Chapter 2

1114 Words
Edna "Edna, ayos ka lang ba? Pansin ko na kanina ka pang tulala diyan. May nangyari ba habang nasa palengke ako?" agad akong napa-ayos ng upo nang marinig ang boses ni Nanay. Tumikhim ako at pinilit na ngumiti ng maayos. Masakit pa rin ang gitna ng mga hita ko pero ayaw kong mahalata iyon ni Nanay. Ayaw kong malaman niya ang nangyari. "Wala ho, 'Nay. At saka ayos lang po ako," sagot ko. Tumango si Nanay habang pinagmamasdan ako. Pansin kong hindi rin siya kumbinsado sa naging sagot ko pero hindi na siya nagtanong pa. "Si Jethro, kumain na ba?" sa halip ay naging tanong nito. Agad na tumigas ang ekspresyon sa mukha ko. Nabuhay ang matinding galit sa puso ko. Mabanggit pa lang ang pangalan niya ay gusto ko nang sumuka. Nakakasuka ang lalaking iyon. Napaka-demonyo niya. Wala siyang kasing-sama. "Anong mukha iyan, Edna?" puno ng pagtatakang tanong ni Nanay. Agad akong umayos para hindi na siya mas magtaka pa. "Wala po, 'Nay. Bigla lang po sumakit ang puson ko. Malapit na kasing darating ang dalaw ko," pagdadahilan ko. Agad na napangiti si Nanay at saka lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang mga mata niyang punong-puno ng pagmamahal para sa akin. "Dalaga ka na talaga. Baka isang araw, magising na lang ako na ikakasal ka na," nakangiti niyang sabi dahilan para mapangiti rin ako. Subrang swerte ko dahil sa kanya ako napunta. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nasa lansangan pa rin ako. "At kapag nangyari iyon, ikaw ang maghahatid sa akin sa altar," masayang tugon ko. Nagkatinginan kami ni Nanay Belen bago nagkatawanan. "Parang kailan lang nang makita kita sa lansangan. Subrang bilis lumipas ng mga araw kapag masaya ka. Kaya ikaw, huwag mo ng tagalan pa. Mag-asawa ka na at nang makita at maalagaan ko pa ang mga apo ko," aniya dahilan para matawa ako. Para bang kiniliti ang puso ko. Subrang nakakataba ng puso na magkaroon ng taong magmamahal sa'yo ng tunay at totoo kahit na hindi ka niya kaano-ano. "Sinong mag-aasawa?" aniya ng isang boses. Ang nagmamay-ari niyon ang taong ayaw ko nang makita pa kahit na kailan. Mabilis akong bumitaw sa yakap ni 'Nay Belen. "Jethro, nandiyan ka na pala. Heto kasing si Edna, hinihiling ko na mag-asawa na," sagot ni 'Nay Belen at sinulyapan pa ang lalaking sumira ng p********e ko. "Tsk," narinig kong sabi niya. "Nanay, punta lang po muna ako sa kwarto," paalam ko. Ayaw kong magtagal pa sa kusina dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Ayaw kong malaman ni Nanay ang nangyari. Alam kong mahal niya ako pero alam ko rin na mahalaga sa kanya si Jethro. Ayaw kong mahirapan siya sa aming dalawa. "Bakit? Hindi ka pa ba kakain?" nagtatakang tanong ni Nanay. "Mamaya na lang po. Hindi pa kasi ako nagugutom," sagot ko. Iyon na lang ang sinabi ko kahit ang totoo ay kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Pero dahil nandito ang demonyong lalaking ito ay nawalan na ako ng gana. "Kumain ka ba kanina habang nasa palengke ako?" tanong ni Nanay kaya tipid akong umiling. "Gano'n naman pala. Sige na. Umupo ka na nang makakain na tayo," aniya at nagsimula na siyang ihanda ang lamesa. "Gagamit po muma ako ng banyo, 'Nay," giit ko. Tumigil si Nanay sa kanyang ginagawa at mariin akong tinitigan. "Edna, may problema ba?" seryosong tanong niya. "Oo nga naman, Edna. May problema ka ba? Baka may maitulong ako," mabilis na lumipad ang mga mata ko sa gawi ng taong nagsalita. Sumalubong sa akin ang demonyo niyang ngisi. Kung umasta ito ay para bang walang kasalanan na ginawa sa akin. Mariin kong sinalubong ang kanyang mga mata at nakipagtitigan dito. Walang dahilan para matakot ako sa kanya. Siya ang may kasalanan, siya ang dapat na matakot at makunsensiya. "Edna..." pag-aagaw ni Nanay sa atensyon ko. "Sorry po, 'Nay. Sa kwarto muna ako," paumanhin ko. Nakatitig lamang si Nanay pero tumalikod na ako. "Ang sarap ng ulam, 'Nay Belen. Mapaparami yata ako ng kain ngayon," narinig kong sabi ni sir Jethro. Bakas ang tuwa at galak sa kanyang boses dahilan para mainis ako. Mariin kong naikuyom ang aking palad. "Mabulunan ka sana," bulong ko. Hindi kapani-paniwala. Paano niya nagagawang ngumiti sa harapan ni Nanay sa kabila ng ginawa nitong kahayupan sa akin. Hindi ba siya nakukunsensiya? Oo nga pala. Nakalimutan kong badboy siya. Gawain niyang makipag-basagulero para maglabas ng sama ng loob sa iba. Ginagawa niyang punching bag ang iba kung naisin niya. "Aray..." daing ko nang dumapo ang tubig sa p********e ko. Subrang sakit at hapdi niyon. "I hate you, Jethro! Ang sama mo para gawin sa akin ito," umiiyak na sigaw ko sa loob ng banyo. At dahil hindi ko kayang tiisin ang sakit ng bahaging iyon sa gitna ng mga hita ko ay umupo na lang ako sa sahig at doon umiyak nang umiyak. "Ano ba ang nagawa kong kasalanan para pagdaanan ang lahat ng ito?" Nanghihinang bulong ko. Sandalan ang pader na malamig, niyakap ko ang aking tuhod habang lumuluha. "Edna," narinig kong tawag ni Nanay dahilan para matigilan ako sa pag-iyak. Mabilis kong tinuyo ang aking mukha na tila ba walang nangyari. Ayos lang na magpanggap akong okay kahit na hindi naman talaga ako okay. Ayaw kong bigyan ng rason si Nanay Belen para mag-alala sa akin. Matanda na siya kaya ayaw kong maging pasakit sa kanya. "Edna, naliligo ka ba?" tanong pa nito. Kahit masakit ay pinilit kong tumayo para lumapit sa pintuan. "Opo, 'Nay. Naliligo po ako," sagot ko. "O sige. Mauuna na akong kumain para may kasabay si Jethro. Lumabas ka na diyan pag tapos ka na at nang makakin ka," sigaw din niya pabalik. "Sige po," tipid na sagot ko. Nang hindi ko na marinig ang boses ni Nanay ay muli akong napa-upo sa malamig na sahig ng banyo. Basa na ang katawan ko at maaari akong magkasakit pag nagtagal pa ako sa kalagayan kong ito. Pero dahil magulo ang isipan ko ay hindi ko magawang kumilos ng tama. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang umiyak at mukmok habang paulit-ulit na minumura sa isipan ko si sir Jethro. Totoo na may lihim akong pagtingin sa kanya pero hindi ko magawang magsaya sa nangyari sa amin. Lalo pa at alam kong may nobya rin ito at may inaapakan akong iba. Kung ano man ang problema nila ay labas ako doon, hindi dapat ako nakikisawsaw. Tulad ng madalas nangyayari, nagkakatampuhan nga ang mga ito pero nagkakabati rin sa huli. At alam kong ako lang din ang kawawa sa nangyaring ito. Paano na lang kapag nabuntis niya ako? Papanagutan ba niya ako? O matutulad din ako sa iba na pinalayas at binayaran pagkatapos niyang pagsawaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD