Five years ago. Elizar's POV Masuyo ko'ng hinaplos ang kanyang buhok, at pagkatapos ay hinagkan ko siya sa kanyang noo bago sabihin ang mga katagang.... "Mahal kita." Tumitig siya sa mga mata ko, bahagya'ng kumagat sa kanyang ibabang labi, at ngumiti bago sabihing... "Mahal din kita." Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa sinabi niya. Muling naglapat ang aming labi. Tabi kami at magkayap na natulog pero halos hindi rin naman ako nakatulog ng maayos dahil sa saya na nararamdaman ko, hanggang sa may munting liwanag na ako'ng naaaninag mula sa bintana niya. Parehas pa din nakahubad ang aming mga katawan na nababalutan ng kumot. Nakadaganan ang ulo niya sa isa ko'ng braso. Tumagilid ako ng higa at pinagmamasdan ko ang maganda at maamo niyang mukha. Tulog pa din siya hanggang nga