EP1. The Missing Husband

904 Words
Lizzy's POV Hinihintay ko ang pag-uwi ng aking asawa. Ngayon kasi ang aming third year wedding anniversary. Nakahanda na ang lamesa. Nagluto kasi ako ng paborito niya'ng caldereta at gumawa din ako ng graham cake, kukunin na lang mamaya sa ref pagdating niya. Tinext ko pa siya kung ano'ng oras siya uuwi, mga bandang alas sais ang last text ang na-received ko mula sa kanya. Enrico: Mga one hour siguro. Ang matipid na reply niya. Hindi ko alam kung naalala niya pero gano'n pa man ay naghanda ako ng aming pagsasaluhan. Nanood muna ako ng TV habang hinihintay ang pagdating niya pero hindi ko na namalayan na ang tagal ko na palang nanonood. Na-realized ko lang ng nakatapos na ako ng isang movie at tumingin ako sa aking orasan ay mag-a-las otso na pala ng gabi. Kinuha ko ang cellphone ko at agad idinayal ang number niya pero hindi matawagan. The number you dialed is now unattended. Inulit ko ang pag-dial pero gano'n pa din. The number you dialed is now unattended. Hanggang sa ilang beses ko inulit-ulit pero gano'n at gano'n pa din ang naririnig ko. Kinakabahan ako, parang may pakiramdam ako na may masamang nangyari. Halos pabalik-balik na ako ng lakad dito sa may sala namin habang hawak ko ang aking cellphone, nagbukas ako ng soc med para i-check kung naka-online siya pero hindi kaya ang ginawa ko ay nagsend ako ng message kung nasaan na siya at please mag-reply siya dahil sobrang nag-aalala na ko. Alam ko'ng wala pang 24 hours siya nawawala pero nagbakasali ako kaya chinat ko ang isa sa mga kasamahan niya sa trabaho na si Joel pero hindi nag-reply. Muli ko'ng idinayal ang cellphone number niya, nagbabakasali at baka wala lang signal kanina kaya hindi matawagan pero gano'n pa din. Ilang beses ako nag-send ng text message sa kanya, sa chat online, at ilang beses ulit siyang sinusubukang tawagan pero wala pa rin hanggang sa hindi ko na namalayan na alas dose na pala ng gabi. Iniligpit ko na lamang ang mga pagkain na kanina pa dapat namin pinagsaluhan dalawa. Hindi ako nakatulog buong gabi, gusto ko man pumunta sa police station ay hindi pa naman pwede dahil wala pa'ng 24 hours na nawawala ang asawa ko. Enrico, nasaan ka na ba? Halos magkanda-lowbat na cellphone ko kaka-try tumawag sa kanya pero wala pa din. Kinabukasan ay pumunta ako sa bangko kung saan siya nagta-trabaho, siya ang manager doon. "Hello po Ma'am Elizabeth," ang bati sa akin ng nakangiting security guard na si Mang Bert. "Mang Bert, nandiyan po ba si Enrico?" Ang tanong ko dito, at lihim na nanalangin na sana nga ay nandito siya, hindi na mahalaga kung bakit hindi siya umuwi kagabi or hindi niya naalala ang anniversary namin sanay na naman ako sa gano'n senaryo. Ang tanging gusto ko lamang sa mga oras na ito ay malaman kung nasaan siya at ligtas ba siya. Napapakamot naman sa ulo si Mang Bert at parang nalilito'ng tumitig sa akin, kumuha ito ng plastic chair at pinapaupo ako. "Ma'am Elizabeth okay lang po ba kayo? Upo pa kayo." Sa totoo ay hindi ako, okay. Kailangan ko'ng malaman ang sagot sa tinatanong ko sa kanya, kaya inulit ko'ng muli ang tanong. "Mang Bert, nandiyan po ba si Enrico?" Hindi ko na mapigilan ang luha ko at muli na naman iyon pumatak kaya kinuha ko ang shades sa shoulder bag ko at sinuot ko para kahit papaano ay hindi niya makita ang pag-iyak. "Please, kumalma po muna kayo Ma'am Elizabeth," at iginiya ako ni Mang Bert para mapaupo sa upuan na inaalok niya kanina. May tinawag siya'ng babae, at hindi ko kilala ang babae na 'yon. Nagpakilala ito na siya na ang bagong manager sa bangko na ito, at dalawang linggo na daw ang nakalipas mula ng mag-resign ang asawa ko, tinanong ko pa ang kasamahan niya'ng si Joel kung nandito pa pero mas nauna daw 'yon nag-resign mga dalawang buwan na daw ang nakalipas. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko'ng impormasyon dahil normal naman ang routine na ginagawa ng asawa ko for the past two weeks, gumigising ng maaga para maghanda sa pagpasok at umuuwi din naman sa bahay. Although sanay na ako, dahil kalimitan ay ginagabi lagi siya ng uwi. Ang paliwanang niya ay marami pa daw siyang inaasikaso kahit tapos na ang banking hours eh nagta-trabaho pa din sila sa loob. Hindi naman ako nagrereklamo dahil trabaho naman 'yon at ang isa pa ay good provider naman siya. Siya ang lahat ng gumagastos sa pangangailangan namin at hindi na din niya ko pinagtatrabaho pa. 'Yon nga lang ay may pagka-mahigpit siya, ayaw niya na lagi ako'ng nalabas. Kung lalabas man ako ay limitado lang, kapag pupunta lang sa palengke or grocery, at dapat ay alam niya. Mula ng ikasal ako ay hindi na rin ako nakikipagkita sa mga kaibigan ko, dahil ayaw niya, wala naman daw maidudulot na maganda. Bago ko kasi siya naging asawa ay nagta-trabaho ako bilang waitress sa isang bar at mula ng maging mag-asawa kami ay pinatigil na niya ako sa pagtatrabaho at madalang ko na makita ang mga naging kaibigan ko doon, tanging sa social media ko na lang sila nakakausap. Bilang asawa niya ay sumusunod na lamang ako sa mga kagustuhan niya dahil 'yon din ang turo sa bibliya. Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop nʼyo sa Panginoon. At naniniwala ako doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD