Maaga akong pumasok sa opisina, ayaw ko namang mas mauna pa ako sa boss ko, pero pagdating ko sa mesa ko, may nakita ako kaagad na bouquet ng pink na rosas.
Nangiti ako pero syempre baka naman napapatong lang, assuming ko naman, kaya tiningnan ko ang nakalagay na card,
"To: Ms. LEXA GONZALES"
"Seryoso? Ang aga naman nito, sobrang aga ko ng pumasok tapos halos wala pang tao, at may aayusin ako, tapos may mas nauna pa sa akin?"
Sambit ko sa sarili ko na may halong pagtatanung kung kanino galing ang mga bulaklak.
Ilang oras lang ang nakakalipas, dumating na rin ang ibang empleyado sa kumpanya, ang iba ay nagtatanung kung kanino galing ang bulaklak, ang iba naman ay parang kinikilig pa, nagkibit balikat na lang ako bilang sagot, wala naman kasi talagang nakalagay kung kanino galing yon.
Nakita ko din na paparating na si Sir Luke, bigla akong tumayo para bumati, pero bago pa ako nakapagsalita, nauna pa s'yang bumati sa akin.
"Good morning, sweetie sana nagustuhan mo yung mga bulaklak." Sabay kindat sa akin at hindi na n'ya ako hinintay magsalita at tuluyan na s'yang pumasok sa opisina n'ya.
Natulala na lang ako sa sinabi n'ya. "Sweetie? Tinawag n'ya akong sweetie? Ang sweet naman n'ya." Wika ko sa isipan ko. Wala namang nakarinig sa sinabi niya at sobrang busy ng lahat sa kani-kanilang mga trabaho.
Nung tanghalian aalis na sana ako, sa pwesto ko ng bigla akong tawagin ni Sir Luke, kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Sir, ano pang kailangan n'yo? Tanung ko muna sa kanya.
"Lunch na kasi, kaysa lumabas ka pa para kumain, dito ka na lang at sabayan mo ako, nagpadeliver na rin ako dito ng pagkain." Deri-deritso n'yang sabi.
"Ah Sir, nakakahiya naman, pwede naman po akong, kumain sa labas." Sagot ko, ng biglang may kumatok at napakadami n'yang dalang pagkain na sa tingin ko kayang makapagpakain ng anim na tao.
"Kami lang dalawa kakain nun?" Tanung ko bigla sa sarili ko. Nagpasalamat ang umalis na ang nagdala ng pagkain.
"Sweetie, wag ng makulit maupo ka na at kumain ka na. Kumain na tayo." Sambit ni Luke, habang inaayos na ilagay ni Dark ang mga pagkain sa table sa opisina niya.
"Ha!" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya at napangiwi. "Ano, po Sir?" Naguguluhan kong tanung. Pangalawang beses ko na kasing tinawag niya akong sweetie.
"Lex, hinayaan kitang iwan ako noon, pero ngayong nakita na ulit kita, hindi ko hahayaang masayang na naman ang pagkakataon, kahit may anak ka na, tanggap ko yon, lalo na at alam ko ngayon na wala kang asawa, kaya kong maging ama, sa anak mo. Gusto ko lang mabigyan ng pagkakataon d'yan sa puso mo. Seryoso ako Lex, hindi ako nagbibiro." Seryosong sambit ni Dark, habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Natigilan ako sa mga sinabi n'ya. Wala akong maisagot, totoo bang gusto pa rin n'ya ako hanggang ngayon?
"Lex." Basag n'ya sa katahimikan. "Hindi ko hinihingi kaagad ang sagot mo, sa ngayon kumain muna tayo bago pa lumamig ang pagkain, hindi ko ito kayang ubusing mag-isa." Sambit n'ya habang nakangiti sa akin at napapakamot sa ulo niya. Nahihiya man ako ay kumain na rin ako.
Halos araw araw na lang pagpasok ko sa opisina lagi na lang akong nakakatanggap ng bulaklak mula kay Sir Luke, syempre kinikilig din naman ako.
Babae pa rin naman ako, kahit papano.
Dumaan ang mga araw at lalo ko lang, nararamdaman ang pagmamahal ko kay Luke hindi ko man aminin.
Sobra na akong nalulunod sa pagmamahal na ipinapakita, at ipinaparamdam n'ya sa akin.
"Best." Tawag ko kay Harold.
"Bakit? May problema ka?" Biglang tanung n'ya.
"Tama ba itong nararamdaman ko? Buhat nung nagkita kami sa mall, at kahit may anak ako sa pag-aakala n'ya, at nalaman n'yang wala akong asawa, hindi na s'ya tumigil ng panliligaw sa loob nga lang ng opisina. Tama bang, magbigay ako ng chance? Mahaba kung sabi sakanya." Tanong ko kay Harold, at may paghampas pa sa balikat ko. Akala naman niya ang gaan ng kamay n'ya. Lalaki pa rin s'ya kahit pusong babae, masakit kaya.
"Ay baliw, kung mahal mo ipaglaban mo, hindi lahat ng lalaki tulad ng ex mo. Pag tunay kang nagmamahal maging handa kang masaktan, hanggat kayang ipaglaban, lumaban hanggat walang sumusuko go ka lang. Wag mong pahirapan ang sarili mo. Hindi mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal kung basta mo na lang iisipin ang pwedeng mangyari ng wala ka namang batayan." Paliwanag ni Harold. Malalim pero may puntong siya. Sabagay hindi naman lahat pare-parehi. baka naman talagang mahal ako ni Luke.
Lex
Hindi ako makatulog sa sinabi ni Harold, tama na man s'ya eh hindi lahat katulad nung walang kwenta kong ex, ay s'ya nga na bestfriend ko hindi ako iniiwan, s'ya pa ang nag-aalaga kay baby Kate, pag nasa trabaho ako.
Tama lang siguro na maging masaya naman ako sa buhay ko. Kahit ngayon lang susugal ako.
Pagkapasok ko sa opisina, busy na sa department namin, may gaganapin daw na welcome party.
Welcome party sa lahat ng empleyado. Hindi na nagawa nung una, kaya ngayong idadaos at kailangang pumunta ang lahat.
Simple lang naman ang party at gaganapin sa isang hotel, excited ang lahat kaso, paano ako pupunta, si Harold na nga ang nag-aalaga kay baby Kate, sa umaga, pati pa naman sa party na yon ipapaalaga ko pa rin si baby Kate. "Bahala na." Sabay buntong hininga.
Sa pagdaan ng mga araw, patuloy pa rin ang panliligaw ni Luke, napapansin na sa opisina ang mga sulyap at kilos n'ya sa akin.
Nahihiya naman ako sa kanila, baka kung ano ang isipin nila tungkol sa akin, pero hindi ko naman basta lang pwedeng dayain ang nararamdaman ko.
Lumalabas na rin naman kami minsan, nagdadate, palagi naman kaming magkasama sa trabaho, at palagi akong kasunod n'ya ako pa rin naman ang sekretarya n'ya.
Hindi naman ako nahihirapan sa trabaho, minsan nagagalit, pero nandon pa rin ang pagiging mahinahon n'ya kahit nagkakaproblema sa opisina.
"Lex." Tawag n'ya habang nagdadate kami. Napatingin lang ako sa kanya, na parang gusto kong magtanung pero hindi naman ako nakapagsalita.
"Lex, pwede mo ba akong bigyan ng chance para mahalin ka? Ikaw at ang baby mo? Will you be my girlfriend?" Natigilan ako sa sinabi n'ya. Naalala ko ang payo sa akin ni Harold, tinitigan ko s'ya saka ngumiti at tumango.
"Yes! Luke. I want to be your girlfriend. Thank you sa pagmamahal. Mahal din kita Luke." Sagot ko kay Luke na, ikinaliwanag naman ng mukha niya. Kitang kita sa mga mata niya ang saya.
Hindi ko malalaman ang tunay na pagmamahal kung hindi ako susugal, ngayon sumusugal na ako. Susugal ako para sa taong mahal ko. Sobrang saya ni Luke sa sagot ko, parang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko. Hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Pangako Lex, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, para mapaligaya ka. Pangako andito lang ako palagi para sayo, mahal na mahal kita. Mamahalin ko din ang anak mo, na para ko na ring tunay na anak. Thank you sa pagbibigay ng chancena maging akin ka. Mahal na mahal kita Lex." Mga salitang binitiwan ni Luke. Na lalong nakapagpasaya sa aking puso. Hindi ko akalain na ganoon pala kasaya na maging parte ng buhay ni Luke.
Oo nga at nasa simula pa lang kami. Pero massabi kong hindi masama na pagbigyan ko naman ang sarili ko, ang puso ko na mahalin si Luke.