Lizzy's POV
Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin umuuwi si Enrico, at wala pa rin lead ang mga pulis kung ano ang nangyari sa kanya.
Pinauwi ko na si Monica, at may trabaho din siya.
Ilang araw din siya'ng lumiban para samahan ako.
Ayaw pa nga sana ni Monica pero ako ang nagpumilit, at nangako naman ako na hindi ko pababayaan ang aking sarili.
Nilibang ko na lamang ang akong sarili at nag-general cleaning ako ng buong kabahayan, although malinis naman ay nilinis ko ulit para pagdating ni Enrico ay makita niya na malinis ang bahay namin.
Hanggang sa nagawi ako sa maliit na kwarto na ginawang opisina ni Enrico.
Nandoon pa din ang laptop nito sa lamesa na nakasara, hinawakan ko ang ibabaw nito.
Minsan lang ako pumasok dito, at tanging paglilinis lang ang ginagawa ko.
Hindi ko pinapakiealam ang mga gamit niya, dahil ayaw niya, at naintindihan ko naman dahil nga sa isip ko ay masyado mabusisi ang trabaho niya dahil nga bank manager siya, at takot din ako na baka may magalaw ako or may maitapon na mahalagang dokumento kaya hindi ako masyado pinapakielaman ang mga bagay dito tanging pagwawalis at pagpupunas lang ng alikabok ang nagagawa ko.
Nagawi ang paningin ko sa may drawer, katabi ng desk niya.
Hindi ko alam pero parang may bumulong sa akin na buksan iyon ngunit ng hilahin ko ay hindi ko mabuksan.
Naka-locked.
Kailangan ko'ng mabuksan ang drawer na 'to, dahil baka merong dokumento or papeles na makakatulong sa pagkawala ng asawa ko.
Kaya agad ko'ng hinalughog ang buong kwarto na 'to, para hanapin ang susi.
Hanggang sa itinaktak ko ang pen holder, nagbagsakan naman ang mga pencil at ballpen sa lamesa, at kasabay ng isang susi.
Agad ko'ng kinuha at tinitigan ito.
Sana ito ang susi ng drawer.
Agad ko'ng tinry, at sumakto naman ang susi, inikot at hinila ko.
Nabuksan ko ang drawer.
Agad ko'ng nabungaran ang mga folder na may laman na mga papeles.
Kinuha ko ang mga mga folder at ipinatong sa desk niya.
Umupo ako sa may desk at isa-isa ko'ng pinagbubuksan ang mga folder at binasa ang mga nilalaman ng dokumento pero mga numero naman or mga computation ang karamihan na hindi ko naman naiintidihan, so ibinalik ko na lamang sa folder ang mga papeles.
Tumayo ako para ibalik ang mga folder sa drawer ng may biglang nahulog na white envelop.
Nakaipit siguro 'yon sa isa mga folder at hindi ko na napansin, since pasada lang naman ng tingin ang ginawa ko sa mga papeles at hindi ko nga din naiintindihan ang mga nakalagay doon.
Kinuha ko mula sa sahig ang white envelop at inikot ito patalikod, credit card bill pala.
Pagdating sa mga bills ay si Enrico ang bahalang nagbabayad, dahil unang unang wala naman ako'ng trabaho, pangalawa ang sabi niya sa akin ay naka-enrol naman daw or naka-auto debit ang mga ito sa bank account namin.
Ang pera na binibigay niya sa akin ay nakalaan lang talaga sa pang-grocery, at sobra-sobra naman talaga.
Nung mga una namin pagsasama ay ibinabalik ko pa sa kanya pero ayaw naman niya'ng tanggapin, itabi ko na lamang daw or pwede ko daw gamitin sa mga personal ko'ng pangangailangan or kung may gusto ako'ng bilhin.
Nahihiya naman ako'ng gastusin ang perang hindi ko pinaghirapan, mga importanteng bagay lamang ang aking binibili at itinatabi ko na lamang ang natira.
Hindi na selyado ang white envelop means nakita na niya 'to.
Ilalagay ko na ito sa loob ng drawer pero parang sinasabi ng instinct ko na buksan ko ito.
Inilabas ko ang papel na nakatupi sa loob ng white envelop at binuklat ito.
Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko.
Sa kanya ba talaga ang credit card na 'to.
Chineck ko pa pero pangalan talaga ni Enrico, at sa kanya talaga nakapangalan ang card.
Naiiyak ako sa nababasa ako, ayaw ko'ng pag-isipan ng masama ang asawa ko pero bakit ganito ang laman ng transaction details niya.
Makikita sa description ng bill ang date, saan ginamit at kung magkano ang halaga.
Mga pangalan ng restaurant at bar ang una ko'ng nabasa.
Wala ako'ng natatandaan na kumain kaming dalawa sa mga restaurant na ito, dahil hindi naman kami mahilig lumabas.
Hindi kami nagde-date dahil wala siyang time at busy siya sa trabaho.
Rumagasa naman ang kaba sa dibdib ko sa sunod na nabasa ko, pangalan ng mga sikat na mamahaling brands na pambabae.
Tila sinasabing utak ko na meron siya'ng ipinag-shopping na babae.
Halos nanlumo ako na ibinagsak ang papel sa may desk niya, at masyadong mabigat sa dibdib ang nabasa ko.
Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko, parang hindi ko kayang ituloy ang pagbabasa pero gano'n pa man ay muli ko'ng tinignan ang papel.
May nabasa pa ako na sikat na pangalan ng isang lingerie shop.
Halos manghina na ako, at hindi ko na napigilan mapaiyak pero sa isang bahagi ng isip ko ay parang sinasabi na mali na mag-assume ako agad, baka naman may humiram lang ng credit card niya or kung ano man, at dapat pakinggan ko muna ang paliwanag ni Enrico sa bagay na ito.
Nasaan ka na ba Enrico?
Tahimik ako'ng nanalangin na sana ay ligtas siya at umuwi na siya sa akin.