Five years ago.
Lizzy's POV
Na assigned ako sa bar area ngayong gabi at kasalukuyan ako'ng nagpupunas ng mga baso at maingat na ibinabalik ang mga 'yon sa lagayan.
Waitress talaga ako sa bar na ito, kaso may emergency ang taong nakatoka dito kaya no choice, need ko muna tumao dito.
Wala naman problema dahil hindi naman masyadong busy ang araw na ito, dahil araw ng lunes ngayon, kapag ganito'ng araw ay medyo konti ang customer dito sa bar.
Nang may pumasok na lalaki at umupo sa isa sa mga bar stool.
Tamang-tama tapos na ako sa ginagawa ko.
Tumapat ako sa harapan niya at ngumiti,
“Jim Beam on the rocks, please.”
Agad ko naman inasikaso ang order niya at ibinigay ko 'yon sa kanya.
Nakatayo lang ako, at pinagmasdan ang mga customer dito , at talagang walang masyado'ng customer ngayong gabi.
Dalawang table lang ang okupado, at isa lang ang naka-upo dito sa may bar counter.
"Are you counting?"
Nagulat ako, ng marining ko ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya.
Napansin niya kung ano ang ginagawa ko kaya napangiti na lamang ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin.
"Hanggang ano'ng oras ang shift mo?" Ang diretchahan tano'ng sa akin ng lalaki.
I don't know pero iba ang dating sa akin ng simpleng tanong niya.
Iba kasi ang naiisip ko.
"Don't worry, mali ka ng iniisip, mali pala ako ng tanong, dapat pala ay hanggang ano'ng oras open ang bar na ito, because it's alrealy late, alam ko hindi naman kayo inaabot ng madaling araw 'di ba, cause I want to buy you a drink. I want you relax a little bit bago ka umuwi sa inyo."
Walang paligoy-ligoy, straight to the point na sinabi niya na he wants me to buy a drink pero sobrang na-curious ako sa huli niyang sinabi.
He wants me to relax bago ako umuwi, and napaisip ako why not, isang oras na lang naman ay magsa-sara na ang bar.
Kaya agad ko'ng ni-ready ang drinks, same ng sa kanya.
Napangisi naman siya.
"Hindi ko nahulaan, whiskey type of girl ka pala?!" Ang sabi niya bago sumimsim ng alak.
"Not really, just for tonight, just want to try something new," ang sagot ko naman sa kanya sabay taas ko ng baso at pagkatapos ay inilapit ko na ang baso sa labi ko at sumimsim ng alak.
"That's nice," ang sabi niya at inubos na niya ang alak sa kanyang baso.
Inilipag niya ang pera sa ibabaw ng counter at sinabing...
"Keep the change and enjoy," at tumayo na ito umalis na.
-----
Friday night
Since it's friday night ay jampack ang tao dito ngayon sa bar.
Busy ako sa pagkuha at pagse-served ng order.
Katatapos ko lang mag-served at muli ako'ng bumalik sa may bar counter dahil may panibagong order na naman ng drinks.
"I guess mas bagay ka dito sa bar counter kaysa maging tiga-served ng mga drinks."
Kilala ko ang boses na 'yon at napalingon ako para kumpirmahin kung siya nga.
"So, it's you again, sorry not my call at ang isa pa kahit dito pa ko pumuwesto, magiging tiga-served lang din naman ako ng drinks." Ang sabi ko sa kanya habang napapangiti.
"Well, it's too bad.." dinampot niya ang baso na may alak, inamoy muna at inikot-ikot ito bago itinuloy ang sasabihin.
"Bad for me," and drink it straight, sabay tayo at alis.
Pinanood ko lang ang pag-alis niya and then ipinagpatuloy ko na ang trabaho ko because it's a very busy night.
-----
Monday Night
Well, another monday night na naman at sa tingin ko naging monday sickness na ng kasama ko ang pagliban.
Ako na naman ang naatasan na tumoka dito, well again wala naman problema dahil hindi naman busy ang ganitong plus trabaho 'to eh, hindi naman ako pwedeng tumanggi.
Inilibot ko'ng muli ang paningin ko sa buong bar at binibilang kung ilan lang ang customer ngayong gabi.
"Huwag mo'ng sabihin na nagbibilang ka na naman?"
Napailing-iling na lamang ako, may sa manghuhula din ang lalaking ito ah, at isa pa bigla bigla na lang sumusulpot.
Pumuwesto na siya ng upo sa mismong harapan ko pa.
"Well, I guess tuwing Monday pala ako dapat pumunta dito." Ang nakangiting sabi niya.
"Nagkataon lang na wala uli yung dapat na nandito?" Ang sagot ko naman sa kanya.
"Nagkataon? Sa pangalawang pagkakataon? Hmm, well good for me." Ang sabi niya while placing his hands on his chin.
Medyo naiilang na ko sa sinasabi niya so para maiba ang usapan ay tinanong ko siya ng...
"The usual pa din ba ang o-orderin mo'ng drinks?"
"That's nice, you remember, yes please." Ang sabi niya habang tinitigan ang mukha ko.
Talagang naiilang na ako kaya tinalikuran ko na siya at sinimulan ko ng gawin ang drinks niya.
"Here," ang sabi ko habang inilalapag ang baso ng alak sa may tapat niya.
Here we go again, tinititigan na naman niya ko at talagang naiilang na ako kaya sinuway ko na siya.
"I think you should focus on your drink, not on my face." Ang natatawa ko'ng sabi and then natawa din naman siya.
"And you're funny too," sabay dampot at inikot-ikot niya ang baso ng alak bago sumimsim.
Inilapag niya muli ang baso sa counter at muling tumingin sa akin.
"By the way, my name is Elizar."
Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
"You know this is part na sasabihin mo din kung ano'ng pangalan mo," sabay dampot niya sa baso at muling sumimsim ng alak.
Bahagya naman ako'ng natawa, kaya itinuro ko sa kanya ang name tag na nakasabit sa may uniporme ko.
LIZZY ang nakalagay doon.
"Pero hindi yan ang real name mo?"
Tama siya, it's not my real name pero still it's my nickname.
I don't know usually hindi ako basta-basta nakikipag-usap sa mga customer, may mga ilang beses na rin nagtangka na makipagkilala pero lagi ako'ng tumatangi pero sa kanya ay...
"It's Elizabeth," na gawa ko'ng sabihin ang tunay ko'ng pangalan.