Chapter 6

1070 Words
Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan, andito kami ngayon sa ospital, kabuwanan na ni ate Kate, hindi mapakali si kuya kasi sobra na s'yang nag aalala. Sampung oras ng naglalabor si ate Kate pero hindi pa din lumalabas ang mga doktor. Mahina ang katawan ni ate Kate, nahihirapan s'ya sa pagbubuntis n'ya, kaya tama lang ang desisyon kong samahan sila ni kuya at alagan si ate Kate hanggang ngayong manganganak na s'ya. Makalipas pa ang dalawang oras lumabas ang doktor, "sino po ang asawa ni Mrs. Gonzales?" Tanong ng doktor. Biglang tumayo si kuya, at sumagot. "Dok, ako po ang asawa n'ya. Kumusta po ang mag -ina ko.?" Biglang lumungkot ang mukha ng doktor. At bigla na lang akong natakot sa susunod n'yang sasabihin. "Maayos po ang lagay ng anak n'yo, ngunit ikinalulungkot ko, Mr. Gonzales, hindi kinaya ng asawa mo ang panganganak." Yon na lang ang nasabi ng doktor, at naglakad papalayo. Naiwang nakatulala si kuya, ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni kuya, nanlamig ang puso ko, nang makita ko ang mga luha sa mata ni kuya, mabilis s'yang pumasok sa loob, kung nasaan si ate Kate, doon lamang nailabas ni kuya ang pinipigilan n'yang iyak, para sa kanyang mahal na asawa. Hindi ko magawang tingnan ang sitwasyon nila. Si Ate Kate na namumutla at wala ng buhay. Habang si Kuya ay tahimik na umiiyak. Ngunit ramdam ang sobrang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng minamahal. Nalulungkot ako, pero wala akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko. Dahil kahit ako, hindi ko din matanggap ang pagkawala ni Ate Kate. Matapos ayusin at bayaran ang mga bayarin sa ospital, ako na muna ang nag-uwi sa anak ni kuya Liam at ate Kate sa bahay. Ramdam ko sa sobrang lungkot sa mga mata ni kuya. Siya na daw ang mag-aasikaso, para kay ate Kate. Nag-aalala man ako pero, wala naman akong magagawa. Walang mag-aalaga sa pamangkin ko. Ngunit kapapasok ko pa lang sa loob ng bahay, ng may tumawag na hindi kilalang numero, na rumehistro sa cellphone ko. Sinagot ko ang tawag, " hello po? Sino po sila?" Bilang sagot ko. "Kilala n'yo po ba si Liam Gonzales.?" Tanong ng nasa kabilang linya. "Opo, kapatid ko po s'ya. Ano pong nangyari sa kapatid ko?" Nanginginig na nagtataka at natatakot kong tanong sa kausap ko sa kabilang linya. "Ma'am pulis po ako, wala na po ang kapatid n'yo. Hindi po napansin ang mabilis na sasakyan sa kanyang pagtawid, at hindi na po umabot sa ospital." Sambit ng nasa kabilang linya. Hindi na ako nakasagot sa kausap ko sa kabilang linya, nabitawan ko ang cellphone ko. Nanginginig ako sa takot, sa lungkot at sa kaba. Pero kailangan kong tatagan, para sa baby nila. Tinawagan ko si Harold, at sinabi ko ang mga nangyari, dalawang araw mula ng magkausap kami, galing ibang bansa, pumunta s'ya dito sa probinsya para damayan ako, wala akong ibang masasandalan wala akong ibang malalapitan, kundi ang bestfriend ko. "Andaya mo naman kuya, iniwan na nga ako nina mama at papa, si ate Kate, tapos sumunod ka na kaagad. Bakit naman ang daya daya n'yo ni ate Kate, iniwan n'yo din ako kaagad. Hinayaan n'yo talaga akong mag-isa. Masama ba akong tao? Para iwanan n'yo ako kaagad ng sobrang bilis?" Sambit ko na lang habang umiiyak sa harap nilang dalawa. Ang baby nila hawak hawak ng bestfriend ko. Ilang araw pa ang lumipas at iniwan na talaga ako nina kuya Liam at ate Kate. Hinatid na namin sila sa huling hantungan. Naiwan sa akin ang kanilang anak, hindi ko alam kung papano magsisimula. Napakahirap, at sanggol pa ang anak nila, sa isang iglap iniwan s'ya ng mga magulang nila. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang akin pamangkin. Paano magsisimula, paano uusad ang buhay ko. "Ganun ba ako kasama? Para iwan ako nila ako ng bigla?" Nasambit ko na lang, hindi pa rin mawala ang mga luha sa mga mata ko, sobrang sakit. Napakasakit maiwan ng nag-iisa, ngayon si baby Kate Liam na lang ang kasa-kasama ko sa buhay. Isinunod ko ang pangalan ni baby Kate Liam sa pangalan nina kuya Liam at ate Kate. Para kahit wala na ang mga magulang n'ya, maramdaman pa rin ni baby Kate Liam ang pagmamahal ng mga magulang n'ya. "Beh, anong plano mo?" Basag ni Harold sa pagmumuni-muni ko. "Hindi, ko pa alam. Iniisip ko kung paano ko maaalagaan ng mabuti si baby Kate, gayong wala naman akong trabaho." Napabuntong hininga na lang ako. "Best, ganito na lang, baka gusto mong sumama sa akin sa Maynila, tapos na rin naman ang pinapagawa kong parlor, doon pwede kayong mag stay, sa taas lang ng parlor ko ang bahay ko. Wala naman akong kasama. Sa totoo, dapat iba ang magmamanage noon. Habang nasa ibang bansa pa ako, dahil sa sitwasyon mo, hindi ko kayang iwan ka ng ganyan, wag kang mag-alala, alam na ng mga magulang ko kung ano talaga ako, tanggap nila ako. Mahalaga lang daw eh wala akong naaapakan na tao, di syempre nga lang mga magulang ko lang ang nakakaalam ng kagandahan ko. (Sabay ngiti.) pati matanda na ako, at may sarili ng negosyo kaya, wala na rin naman silang nasabi, pa. So ano sa palagay mo? Sasama ka ba?" Mahabang litanya ni Harold. Napaisip din naman ako wala din naman akong trabaho sa probinsya. Kailangan ko din ng trabaho para sa amin ni baby Kate. "Sige, pumapayag na ako, salamat Harold ha. Mahahalikan na talaga kita." Sagot ko na lang sa kanya, habang iniiwasan n'ya ako sa paghalik sa kanya. "Stop, it! Lex!" Sigaw n'ya. "Kadiri ka kaya, ewww..." sabay irap nya sa akin, at nagtawanan kaming dalawa. Kahit nakakalungkot ang mga nangyari, nagagawa pa rin akong patawanin ng bestfriend ko. Hindi n'ya talaga ako iniwan. S'ya lang ang karamay ko ngayon sa kabila ng lungkot at pag-iisa na nararamdaman ko ngayon. Lumuwas kami ng Maynila, kasama si baby Kate, naging maayos naman ang buhay namin, kasama ang bestfriend kong si Harold, mahirap at hindi madali, pero para kay baby Kate Liam, gagawin ko ang lahat, mabigyan lang s'ya ng magandang kinabukasan. Para kay mama at papa, kay kuya Liam at ate Kate, ibubuhos ko lang buong pagmamahal ko sa anak nila, hindi lang bilang pamangkin, kundi parang tunay ko ng anak, hindi ko ipaparamdam na may kulang sakanya, kundi ipaparamdam ko ang buo kong pagmamahal, para sa aking si baby Kate Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD