Five years ago. Elizar's POV Kababa lang namin sa kotse at patawid na kami ni Lizzy sa kabilang side ng kalsada papunta sa kanyang apartment dahil lagi ko siya'ng inihahatid hanggang pintuan niya ng bigla naman bumuhos ang malakas na ulan kung kailan naman malapit na kami. "Oh, my God, nabasa kana, halika pumasok ka muna sa loob para makapagpunas at tsaka magpatila ka muna dahil ang lakas ng buhos ng ulan oh," Ang yaya sa akin ni Lizzy at itinuro niya pa ang malakas na ulan. "Sige." Ang agad ko'ng payag sa paanyaya niya. Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng apartment niya. Napakaliit lang pala talaga ng tinutuluyan niya dahil walang kwarto, makikita na agad ang lahat ng gamit sa loob pagkapasok. Pero kahit maliit ay malinis naman, meron lang siya na isang single coach at agad ni