Lizzy's POV Ano'ng ginagawa niya dito? Ano'ng kailangan niya? Sobrang bilis ng tìbok ng puso ko, hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon pagkatapos ng mga nangyari noon. Hindi na ko muling lumingon sa bintana at hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya. Kinuha ko ang kitchen towel na nakasabit at pinunasan ko ang aking kamay, at pagkatapos ay pumunta ako sa may sala para kunin ang cellphone ko na nasa may center table sa tapat ng sofa. Umupo ako at muli ko na naman tnry i-dial ang number ni Enrico. Kahit paulit-ulit na hindi matawagan ay nagbabakasali pa din ako na baka mag-ring. Habang nakatapat sa tenga ko ang cellphone ay bigla ako'ng nakarinig ng pagkatok sa pintuan. Halos mapatalon ang puso ko sa gulat at kaba. Ibinaba ko ang cellphone at ipinatong ko muli sa cent