Lizzy's POV Nahihirapan man pero nagawa ko'ng sabihin kay Monica ang hinala ko sa ginawa ng aking asawa. Nanatili namang tahimik si Monica at nakatingin lang sa akin. Tinupi niyang muli ang papel at ibinalik niya sa puting sobre at ipinatong niya sa center table. Marahil nag-iisip siya ng sasabihin na hindi ako masasaktan. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. "Sa totoo lang Lizzy hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko dahil kahit sabihin ko'ng naiintindihan kita eh hindi ko pa naman naranasan magkaroon ng asawa, at isa pa alam mo naman siguro na hindi kami magkasundo ng Enrico , ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay suportahan ka." Nagpapasalamat naman ako kay Monica dahil hindi siya nagsalita ng ano mang hindi maganda ngayon, tila tinitimbang ang mga bagay-bagay