Chapter 4

725 Words
"Beh anong nangyari? Tanong agad ni Harold sa akin. "Bakit naman ang lungkot mo? Bakit bigla ka na lang iniwan ng mahal mo? May LQ kayo? Oi ang bestfriend ko talaga. Dapat happy ka. Ngiti ka na naman oh." Tudyo pa nya sa akin. "Best tanga ba ako? Pakiramdam ko, wala akong kwentang tao." Malungkot sagot ko. "Hoy Lexa Gonzales, ang napakaganda kong bestfriend. Ano na naman ba yang pinagsasasabi mo? Ganda ganda mo teh, tapos sasabihan mo lang na tanga ang sarili, mo! Haller ateng, kong bongga na maganda. Bagong graduate tayo, ang saya saya nga natin kanina, ngayon daig mo pang hindi nakagraduate sa itsura mo na yan? Parang bumagsak ka sa final exam sa lagay ng itsura mo ah. Pati ano ba iyang pinagsasasabi mo? Paano ka naman nawalan ng kwenta. Napakabuti mo kayang anak. Mabait na kaibigan at maaasahan. Alisin mo nga iyang gumugulo sa isipan mo." sabi n'ya sa akin, ng biglang nagbago ang tono at itsura n'ya ng nakita n'ya akong umiiyak. "Lex, ano bang problema? Oi. Nag-away ba kayo ni Luke? Nag-aalala na ako para sayo." Umiling lang ako, habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata ko. "Lex, hindi ka ok, bestfriend kita, kilala kita, ano bang problema? May sinabi ba si Luke na hindi maganda? Ano bang nangyari?" Sabi n'ya habang bumubuntong hininga. "Harold." Sambit ko at bumuntong hininga. "Alam mo namang nanliligaw si Luke sa akin di ba?" Tumatango s'ya habang nakikinig sa akin. "Oh, tapos. Anong nangyari at nagkakaganyan ka?" Sagot pa n'ya na halata ko ang pag-aalala niya sa akin. "Tinanong niya kung may pag-asa kami. Hindi ko s'ya sinagot tapos, sabi ko may boyfriend na ako. Tapos sabi ko ikaw ang boyfriend ko." Nagulat s'ya sa sinabi ko. "Lex! Kaya pala ang lungkot nung tao, tapos magagalit pa sa beauty ko. Tapos, di ba mahal mo! Bakit ganun ang sinabi mo? Hindi mo man lang binigyan ng chance. Ano ka ba bakla! Dapat hindi ganoon." Pag sesermon n'ya sa akin at niyakap n'ya ako. "So, ano ang plano mo? Hindi mo ba s'ya hahabulin? Gusto mo ako ang magsabi. Ako ang magpapaliwanag. Na mas bet ko s'ya kaysa sayo. Tahan na Lex, kaya mo yan ang puso mo. Ngiti na, mag-aalala n'yan ang mga magulang mo." Pag-along, biro pa n'ya sa akin, kaya napangiti ako kahit ang bigat ng nararamdaman ko. Pinahid ko ang mga luha ko, at ngumiti sakanya. "Sige na nga tara na, baka nag-aalala na sina mama at papa at bigla na lang akong nawala sa tabi nila." Sabi ko na lang kay Harold sabay ngiti. Pinalis kong muli ang mga luha sa aking mga mata. Ayaw ko na ring umiyak. Kahit papano, gusto kong maging masaya ang araw na ito. Lalo na at kasama ko si Mama at Papa. Nasa probinsya man si Kuya, alam kong masaya siya para sa akin. Dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Pagbalik namin ni Harold sa pwesto nina mama, ay nagprisinta muna siyang ihatid kami sa bahay na tinutuluyan ko bago kami umuwi, ng probinsya. Nahihiya pa ako kina tito at tita, mga magulang sa mga magulang niya. Pero mapilit si Harold. Kaya pumayag na kami. Matapos kung maayos ang mga gamit ko, ay nagpaalam muna ako sa landlady ng bahay na tinutuluyan ko. Apat na taon din akong namalagi doon. Kaya pati mga naging kapitbahay ko doon ay mamimiss ko. Matapos ang mahabang paalaman ay umalis na kami. Patungong terminal ng bus. Namimiss ko na rin si kuya. Gusto ko na ring siyang makita at si ate Kate. Wala kaming sinayang na sandali, at sumakay na kmi ng bus. Habang nakamasid sa aming dinaraanan, naalala ko na naman si Luke. Nalulungkot ako, pero hinihiling kong sana maging masaya siya. Pinalis ko ang lungkot na aking nadarama. Naalala ko na naman si Kuya, excited na akong makauwi. Gusto ko ulit silang kulitin ni Ate Kate na magpakasal na. Para magkaroon na ako ng pamangkin. Napangiti ako sa akin iniisip. Ngunit habang nasa byahe, bigla na lang nagsigawan ang mga tao. Napakabilis ng pangyayari, nakita ko lang sina mama at papa, hanggang sa bigla na lang nagkagulo ang lahat ng tao na sakay sa bus. Wala na akong nagawa kundi yakapin ang aking sarili. Sa hindi ko na nalaman na dahilan napapikit na lang ako at tuluyan ng nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD