PREVIEW

423 Words
Lizzy's POV “Maghubad ka!” Ang sabi niya habang nakaupo, may hawak na isang baso ng alak at inikot ikot ito. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ito ang Elizar na kilala ko. Elizar Jimenez, ang kapatid ng asawa ko'ng si Enrico Jimenez na hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung nasaan na ngayon. Isang buwan ng hindi umuuwi ang asawa ko, kaakibat ng kalungkutan ko sa pagkawala niya ay ang mga taong pilit nanggugulo at nangha-harass sa akin. Malaking pera daw ang pagkakautang ng aking asawa at ako ang kinukulit nila, wala ako'ng ibang alam na pwedeng lapitan kung hindi ang kapatid niyang si Elizar. Alam ko'ng magagalit ang asawa ko kung sakaling bumalik siya at malaman niya na humingi ako ng tulong sa kapatid niya. Una kaming nagkakilala ni Elizar pero bigla ito'ng nawala. Ang akala nga namin ng asawa ko ay patay na ito pero bigla na lamang siya nagbalik dito sa bayan ng San Isidro pagkalalipas ng ilang taon. Nang bumalik si Elizar ay nagsimula siya'ng magtayo iba't-ibang negosyo sa bayan na ito. May club, pasugalan at pautang kung saan hindi pabor ang asawa ko'ng si Enrico dahil sa tingin niya ang mga ganitong uri ng mga negosyo ay makasalanan. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ako makapaniwala sa gusto niyang gawin sa akin, tinulungan nga niya ko sa problema ko pero katawan ko naman ang gusto niyang maging kapalit. Paano na lang kung magbalik ang asawa ko, ang kapatid niya, ano'ng mangyayari? “Please, nakikiusap ako huwag mo naman gawin sa amin ito.” Ang pagmamakaawa ko sa kanya. Tumawa siya ng bahagya bago muling magsalita. “Sa amin? Ano’ng sinasabi mo? Kailan ka ba magigising? Hinding hindi ka na niya babalikan! Nalilito ako sa mga sinasabi niya. Paano niya nasabi na hindi na ako babalikan ng asawa ako? Nang kapatid niya? Ano’ng nangyari? Ano’ng alam niya? Tumayo siya at ipinatong sa mesa ang baso na may alak na hawak niya at naglakad siya papalapit sa akin hanggang sa nasa may tapat ko na siya. Magkaharap na kaming dalawa. “Alam ko kung ano ang iniisip mo? Gusto mo ba talaga malaman kung ano ang ginawa ng magaling mo’ng asawa.” Nagkatitigan kami mata sa mata. Pinunasan ko ang mga luha ko’ng patuloy pa din sa pagbagsak. Lumapit siya sa akin at bumulong. “Ikaw ang pinambayad utang ng asawa mo kaya simula sa mga oras na ito, sa ayaw at sa gusto mo ay PAGMAMAY-ARI na kita!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD