Lex
Maayos ang unang araw ko sa trabaho, normal para sa akin, si Luke Monteverde na boss ko, at ako na empleyado n'ya. Hindi ko na nararamdaman ang dating Luke, na minamahal ako noon. Masyado na siyang seryoso, at boss na boss talaga ang dating.
Malimit naman siya na nakangiti. Pero hindi ko talaga maiwasan na mangliit sa sarili ko. Masyadong malaki ang agwat namin sa isa't isa. Kahit kailan, hindi talaga kami bagay.
Baka tama lang ang ginawa ko noon, na hindi ko siya sinagot. Kailangan kong tatagan ang nararamdaman ko, para walang makaalam. Nakakahiya naman, na may makapansin sa nararamdaman ko, na mahal ko s'ya. Sino naman kasing hindi magkakagusto sa lalaking iyon. Kahit napakatagal na ng huli naming pagkikita, hindi naman nawala, mula noon, lalo na hanggang ngayon na mahal ko s'ya.
Luke
Pagkalabas ni Lex ng opisina, hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Sa unang pagkakataon after six year, ngayon ko lang ulit naramdaman ang masiglang pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis, pero hindi ko lang pinahalata. Parang normal lang. Naging pormal lang ang pakikitungo ko sakanya.
Kahit ang totoo kong gusto gawin ay ang kabigin siya, at ikulong sa mga bisig ko. Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at halikan. Pero hindi ko gagawin dahil baka magulat siya, sa halip na mapalapit sa akin ay magalit pa ito at lalong lumayo sakanya.
Ang plano ko hahanapin ko s'ya, pupunta ako sa probinsya nila, pero andito s'ya sa harap ko, kasama ko bilang sekretarya ko. Sobrang nakakatuwa, lalo na at hindi ko akalaing, hindi ko na s'ya kailangang hanapin. Tadhana na ang naglapit sa akin, sa aking mahal.
Yong pakiramdam ko, na sobrang lungkot at pangungulila ay biglang naglaho nagliwanag at nagkaroon ng sigla ang puso ko ng masilayan si Lex muli. Hindi ko maipaliwanag, pero sobrang saya talaga ng puso ko. Nakakabakla mang aminin pero kinikilig talaga ako.
Sana hindi pa huli ang lahat, sana may pag-asa pa. Kung andyan na ang pag-asa, hindi ko na pakakawalan pa. Gagawin ko na ang lahat sa pagkakataong ito para maging akin s'ya. Ang aking si Lexa Gonzales Monteverde. Sarap pakinggan.
~~~
"Kumusta, ang first day? Ang tunay na first day. Nakilala mo na ang boss mo di ba?" Bati agad ni Harold pagkauwi ko sa bahay.
Hindi ako kaagad nakasagot, hindi ko alam kung sasabihin ko ba na si Luke ang boss ko o hindi na lang. Pero magtatanung at magtatanung talaga itong bestfriend ko na ito eh.
"Ano na? Matanda? Bata? Gwapo? Mukhang gangster? Ano na beh? Sa tingin ko matanda, na mukhang may pagnanasa sayo, kaya hindi ka makapagsalita."mahaba n'yang litanya.
Humarap ako sa kanya at napatitig sa kanya, pero blangko ang mukha ko habang sumasagot.
"Hindi s'ya matanda, hindi din mukhang gangster, hindi din matanda na may pagnanasa." Sagot ko.
"Ay ano ngang itsura n'ya?" Tanung n'ya ulit.
"Si Luke Monteverde ang boss ko, sekretarya n'ya ako." Walang buhay kung sagot sa kanya, pero ang puso ko sobrang kaba, dahil masaya akong makita ulit si Luke makalipas ang anim na taon.
Bigla sumigaw at tumili si Harold, at nagniningning ang mga mata na nagsasalita.
"Totoo? Si Luke mo ang boss mo? Si papa Luke? Oh my gosh! Grabe ang tadhana di ba? Ang liit naman ng mundo. Parang matutuloy na ang naudlot n'yong pagmamahalan. Excited na ako sa tambalang Luke and Lexa? Gagawa na ba ako ng fans club? Ang saya-saya." Walang preno n'yang sabi at bigla ko na lang s'yang binatukan.
"Aray! Masakit yon ha! Pag naalog itong utak ko." Singhal pa n'ya, na ikinatawa ko.
"Ikaw kasi, kung ano ano ang mga pinagsasasabi mo, malay ba natin kung may girlfriend na yon, o baka may asawa at mga anak na. Kaya hindi ako umaasa, pati masaya na ako sa baby Kate ko. Si baby Kate lang ay sapat na para sa akin. Kasama pa kita." Mahaba kong paliwanag sakanya.
"Pero, kung saka sakali lang ha. Malay mo naman single and ready to mingle. Paano kung manligaw s'ya ulit sayo, tapos seryoso naman talaga sayo? Tapos totoo namn talaga na mahal ka. Anong gagawin mo?"
Tanung n'ya sa akin, pero hindi ako kaagad nakasagot, paano nga ba? Pero magkaiba talag kami.
"Malayo ang pagitan namin. Boss ko s'ya, ako empleyado n'ya." yon na lang ang naisagot ko sa mga tanung n'ya. Hindi na rin naman s'ya nagtanung kasi alam na n'ya ang ibig kung sabihin. Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto para makapagpalit ng damit.
Lex
High school ako nun, ng may magtangkang manligaw sa akin. Mabait s'ya, gwapo at mayaman, pero ayaw ko ng maalala ang pangalan n'ya. Halos araw-araw sinusuyo n'ya ako. Sundo at hatid niya ako sa bahay namin. Ayaw daw niya akong mapahamak kaya gusto niya ako palaging ingatan, at masigurado ang safety ko.
Naramdaman ko naman ang senseridad sa pagkatao n'ya, doon ko naramdaman na mahal ko na s'ya, pero bata pa ako noon kaya natatakot akong mag boyfriend.
Pero pinag-isipan kong mabuti, bago ko s'ya sagutin at sa tagal ng paghihintay n'ya sinagot ko rin s'ya. Ilang araw mula ng sinagot ko s'ya, sobrang saya ng nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag yong mga, pag-aalaga n'ya sa akin tuwing magkasama kami, kaya lalong tumibay ang pagmamahal ko sa kanya.
Nagpaalam s'ya sa akin na hindi n'ya ako masasamahan para research sa project namin, ok lang naman at madali lang naman yon, basta may mapapagkunan ako ng idea, kaya naisip kung pumunta ng library, sa isang classroom na madadaanan ko, bago makarating sa library nakita ko s'ya kasama ng mga kaibigan n'ya.
Narinig ko ang mga tawanan, kaya nangiti ako. Habang papalapit ako may isang nagsalita at tinanung ang boyfriend ko, bigla akong nagtago sa tapat ng saradong pintuan upang hindi nila ako makita.
"Pare, kumusta naman ang panliligaw mo kay Lexa, napasagot mo na ba?" Natigilan ako, bakit parang may kakaiba sa tanung na yon.
"Pare, ganito kasi yan, oo girlfriend ko na si Lexa, kaya ngayon kami na. Nasaan na ang mga pusta n'yo, akin na. Nahirapan din ako sa babae na yon, sobrang pakipot, sasagutin din naman pala ako, akala ko talaga matatalo na ako, isang taon din akong nagpakahirap ha." Angal na sagot n'ya sabay tawa ng malakas at nagtawanan silang lahat, bigla kong binuksan ang pintuan, at natigilan silang lahat
"Manloloko ka! Pinaglaruan mo lang qng damdamin ko. Akala ko mahal mo talag ako, kasi naramdaman ko iyon. Pero napakasama n'yo. Napakasama mo! Wala kang puso!" Galit na sambit ko sa kanila, sa kanya.
Yan ang mga salitang lumabas sa bibig ko ng mga oras na yon. Isa lang ang tumatak sa isipan ko, ang mayayaman manloloko, paaasahin ka, dadalahin ka sa mabulaklak nilang dila, pag bumigay ka na, iiwan kang bigla. Wala silang mga puso. Puro paasa. Pagnakuha na nila ang loob mo. Iiwan ka, na parang basura.
Yan ang masakit na katotohan sa kabila ng masasayang nararamdaman, masasaktan ka din lang. Oo bata pa ako noon, pero nagmahal ako tulad ng sinasabi ng puso ko, pero nasaktan na ako, kaya mahirap magtiwalang muli ang puso ko.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng makarinig ng katok sa pintuan. Nakita ko ang aking anak na si Kate. Pinapatawag na daw ako ni Harold, dahil kakain na kami ng hapunan.