Chapter 10

1112 Words
Lex Mabilis lumipas ang mga araw, isang linggo na rin akong nagtatrabaho, maayos naman akong magtrabaho at mabilis ko din namang natutunan ang mga dapat kung ganwin. Hindi naman ako napapagalitan, kaya bonus ko na yon. Linggo walang trabaho kaya naisipan kong ipasyal si baby Kate sa mall, isang linggo na akong busy at wala akong panahon sakanya kaya kailangan kong bumawi sakanya. Lalo na at namimiss ko din naman ang mga oras na palagi kaming magkasama, ng hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Hindi na sumama si Harold, dahil busy daw s'ya sa parlor n'ya. Habang namamasyal, biglang tumakbo si baby Kate ng makita n'ya ang paborito n'yang bear, si grizzly bear. Sabagay napaka cute naman talaga ng bear na 'yon. Nabitawan ko s'ya, pero bago pa s'ya nakarating sa store may nabangga s'ya ng isang lalaki, kaya biglang napaupo si baby Kate. Nagulat din ako sa nangyari baka singhalan nito ang bata. Lalo na at mukha itong mayaman at strikto. Tumakbo na rin ako para, sundan s'ya at nag- aalala akong baka nasaktan ang baby ko. Umupo ang nakabangga ni baby Kate na parang nag-uusap sila. Mabuti na lang at hindi umiyak si Kate. "Sir." Biglang bati ko. "Pasensya na po sa pagkakabangga sa inyo ni baby, hind ko po kasi napigilan ang pagtakbo n'ya." Paghingi ko ng tawad, habang nakayuko. Hinawakan n'ya si baby Kate ay itinayo. "Mommy, hindi naman ako nasaktan, nagsorry na rin naman po ako." Biglang yakap sa akin ni baby Kate. "Lex." Tawag sa akin ng nabanggan ni baby Kate. Tumunghay ako at nakita ko s'ya. "Sir?" Nagulat akong makita s'ya dito. Nag mamall ng mag-isa. 'Anong ginagwa niya dito? Nag-a unwind? Ibang klase. Hilig din pala ng mga lalaking mayaman na mag mall mag-isa.' Anas pa ng isipan ko habang nakatingin kay Luke na nakatitig lang din sa amin. Namangha naman kasi talaga ako. Iyong iba kasi, na nakikita ko, palaging may kasamang girlfriend or asawa at mga anak. Pero s'ya. Ang galing solo flight. Isa pa sa opisina ibang iba ang awra n'ya. Grabe ang padating boss na boss pero ngayon mag-isa, na mukang hindi strikto na boss. Pero may malalim na iniisip na nakatingin sa amin ni Kate, kaya napangiwi na lang ako. "Anak mo?" Biglang tanung n'ya. Hindi ko malaman ang isasagot ko, kung tutuusin ako na ang kinalakhang magulang ni baby Kate hindi ko din maramdaman na hindi ko s'ya anak, maliban na lang sa hindi naman talaga s'ya sa akin nanggaling. Tumango na lang ako bilang sagot. Tatalikod na sana ako ng tinanung n'ya ulit ako. "Nag-asawa ka na pala?" Hindi naman ako nakasagot. "Kayo, pa rin ba ni Harold ang nagkatuluyan?" Malungkot pa niyang tanong. Lalong hindi na ako makasagot. Naalala pa rin pala niya iyong kasinungalingan ko sa kanya, anim na taon na ang nakakalipas. Na boyfriend ko noon si Harold. Pero kung maririnig ni Harold ang sinabi ni Luke. Sure paninindigang lalaki s'ya. Pero pag kami lang sure mandidiri na. Natawa pa si Lex sakanyang isipan sa mga naiisip niya ngayon. Nang biglang magsalita si baby Kate, "wala pong asawa si mommy, pero nakatira po kami kay papa Harold." Nakangiti n'ya sagot kay Luke. "Kate, di ba bilin ni mommy wag, sasali sa usapan ng matatanda?" Mabilis kong saway kay Kate. "Sorry po mommy." Sagot ng baby ko, ng magsalita ulit si Luke. "Ok lang naman, Lex, nakakatuwa naman itong baby mo. Anong pangalan mo baby?" Malambing na tanong ni Luke. "Kate Liam Gonzales po." Malambing namang sagot ni Kate dito. "Pwede, bang maging kaibigan ni Luke Monteverde si Kate Liam Gonzales?" Sabay lahad ng kamay kay baby. "Ok, lang naman po." Sagot ni baby Kate, at inabot ang kamay ni Luke at nakipagkamay. Nangiti ako, kay baby Kate, parang matanda kung kumilos at magsalita, naalala ko na naman si kuya Liam at ate Kate, kung andito lang sana sila, sobra silang magiging masaya kasama ng baby nila. Bigla akong nalungkot at natahimik ng tawagin ni Luke ang pangalan ko. " Lex, ok ka lang? " Nag-aalalang tanong ni Luke. Dahil ng maalala ko na naman si Ate Kate at Kuya, hindi ko na naman mapigilan ang lungkot na aking nadarama. "ah, Sir, ok lang po ako, may naalala lang po ako, pasensya na, alis na po kami." Nagmamadali kung sabi at akmang magsisimula na akong maglakad, pero hinawakan Luke ang aking kamay. "Lex, wag ka namang masyadong pormal, wala tayo sa opisina, Luke na lang." Sabay ngiti at hinayaan na n'ya akong maglakad papalayo sa kanya. Luke Ang cute, ng baby girl n'ya, pero anong dahilan at wala s'yang asawa, kung kailan nabuntis n'ya si Lex, pababayaan at basta na lang n'ya iiwan. Gago pala s'ya eh. Pero dahil sa gago na yon, pwede ko na talagang mapatunayan ang pagmamahal ko kay Lex, hindi mahalaga kung may anak na s'ya. Ang mahalaga ay mahal ko si Lex at mamahalin ko s'ya ng buong-buo, pati ang anak n'ya. Ganun akong kabaliw, katapat at kaseryoso sa pagmamahal kay Lexa. Hindi lang basta love at first sight ang naramdaman ko, noong makita s'ya sa unang pagkakataon. Kundi true love. Lex Pagkauwi namin sa bahay, nakatulog kaagad si baby Kate, napagod siguro. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Luke na wag ko na s'yang tawaging Sir, at wala naman sa opisina, hindi na rin ako nagtanung pa. Ay natural namang Sir itawag ko sakanya. Saan man tingnan, boss ko s'ya. "Kumusta ang lakad n'yo? Ang aga n'yo namang nakauwi? Akala ko nga magtatagal kayo ni baby Kate at ngayon lang ulit kayo nakapamasyal." Sunod-sunod na tanong ni Harold. Napabuntong hininga na lang ako. "Nakita ko si Luke sa mall, nabangga ni baby Kate habang tumatakbo, tapos yon." si Lex. "Anong tapos yon?" Tanong ulit n'ya habang tumatawa. "Di nakita na nga n'ya si baby Kate, sabi ko anak ko, tapos tinanung n'ya ako kung nagkatuluyan daw tayo." Napangiwi ako sakanya hanbang nagkukwento. "Tapos anong sabi mo? Eww tayo doon sa part na tinanong ka talaga niya, kung nagkatuluyan tayo? Grabe talaga sa akin yang si papa Luke." Tanung n'ya ulit habang parang kinikilig na, naiinis "Hindi ako sumagot, pero si baby Kate ang daldal s'ya ang sumagot sa tanung ni Luke." Sagot niya, na parang naging interesado sa susunod pa niyang sasabihin. "Na wala daw akong asawa, at nakatira kami dito sayo." Nabigla na lang s'ya sa sinabi ko at tumawa ng tumawa. "Love na love ko talaga si baby Kate, akalain mong, ang bibo bibo, mukhang nakakaamoy na ako ng lovelife sa bestfriend ko. Sure naman akong mahal ka pa rin noon. Single pa rin ba?." Tanong pa ni Harold habang hindi maiwasan ang kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD