MULA kay Cally, lumipat ang tingin ng lahat ng trainees kay Levan.
"I… I… You can't just accuse me… Ikaw! Ikaw ang pumapasok sa tirahan ng Matsui kaya ikaw ang kumuha! Huwag mong ibaling sa ‘kin ang bintang!" katwiran ni Levan na nagtaas ng tono.
Hinila ni Cally nang kaunti ang mahabang armas mula sa scabbard or sleeve nito.
"You knew because of this symbol, right?" tinuro ni Cally ang bilog na simbolo na nakaukit sa blade ng katana.
Tuluyan nang hindi nakabawi si Levan.
"Guard!" senyas ni Rob.
Lumapit ang Matsui Guards na nakaitim sa lalaki.
"Palabasin si MB16. Ito na ang huling araw ng pagsasanay niya!" ani Rob habang nainingkit ang mata kay Levan.
Kung umamin lang sana ang lalaki ay baka parusahan niya lang ito. Pero nagmatigas si Levan at gumawa pa ng ikapapahamak ng kasamahan. Isang maling pag-uugali na dapat na wala ang miyembro ng Dark Guards.
He made sure at the very first day that everyone must protect their group. To protect their brothers and sisters. Kasabay ng pisikal na training ang disiplina sa sarili at sa kapwa.
"Master, bakit ako ang paalisin niyo at hindi si Cally?!" nagagalit na tanong ni Levan. Napupuno ng galit ang dibdib nito. Naiinis ito sa kanya dahil ibinoto niya sa simula pa lang si Kai. Naiinis ito dito dahil natatalo niya ito sa match, at naiinis ito sa kanya dahil masyado siyang magaling.
Akala ni Levan ay mapapatalsik siya nito sa training kapag nilagay nito ang napakahalagang katana sa ilalim ng kutson ng kama niya. Napupuno ng inggit at galit ang dibdib ng lalaki.
"Kailangan ninyong ipaliwanag sa ‘kin kung bakit ako ang kailangan na umalis!"
Tumayo si Rob ng galit na galit. "Alam mo kung bakit? Because Cally will be your master in the future, and he doesn't need to steal his own Katana!"
Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat. Nagkatinginan pa ang mga ito.
"Huh, si Cally, master?"
"Oo, tama! Gano’n nga ang sabi ni Master Rob"
Nagkaroon ng kaunting ingay sa paligid dahil sa usapan ng mga trainees. Tanging si Lorenz at Prin lang ang hindi nagkomento dahil alam nila ang tungkol sa bagay na iyon.
"Tahimik!" sigaw ni Rob. Agad naman na nagbalik ang atensyon ng lahat sa pinuno nila.
"Sobrang laki ng awang ng posisyon ni Cally kahit sa ‘kin. Ngayon, sabihin mo kung bakit hindi ikaw ang dapat kong paalisin?!" galit na sabi ni Rob kay Levan.
Hindi nakasagot si Levan. Hindi nito inaasahan ang bagay na ‘yon kaya para itong nawala sa sarili. Agad na hinila ng guard na nakaitim ang lalaki palabas. Hindi ito mangingiming patayin si Levan kung sakaling mangungulit pa ito kay Cally.
"Ayoko nang mauulit pa ang ganito! Ayoko sa lahat ang maging tuso at mapanlinlang na dark guard!" matigas na sabi ni Rob sa lahat matapos mawala sa paningin nila si Levan.
"Pupugutan ko ng kamay ang kung sino man na gumawa ng katulad nito. Nagkakaintindihan ba tayo?!"
"Yes, Master!" sabay-sabay na sabi.
"Balik sa kampo! Magsanay na kayo dahil magsisimula ang opening ceremony sa susunod na linggo" pagkasabi ng nais ni Rob ay umalis na ito ng general hall.
Bigla naman nailang kay Cally ang lahat at ramdam niya iyon.
"Huwag kayong mahiya o mailang sa akin. I'm still a trainee," sabi niya sa lahat.
***
OPENING CEREMONY...
MATAPOS ang isang linggo nang maganap ang pagpapaalis kay Levan, magaganap ang seremonyas eksakto alas-sais ng hapon. Pagtapos ng pag-aalay para sa pasasalamat sa Panginoon ay isang masayang salu-salo para sa lahat ang magaganap.
Hindi sila pipigilan sa kung ano ang gusto nilang kainin at inumin. Literal na fiesta.
Ang apat na leader ang magsisindi ng torch na matatagpuan sa bungad ng bawat kampo at manggagaling ang apoy mula sa malaking bonfire na matatagpuan sa gitnang bahagi o sa general hall.
Bago mag-alas-sais, magkasama si Prin at Cally sa computer room dahil nagpadala ng mensahe si Cally sa mommy niya para ipaalam dito na tutuloy siya sa UK. After all, he is just 18 and still needs his mom's love. Nami-miss niya na ang pamilya, pero bawal dumalaw ang mga ito kahit pa pwede naman siyang dalawin doon bilang malapit na kaibigan ng mga Matsui.
Tinuring ni Cally ang sarili na kabilang sa mga kasamang trainees at hindi pwede na paboran siya doon kaya mariin niyang sinabihan ang pamilya niya na huwag na huwag siyang dadalawin.
Alam niya rin na busy ang Mommy niya sa opisina nila sa MGM at pagtuturo sa klase.
CallyHan: Mommy, I miss you so much! Can I see you before going to the UK?
GinnyLopez: Baby boy, I miss you too so much! Pagagalitan ko talaga ang daddy mo kapag hindi ka umuwi dito sa bahay kahit tatlong araw lang. Please come home, okay?
Napangiti si Cally.
"Wow! You are smiling!" hindi makapaniwala na bulalas ni Prin.
Agad naman na nakabawi si Cally at sumeryoso muli. Nahiya siya nang kaunti. Hindi kasi siya pala-ngiti. Literal na seryoso ang tingin sa kanya ng lahat.
Sinilip ni Prin ang monitor niya. Naisip siya nitong tudyuin dahil tinawag siyang Baby boy ng mommy niya.
"H’wag kang mag-alala baby boy, your secret is safe with me," anito habang tinapik-tapik siya sa balikat.
Sumimangot lalo si Cally.
***
EKSAKTO alas-sais, nakahanda na ang lahat para sa seremonyas.
Magkakasama ang lahat sa labas ng general hall. Sa tapat ng bukana nito naroon ang bonfire.
Bilang hudyat, isang mini-gun na nakatutok sa kalangitan ang pinaputok ni Rob bilang pinuno ng committee. Gumuhit ang asul na liwanag mula roon hanggang sa marinig ang putok sa ere.
Matapos iyon ay kanya-kanyang sindi ng sulo ang lahat ng lider. Tumakbo ang mga ito patungo sa kani-kanilang camp area at saka sinindihan ang dalawa pang sulo na nasa bukana ng camp. Isang fireworks ang sinindihan ng apat na lider bilang pagtatapos. Nagpalakpakan at hiyawan ang lahat dahil oras na ng kasiyahan.
Inaabangan ni Prin kung ngingiti muli ang crush niya dahil masaya ang lahat. Pero nanatiling seryoso ang lalaki.
Hmp! Seryoso talaga ang mokong!
"Baby boy, hindi ka ba masaya?" Tinawag niya itong baby boy dahil baka iyon ang dahilan kung bakit ngimiti ito nang magkasama sila sa computer room.
Kabaligtaran sa inaasahan, hindi nagustuhan ni Cally ang pagtawag niya rito ng baby boy lalo at kasama nila ang halos lahat ng trainee.
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag tinawag mo ulit akong ganyan," pagsusungit ng lalaki.
"Sungit…" bulong niya.
Nakanguso lang si Prin habang sumusunod dito. Dumiretso sila sa loob ng hall kung saan nakahanda ang napakaraming pagkain at alak.
Hindi lumayo si Prin kay Cally. Matapos kasi ang group battle alam niyang tutuloy ang lalaki papunta ng Maynila para kitain ang pamilya nito. At posible na ilang buwan pa bago niya makita muli ang lalaki.
"Cally, come here!" tawag sa kanila ni Joen pagpasok nila ng hall. Nakapuwesto ito malapit sa mga pagkain kasama ng iba pang grupo.
Nakita niya si Lorenz na nakahalubilo rin sa iba pang mga kasama nito.
Tumabi rin si Prin dito.
"Seriously, are you guys secretly dating?" tanong ni Ana na nakasalampak sa tapat niyang mesa.
Tinitigan niya ito nang masama. "Hell no! I'm just fourteen!"
"Ehhh… You look good together. Anyway, sa ‘kin lang naman ‘yon dahil marami ang matutuwa," komento nito.
Inikutan niya na lang ito ng mata.
May lumapit kay Cally mula sa ibang grupo. Inabutan nito ng maliit na shot ng alak ang lalaki. "Shi, for you… tanda ng respeto…" sabi ni MB31
Alam na ng lahat ng trainees na ang ibig sabihin ng 'Shi' ay Master.
Tinanggap naman iyon ni Cally dahil wala naman itong masamang intensyon at agad na nilagok ang alak.
Napalingon si Joen. "Shi… Ako din!"
Nagsalin din ito sa maliit na shot glass at inabot kay Cally. Kinuha din iyon ng huli at ininom. Hindi nito napapansin na marami ang lumapit dito para magbigay ng respeto. Pansin ni Prin na namumula na ang pisngi ng lalaki dahil sa alak hindi pa man lumilipas ang oras simula ng umupo sila roon.
Sunud-sunod ang lagok nito ng alak mula sa kung kani-kanino. Wala kasi itong tinanggihan sa lahat ng trainees na kasama nila.
"Hey! Kumain ka muna!" saway niya rito. Gusto niya nang pigilan ang binata sa pag-inom nito.
Humarap sa kanya ang lalaki at bigla nitong kinurot ang magkabilang pisngi niya. "My baby panda, why are you so cute?"
Baby panda?
Namula rin ang pisngi ni Prin. Sheeet! H'wag kang ganyan, big panda! Baka makalimutan ko na maraming tao dito!
"Baby panda, kuha mo ako ng desert," utos ng lalaki. Namumungay na ang mga mata nito na halatang nakainom ng alak.
"Hey, MB53 kuha ka ng desert para sa iyong Shi!" pinasa niya ang utos kay Joen.
"Right away, princess!" Hindi siya nito tatanggihan lalo at tinuruan niya ito ng tamang galaw at kung paano makakapuntos sa kendo battle.
"Cally, mind your image," bulong niya kay Cally.
Ngumiti ito sa kanya sa unang pagkakataon. Ngiting nakaloloko.
"Woah!!! You… You smiled at me!" aniya. Mukbang nagkabunga ang effort niya na samahan ito at sa wakas ay nginitian siya ng lalaki. Hindi maipaliwanag ni Prin ang saya niya.
Dumating ang desert na dala ni Joen. Inabot niya iyon kay Cally.
"Here… Kainin mo itong fruit salad para bumaba ang tama ng alak sa ‘yo," sabi niya kay Cally habang inaabot dito ang pagkain.
Tiningnan lang nito ng bahagya ang ma-kremang pagkain at ibinalik sa kanya ang paningin.
"Feed me…" utos nito. Nabigla siya.
"Sige na, baby panda… Feed me…" para itong bata na hindi pinakain ng magulang kaya naglalambing sa kanya.
Seriously, this guy! Tingnan natin bukas kung ano ang masasabi mo!
Hindi alam ni Prin ang gagawin. Tumayo si Cally at inikot ang paningin sa buong hall, pagkatapos ay umupo muli.
"Walang magpapakain sa ‘kin…" parang nagtatampo na anito.
"Mind your image!" parang masisiraan ng bait si Prin dahil bigla siyang nagkaroon ng alaga na baby damulag.
"Ehhhh…"
She was speechless.
Nasaan na ang masungit na Cally? Kung may cellphone lang siya sa mga oras na iyon ay kinuhanan niya na ito ng video para ipakita dito para ipanakot kapag binu-bully siya nito.
Walang nagawa si Prin kung hindi ang pakainin ang kanyang big panda.
"Hmmm… Masarap!" komento pa nito.
"Shi Cally, shot ka pa!" sabi ng isang trainee mula sa Dragoon.
Ininom muli iyon ng lalaki. Marami pa itong nainom kasabay ng pagpapakain niya rito ng salad.
Hindi naman napapansin ng iba pa nilang kasama ang nangyayari sa binata dahil pare-parehas silang nagkakasiyahan.
Bigla itong nag-pacute sa kanya. Ipinilig nito ang sariling mga pisngi habang nakatapat sa kanya. "I will definitely miss you…"
Lalong namula ang pisngi ni Prin. Nagulat na lang siya nang biglang mag-pass out ang binata sa tapat nitong table.
Nabigla na lang si Prin dahil nawalan ng malay si Cally.
Hinayaan niya na muna ang lalaki na magpahinga saglit. Napansin naman ito ng ibang kasama nila kahit ang lider nilang si Kai.
"What happened to MB8?" tanong nito.
"Ang dami niyo kasing nag-alay ng alak sa kanya kaya iyan, nawalan ng malay!" reklamo niya rito.
"Oh... If that's the case, we can send him now sa Blade camp. Tomorrow is the beginning of the group battle," anito.
"Hayaan na muna natin siya…" matapos niya iyong sabihin, nabigla siya nang iangat ni Cally ang ulo nito.
Inikot nito ang paningin sa lahat, pagkatapos ay tahimik na tumayo at dumiretso palabas ng hall.
"Leader MB5, susundan ko na si Cally," nagpapasensya na sabi niya dito.
“Sige.”
Nagmadali si Prin sa pagkilos para mahabol niya ang palabas na lalaki. Nagulat na lang siya nang tinutungo nito ang tahanan nila. Nagtataka siya kung ano ang gagawin nito roon.
Maya-maya ay tumakbo ang binata. Hinabol ito ni Prin. May ilang minute niya iyong ginawa. Napapagod na siya kahahabol kay Cally nang mapansin niya na iniikot lang nila ang buong compound.
"Hey!!! Please stop!" Napapagod na ang mga binti niya lalo at naka-boots sila.
Sumalampak si Prin sa semento. "Ayoko na… Hindi ko na kaya," hinihingal na reklamo niya.
Kailangan niya pang magpahinga dahil baka siya ang mapili sa kendo match kinabukasan ng umaga. Paano niya magagawa iyon kung ngayon pa lang ay napapagod na siya?
Napansin niya na huminto ang binata at bumalik sa direksyon niya.
"I am looking for my baby panda." Parang batang iniwan ito ng magulang sa paraan ng pagkasabi nito niyon.
"Uhmm… Your baby panda is here…" hinihingal pa rin na tugon niya. Itinaas niya pa ang kamay. Wala na siyang magawa kung hindi umamin para huminto na ito sa pagtakbo.
Umupo ito sa harapan niya. Madilim ang paligid kaya inilapit nito ang mukha nito sa kanya para mas masilayan siya nito. Napaatras naman si Prin dahil sa ginawa nito. Pinisil-pisil nito ang pisngi niya.
"Woah! You really are my baby panda!"
She was again speechless.
"Y-Yes, I am." Hindi pa siya nakakabawi sa pagod. Kailangan niyang magpanggap para makabalik na ito sa higaan nito.
"I'm tired…" sabi niya habang pinupukpok ang binti.
"Why?"
"It's your fault! I have to run because of you!"
Hindi ito nagsalita at basta pinangko na lang siya. "Let me carry you."
Malalaki ang hakbang ni Cally at parang napakarami ng enerhiya nito para mabitbit pa siya. Kumakabog naman ang dibdib ni Prin dahil naaamoy niya ang pabango ng lalaki. Hinuhulaan niya kung ano ang cologne na gamit nito habang malapit siya sa dibdib ng binata.
Para itong droga na siguradong hahanap-hanapin niya kapag wala na ang binata sa training. Dahil sa sobrang pagkalango ni Prin sa amoy ni Cally, hindi niya napansin na naipasok na pala siya nito sa training hall kung saan sila unang nagkita.
Inupo lang siya nito tapos ay humiga si Cally sa lapag. Napansin niya na lang na nakapikit ito. Hindi alam ni Prin ang sasabihin. Matagal niyang pinagmasdan ang nakahigang anyo nito.
Nang hindi siya makontento ay tinabihan niya ito ng higa. Tumagilid siya at humarap sa lalaki.
Cally… Gagalingan ko dito sa training para mapantayan ka.
Ilang sandali lang ay tumagilid din ito paharap sa kanya. Mas malapitan niyang napagmasdan ang guwapong mukha nito. Pinagsawa niya ang mata dahil hindi niya iyon magagawa sa normal na araw.
Wala man lang siyang makitang flaws sa lalaki bukod sa makulit ito kapag nalalasing at masungit. Dahan-dahan itong nagdilat ng mata at tumingin sa kanya kaya para silang nagtititigan. Pero alam ni Prin na parang wala itong nakikita.
Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon lalo na nang haplusin nito ang pisngi niya.
Nanlaki na lang ang mata ni Prin nang ilapit nito ang mukha at masuyong inilapat ang lab isa kanya. Ilang segundo lang iyon ngunit parang gustong magtatalon lahat ng red blood cells niya sa katawan.
Nagulat na lang siya nang matapos siya nitong halikan ay bumalik ito sa pagtulog.
Napaatras si Prin nang hawak ang mga labi. Saglit lang ang halik nito pero nabulabog ang buong pagkatao niya. Alam niya na siguradong hindi na nito alam ang mga pangyayari na iyon pagdating ng kinabukasan pero naglulundag pa rin ang puso niya sa saya dahil nakapuntos pa rin siya ng halik mula kay Cally.
Kinabukasan, alas-otso ng umaga ang match kaya lahat ng grupo ay maayos na nakapila.
Binigay ni Rob ang rules.
"Itong apat na box ang naglalaman ng lahat ng codes ninyo. Bubunutin ang pangalan ng tatlong representative mula sa apat na grupo. Ang leader ang magde-decide kung sino ang ilalaban sa kada-match sa ibang grupo.
"Unang laban, Arcadia group versus Blade, Cobra versus Dragoon. Kung sino ang makakadalawang puntos o ang magwawagi sa dalawang laban, iyon ang papasok sa susunod na round."