Edna
Patuloy na sumisigaw habang umiiyak at nagmamakaawang tumigil siya sa biglaan nitong ginawa, pero kahit pa yata mapaos ako ay wala na siyang balak na tumigil pa. Tila ba nagawa kong gisingin ang masamang nilalang sa loob ng kanyang katawan dahilan para maging marahas siya ng subra sa akin.
"Jethro, huwag. Tama na. Please, para mo nang awa. Tama na. Nasasaktan ako. Please... taman na," magkasunod na sambit ko. Kasabay ng pagbukas ng aking bibig ay siya ring pag galaw ng aking mga kamay at paa at totoong nasasaktan na ako sa kanyang marahas na pag galaw.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makalayo sa kanya. Nagpumiglas ako sa abo't ng aking makakaya. Ginamit ang buo kong lakas para makawala sa karahasan ng aking amo. Pero kahit anong gawin ko ay sadyang mas malakas pa rin siya kumpara sa akin.
"Hindi ka makuha sa magandang salita, huh? Ano, Edna? Heto pa ba ang hinihintay mong gawin ko sa'yo? Ang sapilitan? Tsk! Pakipot ka pa, halata naman na nagugustuhan mo rin ang ginagawa ko," natatawa niyang sabi. Malakas akong napahiyaw nang kasunod ng kanyang mga sinabi ay dumapo naman sa pisngi ko ang kanyang palad at malakas akong sinampal.
"Hindi, Jethro. Pakiusap, tama na..." pagmamakaawa ko.
"Tsk. It's too late, baby. Ngayon, tanggapin mo na lang ang sarap na ipinapadama ko sa'yo. I know you like it too," husky niyang bulong. At saka dinilaan pa ang aking taenga. Pagkatapos ng kanyang ginawa sa parte ng aking taenga ay agad niyang isinubsob ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg. Umawang ang aking bibig at nanghihinang napadaing.
Kakaibang sensasyon ang aking nararamdaman habang tumatagal siya sa pagitan ng aking leeg. Nandoon ang kiliti pero mas nangingibabaw ang aking pandidiri. Hindi ko magawang magdiwang dahil alam ko na ang makasalanang dila at mga labi sa gitna ng aking leeg ay pagmamay-ari ng iba. May ibang babae nang nakalaan para sa aking boss.
At ang kanyang ginagawa ngayon ay isang pagkakamali lamang. Hindi niya dapat ginagawa ito sa akin. Hindi niya dapat sinisira ang buhay ko. At mas lalong hindi siya dapat nagtataksil sa kanyang minamahal. Hindi niya dapat akong sinasaktan ng ganito.
"Jethro..." umiiyak na ibinulong ko ang kanyang pangalan. Nauubusan na ako ng lakas. Subrang bilis ng kanyang mga kamay at hindi ko namalayan na natanggal na pala sa katawan ko ang tuwalyang nakabalot dito.
"Hush, baby. I know you like it. Relax and jut let me pleasure you," husky niyang bulong. Hindi ako nagsalita at patuloy lamang sa pag-iyak. Wala rin naman silbi kahit magmakaawa ako dahil talagang nabingi na siya. Nakasuksok pa rin ang kanyang mukha sa aking leeg kaya ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa manipis na balat niyon.
"Edna, look at me," aniya nang lumayo sa leeg ko. Dumapo ang isa nitong palad sa aking pisngi. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o sadyang may pag-iingat sa paghaplos nito sa aking pisngi. Hindi ko napigilan ang aking mga mata at napapikit na lang ako para damhin ang tila kuryente na dumadaloy mula sa kanyang palad patungo sa ugat ng katawan ko.
"Baby, hindi kita sasaktan kung sumusunod ka lang sa akin. Hindi ka matutulad sa kanila kung susundin mo ang lahat ng gusto ko," bulong niya dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Ang taong nagsalita ay ang malambing at mabait kong amo, hindi ang isang marahas at halang ang bitukang si Jethro Dela Vega.
"You know me very well, Edna. Alam mong may isang salita ako," dagdag nito. Tila isang maamong tuta ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi kapani-paniwala na sa isang iglap ay tila ba naglaho ang marahas niyang pagkatao. Walang buhay akong natawa.
"Iyon din ang akala ko noon, Jethro. Akala ko ay kilala na kita. Akala ko ay mabuting lalaki ang taong lihim kong hinahangaan," sagot ko. Huli na para pigilan ang maingay kong bibig. Hindi ko nakontrol ang aking sarili at nasabi ko iyon sa kanyang harapan dahilan para mapangisi siya.
"So? Inaamin mong may pagnanasa ka nga sa akin?" Nakangisi niyang tanong. Agad na naging mailap ang mga mata ko pero agad din niyang ibinalik sa kanya ang paningin ko. Napakagat labi naman ako dahil bigla akong kinain ng matinding kahihiyan. Ang bibig ko naman kasi, bakit ba hindi ito matutong magpigil?
"Don't be shy, baby. Sa ginagawa mong ito ay mas lalo mo lang pinapa-init ang katawan ko," segunda pa niya. Sa isang iglap, biglang gumalaw ang kamay ko at malakas siyang sinampal.
"S-sorry..." agad kong paumanhin. Muli kong nakagat ang pang ibaba kong labi habang nakatitig sa namumula niyang pisngi. Subrang puti kasi ng balat nito kaya talagang agad na makikita ang epekto ng aking pag sampal.
"Alam mong hindi ako tumatanggap ng sorry lang, Edna. You have to do something to make me feel good," igting ang pangang sagot niya. Napalunok ako ng sariling laway dahil ramdam ko ang mabilis na paglaganap ng takot sa sistema ko.
"Sorry, Jethro. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako," agad akong humingi ng paumanhin. Kahit impossible na ay umaasa pa rin ako na maawa siya sa akin.
"Patawad. Pakiusap, huwag mo nang ituloy kung ano man ang binabalak mo. Huwag mong tuluyan sirain ang buhay ko." Dagdag ko. Ngunit sa halip na lumambot ang ekspresyon ng mukha nito ay mas lalo pang umigting ang kanyang panga at ang mga mata nito ay tila ba gustong maghasik ng lagim.
"Too bad! Huli na, Edna. Huli na..." mariing bulong niya. Kasunod niyon ay malakas na lang akong napasigaw nang bigla niyang punitin ang suot kong uniform kaya ang mga butones niyon ay nagsiliparan.
"Huwag, please. Tama na," umiiyak na paikusap ko. Sinubukan kong lumayo pero talagang huli na. Wala na yata akong kawala dahil mahigpit na siyang nakahawak sa aking bente. Ilang segundo pa ay malakas na niyang hinila ang bente kong hawak niya kaya muli akong bumalik sa kanyang harapan.
"Pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyong pinapahirapan ako. Ayaw ko sa mga pakipot na babae. Ang dapat na gawin sa mga katulad mong pakipot ay pinapahirapan," nakangisi niyang sabi habang dahan-dahan umaangat ang mga daliri nito mula sa aking bente papunta sa aking legs.
Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha nang bumaba ang kanyang mga mata sa dibdib kong ngayon ay tila ba sumasayaw na sa kanyang harapan. Dahil sa ginawa niyang pagsira sa aking suot ay lumabas ang suot kong bra. Ngayon ay malaya na niyang natatanaw ang mayaman kong kabundukan.
Dahil sa hindi ko malaman na dahilan ay natulala na lamang ako. Namalayan ko na lang na ginagahasa na pala niya ako. Tanging nagawa ko lang ay umiyak nang umiyak. Subrang liit ng tingin ko sa aking sarili sa puntong iyon. Wala akong kalaban-laban sa kanya.
"Edna---" puno ng takot at luhaan akong napatingin sa pinto nang biglang bumukas iyon at iniluwa nito si Nanay Belen. Natigilan ang kinalakihan kong Magulang habang nakatingin sa amin kapagkuwan ay dumapo ang palad nito sa tapat ng kanyang dibdib.
"Nanay---" hindi ko nagawang ituloy ang ano mang sasabihin ko nang magkakasunod itong umiling. Dumapo ang mga mata ko kay Jethro para sana humingi ng tulong ngunit gano'n na lamang ang panghihina ko nang makitang blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Muli na lang akong humarap kay Nanay nang makarinig ng kalabog. Napasigaw na lang ako nang makitang bumagsak sa sahig ang katawan no Nanay Belen.
"Nanay..." umiiyak na sigaw ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas at nagawa kong itulak ng malakas so Jethro dahilan para mahulog rin ito sa sahig. Alam kong nasaktan siya dahil subrang lakas ng pagkakatulak ko sa kanya.
"Nanay, gising," umiiyak na saad ko. Binuhat ko ang ulo ni Nanay at ginawang unan ang aking hita at saka ko inalog nang inalog ang kanyang katawan. Ngunit mas lalo lamang akong napa-iyak nang hindi ito nagising kahit ano pa ang gawin ko.
"Jethro, tulong. Please, dalhin natin siya sa hospital," pagmamakaawa ko. Nakita ko kung paano umasim ang mukha nito habang nakahawak sa kanyang likuran at namimilipit sa sakit pero wala doon ang atensyon ko. Sa puntong iyon ay tanging kaligtasan lang ni Nanay ang nasa isipan ko. May sakit pa naman ito sa kanyang puso.
"What's wrong with you, b*tch? Bakit mo ba ako tinulak? Alam mo bang masakit iyon?" Sa halip ay sagot nito. Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay muli akong tumayo at mabilis na naghanap ng maisusuot. Polo ni Jethro ang una kong nakita kaya iyon na ang ginawa kong pangtakip sa hubad kong katawan. Pinarisan ko na lang ito ng kanyang boxer bago muling linapitan si Nanay.
"Nanay, gising. Please, gumising ka na," pagmamakaawa ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Binalot ng matinding kaba ang aking sistema. Labis akong nag-alala sa kaligtasan nito. Ayaw ko man isipin pero paano kung may mangyaring masama sa kanya? Paano na ako? Siya na lang ang mayro'n ako.
"Stop crying. Hindi pa 'yan patay para magluksa ka ng ganyan," narinig kong saad ni Jethro. Kahit hilam ng luha ang aking mga mata ay nagawa ko pa rin siyang tignan ng masama. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, siguro ay doon na rin siya humandusay.
"Ikaw ang May kasalanan kung bakit nangyari ito sa kanya. Demonyo ka, Jethro. Ang sama mo," sigaw ko sa kanya. Nakita ko kung paano mabilis na magbago ang ekspresyon nito. Mariin niya akong tinitigan ako mahinang tumawa. Inayos niya ang kanyang sarili dahilan para bumalik ang mga mata ko kay Nanay Belen.
Hindi ko namalayan na nakikipagsagutan pala ako sa aking boss habang tumatayo ang totoy nito.
"Nanay," nakangiting saad ko nang makitang bumukas ang kanyang mga mata.
Walang imik na lumabas ng kwarto si Jethro habang walang pang itaas na suot. Suot ko ang boxer nito kaya malamang ay nag suot lang ito ng pantalon na walang panloob. Hinayaan kong iniwan niya kami ni Nanay. Tinulungan kong tumayo si Nanay at dinala sa aking kama upang maayos na maka-upo. Gusto kong magpaliwanag sa kanyang nakita.
"Nanay---" natigilan ako nang muli siyang umiling. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman nang makita ang mga ngiti nito na puno ng lungkot.
"Huwag ka nang magsalita, Edna. Wala kang dapat ipaliwanag sa akin," aniya. Sa puntong iyon ay ako naman ang napa-iling.
"Nanay, kung ano man ang nakita mo
Hindi po iyon tulad ng iniisip mo. Hindi ko po ginusto iyon," saad ko. Nawala ang ngiti ni Nanay at agad na nag tubig ang kanyang mga mata.
"Kailangan malaman ito ng kanyang mga magulang," naluluhang sambit ni Nanay at saka ako niyakap. Nang haplusin niya ang aking likuran ay muli lamang bumuhos ang mga emosyon na hindi ko mapangalanan.
Naaawa ako sa aking sarili. Pakiramdam ko ay ang dumi ko na. Ayaw kong makasakit ng iba dahil ayaw kong saktan din nila ako. Buong buhay ko ay wala akong inapakan na iba, kaya ngayon ay hindi ko lubos na maintindihan kung bakit nangyayari ito sa akin. Habang nakayakap kay Nanay ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mga tinig na tila ba nagsisigawan na. Dahan-dahan akong tumayo at tahimik na lumapit sa pintuan. Binuksan ko iyon ng walang ingay at nakinig sa tinig na aking narinig.
"Hindi ako papayag. Magkakaanak na kami ni Jethro kaya ako dapat ang pakasalan niya. Hindi ang babaeng iyon," boses ni Layla ang aking narinig. Nanggagalaiti ito sa galit habang tumataas ang tono ng kanyang pananalita.
"Nanay, Tatay, I'm sorry. I love her and I can't live without her. Kung may pakakasalan man ako dito, si Layla lang iyon," sagot naman ni Jethro. Bumagsak ang magkabila kong balikat kasabay ng pag bagsak ng aking mga luha. Isasarado ko na sana ang pintuan ngunit nang marinig ko ang kumusyon sa labas ay natigilan ako.
"Call an ambulance, Jethro," sigaw ni Sir Jake, ang Tatay ni Jethro. Binalot ng takot ang aking sistema nang marinig na umiiyak na si Ma'am Jane. Patakbo akong lumapit sa kanya at gano'n na lang ang pagtigil ng aking mundo nang makita ang hitsura ni Nanay Belen.
"Nanay," halos walang tinig na saad ko. Takot man ay nagawa ko pa ring lapitan siya at agad na tinignan ang pulso nito. Ayaw ko man tanggapin sa aking sarili pero mukhang heto na ang huling sandali na mahawakan at mayakap ko siya.
"Malandi ka. Ikaw ang May kasalanan ng lahat ng ito," sigaw ni Layla. Sunod doon ay naramdaman ko na ang sakit sa aking ulo dahil sa ginawa nitong pagsabunot buhok ko. Hindi na ako nag-isip pa at tumayo ako para harapin siya. Buong pwersa ko siyang itinulak dahilan para bumagsak ang pang-upo nito sa sahig. Sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya ay agad itong napadaing.
"Hindi ako malandi. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Bakit hindi iyan ang sisihin mo. Siya ang walang pusong sumira ng pagkatao ko. Siya ang may kasanalan nito," sigaw ko sabay turo sa boss kong si Jethro. Masama ang titig nito sa akin pero wala akong pakialam. Galit ako sa kanya. Galit na galit.
"No. Ang baby ko. Hindi ang baby ko," sigaw ni Layla nang makitang may dugo sa gitna ng kanyang mga hita. Umiyak siya nang umiyak kaya agad na napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. Mabilis siyang binuhat ni Jethro at halos takbuhin na niya ang pintuan nang marinig ang ambulansya na paparating.
"Sige na, ako nang bahala dito,"
"Hindi, hubby. Sa ngayon ay mas mahalaga si Yaya sa akin,"
Nagsasagutan na ang mga magulang ni Jethro samantalang ako at iyak pa rin ng iyak. Pakiramdam ko ay binagsak ng langit ang aking ulo dahil subrang bigat niyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman. Galit ako sa kanila dahil sa nangyari kay Nanay Belen pero mas galit ako sa aking sarili dahil alam kong ako ang naging dahilan ng lahat.ng ito.
"Wifey, tama na. Tama na. Wala na si Yaya kahit ano pa ang gawin mo," saad ng Tatay ni Jethro. Inaawat nito ang asawa na pilit na ginigising si Nanay na ngayon ay lupaypay na ang katawan. Wala na rin itong pulso kaya alam kong wala na siya. Wala na akong pamilya.
Namatay ang kinilala kong magulang dahil ayaw akong panagutan ng lalaking nag mantsa ng pagkatao ko. Alam kong hindi iyon matanggap ni Nanay kaya inatake ito sa puso. Kung kagabi ay nawalan lang siya ng malay, ngayong umaga ay hindi na ito kinaya ng kanyang dibdib. Sigurado ako na mula kagabi pa at dinamdam na nito ang aking sinabi.
"I'm sorry, Edna!" Iyon na lamang ang nabitawang salita ng Nanay ni Jethro. Saglit akong sumulyap sa kanilang mag-asawa bago ibinalik ang mga mata ko kay Nanay. Heto na nag ang huling sandali na magagawa kong pag masdan ang mukha ng taong itinuring akong anak kahit na hindi ako nito tunay na kadugo. Siya na nga lang ang tanging mayro'n ako pero nawala pa.
"Sinisiguro ko sa'yo, Edna. Kahit ano pa man ang mangyari, sinisiguro kong matutupad ang naging usapan namin ni Yaya," dagdag pa nito. Gusto ko sanang magtanong kung ano ang tinutukoy nito pero wala akong lakas. At sa tingin ko ay hindi iyon ang tamang oras para sa gano'n.
Mabilis lumipas ang mga araw na hindi ko man lang namamalayan. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive basta ang tanging natatandaan ko lang ay nagising na lang ako sa isang umaga na mag-isa. Ang bigat ng aking katawan at para bang wala itong lakas para gumalaw man lang.
Talagang nawalan ng buhay ang aking mundo dahil sa pagkawala ni Nanay Belen. At hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Nanatili lamang ako sa loob ng kwarto ni Nanay at doon nagmukmok. Pero ngayon na araw ay napagpasyahan kong gumalaw para makaalis na sa bahay na ito. Aalis ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Edna?" Nanigas ang aking katawan nang marinig ang tinig ni Ma'am Jane. Natigilan ako sa paglalakad ngunit hindu ako lumingon sa pinanggagalingan ni boses nito.
"Edna? Saan ka pupunta? Bakit may dala kang mga gamit?" Dagdag pa nito. Narinig ko ang mga paa nitong naglalakad at ramdam kong papalapit na siya sa gawi ko pero hindi pa rin ako kumibo.
"Ma'am, aalis na po ako," walang paligoy-ligoy na sambit ko nang nasa harapan ko na siya. Napabuntong hininga ito bago dumapo ang magkabila niyang palad sa aking balikat.
"Hindi ka aalis sa bahay na ito, Edna. Wala na si Yaya kaya wala ka nang pamilyang pupuntahan. At sinasabi ko sa'yo ngayon na ang bahay na ito ay tahanan mo na. Dito ka na lang, hindi ka aalis," aniya. Kalmado ang tinig nito ngunit ramdam ko ang pagiging makapangyarihan niyon.