Chapter 7

1009 Words
Six years na ang nakakalipas, buhat nung iniwan ako ni mama at papa. At apat na taon na buhat ng iwan kami ni baby Kate Liam ng mga magulang n'ya. Kailangan ko nga humanap ng magandang trabaho, papasok na sa pasukan ang baby ko. "Mommy, anong iniisip mo?" Tanong ng baby Kate ko, habang hinahalikan ang mga labi ko. "Wala baby, pero parang need na ni mommy humanap ng magandang trabaho, lumalaki ka na, need mo ng mag-aral, kailangan ni mommy ng magandang trabaho, para sa future ng baby Kate Liam ko, naiintindihan mo ba, baby ko." Malambing kong sagot sa kanya, habang magkadikit ang mga ilong namin. "Opo, mommy pero dapat sa malapit lang ha, para magkasama pa rin tayo, i love you mommy." Malambing n'yang sagot sa akin. "I love you too, baby Kate Liam ko." Sabay halik sakanya. Biglang pumasok si Harold sa loob ng kwarto. "Hi, papa Harold." Bati ni baby Kate kay Harold. "Hello, baby." Sabay halik sa noo ni baby Kate. "Harold, yang may alam ka bang company na kailangan ng empleyado, ganun. Need ko na rin kasing magkaroon ng magandang trabaho, para kay baby Kate, sa sunod na pasukan papasok na s'ya, kailangan kong maibigay ang mga pangangailangan n'ya." Panimula kong sabi sakanya. " Amm.. natatandaan mo ba yong ginagawang building, nung bagong balik natin dito sa Maynila? Ang alam ko magbukas na sila ngayon at naghahanap na sila ng mga bagong empleyado, sa tingin ko naman papasa ka, tapos ka naman sa pag-aaral, yon nga lang walang experience sa trabaho, pero try mo beh. GM Financing Company, sosyal ang dating ng company, magandang. Alam mo ng nakita ko ang pangalan nung company, naalala ko papa Luke." Mahaba n'yang litanya, sabay ngisi. " Ano namang kinalaman ni Luke, at bigla mong naalala, eh maghahanap lang naman ako ng trabaho?" Yon na lang ang naisagot ko. "Alam mo girl, kung hindi kita kilala, baka nga wala lang yon, kaso sa tagal nating magkaibigan, hindi ka na nagkaroon ng boyfriend, kasi ramdam na ramdam kong wala pa ring pumapalit kay papa Luke dyan sa puso mo." "Grabe ka ha, hindi pa pwedeng busy lang para sa anak ko? Sa baby Kate namin. Di ba baby?" Sabay tingin sa akin ni baby Kate at sagot ng "opo" kahit hindi naiintindihan ang sinasabi ko at busy s'ya sa paglalaro. "Yong totoo Lex, nakalimutan mo na ba si Luke?" Sabay tanung sa akin ni Harold na may mapanuring tingin. " Hindi, naman kasi yon ang tanung ko, bakit nakasama si Luke, sa pagtatanung ko sa paghahanap ng trabaho." Hindi ko naman sinasadya pero napansin ni Harold ang pagliwanag ng mukha ko at napangiti. "sinasabi ko na nga ba, eh? Yang mga mata mo, kitang kita ko Lex ang kinang. O sige ganito kasi yon tingnan mo ha, GM Financing Company, di ba, Gonzales,Monteverde Financing Company. Di ba ang ganda." Tudyo pa n'ya na parang kinikilig. "Hoy, Harold magtigil ka, kakahiya naman dun sa may-ari ng kompanya. Mag-aaply pa lang ako, tapos naging apelyedo ko na." Sagot ko na lang sabay irap. "Oi Lex, kung makatanggi ka sa pangalan ni papa Luke, parang hindi ka namumula, naku mamaya sunog na yang mukha mo sa sobrang pamumula mo." Sambit n'ya habang hindi mapigilan ang pagtawa. "Hindi no. Naku baka mamaya may girlfriend na yon, o baka naman may asawa na."sagot ko na lang. " Bakit bigla kang nalungkot? Ikaw kasi kung noon pa lang sinagot mo na si papa Luke, baka ngayon, happy ka na lalo, baka ngayon may kalaro na itong si baby Kate, hindi na malulungkot, di ba?" Sabay ngiti sa akin ni Harold. "Naku Harold ah, grabe ka sa akin, kumain na lang tayo, kaysa kung saan, pa mapunta yang mga iniisip mo, tara na baby Kate pakainin na kita, kain na tayo iwan na natin si papa Harold, masyadong madaming sinasabi." Binuhat ko na lang si baby Kate, at nakangiting iniwan sa kwarto si Harold. " Naku Mrs. Monteverde, sigurado naman akong hindi pa rin nakakalimot yang puso mo sa isang Luke Monteverde, bestfriend kita noh, kaya kahit anong deny mo, nararamdaman ko ang bawat pintig ng puso mo." Sigaw ni Harold sa akin, habang pababa sa bahay n'ya. Pero hindi ko maiwasang ngumiti sa mga sinabi n'ya. "Sana makita ko ulit s'ya, sana hindi pa talaga huli ang lahat." Nasambit ko na lang sa sarili ko. Kinaumagahan, maaga akong nagbihis, inayos ko ang mga papel na kakailanganin ko para sa paghahanap ng trabaho. Si Harold na lang daw muna ang bahala kay baby Kate Liam, total naman daw wala naman gaanong gawa at siya naman ang boss sa parlor n'ya. Napakalaki talaga ng utang na loob ko sa bestfriend ko na yon. Kaya mahal na mahal ko yon eh, hindi n'ya kami itinuring na iba ni baby Kate. Sa harap pa lang ng building malulula ka na kaagad sa taas nito. Nilapitan ko ang ang gwardya at kaagad naman n'ya akong napansin. " Ma'am, ano pong sa inyo?" Tanung agad sa akin ng gwardya. "Ay manong, magtatanung po sana ako kung hiring po kayo dito, nais ko po sanang mag-apply ng trabaho." Magalang kung sagot kay manong guard. "Ay ma'am pasok po kayo, lapit na lang po kayo sa information, sila po ang nakaalam nun."sagot lang ni manong guard."sige po, salamat." Ngumiti muna ako bago tuluyang pumasok at pumunta sa information. Pagdating sa information, sinabi ko na kaagad ang pakay ko sa kanila. Agad naman akong natuwa kasi naghahanap daw talaga sila ngayon ng mga bagong empleyado, lalo na ngayon at darating na ang boss nila, ang CEO ng kumpanya. Nangangailangan sila ng sekretarya para dito, at lahat ng nag-aaply kung hindi para sa ibang department, hindi naman pwedeng maging secretary ng CEO nila. Kaya masaya akong dahil sa nakatapos naman ako sa pag aaral, kahit medyo na late na sa mga pinag-aralan ko, anim na taon din akong hindi nakapaghanap ng trabaho, ay pwede na akong magsimula sa susunod na linggo, sabay sa pagdating ng CEO ng kompanya. Bilang Secretary ng CEO nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD