CHAPTER 7: Match

2759 Words
BINUNOT ang mga code ng mga pangalan at swerte si Prin na nabunot ang pangalan niya. Lihim siyang nagdiwang. Nabunot din si Joen at ang isa pa nilang kasama na hindi masyadong nag-aral sa paggamit ng wooden sword. Malakas ang loob ni Prin na mananalo siya. Agad silang pinulong ni Kai. "You can do this, alright?" "Leader MB5, medyo kinakabahan ako dahil hindi ako ganoon kagaling," malungkot na sabi ng isa nilang kasama. Lumapit sa kanila si Cally. "Are you guys, okay?" Nasa likod ito ni Prin at agad siyang nakuryente sa paglapit ng binata. Ayaw niyang lumingon dahil baka magambala siya sa laban lalo at kapag naisip niya ang ginawa nito nang nagdaang gabi. "Shi Cally, medyo worried ako…" malungkot na sabi ng isa. "Kaya mo ‘yan! Just do your best. H’wag mo masyadong isipin kung matalo ka. Nandiyan si GW8 at MB53 para bumawi," anito. Mukhang guminhawa naman kahit papaano ang pressure na naramdaman ng huli. Tumuloy sila sa wardrobe para magbihis ng pang-kendo. Isang makapal na jacket at trousers ang suot nila. At babalutan ng armor para protektahan ang mahahalagang bahagi ng katawan. At ang pinakamahalaga ay ang shield sa ulo para proteksyon. Hindi tulad sa normal na kendo match, ang rule nila ay sa ulo lang patatamain ang shinai o ang wooden sword. Kailangan makalimang puntos kada-match. At dalawang referees lang ang bantay at iaangat nito ang kulay ng flag kung sino ang nakapuntos. Mga samurai masters ang inimbitahan ni Rob para magpuntos para patas ang laban. Sa unang laban, isinabak ni Kai ang kasama nila Prin na si MB20. Magaling ang kalaban nito at napag-aralan agad ni Prin ang kilos nito na mula sa Arcadia team. Talo sila. "MB53, kailangan mong manalo, okay? Kung hindi ka mananalo sasabihin ko sa girlfriend mo na namba-babae ka rito," pananakot niya kay Joen. "Don't worry, mananalo ako dahil ikaw ang nagturo sa ‘kin sa loob ng isang linggo." "Good." Pumuwesto na si Joen sa markang guhit para sa team nila. Inisip nito ang anak at ang girlfriend nito kaya lalo itong ginanahan na manalo. Nang ibigay ang hudyat, agad itong kumilos at pinatamaan sa ulo ang kalaban. Inangat ng dalawang referee ang flag ng Blade. Apat na puntos na lang! Pumwesto muli ito sa marka. Mas nahirapan ito kumpara sa una. Nang patatamaan na ng kalaban ang kawayan, agad na nakailag si Joen at binilisan ang pagkilos para makatama ang shinai sa head armour nito. Dahil sa sobrang seryoso ng lalaki sa match ay hindi nito namalayan na nanalo na pala siya. "That's nice, MB53! Hindi man lang nakapuntos ang kalaban," puri ni Prin. Malapad ang pagkakangisi ni Joen at proud sa sarili. "That's because you helped me. Thank you, Prin!" Nakagaan sa pakiramdam niya ang sinabi nito. Siya ang sunod. Nag-iba kaagad ang awra niya. Pumuwesto rin siya sa guhit na marka, nag-bow sa kalaban na trainee, at hinintay ang senyas. Nang ibigay ang senyas, kumilos agad ang kalaban niya, tumira ito pero agad na nakaiwas si Prin. Masasabi na magaling ang kalaban niya mula sa Arcadia. Nang umabante muli ito para patamaan siya ay agad na hinarang ni Prin ang shinai at napukpok niya sa ulo ang kalaban. Itinaas kaagad ang flag ng blade. Nakapuntos siya. Balik siya sa markang guhit. "Hmp! I will not let you win!" mayabang na sabi ng kalaban niya. Kahit papaano kasi ay nakakababa ng p*********i kung sakaling matalo ito ni Prin kaya ginanahan ang kalaban niya. Umabante muli ito para patamaan siya nang ibigay ang hudyat. Mabilis na kumilos si Prin at natamaan niya muli ang helmet nito. Puntos muli para sa team nila. Naghihiyawan ang mga ka-team nila at ganoon dfin ang sa kalaban. Hindi na iyon pinatagal ni Prin at agad siyang makakapuntos. Matapos lang ang limang minuto. Panalo ang Blade team sa match. She felt proud. At sisiguraduhin niya na matatalo nila ang kung sino man na mananalo laban sa match ng Cobra at Dragoon. Matapos nga ang ilang minute, nagwagi ang grupo ng Cobra. Pinulong sila ni Kai. "MB2's team was really good. Galingan niyo, okay?" Sabay-sabay silang tumango. Napalingon pa si Prin sa direksyon ni Cally na sabay na nakatingin sa kanya. Namula kaagad ang pisngi niya. Naalala niya ang halik na iginawad sa kanya nito noong nagdaang gabi. Pinilig niya ang ulo. Kailangan niyang mag-concentrate! Nagsimula ang laban sa pagitan nila ng Cobra team. Tulad ng pagkakasunud-sunod ng laban sa una, ganoon muli ang pinagawa sa kanila ni Kai. Natalo ang unang kasama at nanalo muli si Joen. Kaya si Prin na lang ang pag-asa ng Blade team. Huminga siya nang malalim matapos ang pag-bow. Nagsimula ang laban sa pagitan nila ni MB19. Mabilis ang kilos ng lalaki, gusto siya nitong linlangin sa galaw ng shinai nito. Kanan, kaliwa at paulit ulit ang kilos. Nang makakita ng tiyansa ang lalaki para pukpukin siya sa ulo, parang nag-slowmo sa paningin ng lahat nang mag-dock si Prin at nagpadulas sa ilalim ng braso nito na may hawak na wooden sword. Saka niya pinukpok ang ulo nito mula sa likuran. Puntos para kay Prin. "Wow!!!!" Nagpalakpakan ang mga kasama niya. "Ang galing!!!!" "That was an awesome move!" Mga papuri sa kanya ang tangi niyang naririnig. Sa huli, si Prin din ang nanalo kaya nagwagi ang Blade Team sa Kendo Match. Agad siyang nilapitan ng mga team members niya at masaya silang naghiyawan. Lahat ay halos gusto siyang bigyan ng papuri. Malapad naman ang pagkaka-ngiti niya dahil sa una pa lang ay tiwala na siya na manalo siya sa Kendo match. Ikalawang araw… Isang Mixed Martial Arts o MMA ang magaganap na laban. Tulad ng ginawa sa Kendo, bubunot ng tatlong member sa bawat team para isalang sa match bukod pa sa leader dahil awtomatiko na kabilang ang mga ito roon. Kailangan patunayan ang galing nito sa pakikipaglaban. Hindi kasama si Cally sa nabunot pero ayos lang sa kanya dahil sa mga oras na iyon ay mas magaling siya sa planning and strategy. Bubunutin kung sino ang maglalaban mula sa box. Nabunot ang Blade team at Dragoon. Sinalang nila si Ana na kasama sa nabunot. "GW10, galingan mo ha!" ani Prin. Ginanahan naman ito. Nag-thumbs up lang ito. Babae rin ang isinalang ng Dragoon team. Matapos ang ilang minuto ng laban ng mga ito, nakakuha ng tiyempo si Ana para maipit ang mga hita at braso ng kalaban. "Ah! Ah! Suko na! Suko na!" Sumenyas ng pagsuko ang representative mula sa Dragoon. Panalo kaagad sila. Nadismaya naman ang Dragoon team. Hanggang sa umabot nga ang laban kay Kai at Lorenz. Blade at Cobra muli ang maglalaban sa match na iyon. Interesado ang lahat lalo at alam nilang parehas na magaling ang dalawang lalaki. Ibinigay ang hudyat. Agad na pumorma ang dalawa para makapuntos. Umabante si Kai para bigyan ng suntok si Lorenz pero agad itong nakaiwas. Sa halip, isang sipa ang naibigay nito sa una. Mas nanaig naman ang kagustuhan ni Kai na maibalik kay Lorenz ang binigay nitong sipa. Nagawa naman nito iyon dahil hindi nito naiwasan ang mabilis na pagkilos ng huli. Halos pantay ang laban hanggang sa tila ba sinapian ng kung ano si Lorenz at nagawa nito na magpatama ng maraming suntok sa mukha ni Kai. Pulang-pula ang mukha ng leader nila pero hindi pa rin ito susuko. Sa huli, tinuhod ni Lorenz ang mukha ni Kai dahilan para ma-K.O. ito. Panalo ang Cobra team. Hiyawan din mula sa Cobra ang nanaig. "Wow! MB5 is really awesome!" sabi ni Ana. Biglang nagkaroon ng paghanga ang mga kababaihan kay Lorenz. Normal na reaksyon lalo sa mga kabataan kapag magaling ang isang binata sa pakikipaglaban. Lumapit si Cally kay Lorenz. "Tsk, tsk! Hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon," aniya rito. Ngumisi lang ito sa kanya. Kumuha ito ng tubig at saka umupo bago ininom iyon. Tinabihan ito ni Cally. "Gusto mong sumabay muna sa akin umuwi kahit tatlong araw lang sa Pilipinas? Uuwi ako sa ‘min sa Maynila sa susunod na araw. Tatapusin ko lang ang flag fight," pagbibigay-alam niya dito. "Wala naman akong uuwian," matigas at may halong kalungkutan na sabi nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay masama ang loob ni Lorenz sa pamilya nito. Huminga nang malalim si Cally. "If that's the case, I will go alone. See you in UK." "Hmmm." Tumango lang ang lalaki na itinuring nilang pamilya. *** FLAG FIGHT… Kinabukasan ng gabi, ginawa ang Flag Fight. Kailangan makuha ang dalawa o tatlong flag ng kalaban na grupo. Arcadia, yellow flag. Blade, green flag. Cobra, orange flag, at Dragoon ay white flag na matatagpuan sa bawat Camp. Kailangan protektahan ang flag na nasa bungad ng Camp. Si Ana at tatlo pa ang nakatoka na magbantay ng flag nila. Ang iba ay mahahati sa dalawang grupo para kumuha ng flag ng ibang team. Si Cally at Prin ang nakatoka na kumuha ng flag sa Dragoon team kasama ng anim pa nilang kasama. Siya ang inatasan ni Kai na mamuno. At ang grupo ng mga ito ang tutuloy sa Arcadia Team. "Kapag nakuha na natin ang flag ng dalawang team, saka tayo tumuloy sa Cobra Camp," paliwanag ni Kai. "We don't know who the flag guard is, but surely Lorenz will do his best to protect his Camp and get the flags." "Do your best, Ana," ani Prin sa babae. Pumorma na sila sa harapan ng Blade camp at hinitay ang asul na ilaw na hudyat na papuputukin sa langit. Ilang sandali lang, nakita na nila ang liwanag. "Go!" sigaw ni Kai. Kanya-kanya nang takbuhan ang lahat. May bitbit silang baril-barilan na gawa sa kawayan at may bala na sumpit na pwedeng magparalisa sa parte ng katawan kung saan ito tumama. Bawat baril ay tig-singkuwenta ng bala kaya kailangan nilang gamitin iyon nang maayos. Mapaparalisa ang parte na iyon sa loob lamang ng dalawang oras. Ilang metro na lang sila sa Dragoon camp nang makasalubong nila ang grupo nito dahil may plano rin na pumunta ang mga iyon sa Camp nila. Agad na nagpalitan ng bala ang grupo ni Cally at ng Dragoon team. Hinila ni Cally si Prin para umabante at hinayaan ang iba nilang kasama na humarap sa mga ito. Gumilid sila sa magkakatabi at makapal na wooden box. Nakita silang dalawa ng leader ng Dragoon na si MB12 at agad silang tinira ng sumpit nito, ngunit nailagan iyon ni Cally. Tinulak nito si Prin sa sumunod na box. "Go!" senyas ni Cally kay Prin para siya ang humarap kay MB12. Umabante naman si Prin kasama ng tatlo pang natira sa team nila patungo sa Dragoon Camp. Nagpalitan sila ng bala ni MB12 habang nagtatago sa magkabilang wooden box. Natamaan ni Cally ang braso nito kaya nahirapan ito na tirahin siya pabalik dahil hindi nito naigalaw nang maayos ang braso. "Thanks!" sabi lang ni Cally saka kinuha ang baril nito na gawa sa kawayan matapos tirahin ng isa pa ang binti nito para hindi na ito makalakad. Saka ito sumunod kay Prin. Dahan-dahan na lumapit si Prin at ang tatlo pa nilang kasama papunta sa white flag ng Dragoon. Ilang metro na lang ang layo nila at natatanaw na nila ang puting Flag na nagliliwanag. Pinag-aralan ni Prin ang apat na nagbabantay doon at nagmamasid. Lumingon siya sa mga kasama niya na nasa likuran at sumenyas na umabante. Maya-maya, nakarinig sila ng mga tira ng sumpit mula sa Cobra na parehas ang layunin na tulad nila—ang makuha ang white flag. Nalipat dito ang atensyon ng mga nagbabantay sa white flag. "Go, go, go!" senyas ni Prin sa mga kasama habang nasa iba ang atensyon ng Dragoon team. Binaril din nila ng sumpit ang dalawang team habang umaabante patungo sa white flag. Natamaan din ang isang kasama ni Prin dahil napansin sila ng mga ito. She was determined to get the flag. Hindi niya napansin na may nakatutok sa kanyang sumpit. Mabuti na lamang at nahila siya ni Cally na lihim na nakasunod din sa kanila. Sabay silang na out-of-balance kaya tumilapon siya sa ibabaw ng lalaki. Parang tumigil naman ang mundo ni Prin dahil sa pagdikit niya sa katawan nito. Hindi niya alam kung ilang segundo iyon na parang nilipad ng hangin ang diwa niya. "Hey! Get up and get the flag! Ako ang pro-protekta sa ‘yo," gising nito sa nililipad niyang diwa. Nakabawi naman siya agad. Mamaya na ang landi, trabaho muna! Tumayo siya na sakto lang na nakatago ang ulo niya sa crate saka diretso na tinakbo ang direksyon ng white flag. Wala ng atrasan. Kapag nakuha na nila iyon ay hindi na pwedeng bawiin ng Dragoon pero maaaring makuha sa kanila ng Arcadia at Cobra team. Habang tumatakbo siya, matalim ang paningin ni Cally na nagmamasid at pinatamaan nito ng sumpit ang member ng Cobra na nagtatago hanggang sa makuha ni Prin ang white flag. "Yes!" Kinurot nito ang pisngi niya. "Mamaya ka na magsaya. Itago mong mabuti iyan. Let's go to Cobra camp!" anito sa kanya at sa isa pang kasama nila na si MB1 na wala pang tira ng sumpit. Tatlo silang natitira sa grupo at tumakbo papunta sa camp ng Cobra. Hindi natutuwa si Cally na nabawasan sila ng mahigit sa kalahati pero ayos na rin at nakuha nila ang white flag. Iyon nga lang, alam nilang tatlo na mas mahigpit na kalaban nila ang Cobra. Hindi pa man din nila alam kung nagwagi ang grupo ni Kai sa Arcadia Camp at kung ilan ang natitira sa grupo nito. Maingat silang tatlo sa pagsulong at hindi gumagawa ng ingay. Pinilit nilang magtago sa mga crate na hanggang baywang ang taas. "You should keep the white flag whatever happened, okay?" sabi nito sa kanya. "MB1, go!" senyas ni Cally. Sinunod naman siya nito. Pinauna ito ni Cally habang si Prin ang nasa gitna at ito ang nasa huli. Tatlo silang umabante nang tahimik. Hindi inaasahan ni Cally na magbabantay si Lorenz at Donna sa flag ng mga ito. May mga nakita siyang naparalisa na mga member ng Arcadia at Dragoon na malapit sa puwesto ng dalawa niyang kaibigan. 'Tsk!' tama ang hinala niya na babantayan nang mabuti ni Lorenz ang flag nito kahit na anong mangyari. Mas gugustuhin pa nito na manatili doon sa Cobra camp. "Go!" senyas niya sa dalawang kasama. Sakto naman na naroon din ang grupo ni Kai na nagpatira ng sumpit. Dahil sa magkaibang direksyon sila nanggaling, nakalapit sila nang kaunti sa Orange flag ng Cobra. Tinira sila ni Lorenz ng sumpit nang mapansin sila nito, pero agad silang nagtago kaya walang natamaan sa kanila. Si Donna naman sa grupo ni Kai. Panay lang ang tira ng babae hanggang sa maubos ang bala ng sumpit nito. "Sh*t!" hinagis nito ang baril na gawa sa kawayan sa sobrang inis. Dahil doon, nakalapit pa nang kaunti ang grupo ni Kai. Hinagis ni Lorenz ang nakuha nitong sumpit sa ibang team kay Donna. Dahil sa simpleng segundo na nabaling ang atensiyon nito kaya mas nakalapit ang grupo ni Cally. Umabante sila at pinatamaan si Lorenz. Ganoon din naman ang kaibigan niya at natamaan nito si MB1. Dahil nawala ang atensyon nito sa flag, nagkaroon ng tiyansa na makalapit ang grupo ni Kai kay Donna. Hindi rin basta papayag ang huli na makuha ang flag kaya inubos nito ang laman ng panibagong baril na gawa sa kawayan, natamaan nito si Kai at ang isa pang kasama. Tanging si Cally na lang din ang natitira at si Prin laban kay Lorenz at Donna. Pinilit ni Cally na patamaan sa binti si Donna na nagawa niya habang nasa kanya ang atensyon ni Lorenz. "Go, Prin! Get the flag!" sigaw niya. Napalingon si Lorenz sa dalaga at patatamaan sana si Prin pero nagkaroon ng tiyansa si Cally na patamaan din ang kaibigan sa braso dahil nawala ang pokus nito sa kanya. "Sh*t" mura nito. Nakuha muli ni Prin ang orange flag! "Yes! Whoooo!!!" Tuwang-tuwa naman si Kai kahit pa naparalisa ang braso at binti. "Go, Prin! Get the yellow flag here," masayang sabi nito kahit hindi maigalaw nang maayos ang katawan. "Tsk! Halimaw ka talaga, Cally!" sigaw ng kaibigan niya. Gusto siyang murahin ni Lorenz. Tinapik niya lang ang kaibigan sa braso. "Come on! I know you will do the same. Kulang ka pa sa strategy," katwiran niya rito. Alam ni Cally na pagdating sa pisikal ay hindi siya mananalo kay Lorenz, pero nakalimutan yata nito na sa estratehiya, hindi ito mananalo sa kanya. Shinai - is made of four bamboo slats, which are held together by leather fittings. Used in Kendo competitions to represent katana or Japanese sword.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD