Chapter 5

1207 Words
Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Maliwanag ang paligid, dahil nasa loob ako ng puting kwarto, at bukas ang mga ilaw. Nilibot ko po ang paningin ko sa kisame na aking natatanaw. "Asan ako?" Gulat akong sambit. Saka ko lang naalala sina mama at papa. Bigla akong napabangon, ng maalala ko ang mga nangyari. Nahihilo pa rin ako. Pero kailangan kong makita sina mama at papa. "Mama, Papa asan kayo? Anong nangyari? Asan kayo?" Sambit ko habang gumagaralgal ang boses ko. Dahil hindi ko sila nakikita sa tabi ko. "Lex!" sabi ng lalaking nasa tabi ko. "Kuya? Anong nangyari? Asan sina mama at papa? Di ba magkakasama kami? Asan sila?" Natatakot kong tanong kay kuya habang naiiyak na ako. Gusto kong marinig na okay lang sila. Na maayos ang kalagayan nila. "Lex, alam kong masakit. Hindi lang sayo, pati sa akin. Pero lakasan mo ang loob mo. Wala na sina mama at papa. Naaksidente ang sinasakyan n'yong bus, habang pauwi kayo. Hindi nakaiwas sa paparating na truck ang sinasakyan n'yo. Kaya naganap ang aksidenteng iyon. Nandito pa ako Lex. Kasama mo pa si Kuya. Kaya wag kang panghinaan ng loob. Hmmmm." Paliwanag ni kuya habang yakap-yakap ako at umiiyak na rin. "Kuya, patawad kasalanan ko ang lahat, hindi ko man lang nailigtas sina mama at papa. Kuya, patawarin mo ako, sana ako na lang. Sana ako na lang ang nawala. M-mama.... P-papa...." sambit kong tugon kay kuya habang umiiyak at humihingi ng tawad. Niyakap ako lalo ni kuya. "Bunso wala kang kasalanan, hindi kita sinisisi sa nangyari, walang may kagustuhan sa nangyari, malungkot na wala na sina mama at papa. Pero ipinagpapasalamat kong andito ka kasama ko, kasama namin ni ate Kate mo." Mabining tugon ni Kuya, at napatingin sa gawin ni Ate Kate. Dun ko lang napansin si ate Kate na kanina pa rin pa lang umiiyak, batay sa itsura ng namumugto n'yang mga mata. Dun ko lang naramdaman ang pagkalma. Pagkalabas ko ng ospital ay nagtungo na kami sa probinsya, at doon namin dinala sa aming bahay ang mga labi, ni mama at papa. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari. Hanggang ngayon, nasasaktan ako. Bakit ang bilis namang kinuha sa amin ang mga magulang ko. Wala akong karapatang magreklamo, alam kong, ipinahiram lang sila sa amin. Pero hindi ko maiwasang hindi magtanong. "Bakit naman ganoong kabilis ang pagbawi sa kanila?" Apat na araw makalipas ang insidenteng iyon. Inihatid na namin sa huling hantungan sina mama at papa. Habang hindi ko mapigilan ang mga luha sa aking mga mata. "Mama, Papa patawad. Hindi ko man lang kayo nabigyan ng magandang buhay, tulad ng mga plano natin, kasama si kuya at si ate Kate. Andaya n'yo naman hindi n'yo man lang hinintay ikasal sina kuya, at makita ang mga magiging apo n'yo sa kanila." Sinasabi ko sa hangin habang yakap-yakap ako ng bestfriend kong si Harold. Habang si kuya Liam ay yakap-yakap ni ate Kate at pinapakalma. Ilang araw din ang inilagi ni Harold sa bahay. Nakalimutan ko saglit ang sakit na dulot ng pagkawala ng mga magulang namin. Pero ang alaala nila, hinding hindi mawawala sa puso at isipan. Bumalik na rin sa normal ang lahat. Maliban sa alaalang hindi na babalik pang muli sina mama at papa. Ang pangungulila ko sa aking mga magulang, masakit ang nangyari pero kailangan kong maging matatag alam ko namang, hindi gusto nina mama at papa na magmukmok ako ng ganito. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong tibayan ang loob ko. Salamat na rin at andito itong bestfriend ko, si kuya at si ate Kate. Masaya ako sa naging ndesisyon ni Ate Kate na dito na tumira kasama namin. Kasama ako at si Kuya. Ulila na si ate Kate wala naman s'yang malapit na kamag-anak. Nagtatrabaho lang s'ya malapit dito sa amin. Kaya nung nakita s'ya ni kuya Liam, hindi na tinantanan. Niligawan agad ng hindi na, makuha pa ng iba. Dahil sa mapagmahal naman talaga si Kuya Liam napasagot din naman ang magandang ate ko. Malungkot man sa nangyari, sa pamilya ko. Nagkaroon ulit ng buhay ang bahay namin, buhat nang sabihin ni ate Kate na dito na s'ya titira. Pinakiusapan namin s'ya ni kuya, dahil mahal n'ya ako, lalo na si kuya Liam, napapayag na namin s'ya. Umalis na rin si Harold at umuwi ng Maynila. Kinukuha s'ya ng tita n'ya na nasa ibang bansa para dun magtrabaho. Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang taon na rin ang nakakaraan buhat ang nangyaring insidente. Hindi muna ako pinagtrabaho ni kuya, buhat ng makagraduate ako. Nalaman kasi naming nagdadalantao pala nun si ate Kate, kaya inalagaan ko muna si ate Kate. Pero dahil mahina ang kapit ng bata, nagkaroon ng miscarriage si ate. Sobrang lungkot n'ya pati na rin si kuya. Pero makalipas lamang ang isa pang taon. Nagdesisyon na silang magpakasal. Walang mapagsidlan ng tuwa si ate Kate at si kuya Liam, matapos ang kasal. Isang magandang balita ang natanggap namin ni kuya mula kay ate Kate. "Liam, Lex" sambit ni ate Kate na ngiting ngiti. Nagkatinginan kami ni kuya ng ipakita n'ya sa amin ang isang maliit na box. Regalo daw n'ya kay kuya ngayong kasal nila. Dali daling binuksan ni kuya ang kahon, at biglang natulala, kasabay ng ngiting umabot pa hanggang tenga. "Kate, totoo ba ito?" May halong kaba at tuwa sa boses ni kuya. Malaking ngiti ang isinagot ni ate Kate, at bigla na s'yang niyakap ni kuya Liam. Nakita ko ang laman ng kahon, isang pregnancy test na may dalawang pulang guhit. Nagdadalang tao si ate Kate. Bigla akong umiyak, at nagtinginan silang dalawa. "Lex, bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya? Halos sabay pa nilang sambit. Umiling ako at sabay ko silang niyakap. "Kuya, hindi na muna ako maghahanap ng trabaho, hindi naman ako gaanong pabigat, aalagaan ko ulit si ate, ayaw kong madagdagan pa ang lungkot n'yo noon. Ang pagkawala nina mama at papa, at ang sanggol na dapat kasa-kasama na natin ngayon. So please kuya, aalagaan ko din si ate Kate tulad ng pag- aalaga mo sakanya." Sambit ko sa kanilang dalawa habang umiiyak. Biglang nagtawanan silang dalawa habang umiiyak. Napaisip ako, at nasabi ko na lang sa kanila, "may mali ba akong nasabi at nagawa?" "Bunso," sagot ni kuya. "Wala kang nagawang mali at wala kang nagawang masama. Masaya kami kasi ganyan pala ang iniisip mo ng bigla kang umiyak, hindi namin akalain na sobrang laki ng epekto sayo ng mga nangyari. Masaya ako sa narinig ko na gusto mo kaming alagaan ng pamangkin mo, pero.." dagdag pang sagot ni ate Kate. "Pero? Pero, ano ate?" Naguguluhang tanung ko kay Ate Kate. "Pero paano ang pangarap mo, ang tagal mo na ring nagkukulong dito sa bahay, paano mo matutupad ang pangarap mo kung ang unang pangarap mo makahanap ng magandang trabaho, sa isang magandang kompanya?" Nag-aalalang tugon ni ate Kate. "Ate, kuya, masaya akong makasama kayo, makakapaghintay ang trabaho. Sa ngayon ang gusto ko eh alagaan ko muna kayo at ng magiging anak n'yo ni kuya tulad ng hindi mo pag iwan sa amin nung mga panahon na kailangan namin ni kuya ng karamay." Sagot ko na lang sa kanila. Niyakap nila ako at napuno ang bahay ng masasayang pangyayari ng araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD