Chapter 1

1004 Words
Maaga akong nagising ng araw na iyon, kailangan ko na ring pumasok. Unang araw pa naman ng pasukan, at huling taon sa college. Ito ang isa sa pinangrap ako, ang makarating sa puntong malapit ng matupad ang mga pangarap ko. Excited din ako makikita ko na naman ang manliligaw kong crush ko. Na kahit gustong-gusto ko siya, pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi naman siguro masamang magkagusto ka sakanya, campus crush nga siya eh. Lahat halos ng mga babae na school may gusto sakanya. Isa lang naman ang ikinaayaw ko sakanya, mayaman sila. Bigla akong nalungkot. Tuwing maiisip ko ang bagay na iyon, bigla lang akong napabuntong hininga ng biglang nag ring ang cellphone ko. Hindi ko ito pinansin noong una, pero talagang hindi tumigil sa pagtunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, si mama. (Lex asan ka na?) tanong agad ni mama pagkasagot ko. Alam ko namang kasalanan ko din kung bakit ako tinanghali. Nawili kasi akong magbasa ng story ng paborito kong author, may bago siyang update. "Andito pa po sa bahay, mama." Sagot ko, pero sa totoo lang sobra na akong nagmamadali, alam ko namang malalate na akong talaga, pag nagmabagal pa ako. (Ikaw na bata ka fourth year college ka na, pero ang kilos mo pang elementary. Bilisan mo na unang araw sa eskwela late ka.) Bulyaw na naman sa akin ni mama, na ikinaungos ko lang, nagmabagal lang elementary na kaagad. "Opo, ma', pero hindi na ako bata. Dalaga na kaya ako." Maktol ko pa kay mama ng marinig kong susundqn na naman niya ang sasabihin kaya inunahan ko na. "Paalis na po ako ma'. Bye na po. Love you po, miss ko na kayo ni papa at si Kuya. " Bigla ko na lang binaba ang tawag ni mama at hindi na naman ako titigilan ni mama sa sermon n'ya sobrang aga. Nangiti na lang ako, "mahal na mahal talaga ako ni mama." Nakangiting sambit ko, habang palabas ng bahay, at sinimulan ko ng maglakad. Malapit na ako papasok ng gate ng makita ko na naman ang first love kong, si Luke Monteverde. Hindi ko talaga maiipagkaila ang kagwapuhang taglay niya, bigla na lang akong natulala tuwing nakita ko s'ya. Mabuti na lang at kahit ganoon hindi pa rin niya ako nahuhuling natutulala sakanya. " Lex!" Sambit n'ya, na nakapagpabalik sa katinuan ko. Nagulat pa ako sa pag tawag n'ya. Pero sure akong hindi niya nakita na, dahil kung nakita n'ya. sure, nakakahiya. Napansin ko na lang ang paglapit niya. Pero kung tutuusin napakaswerte ko dahil sa dami ng babaeng nagkakagusto sakanya, kahit hindi kami, pakiramdam ko ako pa rin ang pinibili niya. "Lex, sabay na tayo." Pag-aaya niya sa akin, na ikinapula ko naman bigla. "A..ah sige." Nauutal ko pang tugon dahil nahihiya talaga ako sakanya. Habang tahimik kaming naglalakad, doon niya ako muling tinanong. "Hmm... Lex hindi naman sa minamadali kita. Isang taon na lang graduate na tayo. Gusto ko lang malaman kung may pag-asa ba ako sayo?" Hindi ako nakapagsalita, natigilan ako sa sinabi n'ya. Gustong-gusto kong sabihin na crush ko s'ya o pwede din mahal ko s'ya. Pero iyong nararamdaman ko, natatakot ako. Nakakatakot naman na magmahal ng mayaman. Ito palagi ang pumapasok sa isipan ko. Ang mayayaman kasi mapaglaro, baka mamaya hamakin lang ako ng pamilya n'ya, alam ko namang mahirap lang kami, at mayaman sila. Malayo ang agwat ng katayuan namin sa buhay. Langit s'ya, lupa ako. Nakapag-aral lang naman ako dito sa eskwelahan na ito gawa ng scholarship. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit papano ay namaintain ko ang mga grades ko, at ngayon nga forth year college na ako sa kursong Business Management. Nalungkot na lang akong bigla sa mga naalala ko. "Lex." Tawag ulit niya na ikinalingon ko sakanya. "May problema ba?" Tanung tanong pa ni Luke na ikinailing ko naman. "Okey lang naman, wala namang problema." nakangiting sagot ko pa sakanya. "Tulala ka kasi, ang lalim ng iniisip mo. Hindi naman kita minamadali, sa sagot mo. Maghihintay ako." Nakangiting sambit ni Luke na, lalong nagpakabog sa puso ko. Nginitian ko na lang din s'ya bilang tugong ng magulat akong may biglang humawak sa kamay ko. "Lex, sabay na tayo sa pagpasok malalate na tayo." sambit ni Harold, na halos napaiktad pa ako sa gulat. "Oh Harold ikaw pala, ang sama mo nagulat talaga ako, mabuti nalang wala akong sakit sa puso." reklamo ko pa dito, na ikinatawa lng niya at ikinahwak sa ulo ko. "Hi Luke, ikaw pala. Sama ko na si Lex ha, medyo late na talaga kami. Mauna na kami sayo." Sabi ni Harold kay Luke sabay hila sa kamay ko. Hind na nakapagsalita si Luke at umalis na kami. Tinanaw ko na lng muli si Luke, habang papalayo kami sakanya. Nakita ko ang pagsunod niya ng tingin sa amin ni Harold, habang magkahawak ang kamay. Si Harold ang bestfriend ko. Unang araw ko palang noong first year ako dito sa school wala talaga akong kaibigan, lalo na at halos karamihan ng nag-aaral dito ay mayayaman, hanggang sa makilala ko si Harold, magkaklase kami, at magkatabi lang ang upuan namin. Sobrang ding gwapo at agaw pansin din sa school.Isa ding campus crush, at masasabi kong pumapangalawa kay Luke sa kagwapuhan. Isa lang naman ang masasabi kong hindi maganda sakanya, lalaki din type n'ya. Pero ang lihim niya, ako lang nakakaalam. Sa school isa s'ya sa pinagkakaguluhan at pinag-aagawan at tinitilian ng mga babae. Isang kindat lang ni Harold, parang hindi nalalayo ang paghanga ni dito at kay Luke. Pero pag kami lang dalawa, ni Harold, ayon lumalabas ang paggiging babae daw niya, naiilabas ang tunay na s'ya. Hindi nakakailang kasama si Harold, mas lalo ko pa nga itong minamahal na parang tunay na kapatid. Kaya mahal na mahal ko itong bestfriend ko na ito. Hindi n'ya ako pinapabayaan, sa mga nang-aaway sa akin dito sa school noon, siya ang tagapagtanggol ko, kahit mga magulang ko kilala na siya, at si Kuya. Napaka makapag-alaga ding kaibigan, daig pang boyfriend ko, na gusto ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD