wala kang pakialam! Ikaw nga diyan ang pakalat-kalat dito sa bahay namin." Sinimangutan niya ito. "If this is your home, let's call a guard and let's see kung sino sa atin ang pababalikin sa kuwarto," sabi nito ng seryoso. Iba naman ang dating nito sa kanya. Nayayabangan siya sa awra at sinabi nito. "I'll count into three. They would be here for sure once I call them," dagdag pa nito. Naiinis si Prin. Sigurado kasi na pagagalitan siya ng daddy niya kapag nalaman nito na kinuha niya sa nakasalansan na mga matatalim na armas ang isang mabigat at nakakasugat na katana. Hindi lang iyon, lihim siya na nag-eensayo. At sa palagay niya, alam ng lalaki na pinagbabawalan siya doon. Madalas kasi na nandoon siya sa kabilang wing kung saan lang siya pwede. Hindi siya pwede sa training area. "Makakaganti rin ako sa ‘yo!" sabi niya at saka naiinis na umalis. Naiwan si Cally na tinitingnan pa rin ang katana. May simbolo ang bagay na iyon at sa palagay niya ay hindi lang iyon basta-basta. Nagsimula pa iyon sa Heian Period. Hindi niya akalain na may ganoon doon sa panahon nila. Ilang daan taon na ang katana na iyon at pinaglalaruan lang nito? Kaga-graduate lang niya ng high school at hiniling niya agad sa magulang niya na magpunta doon at sumabak sa unang batch na binubuo ni Rob na Dark Guards. Kailangan niyang mag-training muna sa Dark Guards sa loob ng isang taon. Isang sikreto rin na anak siya ni Cloud Han para ma-protektahan ang sarili dahil maraming nagmamasid sa kanya. Nasabi na sa kanya ng pamilya na nagsisimula na ang politikahan sa samahan ng Dark Lords. Nangyari ang lahat nang may ipapatay ang daddy niya at naging hudyat ang pagkamatay ng mabagsik na si Master Kent, ang lolo niya, ang ama ni Madam Lira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD