Lizzy's POV
Kasama ko ngayon si Monica, papunta na kami ngayon sa presinto para i-report na nawawala ang asawa ko.
"Lizzy, hindi naman sa pinapangunahan kita ah, sure ka ba talaga na gusto mo na mag-report sa presinto, base kasi sa kwento mo na sinabi sa'yo ng bagong manager do'n sa bangko ay naglihim sa'yo ang asawa mo? At panigurado madaming itatanong sa'yo ang mga pulis, pati ba ang impormasyon na nalaman mo ngayon na pagsisinungaling niya sa'yo na wala na pala siya'ng trabaho ay sasabihin mo?" Ang sabi ni Monica habang nagda-drive ng kotse habang ako naman ay katabi niya.
Sa totoo ay naguguluhan ako pero kailangan ko magtiwala kung ano'ng rason ng asawa ko, kung bakit niya inilihim sa akin na wala na pala siya'ng trabaho.
"Monica, ayoko pag-isipan ng masama ang asawa ko, baka nitong nakaraang two weeks, kaya siya maaga naalis dahil pwedeng naghahanap siya ng trabaho or what, or pwede din ayaw lang niya ko'ng mag-alala kaya hindi niya sinabi sa akin na wala na pala siya'ng trabaho dahil nga ayaw niya ko pagtrabahuin." Ang sagot ko naman kay Monica pero sa totoo lang kahit ako ay hindi kumbinsido sa mga pinagsasabi ko.
Asawa ko si Enrico at kung may mga tao nag-iisip sa kanya ng hindi maganda ay dapat ko siya'ng ipagtanggol.
Napailing-iling na lamang si Monica sa mga sinabi ko.
Sa totoo lang ay alam ko'ng hindi pabor si Monica ng nagpakasal ako kay Enrico at lalo pa'ng hindi niya ito nagustuhan ng pinagbawalan ako ng asawa ko magtrabaho.
Ang tingin niya kasi ay kinokontrol ni Enrico ang buhay ko, tinatanggalan ako nito ng karapatan makapag-desisyon ng kung ano ang gusto ko'ng gawin.
Hindi ko na sinabi sa kanya ang pagbabawal sa akin ni Enrico na makipagkita sa kanya dahil alam ko na lalo siya'ng magagalit.
Kapag nagyayaya ito'ng lumabas ay kung ano-anong dahilan na lamang ang ginagawa ko, minsan gusto din nitong bumista sa bahay namin pero gano'n din ang ginagawa ko, hanggang sa nasanay na ito at minsan ko na lamang siya nakakausap sa chat.
Ayoko kasi'ng suwayin si Enrico, mainitin kasi ang ulo niya.
Minsan kasi may nangyari na hindi ko nasunod ang gusto niya.
Nakalimutan ko magpaalam na pupunta ako sa grocery pero may aberyang nangyari biglang lumakas ang ulan kaya na-stranded ako sa loob ng grocery store, pinatila ko muna ang ulan bago ako umuwi, sakto naman na na-lowbat pala ang cellphone ko at hindi ko siya na-abisuhan.
Pagkauwi ko sa bahay ay katakot-takot na pagpapaliwanag ang ginawa ko.
"Wala pa man tayo'ng anak ay ganyan na ang ginagawa mo, sabihin mo sa akin paano ka magiging mabuting ina kung pagiging mabuting asawa ay hindi mo kaya'ng gampanan!" Ang galit na galit na sabi sa akin ni Enrico.
Sobrang nasaktan ako sa mga binitawan niya'ng salita.
Tagus-tagusan ang sakit sa aking puso at hindi ko mapigilan mapaiyak sa mga pinagsasabi niya.
Tinalikuran lang niya ako at pagkatapos ay hindi niya ko kinausap ng dalawang linggo.
Ayoko ng maulit ang gano'n tagpo kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ko.
"Lizzy, please huwag ka ng umiyak, pagsubok lang 'to, malalagpasan mo din." Ang sabi ni Monica.
Hindi ko na namalayan na natulo na pala ang mga luha ko sa mga naaalala ko.
Binuksan ko ang shoulder bag ko at kumuha ng tissue para ipangpunas.
"Siya nga pala Lizzy, tinawagan mo ba si Elizar?"
Napalingon ako dahil sa sinabi niya.
"Hindi." Ang matipid ko'ng sagot.
Itinabi ni Monica ang kotse at nag-park sa gilid ng daan na ipinagtaka ko.
"Bakit ka tumigil?" Ang tanong ko pa sa kanya.
"Well, sad to say kailangan mo siya'ng kontakin, dahil siya na lang ang kamag-anak ng asawa mo, hindi tayo pwedeng pumunta sa presinto ng hindi niya pa alam kung ano'ng nangyari sa kapatid niya at ang isa pa, panigurado itatanong din yan sa'yo ng mga pulis."
"Pero hindi ko alam ng number niya."
Sa isang banda tama ang sinabi ni Monica, kailangan ko'ng sabihin kay Elizar na nawawala ang kapatid niya.
Kahit pa hindi gano'n kaganda ang samahan nila ay karapatan niya din malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kapatid niya, sa sa asawa ko.
Inilabas ni Monica ang cellphone niya at nag-scroll tila may hinahanap sa contact list.
"Kilala ko ang isa sa mga tauhan niya," at itinapat na niya sa tenga niya ang kanyang cellphone.
"Hello, kasama mo ba si Elizar, well kailangan siya makausap ni Lizzy, asawa ng kapatid niya'ng si Enrico, emergency lang baka pwede paka-usap."
Halos dumoble naman ang tìbok ng puso ko, hindi ko alam kung kaba pa din ba ito sa pagkawala ng aking asawa or kaba dahil sa muli kaming magkakausap.
Maya-maya ay ini-abot na sa akin ni Monica ang kanyang cellphone.
Halos manginig naman ang kamay ko sa pagkuha ng cellphone at itinapat ko 'yon sa may tenga ko at agad na nagsalita.
"He-hello Elizar."
"Hello Lizzy, it's been a long time."