Chapter 2

644 Words
Luke Ilang oras na rin ako dito sa bahay, habang patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang magandang litrato ni Lex, hindi ko maiwasang mapangit. Sa mga babaeng nakilala ko, sakanya lang tumibok ang pihikang puso ko. Para sa akin, siya lamang ang pinaka maganda sa paningin ko. Matagal ko na ring pinag-iisipan kong paano ko makukuha ang puso ni Lex. Mula ng makita ko s'ya. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko noon. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Pero simula ng makita ko s'ya. Parang gusto kong aminin na naniniwala na ako ngayon. "Ano kayang dapat kung gawin, para mapasagot ko si Lex." Ito ang palagi kong tanong sa aking isipan. Mga paraan para magkagusto siya sa akin, para mahulog din ang puso niya sa akin. "Hindi naman siguro ako mukhang manloloko, pati sa totoo, seryoso naman talaga ako sakanya. Matagal ko na rin s'yang sinusuyo kaso palaging nakaaligid itong si Harold. Sa alam ko bestfriend lang sila, pero kung makadikit, parang... basta ewan. Ayaw kung isipin kasi mahal ko talaga si Lex. Unang beses ko pa lang s'yang nakita tumibok na ang puso ko, hindi ko maipaliwanag pero kakaiba, na para bang humihinto ang mundo ko pag nakikita s'ya.Kalalaki kong tao pero kinikilig ako pag nakikita s'ya. Pero hindi ko masyadong ipinahahalata pag nakikita s'ya nahihiya pa rin ako. Hindi ako titigil, hanggat hindi s'ya nagiging akin. Akin lang s'ya. Akin lang si Lexa Gonzales. Mahal ko s'ya. Mahalna mahal." Mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Yan na lang ang panghahawakan ko. Pangako ko sa sarili ko. Nangingiti lang talaga akong mag-isa pag naiisip ko ang babaeng mahal ko. "Lex." Napatigil ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang pagtawag ni Luke. Napatingin ako sakanya, at nangiti ako, ng makita ang kanyang gwapong mukha. "Bakit Luke? May kailangan ka?" Nakangiting tanong ko sakanya. "Ano kasi." Parang nahihiya pa niyang tugon. Sabay kamot n'ya sa ulo. "Ano ba yon?" Tanong ko pa, pero sa totoo lang. Kinikilig ako sa presensya pa lang ni Luke, pero hindi ko pinapahalata. "Lex." Seryosong sambit niya sa pangalan ko kaya naman, napatitig ako sakanyang mukha. "Hindi naman sa minamadali kita, kaya lang graduation na bukas, gusto kong malaman kung ano ang sagot mo sa panliligaw ko sa'yo. Gusto kong malaman kong mahal mo din ba ako? Dahil totoo ako sa nararamdaman ko sayo, walang halong biro, walang halong bola. Mahal kita Lexa. Mahal na mahal." Seryosong sinasabi niya sa akin na nakatitig sa aking mga mata. Natulala ako sa sinabi n'ya, hawak nya ang kamay ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ako nakasagot, at walang lumabas sa aking bibig ni isang salita. Tumahimik ang paligid at parang tumigil ang aking mundo. Masaya ako sa narinig kong mahal din niya ako. Mahal ko s'ya, yon ang sinasabi ng puso ko. Pero ang utak ko tumatanggi. Natatakot pa rin akong magmahal. Lalo na at alam ko ang katayuan namin sa buhay. Malayo, malayong-malayo. Mayaman sila, pero ako isang probinsyanang, walang maiipagmalaki sa buhay. "Lex" basag ni Luke sa katahimikan. "Hihintayin ko ang sagot mo, mahal na mahal kita. Lex, palagi mong tatandaan na totoo ako sa nararamdaman ko sayo. Sana pakinggan mo ang puso kong, kumakatok sa puso mo." Nakangiting sambit ni Luke, bago tuluyang umalis, at iniwan na ako. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mga mata, mga mata ng tunay na nagmamahal, pero may kirot pa rin sa puso ko. "Paano kong pinaglalaruan lang n'ya ako, paano kong hindi s'ya totoo at sasaktan lang din n'ya ako. Lahat na lang may kaba may takot, handa na ba akong magmahal ulit. Handa na ba akong sumugal?" Mga tanong sa isipan ko, na talagang hindi ko pa rin malaman sa sarili ko ang sagot. Kailangan ko ba talagang matakot? Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa langit. "Kaya ko na ba talagang magmahal ulit?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD