EP8. A Glance From A Distance

813 Words
Lizzy's POV Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko. Itinupi ko muli ang paper bill at ibinalik sa envelop sabay lagay ko sa likod ng bulsa ng pantalon ko. Hindi ko na magawang maibalik sa drawer ang credit card bill dahil may gusto ako'ng gawin. Kailangan ko puntahan ang shop na 'yon, magbabakasakali na may makukuha ako'ng impormasyon pero naisip ko hindi dapat ako magpadalos-dalos. Dapat planuhin ko ang pagpunta doon at kung paano ako makukumbinsi ang salesperson or kung sino man ang nandoon na magbigay ng impormasyon dahil bawal ang gagawin ko. Magpapasama na lang siguro ako kay Monica pero sa ngayon ay need ko muna kumalma dahil malapit na rin mag-gabi. Alanganin na din kung aalis pa kami dahil medyo malayo din ang mall na ito, mga isang oras din ang biyahe mula sa bayan na ito. Sumapit na ang gabi, kahit wala ako'ng gana ay kailangan ko'ng kumain para magkaroon ako ng lakas. Sa ganitong panahon ay hindi dapat ako magkasakit. Naka-upo ako ngayon sa hapag-kainan at tahimik na naghahapunan ng mapatingin ako sa laging pinupwestuhan ni Enrico. Kadalasan ay sa almusal lang naman kami nagkakasabay kumain dahil masyado na siya'ng gabi nauwi lalo na nung mga nakaraang buwan. Hindi ko na magawang isubo pa ang pagkain na nakalagay sa kutsara ko. Napahawak ako sa noo ko at bahagyang minasahe iyon at napapikit ako. Hindi ko maiwasan na hindi mag-isip lalo na at nabasa pa ko ang statement ng credit card niya kanina. Kung meron man siya'ng ibang babae ay pwede naman siya'ng magsabi at makipaghiwalay hindi yung ganito. Sa isang banda ng isipan ko naman ay parang sinasabi na mali na pag-isipan ko agad si Enrico ng masama lalo na ngayon na nawawala ito. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at tumayo na ako, hindi ko na kayang tapusin ang pagkain ko, okay na naman siguro kahit papaano naman ay nakakain na naman ako. Sinimulan ko ng ligpitin ang plato at dinala ito sa lababo. Binuksan ko ang trash bin na nasa may kusina malapit sa lababo para ilagay ang pagkain na hindi ko naubos. At nagsimula na ko'ng maghugas ng plato ng mapatingin ako sa bintana. Kita ang labas mula dito. Nakita ko may kulay itim na kotse sa nakaparada sa may tapat ng bahay. Kinabahan ako ng makita ko na bumaba ang bintana ng kotse. Nakita siguro ng nasa loob na nakatingin ako banda roon. Bumilis ang tìbok ng puso ko ng makita ko ang taong nakasakay sa kotse na 'yon. Kahit medyo malayo ay nasisiguro ko na nakikita niya ako, at gano'n din naman ako sa kanya. Ngayon ay pareho na kaming nakatitig sa isa't-isa. Pinatay ko ang gripo, at agad tumalikod. Nung sinabi ko sa kanya na nawawala ang kapatid niya ay parang wala lang sa kanya, at ngayon naman ay nandito siya. Ano'ng ginagawa niya dito? Ano'ng kailangan niya? Sobrang bilis ng tìbok ng puso ko, hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon pagkatapos ng mga nangyari noon. . . . . . . . Elizar's POV Hindi ito ang unang beses na ginawa ko ito. Taga may pagkakataon ako ay dumadaan ako sa bahay na ito, nagbabakasali na makita siya. Ang babaeng hindi ko malimutan. Ang tanging babae na minahal ko, at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. Ngunit hanggang tingin na lamang mula sa malayo ang tanging magagawa ko lalo na at may pananagutan na ito, at sa mismong kapatid ko pa. Nag-ring ang aking cellphone, natawag ang isa sa mga tauhan ko, at agad ko naman sinagot ang tawag. "Hello." "Good evening boss, natunton na namin kung nasaan, at ngayon ay sinusundan na namin, nakasunod kami sa bawat kilos niya." "Good," ang tanging sagot ko sa isa at ibinaba ko na ang tawag. Muli ako'ng tumingin sa may bahay, makikita na bukas ang ilaw, medyo kita ng konti mula dito gawa ng madaming bintana style ng pagkakagawa ng bahay. Nakita ko na nasa bandang kusina na siya, at nasa tapat na ng lababo, yumuko pa ito ng bahagya na tila may itinapon. Nakakain kaya siya ng maayos. Hindi ko mapigilan at nahampas ko ang manibela ng kotse ko. Paano nagawa ito ni Enrico kay Lizzy, sa babaeng mahal ko. Apat na taon ako'ng nawala sa bayan na ito, at nang magbalik ako ay nagulat na lamang ako sa dinatnat ko. Kasal na si Lizzy at sa mismong kapatid ko pa. Wala ako'ng magawa kung hindi tanggapin ang lahat pero sa kaibuturan ng puso ko, alam ko na hinding hindi ko matatanggap. Nakatingin pa din ako sa kanya ng mapansin ko na tila natigilan siya at tumingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa akin, pinindot ko ang button sa gilid ng sasakyan upang bumaba ang bintana. Kahit malayo ay alam ko na nakikita niya ako. Ngayon ay pareho na kaming nakatitig sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD