Five years ago.
Lizzy's POV
Halos gabi-gabi ng bumabalik si Elizar sa bar na pinagtatrabahuan ko.
Hanggang sa nagkamabutihan kami.
Hanggang sa minsan ay napapayag na niya ako na sumama sa kanya para kumain after ng shift ko.
Nasa isang diner kami na open 24/7. Magkatapat na naka-upo. Alas dos na ng madaling araw, so counted ito as super early breakfast.
Inilapag na sa harapan namin ang order namin na pagkain sa bandang gitna ng lamesa namin dahil for sharing ang inorder ni Elizar, sabi ko nga ay yung mga sulit meal na lang pero ayaw niya so pinabayaan ko na lang.
May pancake, fried rice, bacon, egg at hotdog, literal na heavy breakfast.
Agad naman ako kumuha ng tig-iisa para ilagay sa plato ko, medyo nahiya ako ng makita ko na nakatitig sa akin si Elizar habang nakangiti kaya parang medyo binagalan ko ang pagkuha ng pagkain.
"Bakit parang nahiya ka?" Ang tanong niya habang nakangiti.
Paano ba naman ako hindi mahihiya eh pakiramdam ko natatawa siya at medyo patay-gutom ang datingan ko kanina.
"Hindi naman, tara kain na tayo," ang yaya ko pa sa kanya dahil hindi pa siya nakuha ng pagkain, wala pang laman ang plato niya.
After ko'ng sabihin 'yon ay kumuha na din siya ng pagkain pero tanging pancake lang ang inilagay niya sa plato niya.
"Yan lang ang kakainin mo?" Ang tanong ko sa kanya bago ko isubo ang pagkain sa bibig ko, nag kanin na ako, nakakahiya man pero wala eh, gutom na.
"Yes," ang matipid na sagot niya habang nilalagyan ng syrup ang pancake at hinati niya ito na parang pizza style at tsaka itinusok sa tinido ang pancake at isinubo sa bibig niya.
"Mabubusog ka ba diyan?" Ang muli ko'ng tanong after ko'ng manguya ang kinakain ko.
"Busog na ko kanina pa?" Ang sagot niya bago muling tumusok ng pancake at muling sumubo.
"Wala ka naman kinain ah!" Ang muli ko'ng tanong dahil tantiya ko mga three hours din ata siya nag-stay sa bar para antayin ako at alak lang ang laman ng tiyan niya.
Sakto naman na iinom ako ng tubig ng bigla siya'ng nagsalita.
"Makita lang kita, okay na, busog na."
Muntik ko ng maibuga ang tubig na iinom ko pero buti napigilan ko, konting tapon lang sa may paligid ng labi ko kaya aabutin ko sana ang tissue pero naunahan niya ko.
Halos mapatayo na siya ng konti para lang maabot at mapunasan ang paligid ng labi ko.
"Alam ko'ng bagong magkakilala pa lang tayo pero alam ko sa sarili ko na that moment na una kitang makita ay kaya kitang alagaan," ang seryoso'ng sabi niya habang patuloy sa pagpupunas.
Hindi naman ako makagalaw at nanatiling nakatitig sa mukha niya habang siya naman ay nakatingin sa bandang labi ko, hanggang sa matapos ang pagpupunas siya at agad ako'ng nag-iwas ng tingin dahil siya naman ang tumitig sa mukha ko.
"Thanks," ang nahihiya ko'ng sabi.
"Kain na tayo," ang yaya ko ulit sa kanya dahil hindi ko na alam ang iba ko pa'ng sasabihin.
Nakakabigla yung sinabi niya at napakaseryoso pa, this is supposed to be a simple eat-out at naging seryoso na ang usapan.
Tahimik na kaming kumain nun hanggang sa matapos, and then pumayag ako na ihatid niya ako kung saan ako nakatira.
Naupa lang ako ng isang maliit na apartment, and natuwa naman ako, dahil hindi siya nag-attempt na hawakan ang kamay ko, at ang mag-assume na i-invite ko siya sa loob, at lalo na ang humiling ng kiss like na ginagawa ng other guys.
Kinabukasan ay inabangan na naman niya ko matapos sa shift ko at niyaya na naman niya ko kumain, same place dahil 'yon lang naman ang open na kainan sa lugar namin, dahil alanganin nga ang oras ng labas ko sa work.
Hanggang sa nakasanayan ko na ang gano'n routine sa pagitan namin ni Elizar.
Katatapos lang namin kumain at naisipan muna namin maglakad lakad bago niya ako ihatid dahil medyo napadami ang kain namin.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa kinakainan natin," ang tanong niya sa akin.
"Hindi naman, paiba-iba naman inoorder mo eh, ayaw mo naman ng sulit meal," ang sagot ko sa kanya.
"Hindi ka naman mabubusog do'n eh, konti lang ang serving nun, hindi sapat sa'yo 'yon," ang natatawang sabi niya.
"Grabe ka sa akin," ang natatawa ko din sagot sa kanya pero totoo naman ang sinabi niya ang konti nga ng serving ng meal na 'yon pang budget meal lang kumbaga.
"Hindi kaya, 'di ba sabi ko sa'yo ay aalagaan kita," ang seryoso niya'ng sabi sabay hawak sa isang kamay ko.
Pinagsaklop niya ang aming mga kamay, hindi naman ako kumontra bagkus ay nagustuhan ko ang pakiramdam na dulot ng kanyang mainit at malaking palad.
Ipinagpatuloy namin ang paglalakad habang magka-holding hands.
"Tahimik ka na naman?" Ang muling wika niya.
Ang bilis ng tìbok ng puso ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, kapag ganito na ang usapan ay talagang natatameme na ako, pero nung mga nakaraan ay hindi na naman siya muling nagsasalita kapag tumatahimik na ako pero ngayon ay hindi.
Ano'ng isasagot ko?
Tumigil siya sa paglakad, kaya napatigil din ako at napatingin kami sa isa't-isa.
Tila ba tumigil ang mundo dahil pareho na kaming nakatitig sa isa't-isa.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at inipit sa likod ng aking tenga, at pagkatapos ay tumingin siya sa mga labi ko.
Sa sandaling ito ay hindi ako tumututol kung ano man ang gusto niya'ng gawin.
"Don't worry hindi naman ako nagmamadali kung hindi ka pa ready," ang sabi niya at pagkatapos ay muli na kaming naglakad ng sabay.