Kabanata 30

2530 Words
MARIRINIG sa kabuuan ng klinika ang pagsigaw ng kumukulong tubig sa maliit na heater. Nakalagay iyon sa mataas na mesang naroon sa sulok. Sa tabi ng mesang iyon nakatayo ang alalay ni Aristhon na si Ismael, binantayan nito ang pagkulo ng tubig mula nang isaksak nito ang heater. Hindi na ito umalis pa sa kinalalagyan. Mistula itong naging estatwa na hindi gumagalaw. Ang mga mata talaga nito ay nakatutok sa lumalabas na singaw. Walang magawa si Benjo kaya nakaupo lamang siya sa swiver chair na kumukulo ang tiyan. Samantalang ang kasama nilang si Aristho ay nakahiga sa isa mga kama na nakapikit ang mga mata. Ang mga braso nito ay magkatagpo sa matigas nitong dibdib. Sa lalaki nakatutok ang kaniyang mga mata dahil pagkahanggang sa mga sandaling iyon laman pa rin ng isipan niya ang sinabi nitong nagkakilala na siya dati pa. Iyon nga lang wala talaga siyang matandaan. Wala naman siyang ibang maisip na dahilan kung paano siya nakilala nito kundi ang pagiging alagad ito ng kaniyang ama. Sa narinig na pagsigaw ng tubig tmayo siya sa kinauupuang swivel chair. Humakbang siya patungo sa kinatatayuan ni Ismael. "Luto na ba?" ang naitanong niya kaagad dito kahit hindi pa man siya nakadidikit nito. Lumingon sa kaniya si Ismael na masama ang tingin hawak ang unang pakete ng noodle na pula ang pabalat. "Masyadong ata. Nakikita mo namang kakakulo pa lang ng tubig," sambit nito sa kaniya nang buksan na nito ang hawak na noodle. "Hindi naman sa tubig ang problema," hirit niya naman dito nang makatayo na siya sa mesa. "Masyado ka lang talagang mabagal." Lalong sumama ang tingin nito sa kaniya. "Kung ganiyan lang naman pala ang sasabihin mo, ikaw na lang sana ang nagluto rito," reklamo naman nito nang alisin nito ang takip ng heater. Inulublob nito sa kumukulong tubig ang unang noodle matapos alisin sa balot. Sinunod nito ang pangalawang buksan. Sa nakikita niyang kabagalan nito, kinuha niya na lamang ang panghuling noodles. Siya na ang kusang nagbuksan niyon. Pumutong ng mahina ang balot nang hilahin niya iyon. "Ikaw kaya ang nag-presinta na magluto. Pagkatapos ngayon ng nagrereklamo ka. Hindi magandang pag-uugali iyan. Baguhin mo na." Inabot niya rito ang binuksan niyang noodle. Tinanggap naman nito ang kaniyang binibigay kahit na naiinis ito sa kaniya. Mas mahalaga nga rin namang makapagluto ito dahil naghihintay nga rin naman ang lider nitong si Arithon. Isinabay na lamang nito ng lublob ang dalawang nahuling noodles. "Ganiyan mo pa ako kausapin ngayon samantalang tinulungan kita kagabi. Hindi ka pa nagpapasalamat," paalala nito sa kaniya nang ibinalik nito ang takip na gawa sa salamin. "Sinabi ko ba sa iyo na tumulong sa akin?" ganti niya naman dito na nakatingin sa heater. "Saka ikaw ang nakakalimot sa ating dalawa. Sinunod mo lang naman ang utos ni Aristhon hindi para tumulong. Hindi mo ako maloloko." Sinalubong nito ang kaniyang tingin. Tumalim ang titig nito na hindi niya rin naman inatrasan. Nagkasubukan nga silang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Walang gustong magpatalo kaya tumagal iyon nang ilang minuto habang niluluto ang mga noodles. Ito ang kusang sumuko nang umapaw ang tubig sa heater. Nagmadali itong alisin ang takip ng heater kaya napasigaw na lamang ito. Nakalimutan nito gamitin ang sapin na papel kaya napaso ang dalawang daliri ng hawaka sa takip. Binitiwan nito nang nagmamadali ang takip at hinipan ang mga namunulang daliri. "Kasalanan mo ito. Istorbo ka kasi." Hinipan pa rin ang napasong daliri. Tinulak niya ito sa balikat kaya napahakbang ito nang palayo sa kaniya. "Huwag mong isisi sa akin ang katangahan mo," banat niya naman dito na siyang dahilan kaya bumusangot ang mukha nito. "Kapag wala lang talaga rito si Boss, ibinuhos ko sa iyo ang tubig," pagbabanta nito sa kaniya na mayroong galit sa boses. Nakuha pa nitong lingunin ang natutulog na si Aristhon nang makasiguradong hindi marinig ng lider ang nauna nitong sinabi. "Para namang magagawa mo kahit wala siya rito." Kinuha niya ang mga condement na isa-isa niyang binuksan sabay buhos sa heater. Hindi pa man humahalo ang condement nasisinghot niya na ang amoy na lalong nagpagutom sa kaniya. Kumulo ang kaniyang tiya nang nakailang ulit kaya napapalunok siya ng laway. Inabot niya rin ang malaking kutsara na siyang pinanghalo niya't inilagay ang takip na walang sapin. Napapatingin na lamang sa kamay niya si Ismael. Hinihipan pa rin nito hanggang sa sandaling iyon ang namumula nitong daliri. "Makakabawi rin ako talaga sa iyo. Maghahanap lang ako ng tiyempo," sabi nito sa binabalak na gawin sa mga susunod na araw. Hindi rin naman siya kinakabahan sa naging pagbabanta nito sa kaniya. "Hihintayin ko iyang sinasabi mo dahil nakakaawa ka," simple niyang sabi rito. Naging mas matalim ang kaniyang salita para rito. Hindi nga ito nakatiis kaya inalis nito ang takip ng heater. Inalis kapagkuwan sa pagkasaksak, pagkaraa'y ibininuhos nito ang sabaw ng noodles. Napaatras naman siya sa ginawa nito ngunit tinamaan pa rin siya sa kaniyang kamay. Hindi naman malaki ang natapon ngunit sapat na iyon para mapaso ang kaniyang balat. Dumikit pa sa kaniyang kamay ang ilang hibla ng mga noodles. Ibinalik din naman nito sa mesa ang heater nang maramdaman na namab nito ang initi ng dalawang hawakan niyon. Tiningnan niya ang kamay na napaso. Namumula na iyon nang mga sandaling iyon. Inilipat niya kapagkuwan ang atensiyon kay Ismael na nagtatakang nakatingin sa kaniya. Sinusubukan talaga nito ang galit niya. Hindi nga siya nag-aksaya ng sandali na lapitan ito na blangko lamang ang kaniyang mukha. "Huwag kang lumapit sa akin," sabi nito nang umatras ito nang ilang hakbang. Hindi naman niya ito pinakinggan. Pinalusot niya lamang sa dalawang tainga ang pinagsasabi nito. Balak niya rin sanang pasuin ito sa mukha naman nito ngunit hindi na niya naituloy nang marinig niyang magsalita si Aristhon. "Ano ang ginagawa niyong dalawa?" ang tanong nito mula sa kinahihigaang kama. Dilat na ang mga mata nito nang sandaling iyon. Inalis na rin nito ang dalawang braso sa matigas na dibdib. "Imbis na intindihin niyo iyang niluluto niyo nag-aaway pa kayo. Mababad ang noodles. Inuuna niyo pang mag-iringan." Sa takot ni Ismael nagmadali na nga itong alisin ang heater sa sasaksakan. Pinabayaan na lang din niya ito sa pagbalik niya sa swivel chair. Naupo siya roon siya ring pagbangon ni Aristhon. "Mukhang maganda ang tulog mo," puna niya rito nang ipatong niya ang kaniyang siko sa mesa't nagpangalumbaba. Sinulyapan siya ng lalaki sa lumabas sa kaniyang bibig. Kumilos ito't naupo sa gilid ng kama habang isinusuot ang sapatos. "Paano mo naman nasabi?" pag-usisa naman nito sa kaniya. Inayos nito ang suot na polo't nagkamot sa likuran ng ulo. "Wala lang. Maganda ang kompleksiyon ng mukha mo," dagdag niya rito. "Dahil ba sa wala na si Gustavo? Nabawasan ang tinik sa iyong lalamunan." "Marahil," ang tinatamad nitong sabi. Napatutok ang mata nito sa namumula niyang kamay. "Ano ang nangyari riyan sa kamay mo?" ang naitanong nito. Doon niya pa lamang napagtanto na napaso nga pala ang kaniyang kamay. "Ito ba?" Pinagmasdan niya ang pulang-pulang kanang kamay. "Binuhusan ni Ismael ng sabaw," pagbibigay alam niya rito. Nilingon ni Aristhon ang alalay nito dahil sa nasabi niyang iyon. Pinagmasdan nito nang maigi si Ismael. Natigalgalan naman si Ismael sa paglabas nito ng tatlong bowl mula sa debuhista kasama ang mga kutsara. Inilapag nito iyon sa mesang mayroong gulong. "Kasalanan naman niya iyan. Ginugulo niya ang pagluluto ko imbis na manahimik," pagtatanggol nito sa sarili nang itulak nito ang mesa patungo sa kamang kinauupuan ni Aristhon. Umirit ang gulong ng mesa sa maputing sahig na malinaw na maririnig buong klinika. Napabuntonghininga na lamang nang malalim si Aristhon na mapapansin sa pagbagsak ng mga balikat nito. Ibinalik nito ang atensiyon sa kaniya. "Lagyan mo ng ointment mo iyan. Porket hindi ka nasasaktan hindi mo siya gagamutin." Tumayo ito mula sa kama na siya ring paghinto ng mesa. Nilampasan lang nito ang mesa sa paglalakad nito. Napapasunod na lang siya ng tingin dito habang masama naman ang tingin sa kaniya ni Ismael. Lumapit ito sa kabinet na kinalalagyan ng mga gamot. Naging maingay ang paghahanap nito matapos buksan ang mga kabinet. Nang makita nito ang oitment lumapit ito sa kaniya't tinapon nang paabot iyon. Nagawa niya rin namang nasalo iyon bago pa man mahulog sa sahig. "Madalas ka ba rito sa klinika? Alam mo kung saan mga nakalagay ang mga bagay na kakailanganin mo?" ang naisipan niyang itanong kay Aristhon. Nilingon siya nito nang bumalik ito ng kama. "Oo. Madalas nga ako rito dahil sa tahimik," sagot naman nito sa kaniya nang maupo na ito ulit sa kama na siya ring paghawak nito sa kutsara. Tiningnan pa nito si Ismael na nakatayo lang sa kabilang ibayo ng mesa. "Ano pa ang ginagawa mo riyan? Kumuha ka na bago pa lamig." Sa narinig nagmadaling hinila nga ni Ismael ang kahoy na upuan. Pumuwesto siya sa tabi ng mesa't naghintay na matapos sa paglalagay ng noodles sa bowl si Aristhon. Samantalang siyang naman ay inabala ang paglalagay ng ointment sa kaniyang namumulang kamay. Nang matapos siya lumapit na rin siya sa mesa na hindi tumatayo, pinaandar niya lang swivel chair. Iniwan niya sa mesa ng doktor ang ointment. Hindi pa man siya nakakalapit sa mesa pinagsalin na siya ni Aristhon ng noodles sa kaniyang bowl. "Itigil mo nga ang pagsisilbi sa akin," sabi niya rito nang hawakan nito ang kutsara. "Hindi porket alam ko na kilala mo ang ama ko magbabago nga ang pakikutungo mo." "Hindi ko naman ginagawa ito dahil sa kilala ko ang ama mo." Hinawakan niya ang kamay niya't inilagay doon ang kutsara kaya napapatitig na lang sa kanila si Ismael. "Gusto ko lang gawin." Binawi niya ang kamay rito dahil hindi pa rini nito pinapakawalan. Hindi niya nagustuhan ang sinasabi nito dahil hindi naman siya lumpo para pati sa pagkain tulungan siya nito. "Kung hindi ko lang alam ang pag-uugali mo baka maniwala pa ako," ang naisatinig niya nang humigop siya ng sabaw ng noodles gamit ang kutsara. Dumaloy sa kaniyang lalamunan ang init mula sa kaniyang bibig. "Ikaw, kung iyan ang gusto mo. Hindi naman kita pinipigilan," sabi naman nito sa paghigop nito ng sabaw na mayroong kasamang tunog. Hindi niya na rin masyadong inusisa pa ito sa bagay na iyon. "Paano pala kapag nalamang ako ang pumatay kay Gustavo?" ang naisip niyang sabihin sa pagkain niya ng noodles. "Hindi ko malulusotan iyon." "Huwag kang mag-alala, walang makakaalam maliban sa aming dalawa ni Ismael," sabi nito sa patuloy nitong pagkain sa noodles. Ibinaling nito ang atensiyon sa alalay. "Ginawa mo rin naman nang maayos ang iniutos ko sa iyo, hindi ba?" Natigil sa pagkain si Ismael at mabilisan lumunok. Iniangat nito ang tingin mula sa bowl at sinalubong ang mga mata ni Aristhon. "Oo, Boss. Inilibing ko ang mga katawan ng tatlo sa likuran ng dating klinika," pagbibigay alam ni Ismael sa kanila ni Aristhon. Napatango-tango si Aristhon indikasyo ka sapat na ang narinig mula kay Ismael. "Mabuti naman," ang naisatinig pa nito. Hindi na nasundan pa ang pag-uusap nila nang bumukas ang pinto. Napalingon siya rito nang pumasok ang warden samantalang ang dalawang kasama niya ay patuloy lang sa pagkain. Hindi alintana ng mga ito na naroon ang warden. Natigil pa siya sa pagkain ng noodles nang isara nito ang pinto. Matapos nitong bumitiw lumapit na ito sa kinalalagyan nilang mesa na malalaki ang paghakbang. Tumayo ito sa likuran ni Ismael nang tuwid na nakatingin kay Aristhon. "Ano ang nagdala sa iyo't umagang-umaga ay narito ka na?" ang tanong ni Aristhon na hindi inaangat ang tingin mula sa kinakain. Huminga nang malalim ang warden upang pakalmahim ang sarili. "Hindi sa lahat ng pagkakataon maitatago ko ang ginagawa mo. Puwede bang huwag ka nang pumatay. Sigurado akonnf pinatay mo siya kaya wala siya sa kaniyang selda," ang nasabi nito kay Aristhon. Pinagpatuloy niya ang pagkain sa kaniyamg pakikinig sa usapan naman ng dalawa. Tuluyan namang huminto si Aristhon sa pagkain na bumubukol ang kanang pinsgi. Iniangat na nito ang tingin at pinagmasdan nang mariin ang warden. "Sinabi ko nga sa iyo, hindi ako ang pumatay kay Gustavo," sabi naman ni Aristhon kahit na may kaman ang bibig. "Inisip mo sanang nakatakas lang siya kasama ang dalawa niyang alagad nang hindi mo nalalaman." Lalong bumukol ang pisngi nito sa pagsasalita nito. Hindi na naging maganda ang mukha nito. Nagsalubong ang dalawa nitong kilay na mistulang naging uod. "Walang ibang magpapangahas na pumatay dito sa piitan ko kundi ikaw lang," sabi nito na puno ng tiwala sa mga naging salita. Inaangkin nga naman talaga nito ang piitan kahit nagtratrabaho lang naman ito doon. Mahihirapan nga itong hanapin ang tatlong katawan dahil wala namang ibang nakasaksi sa nangyari sa lumang klinika. Sa pagkakataong iyon nawawala na nang gana si Aristho na makipag-usap sa wardan. Ito naman ang napapabuntonghininga nang malalim. "Nasabi ko na sa iyo ang totoo. Hindi ka pa rin naniniwala. Huwag kang mag-aalalang maalid ka sa posisyon mo dahil lang nawawala si Gustavo. Lalong bumigat ang paghinga ng warden. "Sino naman ang pumatay kung nagkakamali ako?" ang tanong nito na mayroong galit. "Hindi ko lang alam. Dito ka pa talaga naglalabas ng kulo ng dugo mo. Dapat matuwa ka pa nga kung patay na nga siya kasi nabawasan na ang sakit ng ulo mo rito sa piitan." "Matutuwa pa rin naman ako kahit papaano. Ang sa akin lang paano ko na naman maipapaliwanag ang nangyari?" "Iyon lang ba ang prinoproblema mo?" pagsisimula nito sa mahabahaba nitong sasabihin. "Madali lang lusatan iyan. Sabihin mong mayroong gumanti sa kaniya nang binalak niyang tumakas nang gunawa siya ng usok." "Hindi lang ganoon kadali na kumbinsihin ang mga matataas sa akin?" ang pagbibigay diin ng warden. "Ano pa bang magagawa nila kung wala talaga silang mahanap na bangkay?" ang nasabi naman ni Aristhon. "Maniniwala na lamang sila. Magtiwala ka sa sinasabi ko." "Sana nga lang tama ka," pagsuko na lamang ng warden. Lumingon ito sa kaniya kaya tiningnan niya lamang ito na blangko ang mga mata. Inalis din naman nito kaagad sa kaniya ang tingin at ibinalik kay Aristhon nang magsalita ito. "Alam mo rin naman sigurong hindi mo akong idiin sa pagkawala niya?" paalala ni Aristhon sa bigla pagseryoso ng tinig nito. "Hindi ko nakakalimutan," ang nasabi naman ng warden. Ngumisi nang manipis si Aristhon. "Mabuti naman," saad nito't inilabas ang pansindi't kaha ng sigarilyo mula sa bulsa. Wala nang ano pa mang lumabas sa bibig ng warden sa paglalakad nito patungo sa pinto. Nakuha niya pa itong ihatid ng tingin hanggang sa makahawak ito sa busol. Nilingon siya nito nang lumabas na ito ng pintuan na mayroong ngiti sa labi. Kumunot ang kaniyang noo sa nakita niya rito. Napatitig na lamang siya nang mariin sa pinto pagkasara nga niyon. Naaalis niya lang tingi rito nang sipain ni Aristhon ang kaniyang paa para pukawin ang kaniyang atensiyon. Imbis na sabihin dito ang gumugulo sa kaniyang isipan muli na lamang siyang kumain ng noodles habang mainit pa rin iyon. Sinabayan niya si Ismael na hindi pa rin tumitigil na para bang hindi ito nakakai pa ng noodles sa buong buhay nito. Nakuha pa nitong mag-unat ng kamay matapos lumunok na ikinailing ng kaniyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD