"J-jethro?" nagugulantang na saad ko. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko palabas ng banyo pero agad nang umatras ang isang paa ko. Naghahalo ang takot at galit sa aking puso.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang tumaas ang sulok ng kanyang labi dahil sa pagka-utal ko. Gusto kong tirisin ang aking sarili dahil nautal pa ako. Hindi dapat ako maging mahina sa harapan ng demonyong ito.
"Bakit, Edna? Hindi ka ba natutuwa na makita ako dito?" Aniya. Tumaas pa ang isang kilay nito. Humigpit ang hawak ko sa tuwalyang nakabalot sa hubad kong katawan. Napalunok ako ng sariling laway bago dumapo ang paningin ko sa pintuan ng aking kwarto. Umaasa ako na makita doon si Nanay Belen pero lumipas na ang ilang segundo ay wala pa ring pumapasok sa aking kwarto kaya binalot na ng takot ang buo kong sistema.
"Si Nanay Belen ba ang hinahanap mo? Nasa taas siya, inutusan kong ligpitin ang kalat sa kwarto ko," sabi nito at muli na naman humakbang papalapit sa akin.
"Anong ginagawa mo? Pwede bang lumabas ka?" May pagmamakaawang saad ko. Saglit siyang natigilan ngunit kapagkuwan ay walang buhay na natawa.
"Who do you think you are, b*tch? Bahay ko 'to kaya papasok ako kahit saan ko gusto. You have a guts to order me, huh? Hm, I like the confidence," singhal niyang bigla. Sa mga huling kataga na kanyang binitawan ay tila ba may halong paghanga. Mapaglaro ang kanyang tinig na mas lalo lamang nagbigay ng takot sa aking sistema.
"Please, sir Jethro. Lumabas ka muna," kalmadong tugon ko. Sa halip na sumunod siya sa aking pagmamakaawa ay prente pa itong umupo sa isang single bed. Kapagkuwan ay dahan-dahan itong humiga ng patagilid at ginawang unan ang kanyang balikat habang mariin akong pinagmamasdan. Tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko pero pakiramdam ko ay para akong hubad na karne na nakahanda na niyang lantakan. Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng kanyang titig. Nakakakilabot at talagang nakakatakot.
"Bakit pa ako lalabas? Ano ngayon kung makita ko ang katawan mo? Nakita at nalasahan ko na iyan kaya wala na rin silbi kahit itago mo pa iyan sa akin," balewala nitong sabi. Talagang nagkibit-balikat pa ang magaling at manyak kong amo.
Nabuhay ang inis sa aking sistema kaya hindi ko naiwasan na irapan ito. Paika-ika akong naglakad papalapit sa kanya para kumuha ng damit sa bag na nasa ilalim ng kama. Medyo nag-aalinlangan pa akong lumapit sa kanya pero naisip ko na mas manganganib ang p********e ko kung patuloy akong haharap sa kanya ng nakatuwalya lamang.
"Maputi at makinis naman pala ang katawan mo. My bad, hindi ko masyadong nakita ang ganda mo. Tsk..." bulong niya. Natigilan ako sa pagbukas ng aking bag dahil sa kanyang sinabi. Mas humigpit ang kapit ko sa tuwalya nang maramdaman ang daliri nito na dumikit sa likuran ko. Pakiramdam ko ay may boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan dahil sa simpleng pagdampi ng kanyang daliri.
Naglakas-loob akong humarap sa kanya habang hindi maipinta ang aking mukha. Napupuno na ako sa sama ng ugali nito. Hindi ba talaga siya nakukunsensiya sa paglalaro sa mga taong nasa paligid niya? Nandoon na ako sa gusto lamang niyang mag-enjoy sa magandang buhay na kanyang tinatamasa. Pero sumusubra naman ata ito dahil inaapakan na ang ibang tao.
"Ano ba talaga ang kailangan mo, huh?" Inis na tanong ko. Muling tumaas ang gilid ng kanyang labi bago umayos ng pagkaka-upo. Kapagkuwan ay mahina niyang tinapik ang bakanteng kama sa kanyang tabi.
"Come here. Let's talk," seryosong aniya. Kumunot ang aking noo? Ano kaya ang let's talk na sinasabi nito. Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming dapat pag-usapan. Sinira na niya ang buhay ko. Ano pa ba ang gusto niyang mangyari.
"Edna, come here. I said, let's talk," mautoridad niyang utos. Napabuntong hininga ako at saka tumayo. Nang maka-upo sa kanyang tabi ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang mapagtanto na hawak-hawak ko ang aking pante. Tanging iyon lang ang nakuha kong gamit mula sa hinalungkat na bag. Pasimple kong itinago iyon para hindi na niya makita pa. Pero nang marinig ko ang mahina niyang pag tsk ay napagtanto ko na hindi rin iyon nakatakas sa kanyang mga mata.
"Jethro..." may kalakasang sigaw ko. Nagulat ako nang bigla niyang inagaw ang hawak kong pante pero mas ikinagulat ko pa ang ginawa nitong pag amoy sa telang pangtakip ng aking p********e. Sininghot niya iyon nang sininghot na para bang iyon na ang pinakamabangong amoy na dumampi sa kanyang ilong.
"Akin na iyan. Please, ibalik mo sa akin iyan," saad ko at pilit na inaagaw sa kanyang kamay ang aking pante. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako magtagumpay. Sadyang mabilis ang kanyang mga galaw. Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang lumayo dahil inilapit na nito ang kanyang mukha sa akin. Muntik ko pa siyang mahalikan.
"Tang*na naman oh..." nanggigigil na bulong ko. Kahit pa pinalaki ka ng maayos ng iyong mga magulang ay mapapamura ka pa rin talaga dahil sa subrang inis. Tila naman narinig niya ang aking ibinulong dahil natawa ito.
"Hindi ko alam na marunong ka rin naman pala magmura," aniyang natatawa. Bakas ang pagkamangha sa kanyang tinig. Pero sa sumunod niyang mga salita ay doon na tila nagliyab ang aking sistema. Nabuhay ang inis at galit ko dahil sa pagsira nito sa aking p********e.
"Totoo nga ang sinasabi nila na don't judge the book by it's cover. Mukha ka lang inosenti pero nagtatago lang pala sa katauhan mo ang kakambal mong magdudulot ng masama sa iba. I should have known.Tsk..." aniyang napapa-iling. Kumuyom ang aking kamao. Ang matalim kong mga mata ay walang buhay niya iyon sinalubong. Tila ba hinahamon ako na ipakita kung sino ba talaga ako at kung ano ba talaga ang kaya kong gawin.
Son of a b*tch!
"Kahit anghel pa ang makakaharap mo, talagang lalabas ang masama nitong ugali dahil sa kademonyuhan mo," mariin kong sagot. Napangisi ang magaling kong amo kasabay ng pagtaas ng isa nitong kilay.
Paano niya kaya iyon nagagawa?
"Whatever, b*tch," walang buhay niyang sagot at saka tinatamad na humiga sa maliit kong kama. Pansin ko ang mabilis na pagbabago ng emotion sa kanyang mukha. Ang hawak nitong pante ay ipinatong pa niya sa ibabaw ng kanyang ilong, sininghot nang sininghot ang amoy niyon dahilan upang mariin kong maipikit ang mga mata. Hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan. Tila ba sa pante niya ibinuhos ang itinatago nitong emotions.
Nag mistula siyang manyakis na gumagamit ng datu puti dahilan para mas lalong magmukhang badboy.
Katulad ng mga napapanood ko sa mga palabas kung saan gangster na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga bida. Sa puntong kahit nakakatakot pa ang kanilang hitsura ay mayro'n pa rin sa sistema mo na hindi mapigil ang kilig na nadarama.
"Baka naman matunaw ako sa mga titig mo, Edna. Bakit hindi ka na lang umupo sa ibabaw ko at magsimulang ipagmaneho ako," saad nito na pumukaw ng aking atensyon. Malakas akong napasinghap kung kaya natawa ito na para bang aliw na aliw sa kanyang nasaksihan.
"Hindi ko gagawin iyon. Lumabas ka na, please..." pagmamatigas ko. Inis man pero nagawa ko pa rin pakalmahin ang aking boses. Hindi ako mananalo sa kanya kung makikipagmatigasan ako. Siya pa rin ang aking boss at isang hamak na alipin lamang ako.
"Hindi ko tinatanong kung gusto mo o hindi. Gusto kong umupo ka sa ibabaw ko at magsimulang ipagmaneho. Ako ang hari sa pamamahay na ito kaya ang gusto ko ang siyang palaging masusunod. Do you understand me?" Seryoso na niyang sabi. Agad na tumayo ang lahat ng buhok sa katawan ko. Nakakakilabot ang lamig ng kanyang tinig. Puno iyon ng autoridad kaya hindi ka magdadalawang isip na tumanggi kung mahal mo pa ang iyong buhay.
"Ano? Gagalaw ka ba diyan o gusto mong sabihin ko pa kay 'Nay Belen na inaakit mo ako," dagdag niya. Ngumisi ito na mas lalong nagpakaba sa dibdib ko.
"Please, huwag mong gawin ito sa akin, sir Jethro. Nakiki-usap ako sa'yo. Pakiusap, huwag mo nang idamay pa si Nanay dito. Maawa ka. Matanda na siya at baka hindi kayanin ng katawan niya ang ano mang problema na kanyang marinig," sagot ko. Sa isang iglap ay agad na tumulo ang butil ng luha mula sa aking mga mata. Mabilis na pinuno ng magkahalong emosyon ang buo kong katawan. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman.
Kapag talaga nadadamay na si Nanay ay dali-dali na akong nanghihina. Nawawala ang lakas ng loob ko at ang tiwala ko sa aking sarili. Subrang laki ng utang na loob ko sa taong iyon na nagpalaki at nag-aruga sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nasa lansangan pa rin ako at namumulot pa rin ng basura para lang mabuhay. O 'di kaya ay baka namatay na ako sa subrang gutom kung hindi lang ako nito kinupkop. At talagang hindi ko matatanggap na may mangyaring masama sa kanya nang dahil sa akin.
Sa kawalan ng mapagpipilian at dahil na rin sa takot na namuo sa loob ko ay unti-unting humakbang ang aking mga paa patungo sa kanya. Nakatayo kasi ako ng ilang hakbang lang ang layo mula sa kama. Marahil sa subrang takot ay hindi ko na namalayan kung paano ko magawang lumayo sa kanya. Ang tanging sigurado ko lang ay tila ba may sariling isip ang aking mga paa para kusa iyon humakbang palayo sa taong lumapastangan sa katawan ko.
Napapalunok ng sariling laway at talagang nangangatog ang aking mga binti. Ang magkabila kong palad ay basa ng pawis habang nanlalamig. Ayaw ko nang maulit pa ang anomang nangyari sa amin. Pero paano matutupad ang kagustuhan kong iyon kung gagamitin niyang dahilan si Nanay para manghina ako? Dapat ko bang isipin ang sarili ko o unahin ang kapakanan ng matandang ibinigay ang lahat huwag lang ako manatili sa lansangan at mamatay sa subrang gutom?
Kung pwede lang sana bumukas na lang ang lupa sa kinatatayuan ko para lamunin na lamang ako nito ay mas maganda pa, mas magugustuhan ko pang mangyari iyon. Pagtakas na lang ang alam kong solusyon sa nangyayaring ito sa akin. Sana nga ay lamunin na lang ako ng lupa at nang matapos na ang paghihirap kong ito. Dahil hindi ko rin kayang umalis ng bahay na ito at iwan si Nanay Belen, wala akong mapupuntahan at siguradong sasama ang loob niya sa akin kapag lumayas ako.
"The time is running, Edna. Gagalaw ka ba diyan o hihintayin mo pang bumaba si Nanay? I don't mind if you want her to watch us," nakangisi niyang sabi. Ang takot kong mga mata ay mabilis na dumapo sa kanyang kamay na naglalakbay patungo sa kanyang harapan. Nakita ng dalawa kong mga mata kung paano niya hinaplos ang umbok sa pagitan ng kanyang mga hita.
"I'm f*cking hard. Move your d*mn body do something before I lost my control here," aniya. Nagsisimula nang magbanta ang kanyang tinig. Umangat ang mga mata ko at deretsong tinignan siya sa mga mata. Nagsisimula nang mabasa ang sulok ng aking mga mata, nagmamakaawa iyon sa kanya para huwag niyang gawin ang ano mang binabalak. Pero sa tigas ng kanyang hitsura ay napagtanto ko na hindi talaga siya nagbibiro. Seryoso ito sa kanyang sinabi.
"Edna..." malalim at talagang malamig ang kanyang tinig nang sambitin ang aking pangalan.
"Jethro..." bulong ko habang nakatitig pa rin sa kanyang mga mata.
"Go on, baby. Huwag mo nang hintayin na masaktan pa kita," aniya. Sa pagkakataon na iyon ay ibang Jethro na ang nasa aking harapan. Malumanay at talagang kalmado na ito.
"Jethro..." saad kong muli. Ngumiti ito at tumango sa akin. Kapagkuwan ay dahan-dahan siyang bumangon, inabot ang aking kamay at maingat na hinila papalapit sa kanya.
"Be a good girl and just do everything I want. Sumunod ka sa lahat ng gusto ko para wala tayong problema," malumanay na bulong niya. Umiling ako nang ilang dangkal na lang ang layo ko sa kanya. Naka-upo siya sa kama habang ako ay nakatayo pa rin sa kanyang harapan kaya saktong pumantay ang kanyang mukha sa aking dibdib kong natatakpan ng tuwalya.
"Jethro, huwag. Please, huwag mong sirain ang buhay ko," puno ng nagmamakaawang bulong ko. Nakangiti siyang umiling habang nakatingala sa akin.
"Hindi ko sisirain ang buhay mo, Edna," sagot niya. Muli akong napa-iling.
"Sisirain mo, Jethro. Itutulad mo lang ako sa ibang babae na pagkatapos mong ikama at pagsawaan ay itatapon mo na lang ng basta-basta. Si Nanay Belen lang ang mayro'n ako, Jethro. Huwag mo naman tanggalin sa akin ang makasama siya. Ayaw kong magaya sa mga itinapon mo. Wala akong mapupuntahan," umiiyak na saad ko. Napapitlag ako nang tumaas ang isa niyang kamay at hinawakan ang aking pisngi.
"Hindi mangyayari sa'yo ang nangyari sa kanila basta sumunod ka lang sa lahat ng gagawin ko. Kaya kong ibigay ang lahat sa'yo, Edna. Hayaan mo lang ako na gawin ang lahat ng gusto ko. Maging mabait at masunurin ka lang sa akin, wala tayong magiging problema," giit niya. Napatitig ako sa kanya, ni paghinga at pagkurap ay hindi ko ginawa. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ng loob para salubungin ang nangungusap niyang mga mata. Mistulang ibang Jethro ang aking kausap sa mga sandaling iyon. Malambing at harmless na tao ang nasa harapan ko, ibang-iba sa kilala kong pagkatao niya.
"Edna, listen to me. Hindi ka magagaya sa kanila kung susunod ka sa lahat ng gusto ko. Hindi nakalagay sa kapahamakan ang buhay mo kung makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko. Do you understand me?" Dagdag pa nito. Sa puntong iyon ay hinawakan pa nito ang magkabila kong balikat. Wala sa sarili akong napatango dahilan para mapangiti siya.
"Good girl," may ngiting aso niyang sabi. Sa halip na makaramdam ng takot dahil sa kakaiba nitong nito ay kakaibang pananabik ang nabuhay sa loob ng aking sistema. Marahil ay dahil nasabik lang ako sa mga posibleng mangyari. Sa isang tulad ko na walang karanasan tungkol sa s****l na gawain ay hindi ko masisisi ang aking sarili kung maging tanga man ako sa mga puntong iyon. Pero hindi dapat ako magpadala sa tukso. Sa huli ay naging matino pa rin ang takbo ng aking pag-iisip.
"Hindi pwede, sir Jethro. Hindi ako papayag na gawin mong laruan ang katawan ko," mariin na saad ko. Sa isang iglap ay mabilis na nabura ang ngiting naka-ukit sa kanyang mga mga labi. Mabilis na nagdilim ang kanyang mukha. Bago ko pa man namalayan ay natagpuan ko na ang aking sarili na nagmamakaawa habang umiiyak.