It's been six years buhat nung huli ko syang nakita. Matagal na rin, pero hindi ko s'ya makakalimutan. Ewan ko ba at ang pasaway kung puso hindi makalimot.
Hindi naman naging kami, pero iyong pakiramdam na namimiss ko siya palagi, hindi nawawala sa puso ko. I'm Lexa Gonzales twenty nine, ako ngayon. Parang ang sarap na ring mag isip para sa future, iyong makakasama mo ang lalaking mahal mo, lalo na at dalawang taon na lang mawawala na ang edad ko sa kalendaryo.
Pero pag naiisip ko ang nakaraan. Masasabi kong masaya na ako ngayon kasama si Liam Kate at ang bestfriend kong si Harold. Silang dalawa na lang ang pamilya ko. Kaya naman mahal na mahal ko sila, kahit minsan nandoon ako sa point na nakakahiya na rin kay Harold. Si Harold ang naging katuwang ko sa buhay, lalo na ng mawala ang mga magulang ko, si Kuya at ang pagdating ni Kate sa buhay ko. Walang wala akong malalapitan ng panahon na iyon, pero dahil kay Harold kinaya ko ang lahat.
Naaalala ko pa, first day of school namin ng college noon, kaya masaya ako. Isa ito sa pinakamagandang school na napasukan ko.
Nakita ko siya noon, na iniisip ko bigla na sana sa akin siya nakatingin, dahil kung titingnan ko talaga sa pwesto ko siya nakatingin. Hindi ko maipagkakaila na nahulog ang loob ko sa mga matang iyon. Pakiramdam ko matutunaw sa kilig ang puso ko. Hindi ko pa siya noon kilala, kaya pinilit kong malaman ang pangalan niya ng hindi nakakahalata ang iba, lalo na s'ya.
Crush ko sya? Baka nga mahal na agad siya, ng maharot kung puso, since first day of school. Gwapo, matangkad, moreno at masasabing pang modelo, artistahin ang dating. Siya si Luke Monteverde, at magka batch lang kami.
Pero pamilya daw nila ang may-ari ng paaralang pinasukan ko, kaya nalungkot din ako, nakakapanghinayang. Hindi pa rin mawala ang isip ko na lahat ng mayayaman manloloko. Iyon ang isinisiksik ko sa utak ko, dahil masakit maloko, ang bata ko pa noon pero nagmahal lang naman ako.
Nakapasok lang naman ako dito sa paaralang pagmamay-ari ng pamilya ni Luke dahil sa scholarship na natanggap ko. Nakapasa ako ng minsang magpa exam sila noon sa probinsya kong saan ako nag-aaral at ako ang isa sa maswerteng napili nila na makapag-aral ng libre dito.
Kaya ipinangako kung magtatapos ako ng pag-aaral para makaahon sa hirap, masakit ding mapaglaruan, lalo na kung ang puso mo ang gagawing pustahan. Pero hindi lang naman para sa akin ang pangarap ko, gusto ko talagang matulungan ang pamilya ko, na magkaroon ng maginhawang buhay, makasama lang sila ay isa sa pinamasayang yugto na ng buhay ko.
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay napansin n'ya ako, at sinimulang ligawan. Hindi naman sa pagmamaganda, may itsura din naman ako pero natatakot ako, lalo na at mayaman sila. Nakakatakot lang baka paglaruan lang din niya ako.
Kahit kailan hindi lalapag ang bituin sa lupa. Iyan ang palaging nasa isipan ko. Baka mamaya, paglalaruan lang n'ya ang damdamin ko. Natatakot pa rin akong sumugal kahit nararamdaman kong totoo siya sa mga pinapakita at ipinaparamdam niya sa akin. Malungkot pero tinibayan ko ang loob ko. Binigyan nya ako ng panahon hiningi nya ang sagot ko sa araw ng graduation namin.
Pagkatapos ng graduation pinuntahan nya ako para hingin ang sagot ko. Gusto kung omoo kaso natatakot. Natatakot baka hindi sya totoo. Pero hindi ko lang sya gusto, mahal ko sya, simula pa noong una ko siyang nakita.
Sa pag bukas ng aking bibig, bigla kung nakita ang best friend kong, ako lang ang nakakakilala sa tunay n'yang katauhan. Isa siya sa mga maituturing na lalaking lalaki, pero babae ang puso. Walang nakakaalam kasi natatakot syang mabunyag ang tunay nyang pagkatao, kaya sekreto lang.
Papalapit sya sa amin at nakangiti. Kinawayan ko si Harold at nginitian. Hanggang sa humarap akong muli kay Luke.
Hindi ko alam pero, hindi ko din inaasahan ang mga lumabas sa na salita sa akin.
"Sorry Luke, may boyfriend na ako si Harold." Iyon lamang ang nasabi ko. Napatingin pa rin siya kay Harold na nakangiti habang papalapit sa amin.
Bumaling ang kanyang tingin sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya. Masakit, sobrang sakit pero babawiin ko ba? Bigla akong inakbayan ni Harold ng makalapit siya sa amin.
" Beh, bakit bigla kang nawala hinahanap ka na nina tita at tito." Mahinang sambit ni Harold na alam kong narinig ni Luke.
Tumalikod sya at hindi na nagsalita. Gusto ko syang habulin at sabihin ang tunay kung nararamdaman, pero nanghihina ako, bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"Sana mahanap mo yong babaeng hindi duwag sumugal sa pagmamahal. Baka nga hindi mo na malaman na mahal kita, simula pa lang noong una kitang makita. Malungkot pero, sana kung magkikita tayong muli masaya ka na, hindi man ako ang dahilan matatanggap ko. Wag ko lang muling makita yong mga lungkot mata mong dumurog sa puso ko."
Mahinang sambit ko, habang nakatingin sa kaya habang naglalakad, at unti-unting lumalayo sa akin.
Yun ang huli naming pagkikita.......