EP7. Usual Spot

1010 Words
Five years ago. Lizzy's POV Ang pagsundo niya sa akin pagkatapos ng trabaho ko sa bar at pagkain namin sa diner bago niya ko ihatid sa tinutuluyan ko ay tila nakakasanayan ko na. Nasa usual spot kami nakapwesto ng upo, ito lang ang tanging pinupwestuhan namin kapag nakain kami dito sa loob ng diner na ito. Katatapos lang namin kumain, inuubos na lang namin ang kape na pina-refill namin. "You know it's weird na hanggang ngayon hindi ko pa alam kung anong trabaho mo, or kahit na ano'ng tungkol sa'yo." Ang curious na sabi ko sa kanya. Nginitian naman niya ako bago nagsalita. "Sa wakas interesado ka na din sa akin, hindi ka na nahihiyang magtanong, mukhang nagugustuhan mo na ko ah!" Ang sabi niya nakangiti bago humigop ng kape. Bahagya naman ako natawa sa sinabi niya, although may part siguro na totoo dahil hindi ko din naman maitatanggi na nagugustuhan ko na rin siya. Hindi naman ako papayag sa ganitong set-up kung hindi rin ako attracted sa kanya. "Hindi ha, ngayon ko lang kasi naisip eh baka mamaya eh killer ka na pala, tapos sama ako ng sama sa'yo," ang natatawang sabi ko sa kanya. "Ano ba'ng gusto mo malaman, sige tanong ka lang sasagutin ko lahat." Ang nakangiti pa din na sagot niya. "Hmm, okay sige. Describe Yourself?" "Ano 'to job interview?" Ang sabi niya habang napapakamot sa may batok niya. "Sabi mo sasagutin mo lahat?" "Okay, wait." Huminga muna siya ng malalim, at umayos ng pagkakaupo. Natatawa naman ako sa inasal niya, animo'y nasa job interview nga talaga kami. "My full name is Elizar Jimenez and hmmm... ano pa ba ang tungkol sa akin?" Ang sabi niya na napapailing na tila nahihirapan isipin ang iba pa'ng detalye tungkol sa buhay niya. "Sige tulungan na nga kita." Sumimsim muna ako ng kape bago ko sabihin sa kanya ang mga katanungan ko. Siyempre inuna ko yung tungkol sa work kasi hindi ko naman talaga alam kung may trabaho siya or what, ang tiyaga niya kasi na maghintay sa akin after work eh alanganin oras ang tapos ng trabaho ko. "Ano'ng work mo or may work ka ba?" Ang una ko'ng tanong sa kanya. "I'm a freelance consultant." Napatango-tango naman ako. "Oh, bakit ganyan reaksyon mo? Hindi ka ba naniniwala?" Ang nakangisi na sabi niya. "Ano'ng reaksyon?" Ang balik na tanong ko sa kanya eh tumango-tango lang naman ako. Hindi naman siya nagsalita bagkus ay nagkibit-balikat lamang siya bago muling sumimsim ng kape. "Well, it make sense na kaya mo'ng mag-stay ng ganito ka late, dahil hawak mo pala ang oras mo, 'yon ang naisip ko." "Okay, so what's the next question?" Nahihirapan ako, ano pa ba ang dapat ko'ng itanong? Ayoko naman magtanong tungkol sa mga past relationship niya at masyadong personal, tsaka parang ang cringey naman kung itanong ko sa kanya kung naka-ilang girlfriend na siya? Ah alam ko na about sa family na lang. "How about sa family naman, magkwento ka gano'n?" "Gusto mo ba'ng ipakilala na kita?" "Ah, hindi gusto ko lang malaman kung kasama mo sila sa bahay or nakabukod ka ba or what?!" Diyosko po nakakahiya, bakit ba gano'n ang mga lumabas sa bibig ko, parang na-tense ako. "Don't worry, if you like gusto mo punta tayo sa bahay ngayon eh," ang sabi niya na lalo ko'ng ikinahiya. "No, ah I mean pwedeng next time na lang, madami pa ko gagawin." Ang agad na tanggi ko dahil hindi ko alam, hindi ako ready pumunta sa bahay niya kung sakali. Medyo naging awkward tuloy ang usapan kaya naisipan ko na magtanong na lamang ulit. "Ilang taon ka na pala?" Ang medyo mahina ko'ng sambit, dahil hindi ko alam para kasing nahihiya ako na itanong 'yon sa kanya. "I'm twenty-five." Nagulat ako sa sagot niya dahil akala ko eh mga nasa trenta anyos na siya. "Seryoso twenty-five ka lang?" At sabi ko sabay turo sa kanya pero parang may mali bakit tinanong ko pa kung iyon ba talaga ang edad niya, ang labas tuloy hindi ako naniniwala na dapat ay hindi ko na inimik. "Bakit ano ba'ng akala mo?" Ang nakangisi niya'ng sabi. "Mga nasa thirty ka na?" Nabigla ako sa lumabas sa bibig ko, at tinakpan ko pa ito ng isang kamay dahil nakakahiya ang mga salitang binitawan ko. "I'm sorry," ang agad na hingi ko ng paumanhin sa kanya. Bigla naman siya natawa sa naging reaksyon ko. "Don't worry Lizzy, I will take that as a compliment." Naguluhan naman ako sa sinabi niya, imbes na mainsulto eh parang natuwa pa siya na mapagkamalan na trenta anyos na lalaki. "I don't understand." Ang sabi ko habang napapailing dahil nalilito ako sa sinasabi niya. "Well, kung inaakala mo na gano'n na ko katanda, it means ang tingin mo sa akin is I'm a serious man, and..." Ipinatong niya ang isang palad niya sa ibabaw ng kamay ko at bahagyang hinimas ito. "Seryoso ako sa'yo." Ang sabi niya habang seryoso din nakatitig sa mukha ko. Naiilang naman ako sa paninitig niya, halos hindi ako makatingin ng diretcho sa kanya. Inalis niya ang pagkakapatong ng palad niya at bumuntong hininga. "Tapos ka na ba, tara ihatid na kita," ang yaya niya sa akin. Hindi ko alam pero parang nakunsensiya ako sa inasal ko. Kapag tungkol sa gano'n usapin ay natatameme na talaga ako. Hindi ako makasagot or magawa siya'ng tignan ng diretcho. Tanging tango na lamang ang naisagot ko. Tinawag naman niya ang waitress, para kunin ang bill namin, at nagbayad na siya. Sabay na kaming tumayo para lumabas sa diner. Tahimik kaming naglalakad. Kailangan may sabihin ako. "Hmm, you know parang ang weird lang ng name natin." "Pano naman naging weird?" "Magka-rhyme, Elizabeth, Elizar." Sinabi ko pa talaga ang mga pangalan namin, para ma-gets niya kung ano ba ang sinasabi ko. "Ayaw mo ba no'n, parang destiny lang, kapag nagka-anak tayo hindi na tayo mahihirapan mag-isip ng pangalan, pwedeng Eli, Eliz, Iza at marami pa'ng iba," Nagawi na naman kami sa gano'n usapan, hindi na naman ako naka-imik, tanging pag-ngiti na lamang sa kanya ang aking nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD