Prologue
Walang tigil sa pag agos ang aking mga luha habang pinapanood ang aking asawa na nakikipaglaro sa dalawang babae na ngayon ko lamang nakita. Hindi naman ito ang unang beses na nagdala siya ng ibang babae sa sarili naming tahanan pero ito na yata ang pinakamatindi.
Bukod sa harap-harapan niyang ipinamumukha sa akin ang pambabae niya ay hindi pa siya nakuntento sa isa dahil humantong sa sukdulan ang kawalan ng respeto niya sa akin dahil sa pagdadala ng dalawang babae sa tahanan na dapat sana ay ako ang nagiging reyna niyon.
Pigil na pigil ko ang gumawa ng ano mang ingay habang patuloy silang pinapanood. Hindi ko alam dahil sa halip na umalis at huwag na lang silang pansinin ay tila ba walang lakas ang mga paa ko para humakbang at tumalikod. May parte ng isip ko na gusto silang panoorin. At sana lang, sa ginagawa kong ito ay tuluyan nang maging manhid ang aking puso.
"Faster, baby..." sabi ng babaeng nakatalikod kay Jethro. Mabilis niyang inilalabas-masok ang p*********i sa lagusan nito. Halos sumigaw na ang babae habang inaangkin siya ng aking asawa mula sa likuran.
Jethro was biting his lips as he f*cked her from behind. Tumutulo na rin ang kanyang pawis habang mahinang dumadaing at umuungol naman ang kanyang kaniig. Gano'n pa man ay wala pa rin tigil sa bawat pag ulos si Jethro. He kept on f*cking her faster and harder until her orgasm exploded.
Habol ang hininga na itinulak siya pahiga ng babae at saka eksperto at muling ipinasok ang nag-uumigting niyang p*********i sa basa nitong p********e. Mahigpit na napahawak si Jethro sa baywang ng kanyang kaniig habang gumigiling ito sa ibabaw niya at sagad na sagad ang kahabaan ng aking asawa sa loob ng ibang kweba.
"Ugh! Faster..." sabi ni Jethro. He also gripped her ass. "F*ck me harder. Come on," dagdag pa nito. Ramdam ko ang panggigigil sa kanyang tinig. Tila ba dinudurog ng pinong-pino ang puso ko sa aking mga nakikita pero heto pa rin ako at patuloy silang pinapanood.
"Someone is watching us, baby," nakangising sabi ng isa pang babae na nakabukang naka-upo sa sofa habang pinapanood sa paglalaro ang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakikita siyang pinaglalaruan ang kanyang sarili na tila ba sarap na sarap.
Hindi ko pa nagagawang paligayahin ang aking sarili tulad ng kanyang ginagawa. At hindi ko yata kayang gawin ang bagay na iyon. Bahala ng maging tigang basta huwag lang magsarili, kawawa naman ang mga daliri ko kung nagkataon.
"Don't mind her," walang ganang sagot ni Jethro. Saglit na sumulyap sa akin ang babaeng nasa ibabaw ng aking asawa bago nakangising umupo ng tuwid at itinataas-baba ang puwit habang gumigiling pa rin at minamasahe ang sariling dibdib. Jethro liked the sight in front of him. He liked the women who knew how to pleasure themselves.
"That's it, baby. Harder..." nakapikit na sabi ni Jethro. Nakangiting sumunod naman ang babae at mas bumilis pa ang pagtaas-baba nito sa ibabaw niya habang umuungol at lumiliyad ang katawan sa sarap.
"Oh, you're so big, baby..." ungol ng babae habang inilalabas-masok ang matigas niyang ari sa p********e nito. "Oh! Baby, so good. Hindi ako magsasawang magpaangkin sa'yo, Jethro," nakangiting dagdag nito. Mariin akong napatitig sa mukha ng aking asawa. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kakaibang ngisi na gumuhit sa kanyang mga labi.
"Ride me faster, baby," sa halip ay hinihingal na sagot ni Jethro. Too bad for the two woman because after this day, he also done with them. Sigurado ako sa bagay na iyon. Dahil sa dami ng dinala niyang babae rito sa aming tahanan ay wala ni isa sa kanila ang nakabalik pa.
Such an ash*le!. But that ash*le is the love of my life and also the father of my daughter. Mahal ko ang aking asawa kahit na alam kong ibang babae ang mahal niya. Mahal ko si Jethro kahit na alam ko na ang lahat ng ginagawa ko sa kanya ay walang katugon. Pero ayos lang, basta nandiyan siya para sa anak namin. Kuntento ako sa kung ano lang ang binibigay at pinaparamdam niya sa akin. Alam ko naman na may katapusan ang paghihirap kong ito. Darating ang araw na kusa rin akong susuko at tuluyan na siyang bibitawan. Sa oras na napagod ako ay wala na siyang uuwian sa bahay na ito.
Marahas kong pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi bago pinilit na tumalikod sa kanila. Mabigat ang mga paa kong inihakbang patalikod sa kanila. Gusto ko pa sanang panoorin sila baka sakaling matauhan na ako pero sarili ko lang din ang sinasaktan ko kapag patuloy ko pa rin iyon gawin.
"Ayos lang, Edna. Kaya mo iyan. Kakayanin mo para sa anak niyong si Jehan," bulong ko sa aking sarili habang patungo sa aking kwarto. Kaka-uwi ko pa lang galing sa hospital at agad nang dumiretso sa kanyang kwarto para sana silipin kong nandoon siya pero ibang senaryo ang sumalubong sa akin.
Sana ay nandoon din siya sa hospital at nagbabantay sa anak niyang sumailalim sa heart transplant pero wala, dahil nandito siya sa bahay at naglalakbay sa kalawakan kasama ng ibang babae.
Apat na taon na rin kaming mag-asawa pero hanggang ngayon ay paulit-ulit siyang gumagawa ng kamalian at paulit-ulit ko rin siyang pinapatawad. Hindi ako napapagod na bigyan siya ng pagkakataon dahil sa anak namin. Siya ang tanging dahilan kaya kumakapit pa rin ako sa aming relasyon.
Oo nga at malaya akong nakakapasok sa kwarto niya pero mahigpit niyang pinagbabawal sa akin ang magpalipas ng gabi doon. Kahit sa mga sandaling pinapa-init ko ang gabi niya, kahit pagod na ang katawan ko ay kailangan ko pa rin maglakad pabalik ng aking kwarto. Minsan ay tumatabi lang siya sa akin sa pagtulog kapag hinihiling ng anak namin na magkatabi kaming matulog. At ang mga gabing iyon ay mabilang ko pa sa loob ng apat na taon naming pagsasama.
Mas madalas pa na ibang babae ang katabi niya sa pagtulog. Iba't ibang babae na hindi ko alam kung saan niya kinukuha. Hindi naman gano'n ang kilala kong Jethro. Kakaiba siya sa lalaki na lihim kong hinangaan noon. Ngunit nagsimula siyang mag rebelde at maglaro ng apoy magmula ng pagtaksilan siya ng babaeng mahal niya. At nang bumalik naman ito ay nalaman niyang ikakasal na kami dahil nabuntis niya ako sa paulit-ulit na pag gamit nito sa akin. Noon ay masasabi ko na sinira niya ang buhay ko. Pero magmula nang dumating sa buhay ko si Jehan ay nagbago na ang lahat. Pakiramdam ko may mas nabup pa ang pagkatao ko nang masilayan ko ang aking anak.
Pero para kay Jethro ay sinira ko ang masaya niyang buhay. Para sa kanya ay malas ako sa buhay niya. Para sa kanya ay wala akong naidulot na maganda dahil hindi na siya malaya pa. Nagpatuloy ang relasyon nila kahit sa kabila ng mga nangyayari. Marahil ay talagang mahal nila ang isa't isa para tanggapin ang kanilang mga pagkakamali. Kung ako lang sana ang tatanungin ng mga sandaling iyon, mas gugustuhin ko pang lumayo at palakihin ng mag-isa ang ipinagbubuntis ko. Ngunit nagawa ko ngang lumayo sa mundo nila, hindi naman nagtagal at nahanap din ako ng pamilya niya. At hanggang ngayon ay pinagbabayaran ko pa rin ang ginawa kong pagpapakasal sa kanya.
"Edna..." isang mautoridad na boses ang gumising sa aking diwa. Natigilan ako sa akmang pagpasok ng banyo para sana maligo at dali-daling naglakad patungo sa pintuan. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang seradura niyon ay bumukas na at bumungad na sa akin ang madilim na aura ng aking asawa.
"Linisin mo ang kwarto ko," aniya habang walang emosyon ang kanyang mukha. Tumalikod na siya pagkatapos niyon pero isang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay bumukas na ang bibig ko.
"Hindi ka ba dadalaw sa hospital? Gising na si Jehan at hinahanap ka," sabi ko na ikinatigil niya. Sa pag banggit pa lang sa pangalan ng anak namin ay napuno na ng awa ang puso ko para sa inosenting bata.
Alam ko naman ang lugar namin sa buhay niya at tanggap kong napipilitan lang siyang pakisamahan kami pero masakit pa rin isipin na kahit apat na taon na ay hindi pa rin niya kami natututunan mahalin. Kahit sana ang bata na lang ang mahalin at bigyan niya ng atensyon, kahit na huwag na ako ay masaya na ako. Pero talagang napakasakit isipin dahil balewala rin sa kanya si Jehan na dugo at laman na niya ang nananalatay sa katawan nito. Kung hindi lang siya mawawalan ng mana ay sigurado ako na matagal na niya kaming tinalikuran.
"May lakad pa ako," iyon lang ang tanging sagot niya bago ako tuluyang iniwan. Ni hindi man lang siya nag aksaya ng segundo para harapin ako. Tila ba ginto ang oras niya at hindi iyon pweding sayangin pag ako ang kanyang kausap.
Napabuntong hininga na lang ako bago nagpasyang magtungo sa kanyang kwarto. Ganito naman kasi palagi ang nangyayari sa tuwing may dinadala siya na ibang babae dito sa bahay. Ako ang naglilinis ng mga kalat nila lalo pa at hindi siya kumukuha ng kasambahay para dagdag parusa daw sa akin.
Hindi naman iyon problema sa akin dahil gusto ko rin maging hands on sa kanilang mag-ama, pero ang mga ganitong senaryo ang nahihirapan ako. Masakit makita pero nasasanay na rin ako. Siguro ay kahit mamatay pa ako ay hindi niya ako magagawang tanggapin bilang asawa niya. At mas lalong imposible mangyari na matutunan akong mahalin ni Jethro. Pero kahit na hindi mangyari ang bagay na iyon ay sapat na sa akin na nandiyan siya para sa aming anak.
Si Jehan ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. Kaya kahit ano pa ang pagdadaanan ko ay kakayanin ko kung siya na ang pinag-uusapan. Hindi bale nang maging manhid at martyr akong asawa para sa kanyang Papa, makita lang ang ngiti ng anak ko ay masaya na rin ako.
"Kailan makakalabas si Jehan?" napahawak ako sa aking dibdib nang biglang marinig ang tanong ni Jethro. Talagang nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nandito pa pala siya sa sala.
"Akala ko ay umalis ka na," sa halip ay sagot ko. Nang makita ang masama niyang tingin ay napalunok ako bago pinilit na ngumiti. Kahit naman kasi pinapatay niya ako ng masama niyang tingin ay nagagawa ko pa ring ngumiti sa kanya.
"Sa makalawa pa. Sabi ng Doctor ay kailangan pa daw niyang magpahinga," kapagkuwan ay sagot ko. Napansin ko na tila ba nag-iisip siya kaya mariin akong napatitig sa kanya.
"Bakit? Dadalawin mo ba siya mamaya?" tanong ko. Hindi ko maiwasan na umasa na sana ay dalawin niya ang aming anak. Alam kong subrang matutuwa si Jehan kapag nakita siya nito.
"Darating sila Layla mamaya. Dito sila matutulog," sagot niya habang mariing nakatitig sa mga mata ko. Mapait akong napangiti habang tumatango. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ay kinagat ko na lang ang pang ibaba kong labi.
"Sige, alis na ako," bulong ko na halos wala ng tinig.
Mabuti na lang at hindi pa nakakalabas ng hospital ang anak ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na may ibang pamilya din ang kanyang Papa. Siguradong hindi kakayanin ng bago niyang puso ang sakit na pweding idulot niyon.
"Wala ka man lang bang sasabihin? Hindi ka magwawala? Ayos lang sa'yo na dalhin ko sila dito?" tanong niya dahilan para tumigil sa paghakbang ang mga paa ko. Walang buhay akong natawa bago siya hinarap.
"Bakit, Jethro? Kapag ba sinabi kong huwag mong dalhin sa bahay na ito ang kabet at ang anak mo ay maniniwala ka? Pag umiyak ba ako dito ay makukusensiya ka sa mga ginagawa mo?" tanong ko ngunit sa huli ay mapait na napangiti. Mariin lamang siyang nakatitig sa akin pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita.
"Kahit naman lumuha ako ng dugo at magmakaawa sa harapan mo ay wala rin magbabago. Kahit ano pa ang gawin ko ay hindi rin kita mapipigilan. Kaya sige, gawin mo ang lahat ng gusto mo. Pero may hihilingin lang sana ako," dagdag ko pa at saka lumunok.
"Please lang, huwag mong ipakita kay Jehan ang lahat ng ginagawa mo. Nagmamakaawa ako, Jethro. Kahit na wala kang pakialam sa sarili mong anak, sana naman ay maawa ka sa kanya. Lalo na sa kalagayan niya," dagdag ko. Marahas kong pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko nang makita ang walang emosyon niyang tingin.
"Gagawin ko kung ano ang gusto ko. Huwag mo akong diktahan---"
"Hindi rin siya magtatagal sa mundong ito, Jethro. Pag nawala siya ay magiging malaya ka na," sansala ko sa iba pa niyang sasabihin. Tila naman nagulat siya lalo pa at tumaas ang boses ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong. Ngumiti ako kahit na hilam ng luha ang aking mga mata.
"May taning ang buhay ng anak ko, Jethro," luhaan na sagot ko. Nakita kong lumungkot ang ekspresyon niya. Marahil ay naawa siya sa sarili niyang anak na hindi man lang niya nagawang dalawin sa hospital. Marahil ay naaawa siya sa sarili nitong anak na kahit kailan ay hindi niya nagawang mahalin. Alam ko na ang lahat ng ginagawa niya kay Jehan ay napipilitan lang siya. Pinagtitiisan niya ang presensiya ng bata alang-alang sa mana nito.
"Bakit hindi mo sinabi agad?" pabulong niyang tanong. Malungkot akong napangiti habang sinasalubong ang titig niya.
"Sinubukan ko, Jethro. Pero wala kang oras para makinig sa mga drama ko. Ilang beses kong sinubukang sabihin sa'yo pero hindi mo ako pinapakinggan,"sagot ko. Yumuko siya at sinabunutan ang sariling buhok. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan niya.
"Nakiki-usap ako, Jethro. Pwede mo bang pakisamahan ang anak ko? Kahit sa harapan lang niya. Pwede mo bang ipakita sa kanya na may kumpleto at masaya siyang pamilya? Pwede mo bang ipakita sa kanya na nagmamahalan ang mga magulang niya?" ngumiti ako habang sinasalubong ang mariin niyang titig.
Bumuka ang bibig ni Jethro at tila may sasabihin pero agad din niya iyon naitikom nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na kanina pa niyang hawak at pinaglalaruan. Nauwi sa walang buhay na tawa ang aking ngiti nang sagutin niya ang tawag ng kabet niya.
"Baby..." malambing na aniya nang sagutin ang tawag at saglit pang sumulyap sa akin. "Yes, of course. Laging bukas ang pinto ng bahay ko para sa inyo. In fact, kanina pa ako naghihintay sa inyo," aniya. "No, baby. Wala sila dito," mabilis na dagdag nito na muli akong sinulyapan. Napa-iling ako. Talagang hindi ako makapaniwala sa kung anong ugali ang mayro'n siya. Paano niya nasasabi na wala, eh nasa harapan niya rin ako. Kahit pa siguro pinalaki ka ng maayos ng taong kinalakihan mo ay talagang mapapamura ka sa subrang panggigigil.
Tila pipi at bingi na nanatili ako sa kanyang tabi habang hinihintay na matapos ang kanilang pag-uusap. Ramdam ko ang sakit sa aking puso pero binalewala ko lang iyon. Sanay naman ako sa pambabalewala niya. Kung hindi lang talaga para sa anak ko ay matagal na akong umalis sa puder niya. Ngunit kahit nasasaktan na ako ay nagtitiis pa rin alang-alang kay Jehan. Malubha ang kundisyon ng anak ko at kailangan niya ng pera ng Papa niya. Higit sa lahat ay gusto niyang makasama si Jethro sa mga huling sandali niya. Hindi naman siguro ako mauubos kung uunahin ko ang pangangailangan ng anak kong may sakit.
"Umalis ka na. Ayaw kong makita ka ng mag-ina ko," nagising ang diwa ko sa salitang binitawan niya. Lumunok ako bago huminga ng malalim. Walang mangyayari kung makikilagtalo ako sa kanya. Sa huli ay ako rin ang palaging talo.
"Hindi ka ba talaga dadalaw sa hospital?" Mahinang tanong ko.
"Narinig mo ang usapan namin ni Layla. Pupunta sila dito kaya hindi ako makakapunta," mariin niyang sagot. Pinilit kong ngumiti habang tumatango. Inaasahan ko nang iyon ang isasagot niya. Pero mahirap din pa lang tanggapin.
"Jethro---"
"Edna, huwag mo nang ipilit," mariin niyang sansala. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.
"O-okay," napapikit ako dahil sa inis sa sarili. Nakaka-inis dahil ang hina ko pagdating sa kanya. Wala man lang akong lakas para ipagtanggol ang karapatan namin ng anak ko. Kami ang legal na pamilya pero kami pa ang kailangang magmakaawa para bigyan niya ng oras at atensyon.
Sa kawalan ng iba pang sasabihin ay nagsimula na akong humakbang palabas ng bahay. Kahit nanghihina ang aking mga tuhod ay pinilit ko pa ring maglakad, kailangan kong palakasin ang aking loob para sa anak ko. Hindi ako dapat panghinaan dahil kailangan ako ni Jehan. Bukod sa suportang natatanggap niya galing sa pamilya ng kanyang Papa ay higit na kailangan niya ako.
Nasa punto na rin ako ng buhay na ayos na sa akin ang lahat. Iyon bang kahit mawalan man ako ng koneksyon sa mundo at sa mga tao ay ayos lang. Sadyang may mga presensya na hindi ko na hinahanap-hanap pa. Minsan ay hindi na rin ako apektado ng mga nangyayari.
Ang mga bagay at tao na iniyakan ko noon, para bang wala na lang ngayon.
Hindi naman ako nakalimot, siguro ay sadyang ganito lang ako tinuruan ng lungkot at sakit.
Lahat nga talaga ay puwedeng magbago.
Maaaring mag-iba sa loob lang ng isang minuto.Ang dating nakasanayan ay para bang wala na lang ngayon. Para bang huminto lang saglit, napadaan at saka muling nagpatuloy.
Sa puntong ito ay napagtanto ko na ganito lang talaga siguro, na hanggang dito na lang ang lahat. Habang lumilipas ang mga araw ay may mga mawawala at aalisin din sa buhay ko.
Sa una ay para bang hindi ko kaya, nakakapanibago. Subalit dahil paulit-ulit na akong lumuluha dahil sa iisang dahilan ay nasanay na rin sa dulo.
Hindi ako makasarili. Marahil ay binago lang ako ng mga nangyari.
Natuto lang siguro ako sa mga bagay na paulit-ulit lang. At nasanay na rin sa sakit.